Pumunta sa nilalaman

Linyang Yonesaka

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Linyang Yonesaka
米坂線
Isang KiHa E120 DMU ng JR East sa Estasyon ng Imaizumi, Hulyo 2009
Buod
UriRehiyonal na daangbakal
LokasyonPrepektura ng Yamagata, Japan
HanggananYonezawa
Sakamachi
(Mga) Estasyon20
Operasyon
Binuksan noong1936
May-ariJR East
Teknikal
Haba ng linya90.7 km (56.4 mi)
Luwang ng daambakal1,067 mm (3 ft 6 in)
Mapa ng ruta

Ang Linyang Yonesaka (米坂線, Yonesaka-sen) ay isang linyang daangbakal sa Hapon na pinapatakbo ng East Japan Railway Company (JR East). Kinokonekta nito ang Estasyon ng Yonezawa sa Prepektura ng Yamagata sa Estasyon ng Sakamachi sa Prepektura ng Niigata. sa Yonezawa, mayroong koneksiyon ito sa Yamagata Shinkansen at sa Pangunahing Linyang Ōu; samantalang kumokonekta naman ang Pangunahing Linyang Uetsu sa Estasyon ng Sakamachi. Nakuha ng linya ang pangalan mula sa unang kanji ng Yonezawa () at Sakamachi ().

Maaaring dumaan ang dalawang tren nang sabay sa mga estasyon ng Uzen-Komatsu, Imaizumi, Uzen-Tsubaki, Oguni, Echigo-Kanamaru, at Echigo-Shimoseki stations.

Estasyon Wikang Hapon Layo (km) Paglipat Lokasyon
Yonezawa 米沢 0.0 Yamagata Shinkansen, Pangunahing Linyang Ōu Yonezawa Yamagata
Minami-Yonezawa 南米沢 3.1
Nishi-Yonezawa 西米沢 6.5
Narushima 成島 9.6
Chūgun 中郡 12.5 Kawanishi
Uzen-Komatsu 羽前小松 16.9
Inukawa 犬川 19.4
Imaizumi 今泉 23.0 Linyang Flower Nagai Nagai
Hagyū 萩生 27.3 Iide
Uzen-Tsubaki 羽前椿 30.1
Tenoko 手ノ子 34.7
Uzen-Numazawa 羽前沼沢 43.9 Oguni
Isaryō 伊佐領 50.0
Uzen-Matsuoka 羽前松岡 54.7
Oguni 小国 58.3
Echigo-Kanamaru 越後金丸 67.8 Sekikawa Niigata
Echigo-Katakai 越後片貝 73.1
Echigo-Shimoseki 越後下関 79.7
Echigo-Ōshima 越後大島 83.5
Sakamachi 坂町 90.7 Pangunahing Linyang Uetsu Murakami

Mga ginagamit na tren

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga sumusunod ay ang ginagamit na tren sa Linyang Yonesaka. Nakabase ito sa Niitsu Depot.

Noong Mayo 15, 2015, inanunsiyo ng JR East na magkakaroon ng bagong diesel multiple unit (DMU) na tren simula 2017.[2]

  1. JR East Niigata Area press release, (16 October 2008)[patay na link]. Retrieved on 17 October 2008. (sa Hapones)
  2. 《草町義和》. "JR東日本、新潟・秋田地区に電気式の新型気動車を導入へ | レスポンス". Response.jp. Nakuha noong 2015-05-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]