Linyang Musashino

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Linyang Musashino
武蔵野線
JR JM line symbol.svg
Musashino 209-500 M71.jpg
Isang Seryeng 209-500 sa Linyang Musashino
Buod
Uri Mabigat na daangbakal
Lokasyon Tokyo, Prepektura ng Kanagawa, Saitama at Chiba
Hangganan Fuchū-Hommachi
Nishi-Funabashi
Operasyon
Binuksan noong 1973
May-ari JR East
(Mga) Nagpapatakbo JR East, JR Freight
Ginagamit na tren Seryeng 205, Seryeng 209-500 EMU
Teknikal
Haba ng linya 100.6 km (62.5 mi)
Luwang ng daangbakal 1,067 mm (3 ft 6 in)
Pagkukuryente 1,500 V DK overhead catenary
Mapa ng ruta
JR Musashino Line linemap.svg

Ang Linyang Musashino (武蔵野線, Musashino-sen) ay isang linyang daangbakal na pinapatakbo ng East Japan Railway Company (JR East). Iniuugnay nito ang Estasyon ng Tsurumi sa Yokohama sa Estasyon ng Nishi-Funabashi sa Prepektura ng Chiba. May haba itong 100.6 km sa palibot ng gitnang Tokyo. Limitado ang bahaging may habang 71.8 km sa pagitan ng Fuchū-Hommachi at Nishi-Funabashi sa mga pasahero samantalang ang "Katimugang Linyang Musashino" na sa pagitan ng Tsurumi hanggang Fuchū-Hommachi ay ginagamit para sa mga kargamentong tren. Bahagi ang linyang ito sa "Tokyo Mega Loop" (東京メガループ) sa palibot ng Tokyo, na binubuo ng Linyang Keiyo, Linyang Musashino, Linyang Nambu, at Linyang Yokohama.[1]

Serbisyo[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga lokal na tren ang kadalasang gumagamit ng Linyang Musashino. Tumutuloy naman ang ibang tren sa Linyang Keiyō na lumalagpas simula Nishi-Funabashi hanggang Tokyo, Minami-Funabashi o Kaihin-Makuhari.

Estasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Kinokonsidera na ang Estasyon ng Tsurumi ang pinagmulan ng Linyang Musashino; tinutukoy ang mga tren na papuntang Nishi-Funabashi na "pababa" (下り, kudari), samantalang tinutukoy naman ang mga tren na papuntang Fuchū-Hommachi na "pataas" (上り, nobori). Sa patuloy na pagtawag sa mga tren, naging resuta nito na ang mga tren papuntang Tokyo ay tinatawag at ibinibilang sa "pababang" tren habang nasa Linya ng Musashino; samantalang, tinataag na "pataas" ay ang mg tren na pumupunta sa Linyang Keiyō.

Nagsisimula sa Estasyon ng Fuchū-Hommachi ang mga pampasaherong tren.

Pampasaherong tren[baguhin | baguhin ang batayan]

Pangalan Wikang Hapon Layo (km) Paglipat Lokasyon
Sa pagitan ng
estasyon
Kabuuan
Fuchū-Hommachi 府中本町 - 0.0 Linyang Nambu, Katimugang Linyang Musashino (Pangkargada) Fuchū Tokyo
Kita-Fuchū 北府中 1.7 1.7  
Nishi-Kokubunji 西国分寺 2.2 3.9 Linyang Chūō (Mabilisan) Kokubunji
Shin-Kodaira 新小平 3.5 7.4 Linyang Tamako ng Seibu (Ōmekaidō)
Linya ng Musashino (Sangay pangkargada ng Kunitachi)
Kodaira
Shin-Akitsu 新秋津 5.6 13.0 Linyang Ikebukuro ng Seibu (Akitsu) Higashimurayama
Higashi-Tokorozawa 東所沢 2.7 15.7   Tokorozawa Saitama
Niiza Freight Terminal 新座貨物ターミナル駅 3.7 19.4   Niiza
Niiza 新座 0.3 19.7  
Kita-Asaka 北朝霞 3.1 22.8 Linyang Tōjō ng Tōbu (Asakadai) Asaka
Nishi-Urawa 西浦和 5.0 27.8 Linyang Musashino (Sangay pangkargada ng Ōmiya) Sakura-ku, Saitama
Musashi-Urawa 武蔵浦和 2.0 29.8 Linyang Saikyō
Linyang Musashino (Sangay pangkargada ng Nishi-Urawa)
Minami-ku, Saitama
Minami-Urawa 南浦和 1.9 31.7 Linyang Keihin-Tōhoku
Higashi-Urawa 東浦和 3.7 35.4   Midori-ku, Saitama
Higashi-Kawaguchi 東川口 3.8 39.2 Mabilisang Linyang Daangbakal ng Saitama Kawaguchi
Minami-Koshigaya 南越谷 4.3 43.5 Linyang Skytree ng Tobu (Shin-Koshigaya) Koshigaya
Koshigaya Freight Terminal 越谷貨物ターミナル駅 0.4 43.9  
Koshigaya-Laketown 越谷レイクタウン 2.4 46.3  
Yoshikawa 吉川 1.9 48.2   Yoshikawa
Yoshikawa-Minami 吉川美南 1.7 49.9  
Shin-Misato 新三郷 1.4 51.3   Misato
Misato 三郷 2.1 53.4  
Minami-Nagareyama 南流山 2.0 55.4 Tsukuba Express
Linyang Musashino (Sangay pangkargada ng Kita-Kogane at Mabashi)
Nagareyama Chiba
Shin-Matsudo 新松戸 2.1 57.5 Linyang Jōban
Linyang Nagareyama ng Sōbu (Kōya)
Matsudo
Shin-Yahashira 新八柱 4.1 61.6 Linyang Shin-Keisei (Yabashira)
Higashi-Matsudo 東松戸 2.4 64.0 Linyang Hokusō
Ichikawa-Ōno 市川大野 1.9 65.9   Ichikawa
Funabashi-Hōten 船橋法典 3.0 68.9   Funabashi
Nishi-Funabashi 西船橋 2.9 71.8 Linyang Sōbu (Lokal), Linyang Keiyō (papuntang Tōkyō, Kaihin-Makuhari)
Linyang Tōzai ng Tōyō (T-23)
Mabilisang Linyang Daangbakal ng Tōyō
Pangunahing Linya ng Keisei (Keisei-Nishifuna)

Katimugang Linya ng Musashino (pangkargada)[baguhin | baguhin ang batayan]

Pangalan Wikang Hapon Layo (km) Paglipat Lokasyon
Sa pagitan ng
estasyon
Kabuuan
Tsurumi 鶴見 - 0.0 Linya ng Tōkaidō, Linyang Keihin Tohoku, Linyang Tsurumi, Linyang Pangkargada ng Tokaido, Linyang Pangkargada ng Takashima Tsurumi-ku, Yokohama Kanagawa
Shin-Tsurumi Yard 新鶴見信号場 3.9 3.9 Linya ng Hinkaku, Linyang Nambu (para sa Shitte)
Kajigaya Freight Terminal 梶ヶ谷貨物ターミナル駅 8.8 12.7   Miyamae-ku, Kawasaki
Fuchū-Hommachi 府中本町 16.1 28.8 Linyang Musashino (papuntang Nishi-Kokubunji), Linyang Nambu Fuchū Tokyo

Mga ginagamit na tren[baguhin | baguhin ang batayan]

Kadalasang binubuo ang Linyang Musashino ng seryeng 205 (seryeng 205-0 at seryeng 205-5000) at seryeng 209-500 na may waluhang bagon.[2] Ginawa ang seryeng 205-0 para sa Linyang Musashino na ginamit noong Disyembre 1, 1991,[1] at mayroon itong anim na demotor na bagon kada walong bagong serye.[2]

Dating ginamit[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Seryeng 101-1000 EMU na may anim na bagon (Abril 1, 1973 - Oktobre 26, 1986)[1]
  • Seryeng 103 EMU na may anim na bagon, na naging waluhang bagon kinalaunan (Hunyo 1980 hanggang Disyembre 8, 2005)[1]
  • Seryeng 201 EMU na may anim na bagon (mula Marso 3, 1986)[1]

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Saka, Masayuki (August 2014). "東京メガループ 車両・路線の沿革と現況 [Tokyo Megaloop: History and current situation of trains and line]" (sa Japanese). Tetsudō Daiya Jōhō Magazine (Japan: Kōtsū Shimbun) 43 (364): p.28-39. 
  2. 2.0 2.1 首都圏鉄道完全ガイド 主要JR路線編 [Tokyo Area Complete Railway Guide - Major JR Lines]. Japan: Futabasha. 6 December 2013. p. 87-97. ISBN 978-4-575-45414-7. 

Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]