Pumunta sa nilalaman

Malaysia

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Miri)
Malasya
Malaysia (Malay)
Watawat ng Malasya
Watawat
Eskudo ng Malasya
Eskudo
Salawikain: Bersekutu Bertambah Mutu
"Ang Pagkakaisa ay Lakas"
Awitin: Negaraku
"Aking Bayan"
Kinaroroonan ng  Malaysia  (dark green)

– sa Asia  (dark gray & puti)
– sa ASEAN  (dark gray)

Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Kuala Lumpur[fn 1]
3°8′N 101°41′E / 3.133°N 101.683°E / 3.133; 101.683
Punong-lungsodPutrajaya[fn 2]
2°56′N 101°42′E / 2.933°N 101.700°E / 2.933; 101.700
Wikang opisyalMalay
KatawaganMalasyano
PamahalaanFederal parliamentary konstitusyonal elective monarchy
Ibrahim Iskandar ng Johor
Anwar Ibrahim
no value
Johari Abdul
Tengku Maimun Tuan Mat
LehislaturaParlamento
• Mataas na Kapulungan
Dewan Negara (Senado)
• Mababang Kapulungan
Dewan Rakyat ( Kapulungan ng mga Kinatawan)
Kalayaan 
mula sa Britanya
31 Agosto 1957[1]
22 Hulyo 1963
31 Agosto 1963[2]
16 Setyembre 1963
Lawak
• Kabuuan
330,803[3] km2 (127,724 mi kuw) (67th)
• Katubigan (%)
0.3
Populasyon
• Pagtataya sa 2024
34,564,810[4] (43rd)
• Senso ng 2020
32,447,385[5]
• Densidad
101/km2 (261.6/mi kuw) (116th)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $1.225 trillion[6] (31st)
• Bawat kapita
Increase $37,082[6] (55th)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $430.895 billion[6] (36th)
• Bawat kapita
Increase $13,034[6] (67th)
Gini (2018)41.2[7]
katamtaman
TKP (2021)Decrease 0.803[8]
napakataas · 62nd
SalapiMalaysian ringgit (MYR)
Sona ng orasUTC+8 (MST)
Ayos ng petsadd-mm-yyyy
Gilid ng pagmamaneholeft
Kodigong pantelepono+60
Internet TLD.my

Ang Malaysia o Malasya (Malay: Malaysia, bigkas: /məˈleɪʒə/ o /məˈleɪziə/) ay isang bansang binubuo ng labintatlong mga estado at tatlong teritoryong federal sa Timog Silangang Asya na may kabuuang sukat ng lupa na 330 803 kilometro kuwadrado.[3][9] Kuala Lumpur ang kabiserang lungsod nito, samantalang ang Putrajaya naman ang sentro ng pamahalaang federal. Ang populasyon ng bansa ay umaabot sa mahigit 25 milyon.[10] Ang bansa ay nahahati ng Dagat Timog Tsina sa dalawang magkahiwalay na rehiyon.—ang Tangway ng Malaysia at ang Silangang Malaysia.[10] Kahangganan ng Malaysia ang mga bansang Thailand, Indonesia, Singapore. Brunei at Pilipinas.[10] Ang bansa ay malapit sa ekwador at nakakatamasa ng klimang tropikal.[10] Ang pinuno ng estado ay ang Yang di-Pertuan Agong (na kadalasang tinutukoy bilang 'ang Hari' o 'ang Agong') at ang pamahalaan ay pinamumunuan ng isang punong ministro.[11][12] Ang pamahalaan ay kahalintulad nang bahagya o ibinatay sa sistemang parlamentaryo ng Westminster.[13]

Nagkaroon na ng patunay ng pagkakaroon ng mga pamayanan sa Malaysia. Humihigit-kumulang ang simula ng kasaysayan ng Malaysia ay 40,000 taon makalipas.[14] Pinaniniwalaang ang mga unang tumira sa tangway ay mga Negrito.[15] Nakisalamuha ang mga taga-Malaysia sa mga taga-India at Tsina, na patuloy na nagpalaganap sa kani-kanilang kultura.

Lumaganap ang Islam sa Malaysia sa pagdating ng mga Arabong mangangalakal na tumulong sa bahaginan ng kultura.[16]

Nakalaya ang Malaysia mula sa Britanya noong 1957, at tuluyang lumabas ang Singapura mula sa sakop ng Kalipunan noong 1965.

Pinanggalingan ng Salita

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang salitang Malaysia na mababasa sa isang mapa noong 1914 mula sa isang Amerikanong atlas

Ang pangalang "Malaysia" ay ginamit noong 1963 nang ang Kalipunan ng Malaya, Singapura, Hilagang Borneo at Sarawak ay bumuo ng isang pederasyong may 14 na estado.[17] Subalit bago mabuo ang pederasyon, ang pangalang ito ay madalang na ginamit upang tukuyin ang mga pook sa Timog Silangang Asya. Isang mapa ang inilathala noong 1914 sa Chicago na may nakatalang salitang Malaysia ang nagsasabi sa ilang mga teritoryo sa loob ng Arkipelago ng Malay.[18] Minsan rin naisip ng Pilipinas na gamitin ng kanilang bansa ang pangalang "Malaysia", subalit ginamit na ito ng Malaysia noong 1963 bago man gawan ito ng hakbang Pilipinas.[19] Ang iba pang pangalang naisip noong 1963 ay ang Langkasuka, na hango sa dating kaharian na sa hilagaang bahagi ng Tangway ng Malay noong unang sanglibong taon.[20]

Paghahating Pampolitika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Malaysia ay binubuo ng 13 bansa (negeri) (Johor, Kedah, Kelantan, Melaka, Negeri Sembilan, Pahang, Penang, Perak, Perlis, Sarawak, Sabah, at Terengganu), at 3 teritoryong pederal (Kuala Lumpur, Labuan, at Putrajaya).

Ang populasyon ng Malaysia ay binubuo ng maraming lahi, na ang lahing Malay at iba pang katutubo (bumiputra) sa Sabah at Sarawak ang bumubuo ng may 65%[21] ng buong populasyon. Nakabatay sa Saligang Batas na ang mga Malay ay mga Muslim na nakasayanan sa kaugalian at kulturang Malay. Kaya ang isang Muslim ng kahit anong lahi na nakasanayan sa kaugalian at kalinangang Malay ay maituturing na isang Malay at may pantay-pantay na karapatan pagdating sa karapatang Malay na nakabatay sa saligang batas. Mga pangkat na katutubo ngunit hindi Malay ay bumubuo ng mahigit sa kalahati ng populasyon ng Sarawak (30% ay mga Iban), at nasa 60% ng populasyon ng Sabah (18% ang mga Kadazan-Dusun, at 17% naman ang mga Bajau)[21]. Mayroon ding iba pang grupong katutubo sa kanlurang bahagi ng bansa, na ang tawag sa kanila ay "Orang Asli".

Ang mga Tsino ay nasa 26% ng populasyon, samantalang ang mga Indiyan ay nasa 8% [21]. Ang karamihan sa mga Indio ay Tamil.

Pananampalataya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Islam ang opisyal na relihiyon ng Malaysia bagaman ang bansa ay may maraming relihiyon. Ayon sa Population and Housing Census ng taong 2020, humigit-kumulang na 63.5 porsyento ng populasyon ay sinasampalatayanan ang relihiyong Islam; Budismo na may 18.7 porsyento; Kristiyanismo na may 9.1 porsyento; Hinduismo na 6.1 percent; at tradisyonal na relihiyong Tsino (2.6%).[22] Ang nalalabing 2 porsyento ay naitala sa ibang pananampalataya, kasama na ang Animismo at Sikhismo.[22]

Ang Saligang Batas ng Malaysia ay tumitiyak ng kalayaan sa pananampalataya, ngunit ito ay hinihigpitan sa kasalukuyan. Lahat ng etnikong Malay ay Muslim ayon na rin sa Saligang Batas ng Malaysia.[23] Idagdag pa ang lahat ng mga hindi Muslim na nag-asawa sa isang Muslim ay kailangang itakwil ang kanilang kinaaanibang relihiyon at lumipat sa relihiyong Islam. Kapag ang isang tao ay naging Muslim, hindi na siya puwedeng itakwil ang relihiyong Islam at lumipat sa ibang pananampalataya. Samantala ang mga hindi Muslim ay nakakaranas ng pagbabawal sa ibang gawain tulad ng pagtayo ng gusaling panrelihiyon at pagdaos ng kaganapang panrelihiyon sa ibang bahagi ng bansa.[24][25] Ang mga Muslim ay inoobligahang sundin ang mga pasya ng hukumang Sharia pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa kanilang relihiyon. Ang sakop ng hukumang Sharia ay umaaplika lamang sa mga Muslim ukol sa bagay na may kinalaman sa pananampalataya at mga tungkulin bilang isang Muslim, kasama ang pag-aasawa, pamana, pagtalikod sa pananampalataya at iba pa. Hindi saklaw ng hukumang Sharia ang kasong kriminal.

  1. Constitutional capital, ceremonial and legislative
  2. administrative and judicial
  1. Mackay, Derek (2005). Eastern Customs: The Customs Service in British Malaya and the Opium Trade. The Radcliffe Press. pp. 240–. ISBN 978-1-85043-844-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "31 Ogos 1963, Hari kemerdekaan Sabah yang rasmi". AWANI. 14 Mayo 2021. Nakuha noong 1 Setyembre 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Laporan Kiraan Permulaan 2010". Jabatan Perangkaan Malaysia. p. 27. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Disyembre 2010. Nakuha noong 2 Agosto 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Maling banggit (Invalid na <ref> tag; maraming beses na binigyang-kahulugan ang pangalang "2010 stats" na may iba't ibang nilalaman); $2
  4. "Malaysia". The World Factbook (sa wikang Ingles) (ika-2024 (na) edisyon). Central Intelligence Agency. Nakuha noong 24 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (Nakaarkibong 2022 edisyon)
  5. "Population and Housing Census of Malaysia 2020". Department of Statistics, Malaysia. p. 48. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Pebrero 2022. Nakuha noong 23 Marso 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 "World Economic Outlook Database, October 2023 Edition. (Malaysia)". IMF.org. International Monetary Fund. 10 Oktubre 2023. Nakuha noong 12 Oktubre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Gini Index". World Bank. Nakuha noong 20 Disyembre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Human Development Report 2021/2022" (PDF) (sa wikang Ingles). United Nations Development Programme. 8 Setyembre 2022. Nakuha noong 8 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Article 1. Constitution of Malaysia.
  10. 10.0 10.1 10.2 10.3 Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang CIA Fact Book); $2
  11. Article 33. Constitution of Malaysia.
  12. Article 43. Constitution of Malaysia.
  13. Ang Federation of International Trade Associations. General Information of Malaysia Naka-arkibo 2010-12-26 sa Wayback Machine.. Retrieved 7 Disyembre 2007.
  14. Holme, Stephanie (13 Pebrero 2012). "Getaway to romance in Malaysia". stuff.co.nz. Isinangguni noong 10 Marso 2018.
  15. Fix, Alan G. (Hunyo1995). "Malayan Paleosociology: Implications for Patterns of Genetic Variation among the Orang Asli". American Anthropologist. New Series. 97(2): 313–323. doi:10.1525/aa.1995.97.2.02a00090. JSTOR 681964.
  16. W.P. Groeneveldt, 1877, Notes on the Malay Archipelago and Malacca (Mga Tala sa Kapuluang Malay at Malacca), Batavia : W. Bruining. Isinangguni noong 10 Marso 2018.
  17. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang am002); $2
  18. The New Student's Reference Work. 1914.
  19. Sakai, Manako. Reviving Malay Connections in Southeast Asia.
  20. Page 46–47. Suarez, Thomas. Early Mapping of Southeast Asia.
  21. 21.0 21.1 21.2 "Population and Housing Census" Press statement Naka-arkibo 2007-03-23 sa Wayback Machine. , Department of Statistics, Malaysia. Nakuha noong 2008-07-15. (sa Ingles)
  22. 22.0 22.1 "Department of Statistics Malaysia Official Portal". www.dosm.gov.my. Nakuha noong 2023-02-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Artikulo 160 (2). Saligang Batas ng Malaysia.
  24. Inter Press Service: Temple Demolitions Spell Creeping Islamisation Naka-arkibo 2007-10-09 sa Wayback Machine.. Nakuha noong 2008-07-15. (sa Ingles)
  25. BBC : Pressure on multi-faith Malaysia. Nakuha noong 2008-07-15. (sa Ingles)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]