Ang Linyang Negishi (根岸線,Negishi-sen) ay isang linyang daangbakal sa Hapon na nag-uugnay sa Estasyon ng Yokohama at Ōfuna. Pinapatakbo at pagmamay-ari ito ng East Japan Railway Company (JR East). Tumatakbo rin ng mga pangkargadang tren sa linyang ito, at kinakailangan ito sa katimugang rehiyon ng Keihi.
Hindi malayang nagserserbisyo ang Linyang Negishi dahil lahat ng mga pampasaherong tren ay ginagamit sa Linyang Keihin-Tōhoku sa Yokohama hanggang Kamata, Tokyo, at Ōmiya; bilang resulta, tipikal na tinutukoy ang kabuuang serbisyo sa pgitan ng Ōmiya at Ōfuna na Linyang Keihin-Tōhoku—Negishi (京浜東北線・根岸線) sa mapa ng sistema at mga pantulong na karatula. Nakikilala ang mga tren ng Linyang Keihin-Tōhoku—Linyang Negishi dahil sa kulay magaan na asul sa bahagi ng tren (magaan na asul din ang kulay ng linya sa mga mapa).