Pumunta sa nilalaman

Wikang Kastila

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kastilang wika)
Espanyol, Kastila
español, castellano
Bigkas/espaˈɲol/, /kasteˈʎano/ - /kasteˈʝano/
RehiyonMga bansa at teritoryo na gumagamit ng Espanyol:
 Argentina,
 Bolivia,
 Chile,
 Colombia,
 Costa Rica,
 Cuba,
 Republikang Dominikano,
 Ecuador,
 El Salvador,
 Gineang Ekwatoryal,
 Guatemala,
 Honduras,
 Mexico,
 Nicaragua,
 Panama,
 Paraguay,
 Peru,
 Puerto Rico,
 Espanya,
 Uruguay,
 Venezuela,
 Western Sahara
at may kapansin-pansing bilang ng populasyon sa
 Andorra,
 Belize,
 Gibraltar,
 Pilipinas,
at
 Estados Unidos.
Mga natibong tagapagsalita
Pangunahing wikaa: 450[1]– c. 400 million[2][3][4]
Kalahatan a: 400–500 milyion[5][6][7]
aLahat ng mga bilang ay humigit-kumulang lamang.
Latin (Halaw sa Kastila)
Opisyal na katayuan
22 mga bansa, Nagkakaisang mga Bansa, Unyong Europeo, Organisasyon ng mga Amerikanong Estado, Unyong Latin
Pinapamahalaan ngAsosasyon ng Mga Akademya ng Wikang Kastila (Real Academia Española at ng iba pang 21 mga akademya ng pambansang wikang Espanyol)
Mga kodigong pangwika
ISO 639-1es
ISO 639-2spa
ISO 639-3spa

Ang Kastila o Espanyol ay isang wikang Romanse na umunlad mula sa bulgar na Latin na kasapi sa angkan ng mga wika na Indo-europeo. Ito ay kabilang sa pangkat ng Iberyano at nagmula sa “Castilla”, ang kaharianang medyebal ng Tangway ng Iberia. Nagbuhat sa Espanya at ngayon ay ang pangunahing wika ng Amerikang Ispano.

Ito ang Ikalawa sa pinakasinasalitang kong wika sa buong mundo kasunod lamang ng Tsino, at pang-apat na pinakasinasalitang wika sa buong mundo sa pangkalahatan pagkatapos ng Ingles, Tsino at Hindi. Ang Kastilá din ang pangatlong ginagamit na wika sa mga website sa internet pagkatapos ng Ingles at Tsino.

Pangunahing sinasalita ang wika sa Espanya at Amerikang Ispano, pati na rin sa mga pamayanan na nagsasalita ng Kastila na naninirahan sa iba't-ibang mga bansa, sa Nangagkakaisang Bayan ng Amerika na may humigit-kumulang na 40-milyong tagapagsalita. Sa ilang mga bansa na dati ay nasa ilalim ng pamamahala ng Espanya kung saan ang Kastilà ay hindi na ang karamihan o opisyal na wika, patuloy nitong pinapanatili ang malaking kahalagahan sa pang-kultura, kasaysayan at madalas na pangwika na kahulugan, na naging kaso ng Pilipinas at ilang mga isla ng Karibe.

Ito ay isa sa anim na opisyal na wika ng Nangagkakaisang Bansa. Ito rin ay isang opisyal na wika sa maraming pangunahing mga organisasyong pangdaigdig - ang Unyong Europeo, ang Unyong Aprikano, ang Organisasyon ng mga Estadong Amerikano, ang Organisasyon ng Estadong Ibero-Amerikano, ang Kasunduan sa Malayang Kalakalan ng Hilagang Amerikano (NAFTA), at iba pa.

Klasipikasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang wikang Kastilà ay myembro ng sangay na pamilya ng Romanse ng pamilya ng mga wikang Indo-Europeo at isa sa mga wikang nag-ugat sa Latin.

Madaling maiaangkop ang ponolohiya ng Tagalog sa Kastila. Gayumpaman, ang mga sumusunod ay ang ilan sa mga pinakamahalagang pagkakaiba:

(base sa Wastong Pambalitang Kastila ng Mehiko)

  • Ang eu ay binibigkas na /ew/ at hindi /e·u/ o /yu/: eucaristía /ew·ka·ris·tí·ya/.
  • Ang güe at güi ay binibigkas na /gwe/ at /gwi/: Argüelles /ar·gwé·lyes/, pingüino /ping·gwí·no/.
  • Hindi binibigkas ang h, maliban kung kasunod ng c: historia /is·tor·ya/, pero coche /kó·tse/.
  • Ang ng ay binibigkas na /ng·g/ at hindi /ng/: inglés /ing·glés/, tango /táng·go/, fritanga /fri·táng·ga/, singapur /sing·ga·pur/.
  • Magkasintulad ang bigkas ng v sa b at hindi ito binibigkas nang /v/: voluntario /bo·lun·tá·ryo/.
  • Ang w ay maaaring bigkasin na /v/ o /gw/: Walhala /val·á·la/, whisky /vís·ki/ o /gwís·ki/, wafle /vá·fle/ (karaniwan sa mga salitang-hiram lamang; hindi ito katutubong titik)
  • Ang z ay hindi binibigkas na /z/, kundi bílang /s/ (o /th/ sa hilagang Espanya).

Hindi likás sa wikang Kastila ang mga titik k at w.

Espanyol Tagalog Pagbigkas
mundo daigdig [mun-do]
canción awit [kan-syon]
teléfono pantawag [te-le-fono]
agua tubig [ag-wa]
fuego apoy [fwe-go]
libro aklat/pluma [li-bro]
lápiz panulat [la-pis]
casa bahay [ka-sa]
cama tulugan [ka-ma]
vida búhay [bi-da]
papel kalastas [pa-pel]
cocina lutuan [ko-si-na]
padre ama [pa-dre]
madre ina [ma-dre]
niño laláki [nin-yo]
niña babae [nin-ya]
comida pagkain [ko-mi-da]
grande malaki [gran-de]
pequeño maliit [pe-ken-yo]
noche gabí [no-tse]
mañana umaga [man-ya-na]
día araw [di-ya]
mes buwan [mes]
enero Sapar [e-ne-ro]
febrero Pebrero [feb-re-ro]
marzo Marso [mar-so]
abril Abril [ab-ril]
mayo Mayo [ma-yo]
junio Hunyo [hun-yo]
julio Hulyo [hul-yo]
agosto Agosto [a-gos-to]
septiembre Ramadlan [sept-yem-bre]
octubre Oktubre [ok-tub-re]
noviembre Nobyembre [no-wiem-bre]
diciembre Disyembre [di-syem-bre]
lunes lunes [lu-nes]
martes martes [mar-tes]
domingo linggo [do-min-go]
pero ngunit/subalit/marahil [pe-ro]
porque kasi [por-ke]
pero ngunit/subalit/marahil [pe-ro]
para para [pa-ra]

Distribusyong heograpiko at mga diyalekto

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Kastila ay isa sa mga wikang opisyal ng Nangagkakaisang Bansa, Unyong Europeo at Unyong Aprikano.

Ang Mehiko ang may pinakamaraming tagapagsalita nito na nasa bílang na 100 milyon. Ang sumunod ay ang mga bansang Kolombiya (44 milyon), Espanya (41 milyon), Arhentina (39 milyon) at Estados Unidos (30 milyon).

Kastila ang opisyal at pinakamahalagang wika sa 21 mga bansa: Argentina, Bolivia (koopisyal sa Aymara), Chile, Colombia, Costa Rica, Cuba, Ecuador, El Salvador, Espanya (koopisyal sa Katalan, Galego at Basko), Guatemala, Gineang Ekwatoriyal, Honduras, Mehiko, Nicaragua, Panama, Paraguay (koopisyal sa Guaraní), Kanluraning Sahara, Peru (koopisyal sa Quechua at Aymara), Puerto Rico, Republikang Dominikano, Uruguay at Venezuela.

Ito ay mahalaga at ginagamit, ngunit walang opisyal na status, sa Andorra at Belize.

Ito ay ginagamit ng karamihan sa mga taga-Gibraltar (na inaangkin ng Espanya), pero ang Inggles ang nananatiling tanging opisyal na wika ng kolonya.

Sa Estados Unidos—na walang kinikilalang tanging opisyal na wika—ang Kastila ay ginagamit ng ¾ ng populasyon nitong Ispano. Ito rin ay pinag-aaralan at ginagamit ng maliit ngunit mabilis na lumalaking bahagi ng populasyong di-Ispano nito bunga ng pag-usbong ng negosyo, komersyo, at politikang Ispano.

Ang Kastila ay may mga tagapagsalita rin sa Antilyas ng Nederlandiya, Aruba, Canada, Israel (kapwa Kastila at Ladino o Hudeokastila), Kanluraning Sahara, hilagang Maruekos, Trinidad at Tobago, Turkiya (Ladino), at US Virgin Islands.

Sa Brasil, kung saan ang salita ay Portuges, ang wikang Kastila ay nagiging pangalawa o pangatlong wika sa mga kabataang estudyante at propesyonal. Ang popularidad nito sa bansa ay dahil na rin sa maraming pagkakahalintulad ang dalawang wika at pati na rin sa halos lahat ng karatig bansa ng Brasil ay Kastila ang gamit.

Sa Pilipinas, kung saan ang paggamit nito ay bumababa ng husto sa mga nakalipas na dekada, tinanggalan ng opisyal na katayuan ang wikang Kastila noong 1973. Bagamat tadtad ng katutubong salita at Inggles ang mga wika sa Pilipinas, nanatili pa rin ang Kastila sa wika tulad ng sistema ng pagbibilang, pananalapi, pagsasabi ng oras, ng edad, atbp. Pati ang sistemang kalendaryo ng Pilipinas ay isang bersyon ng Kastila. Gayunpaman, ang natatanging kryolyong Kastila-Asyatiko, ang Wikang Zamboangueño o Wikang Chavacano ng Zamboanga at Wikang Caviteno o Chavacano ng Cavite, ay ginagamit ng 292 630 mga Pilipino (senso ng 1990) sa ilang rehyon sa isla ng Mindanao at sa isang rehyon sa kalapit-timog ng Maynila sa isla ng Luzon. Ang ibang mga wika sa Pilipinas ay naglalaman din ng maraming hiram na salitang Kastila.

Ang Mundong Hispano
Mga bansang may mga populasyon ng mga Hispaniko
Alphabetical Order Bílang ng mga tagagamit
  1. Alemanya (410,000)
  2. Andorra (40,000)
  3. Arhentina (41,248,000)
  4. Aruba (105,000)
  5. Australia (150,000)
  6. Austria (1,970)
  7. Bagong Selanda (26,100)
  8. Belize (130,000)
  9. Beneswela (26,021,000)
  10. Bulibiya (7,010,000)
  11. Bonaire (5,700)
  12. Brasil (19,700,000)
  13. Curaçao (112,450)
  14. El Salvador (6,859,000)
  15. Ekwador (10,946,000)
  16. Equatorial Guinea (447,000)
  17. Espanya (44,400,000)
  18. Estados Unidos ng Amerika (41,000,000)
  19. Guwatemala (8,163,000)
  20. Guyana (198,000)
  21. Guyana Pranses (13,000)
  22. Hayti (1,650,000)
  23. Hapon (500,000)
  24. Honduras (7,267,000)
  25. Israel (160,000)
  26. Italya (455,000)
  27. Canada (272,000)
  28. Kanluraning Sahara (341,000)
  29. Kuwait (1,700)
  30. Kolombiya (45,600,000)
  31. Kosta Rika (4,220,000)
  32. Kuba (11,285,000)
  33. Libano (2,300)
  34. Mehiko (106,255,000)
  35. Morocco (960,706)
  36. Nicaragua (5,503,000)
  37. Olanda (17,600)
  38. Panama (3,108,000)
  39. Paraguay (4,737,000)
  40. Peru (26,152,265)
  41. Pilipinas (2,900,000)
  42. Pinlandiya (17,200)
  43. Portugal (1,750,000)
  44. Portoriko (4,017,000)
  45. Pransiya (2,100,000)
  46. Republikang Dominikano (8,850,000)
  47. Rumaniya (7,000)
  48. Rusya (1,200,000)
  49. Suwesya (39,700)
  50. Swisa (172,000)
  51. Timog Korea (90,000)
  52. Trinidad at Tobago (32,200)
  53. Tsile (15,795,000)
  54. Tsina (250,000)
  55. Turkiya (29,500)
  56. United Kingdom (900,000)
  57. Urugway (3,442,000)
  58. US Virgin Islands (3,980)
  1. Mehiko (106,255,000)
  2. Kolombiya (45,600,000)
  3. Espanya (44,400,000)
  4. Arhentina (41,248,000)
  5. Estados Unidos ng Amerika (41,000,000)
  6. Peru (26,152,265)
  7. Beneswela (26,021,000)
  8. Brasil (19,700,000)
  9. Tsile (15,795,000)
  10. Kuba (11,285,000)
  11. Ekwador (10,946,000)
  12. Republikang Dominikano (8,850,000)
  13. Guwatemala (8,163,000)
  14. Honduras (7,267,000)
  15. Bulibiya (7,010,000)
  16. El Salvador (6,859,000)
  17. Nicaragua (5,503,000)
  18. Paraguay (4,737,000)
  19. Kosta Rika (4,220,000)
  20. Portoriko (4,017,000)
  21. Urugway (3,442,000)
  22. Panama (3,108,000)
  23. Pilipinas (2,900,000)
  24. Pransiya (2,100,000)
  25. Portugal (1,750,000)
  26. Hayti (1,650,000)
  27. Rusya (1,200,000)
  28. Morocco (960,706)
  29. United Kingdom (900,000)
  30. Hapon (500,000)
  31. Italya (455,000)
  32. Equatorial Guinea (447,000)
  33. Alemanya (410,000)
  34. Kanluraning Sahara (341,000)
  35. Canada (272,000)
  36. Tsina (250,000)
  37. Guyana (198,000)
  38. Swisa (172,000)
  39. Israel (160,000)
  40. Australia (150,000)
  41. Belize (130,000)
  42. Curaçao (112,450)
  43. Aruba (105,000)
  44. Timog Korea (90,000)
  45. Andorra (40,000)
  46. Suwesya (39,700)
  47. Trinidad at Tobago (32,200)
  48. Turkiya (29,500)
  49. Bagong Selanda (26,100)
  50. Olanda (17,600)
  51. Pinlandiya (17,200)
  52. Guyana Pranses (13,000)
  53. Rumaniya (7,000)
  54. Bonaire (5,700)
  55. US Virgin Islands (3,980)
  56. Libano (2,300)
  57. Austria (1,970)
  58. Kuwait (1,700)

Mga panghalip Tagalog sa Ingles at Kastila

[baguhin | baguhin ang wikitext]

syon -> tion/sion -> ción/sión

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kastilang Tagalog Ingles Kastila Tagalog
aksiyon action acción kilos
aplikasyon application aplicación
bersiyon version versión
depinisyon definition definición kahulugan
deklarasyon declaration declaración panunumpa
deliberasyon deliberation deliberación
direksiyon direction dirección
donasyon donation donación kaloob, ambag
edukasyon education educación pag-aaral
eleksiyon election elección halalan
eksplorasyon exploration exploración paggalugad
impormasyon information información kabatiran
kalkulasyon calculation cálculo
klasipikasyon classification clasificación pag-uuring
kumbensiyon convention convención kapulungan
kombersyon conversion conversión pagbabagong-loob
komisyon commission comisión
komunikasyon communication comunicación pahatiran
koneksiyon connection conexión ugnayan
kontribusyon contribution contribución ambag
konstitusyon constitution constitución saligang batas
korupsiyon corruption corrupción pangungurakot
kumpirmasyon confirmation confirmación
pinalisasyon finalization finalización pagtapos
polusyon pollution polución karumihan
posisyon position posición katungkulan
punsiyon function función tungkulin
reserbasyon reservation reserva pasubali
rebolusyon revolution revolución himagsikan
seksiyon section sección pangkat
sitwasyon situation situación kalagayan
sirkulasyon circulation circulación

dad -> ty -> dad

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kastilang Tagalog Ingles Kastila Tagalog
unibersidad university universidad pamantasan
kalidad quality calidad
kantidad quantity cantidad dami
realidad reality realidad katotohanan
aktuwalidad actuality actualidad

ismo -> ism -> ismo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kastilang Tagalog Ingles Kastila Tagalog
organismo organism organismo tataghay/mayuhay
komunismo communism comunismo kalamaan
sosyalismo socialism socialismo malalipunan
liberalismo liberalism liberalismo makaharlika
kapitalismo capitalism capitalismo

ista -> ist -> ista

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kastilang Tagalog Ingles Kastila Tagalog
sosyalista socialist socialista
peryodista journalist periodista mamamahayag
piyanista pianist pianista

iko -> ic -> ico

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kastilang Tagalog Ingles Kastila Tagalog
demograpiko demographic demográfico
heograpiko geographic geográfico
fotograpiko photographic fotográfico
diplomatiko diplomatic diplomático
awtomatiko automatic automático
publiko public público

isasyon -> isation -> ización

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kastilang Tagalog Ingles Kastila Tagalog
organisasyon organisation organización kasapian
sosyalisasyon socialisation socialización pagsasapanlipunan

o -> cian -> o

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kastilang Tagalog Ingles Kastila Tagalog
politiko politician político

te -> t -> te

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kastilang Tagalog Ingles Kastila Tagalog
bakante vacant vacante
independiyente independent independiente malaya, nagsasarili
dependiyente dependent dependiente
konstante constant constante
pasaporte passport pasaporte

yal -> ial -> ial

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kastilang Tagalog Ingles Kastila Tagalog
industriyal industrial industrial pangkapamuhayan
materyal material material

wal -> ual -> ual

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kastilang Tagalog Ingles Kastila Tagalog
indibidwal individual individual sarili
bilingguwal bilingual bilingüe dalwikaan

ulo/ro -> le/re -> ulo/ro

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kastilang Tagalog Ingles Kastila Tagalog
prinsipyo principle principio simulain, alituntunin
artikulo article artículo
partikulo particle partícula
sirkulo circle círculo bilog
litro litre litro
metro metre metro
teatro theatre teatro dulaan
miyembro member miembro kasapi

ya -> y -> ia

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kastilang Tagalog Ingles Kastila Tagalog
monarkiya monarchy monarquía karahahan
anarkiya anarchy anarquía
ekonomiya economy economía
pamilya family familia angkan
demokrasya democracy democracia madlakasan
historya history historia kasaysayan
memorya memory memoria alaala
impluwensiya influence influencia
industriya industry industria
sekretarya secretary secretaria kalihim
Pinlandiya Finland Finlandia
Taylandiya Thailand Tailandia Ayuttaya
Islandiya Iceland Islandia
demograpiya demography demografía
heograpiya geography geografía
fotograpiya photography fotografía
biyolohiya biology biología haynayan
ponolohiya fonology fonología palatunugan

titik + yo -> letter -> letra + io

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kastilang Tagalog Ingles Kastila Tagalog
kalendaryo calendar calendario talaarawan
komentaryo commentary comentario
boluntaryo voluntary voluntario kusang-loob

titik + a -> letter + e -> letra + a

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kastilang Tagalog Ingles Kastila Tagalog
kultura culture cultura kalinangan
estruktura structure estructura

titik + o -> letter -> letra + o

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kastilang Tagalog Ingles Kastila Tagalog
konsepto concept concepto
diyalekto dialect dialecto
símbolo symbol símbolo sagisag
proseso process proceso
argono argon argón
karbono carbon carbono
kriptono cripton criptón
neono neon neón
atomo atom átomo
kongreso congress congreso
kritiko critic crítico manunuri
Kastilang Tagalog Ingles Kastila Tagalog
titik + a -> letter -> letra + a
musika music música tugtugin
pulitika/politika politic política
problema problem problema suliranin
programa programme programa
sistema system sistema pamamaraan
alarma alarm alarma hudyat
prutas fruit fruta bunga
tableta tablet tableta
matematika mathematics matemáticas sipnayan
pisika physic física liknayan
kimika chemistry química kapnayan
titik + o -> letter + e -> letra + o
telepono telephone teléfono hatinig
senado senate senado
lehislatibo legislative legislativo
administratibo administrative administrativo
uniberso universe universo sansinukob
imberso inverse inverso kabaligtaran

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Encarta-Most spoken languages". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-10-31. Nakuha noong 2008-12-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Ciberamerica-Castellano". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-01-04. Nakuha noong 2008-12-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "El Nuevo Diario". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-01-04. Nakuha noong 2008-12-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Terra Noticias
  5. Universidad de México[di-maaasahang pinagmulan?]
  6. Instituto Cervantes ("El Mundo" news)
  7. "Yahoo Press Room". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-01-26. Nakuha noong 2008-12-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Spanish". ethnologue.
  9. Pinakawiniwikang mga wika, Nations Online
  10. Pinakawiniwikang mga wika Naka-arkibo 2008-10-06 sa Wayback Machine., Ask Men
  11. "Mga wika ng Encarta na winiwika ng mahigit sa 10 milyong mga tao". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-10-31. Nakuha noong 2008-12-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Wikipedia
Wikipedia