Linyang Ueno–Tokyo
Linyang Ueno–Tokyo | |
---|---|
Buod | |
Katutubong pangalan | 上野東京ライン |
Uri | Pampasaherong tren |
Kalagayan | Tumatakbo |
Lokasyon | Tokyo |
Operasyon | |
Binuksan noong | Marso 14, 2015 |
(Mga) Nagpapatakbo | JR East |
Teknikal | |
Luwang ng daambakal | 1,067 mm (3 ft 6 in) |
Ang Linyang Ueno–Tokyo (上野東京ライン Ueno–Tōkyō Rain), na dating kilala bilang Kumukonektang Linyang Tōhoku (東北縦貫線 Tōhoku-Jūkan-sen), ay isang linya ng riles sa Tokyo, Hapon, na pinapatakbo ng kumpanyang riles na East Japan Railway Company (JR East), na kinukunekta ang Himipilan ng Ueno at Himpilan ng Tokyo, na nagpapalawak ng mga serbisyo ng Linyang Utsunomiya, ang Linyang Takasaki, at ang Linyang Joban patungong timog at papunta sa Pangunahing Linyang Tokaido[1][2] at pabalik. Nagsimula ang proyekto noong Mayo 2008.[3] Binuksan ang linya noong Marso 14, 2015 sa isang nabagong tinakdang talaorasan,[4] at nagkakahalaga ang proyekto ng JPY 40 bilyon.[1]
Inasahan ang diretsong paglalakbay upang mapagaan ang kasikipan sa Linyang Yamanote at Linyang Keihin-Tōhoku, at nabawasan ang oras ng paglalakbay ng 7 hanggang 10 minuto dahil sa mga tuluy-tuloy na mga tren sa pagitan ng mga linya ng Utsunomiya at Takasaki at Pangunahing Linya ng Tokaido gayun din ang mga tuluy-tuloy na tren na bumabagtas sa Himpilan ng Shinagawa sa Linyang Joban.[3] Tinatayang mayroon itong mga 320,229 mananakay sa bawat araw noong 2015.[5]
Ruta
[baguhin | baguhin ang wikitext]Simula sa Himpilan ng Ueno, kabilang sa proyekto ang muling paglatag ng mga 2.5 km ng umiiral na mga riles.[3] Nakonekta muli ang puwang ng isang bagong 1.3 km[3] ibabaw na kubyerta sa viaduct o mataas na tulay ng Shinkansen malapit sa Himpilan ng Kanda na may mga rampa sa magkabilang dulo mula sa umiiral na mga pagkakaayos.[6] Ginawa ang probisyon habang ginawa ang konekta sa Shinkansen para sa kalaunang pagpapanumbalik ng tuluy-tuloy na trapiko sa mga Linyang Tohoku.[7] Nagtayo ang JR East ng mga pasilidad sa pag-iikot ng tren sa HImpilan ng Shinagawa sa Linyang Tokaido, na nagpapahintulot sa walang-hintong tren mula sa Ueno na tumigil doon at bumalik sa hilaga.[1]
Mga serbisyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Walang tigil na tumatakbo ang mga tren mula sa Linyang Utsunomiya, Linyang Joban, at Linyang Takasaki sa pagitan ng mga himpilan ng Ueno at Tokyo at nagpapatuloy sa Linyang Tokaido patungo sa Shinagawa (Lahat ng mga tren na umaalis sa Linyang Joban ay natatapos doon), Yokohama,[8] Ofuna, Hiratsuka, Kōzu, Odawara, Atami, Numazu sa Pangunahing Linya ng Gitnang Tokaido ng JR at Ito sa Linyang Itō. Sa una, hanggang sa 15 mga serbisyo bawat oras ang tumatakbo sa oras ng rurok ng umaga, na nadagdagan sa 20 bawat oras noong 2016.[9] Ang limitadong mga serbisyong ekspres ng Linyang Joban ay limitado ang serbisyo (Hitachi limit-stop at ang Tokiwa semi-fast) ay pinahaba sa timog ng Ueno sa pamamagitan ng Linyang Ueno-Tokyo, na karamihan sa mga serbisyo ay natatapos sa Himpilan ng Shinagawa.[10]
Sa kasalukuyan, ang pinakamahabang paglalakbay ng Linyang Ueno-Tokyo ay ang lokal na tren na tumatakbo sa pagitan ng Atami at Kuroiso. Ang kabuuang haba ay 267.9 km at ang oras ng paglalakbay ay halos 4 na oras at 40~45 minuto.[11][12] Tumatakbo ito sa 5 prepektura (Shizuoka, Kanagawa, Saitama, Ibaraki at Tochigi) sa kabuuan at sa Kalungsuran ng Tokyo.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isang rekomendasyon ng isang lupon ng pamahalan noong 2000 ang nagmungkahi na ibalik ang koneksyon sa pagitan ng Ueno at Tokyo sa taong 2015, at opisyal na inihayag ni JR East na nakuha nila ang proyekto.[3] Orihinal na nakatakdang matapos ang proyekto noong piskal na taon ng 2013, ngunit ang pagkumpleto ay naantala dahil sa mga epekto ng lindol at tsunami sa Tōhoku noong 2011.[9]
-
Kinuha mula sa binalak na ruta mula sa timog ng Himpilan ng Akihabara noong Marso 2007
-
Kinuha mula sa plataporma ng Himpilan ng Kanda, Oktubre 2009. Isang lagusan o pylon na tulay ang ginagawa upang dalhin ang isang viaduct ng Linyang Ueno-Tokyo. Isang rampa ang makikita sa likuran.
-
Isang paskil sa Himpilan ng Sanuki sa Linyang Joban na isinusulong ang maagang pagtatapos ng proyekto. Nababasa ang ulong pambungad bilang Walang paglipat, patungong Himiplan ng Tokyo, patungong Shinkansen.
-
Nakataas na seksyon ng Linyang Ueno-Tokyo na ginagawa pa lamang sa mga riles ng Tohoku Shinkansen noong Agosto 2011.
Tala ng himpilan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Opisyal na pangalan ng Linya | Blg. | Himpilan | Hapones | Distansya (km) | Utsunomiya/Takasaki–Tōkaidō | Linyang Jōban | Mga paglipat | Mga lokasyon | |||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Sa pagitan ng mga himpilan |
Mula sa Tokyo | ||||||||||||
Sa loob ng mga linyang Utsunomiya at Takasaki (serbisyong tuluy-tuloy): | Lokal | Lokal | Mabilis Rabbit • Urban |
||||||||||
Pangunahing Linyang Tōhoku | OMYJU07
|
Ōmiya | 大宮 | - | 30.5 | ● | ● | ● |
|
Baryo o Ward ng Ōmiya | Lungsod ng Saitama | Prepektura ng Saitama | |
JU06 | Saitama-Shintoshin | さいたま新都心 | 1.6 | 28.9 | ● | ● | | |
| |||||
URWJU05
|
Urawa | 浦和 | 4.5 | 24.4 | ● | ● | ● |
|
Baryo o Ward ng Urawa | ||||
ABNJU04
|
Akabane | 赤羽 | 11.0 | 13.4 | ● | ● | ● |
|
Lungsod ng Kita | Tokyo | |||
JU03 | Oku | 尾久 | 5.0 | 8.4 | ● | ● | | | ||||||
NPRJJ02
|
Nippori | 日暮里 | 2.6 | 5.8 | | | | | | | ● |
|
Lungsod ng Arakawa | |||
UENJU02JJ01 | Ueno | 上野 | 2.2 | 3.6 | ● | ● | ● | ● | Lungsod ng Taitō | ||||
TYOJU01
|
Tokyo | 東京 | 3.6 | 0.0 | ● | ● | ● | ● |
|
Lungsod ng Chiyoda | |||
Pangunahing Linyang Tōkaidō | TYOJT01
| ||||||||||||
SMBJT02
|
Shimbashi | 新橋 | 1.9 | 1.9 | ● | ● | ● | ● |
|
Lungsod ng Minato | |||
SGWJT03
|
Shinagawa | 品川 | 4.9 | 6.8 | ● | ● | ● | ● | |||||
KWSJT04
|
Kawasaki | 川崎 | 11.4 | 18.2 | ● | ● | ● |
|
Baryo o Ward ng Kawasaki | Lungsod ng Kawasaki | Prepektura ng Kanagawa | ||
YHMJT05
|
Yokohama | 横浜 | 10.6 | 28.8 | ● | ● | ● |
|
Baryo o Ward ng Nishi | Lungsod ng Yokohama | |||
TTKJT06
|
Totsuka | 戸塚 | 12.1 | 40.9 | ● | ● | ● |
|
Baryo o Ward ng Totsuka | ||||
OFNJT07
|
Ōfuna | 大船 | 5.6 | 46.5 | ● | ● | ● |
|
Lungsod ng Kamakura | ||||
Sa loob ng linyang Tōkaidō (serbisyong tuluy-tuloy): | Lokal | Mabilis Acty |
Lokal |
Mga pagpapabuti sa hinaharap
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Enero 2014, ipinahayag ng pangulo ng JR East na si Tetsuro Tomita na isinasaalang-alang ng kumpanya ang posibilidad na maiugnay ang Linyang Ueno-Tokyo sa hinaharap na may isang bagong direktang linya ng pagpasok sa Paliparan ng Haneda.[13] Bagaman nagkaroon ng talakayan sa pagkumpleto ng ekstensyon na ito bago ang Palarong Olimpiko ng 2020, ang plano naisantabi noong 2015 na walang binagay na takdang panahon ng pagsimula ng pagpapabuti.[14]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 JR East Annual Report 2010, hinango noong 2013-12-09 (sa Ingles)
- ↑ 東北縦貫線の開業時期、愛称について [Details of Tōhoku Through Line opening schedule and nickname] (PDF). News release (sa wikang Hapones). Hapon: East Japan Railway Company. 9 Disyembre 2013. Nakuha noong 9 Disyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 "Construction of Ueno-Tokyo Line" (PDF) (sa wikang Ingles). JR East Construction Department. Oktubre 2015. Nakuha noong 2019-11-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ 「上野東京ライン」2015年3月14日開業 [Ueno-Tokyo Line to open on 14 March 2015]. Tetsudo Hobidas (sa wikang Hapones). Hapon: Neko Publishing Co., Ltd. 30 Oktubre 2014. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 19 Hunyo 2018. Nakuha noong 30 Oktubre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "平成27年 大都市交通センサス 首都圈報告書" (PDF). P.92 (sa wikang Hapones). 国土交通省.
- ↑ 宇都宮・高崎・常磐線の東京駅乗り入れ工事の着手について [Details of start of construction for Utsunomiya Line, Takasaki Line, and Joban Line through services to Tokyo] (PDF). News release (sa wikang Hapones). Hapon: East Japan Railway Company. 26 Marso 2008. Nakuha noong 9 Disyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "We must create our own core competences". News (sa wikang Ingles). Railway Gazette International. 1 Oktubre 1999. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 23 Disyembre 2017. Nakuha noong 9 Disyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Japan Railway & Transport Review No. 49 (pp.18–24) Naka-arkibo 3 March 2016 sa Wayback Machine. hinango noong 2009-05-15 (sa Ingles)
- ↑ 9.0 9.1 JR東日本:東京−上野の新線 愛称を「上野東京ライン」 [JR East names new line between Tokyo and Ueno "Ueno-Tokyo Line"]. Mainichi Shimbun (sa wikang Hapones). Hapon: The Mainichi Newspapers. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2013-12-09. Nakuha noong 9 Disyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 「上野東京ライン」開業により、 南北の大動脈が動き出します [North–south artery comes into operation with opening of Ueno–Tokyo Line] (PDF). News release (sa wikang Hapones). Hapon: East Japan Railway Company. 30 Oktubre 2014. Nakuha noong 30 Oktubre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The JR Ueno-Tokyo Line for Tokyo, Shinagawa, Yokohama, Odawara, and Atami – Ueno Station". www.uenostation.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-11-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ "The JR Utsunomiya Line for Omiya, Utsunomiya and Nasushiobara – Ueno Station". www.uenostation.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-11-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ JR東、羽田新路線を北関東と直結 東北縦貫線との接続検討 [JR East considering connecting new Haneda line to Ueno-Tokyo Line to provide link to northern Kanto]. SankeiBiz (sa wikang Hapones). Hapon: Sankei Digital Inc. 10 Enero 2014. pp. 1–2. Nakuha noong 10 Enero 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "東京五輪、羽田への鉄道新線はなし 国交省 既存路線で対応". Nihon Keizai Shimbun (sa wikang Hapones). 1 Hulyo 2015. Nakuha noong 2 Hulyo 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Opisyal na website (sa Hapones)