Malaysia: Pagkakaiba sa mga binago

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Content deleted Content added
populasyon
populasyon-densidad
Linya 36: Linya 36:
population_census_year = |
population_census_year = |
population_density_km2 = 83.57 |
population_density_km2 = 83.57 |
population_density_sq_mi = 206|
population_density_sq_mi = 216.45|
population_density_rank = Di-alam |
population_density_rank = Di-alam |
GDP_PPP_year = 2003 |
GDP_PPP_year = 2003 |

Pagbabago noong 13:33, 11 Mayo 2011

Malasya
Malaysia
Watawat ng Malasya
Watawat
Salawikain: 
Bersekutu Bertambah Mutu
(Malay: “Ang Pagkakaisa ay Kalakasan”)
Awiting Pambansa: Negaraku(Bayan Ko)
      Malasya sa       Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya
      Malasya sa       Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya
KabiseraKuala Lumpura)
Pinakamalaking lungsodKuala Lumpur
Wikang opisyalBahasa Malaysia (Malay)
PamahalaanMonarkiyang konstitusyonal
Tuanku Mizan Zainal Abidin
Najib Tun Razak
Kalayaan
• Mula sa Reyno Unido (lamang Malaya)
Agosto 31, 1957[1]
• Pederasyon (may Sabah, Sarawak at Singaporeb)
Setyembre 16, 1963[2]
Lawak
• Kabuuan
329,750 km2 (127,320 mi kuw) (Ika-64)
• Katubigan (%)
0.3%
Populasyon
• Pagtataya sa 2010
27,565,821 (Ika-46)
• Densidad
83.57/km2 (216.4/mi kuw) (Di-alam)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2003
• Kabuuan
US$271.2 bilyon (Ika-33)
• Bawat kapita
US$10,544 (Di-alam ang ranggo)
TKP (2003)0.796
mataas · 61st
SalapiRinggit ng Malaysia (RM)
Sona ng orasUTC +8
Kodigong pantelepono60 c)
Internet TLD.my
a  Kasalukuyang lumilipat ang pederal na pamahalaan sa bagong-tayong Putrajaya.

b  Singapore ay naging isang malayang bansa sa Agosto 9, 1965.[3]

c  020 mula sa Singapore

Ang Malasya (Malay:Malaysia, bigkas: /məˈleɪʒə/ o /məˈleɪziə/) ay isang bansang binubuo ng labing tatlong mga estado at tatlong teritoryong pederal sa Timog Silangang Asya na may kabuuang sukat ng lupa na 329847 km2.[4][5] Kuala Lumpur ang kabiserang lungsod nito, samantalang ang Putrajaya naman ang sentro ng pamahalaang pederal. Ang bansa ay may populasyong umaabot sa mahigit 25 milyon.[5] Ang bansa ay hinati ng Dagat Timog Tsina sa dalawang magkahiwalay na rehiyon.—ang Tangway ng Malaysia at ang Silangang Malaysia.[5] Naghahanggan ang Malaysia sa mga bansang Thailand, Indonesia, Singapore. Brunei at sa Pilipinas.[5] Ang bansa ay matatatagpuan malapit sa ekwador at nakakatamasa ng klimang tropikal.[5] Ang pinuno ng estado ay ang Yang di-Pertuan Agong (na kadalasang tinutukoy bilang 'ang Hari' o 'ang Agong') at ang pamahalaan ay pinamumunuan ng isang punong ministro.[6][7] Ang pamahalaan ay kahalintulad ng bahagya o ibinatay sa sistemang parliyamentaryo ng Westminster.[8]

Etimolohiya

Ang salitang Malaysia na mababasa sa isang mapa noong 1914 mula sa isang Amerikanong atlas

Ang pangalang "Malaysia" ay ginamit noong 1963 nang ang Pederasyon ng Malaya, Singapore, Hilagang Borneo at Sarawak ay bumuo ng isang pederasyong may 14 na estado.[1] Subalit bago mabuo ang pederasyon, ang pangalang ito ay madalang na ginamit upang tukuying ang mga pook sa Timog Silangang Asya. Isang mapa ang inilathala noong 1914 sa Chicago na may nakatalang salitang Malaysia ang nagsasabi sa ilang mga teritoryo sa loob ng Arkipelago ng Malay.[9] Minsan rin inisip ng Pilipinas na gamitin ng kanilang estado ang pangalang "Malaysia", subalit ginamit na ito ng Malaysia noong 1963 bago man gawan ito ng hakbang Pilipinas.[10] Ang iba pang pangalang naisip noon 1963 ay ang Langkasuka, na hango sa dating kaharian na matatagpuan sa hilagagn bahagi ng Tangway ng Malay noong unang sanglibong taon.[11]

Dibisyong Pampulitika

Ang Malaysia ay binubuo ng 13 estado (Johor, Kedah, Kelantan, Melaka, Negeri Sembilan, Pahang, Penang, Perak, Perlis, Sarawak, Selangor, at Terengganu), at 3 teritoryong pederal (Kuala Lumpur, Labuan, at Putrajaya).

Demograpiya

Ang populasyon ng Malaysia ay binubuo ng maraming pangkat etniko, na ang etnikong Malay at iba pang katutubo (bumiputra) sa Sabah at Sarawak ang bumubuo ng mayorya na may 65%[12] ng buong populasyon. Nakabatay sa konstitusyon na ang mga Malay ay mga Muslim na nakasayanan sa kaugalian at kulturang Malay. Kaya ang isang Muslim ng kahit anong lahi na na nakasanayan sa kaugalian at kulturang Malay ay maituturing na isang Malay at may pantay-pantay na karapatan pagdating sa karapatang Malay na nakabatay sa konstitusyon. Mga grupong katutubo ngunit hindi Malay ay bumubuo ng mahigit sa kalahati ng populasyon ng Sarawak (30% ay mga Iban), at nasa 60% ng populasyon ng Sabah (18% ay ang mga Kadazan-Dusun, at 17% naman ang mga Bajau)[12]. Mayroon ding iba pang grupong katutubo sa kanlurang bahagi ng bansa, na ang tawag sa kanila ay "Orang Asli".

Ang mga Tsino ay nasa 26% ng populasyon, samantala ang mga Indyan ay nasa 8% [12]. Karamihan sa mga Indyan ay Tamil.

Relihiyon

Islam ang opisyal na relihiyon ng Malaysia bagaman ang bansa ay may maraming relihiyon. Ayon sa Population and Housing Census ng taong 2000, humigit-kumulang na 60.4 porsyento ng populasyon ay sinasampalatayanan ang relihiyong Islam; Budismo na may 19.2 porsyento; Kristiyanismo na may 9.1 porsyento; Hinduismo na 6.3 percent; at tradisyonal na relihiyong Tsino (2.6%).[12] Ang nalalabing 2 porsyento ay naitala sa ibang pananampalataya, kasama na ang Animismo at Sikhismo.[12]

Ang konstitusyon ng Malaysia ay ginagarantiyahan ng religious freedom, ngunit ito ay hinihigpitan sa kasalukuyan. Lahat ng etnikong Malay ay Muslim ayon na rin sa konstitusyon ng Malaysia.[13] Idagdag pa ang lahat ng mga hindi Muslim na nag-asawa sa isang Muslim ay kailangang itakwil ang kanilang kinaanibang relihiyon at lumipat sa relihiyong Islam. Kapag ang isang tao ay naging Muslim, hindi na siya puwedeng itakwil ang relihiyong Islam at lumipat sa ibang pananampalataya. Samantala ang mga hindi Muslim ay nakakaranas ng pagbabawal sa ibang gawain tulad ng pagtayo ng gusaling panrelihiyon at pagdaos ng kaganapang panrelihiyon sa ibang bahagi ng bansa.[14][15] Ang mga Muslim ay inoobligahang sundin ang mga pasya ng hukumang Sharia pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa kanilang relihiyon. Ang sakop ng hukumang Sharia ay limitado lamang sa mga Muslim ukol sa bagay na may kinalaman sa pananampalataya at mga obligasyon bilang isang Muslim, kasama ang pag-aasawa, pamana, pagtalikod sa pananampalataya at iba pa. Hindi saklaw ng hukumang Sharia ang kasong kriminal.

Mga palabas na kawing

  1. 1.0 1.1 Ang UK batas Batas ng Database: Akto pagsasarili pederasyon ng Malaya 1957(c. 60)
  2. "No.10760: Kasunduan na may kaugnayan sa Malaysia" (pdf). United Nations Treaty Collection. United Nations. 1963. Nakuha noong 2010-07-29. {{cite web}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)
  3. Kasaping estado mga Nagkakaisang Bansa
  4. Article 1. Constitution of Malaysia.
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 CIA. The World Fact Book: Malaysia. Retrieved 9 December 2006.
  6. Article 33. Constitution of Malaysia.
  7. Article 43. Constitution of Malaysia.
  8. Ang Federation of International Trade Associations. General Information of Malaysia. Retrieved 7 December 2007.
  9. The New Student's Reference Work. 1914.
  10. Sakai, Manako. Reviving Malay Connections in Southeast Asia.
  11. Page 46–47. Suarez, Thomas. Early Mapping of Southeast Asia.
  12. 12.0 12.1 12.2 12.3 12.4 "Population and Housing Census" Press statement , Department of Statistics, Malaysia. Nakuha noong 2008-07-15. Padron:En icon
  13. Artikulo 160 (2). Konstitusyon ng Malaysia.
  14. Inter Press Service: Temple Demolitions Spell Creeping Islamisation. Nakuha noong 2008-07-15. Padron:En icon
  15. BBC : Pressure on multi-faith Malaysia. Nakuha noong 2008-07-15. Padron:En icon

Malaysia Ang lathalaing ito na tungkol sa Malaysia ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Padron:Link FA