Pumunta sa nilalaman

Linyang Oga

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Linyang Oga
Buod
Ibang pangalanLinyang Oga Namahage
LokasyonPrepektura ng Akita
HanggananEstasyon ng Oiwake
Estasyon ng Oga
(Mga) Estasyon9
Operasyon
Binuksan noong9 Nobyembre 1913 (1913-11-09)
May-ariJR East
Ginagamit na trenKiHa 40 series
Teknikal
Haba ng linya26.6 km
Luwang ng daambakal1,067 mm (3 ft 6 in)

Ang Linya ng Oga (男鹿線, Oga-sen) ay isang linyang daangbakal sa Hapon na pagmamay-ari ng East Japan Railway Company (JR East). Pinag-uugnay nito ang Estasyon ng Oiwake sa Akita, Prepektura ng Akita sa Estasyon ng Oga sa Oga, Prepektura ng Akita. Linyang Oga Namahage ang ibang pangalan ng linya.

Binuksan ang seksyon ng Oiwake - Oga sa pagitan ng 1913 at 1916.

Binuksan ang dalawang kilometrong pagpapahaba para sa pangkargadang tren sa Funagawaminato noong 1937, at sisinama na rin ang pampasaherong tren sa Funagawaminato noong 1968.

Itinigil ang serbisyong pangkargada noong 1987, at inilagay ang CTC signalling noong 1991.

Isinara ang seksyong Oga - Funagawaminato noong 2002.

Estasyon Wikang
Hapon
Layo
(km)
Paglipat Lokasyon
Oiwake 追分 0.0 Pangunahing Linyang Ōu Akita Prepekturang
Akita
Detohama 出戸浜 5.1   Katagami
Kamifutada 上二田 8.3
Futada 二田 10.4
Tennō 天王 13.2
Funakoshi 船越 14.9 Oga
Wakimoto 脇本 18.9
Hadachi 羽立 23.7
Oga 男鹿 26.6
  • Isinalin mula sa Ingles na Wikipedia
  • Harris, Ken and Clarke, Jackie. Jane's World Railways 2008-2009. Jane's Information Group (2008). ISBN 0-7106-2861-7

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]