Pumunta sa nilalaman

Kasaysayan ng Pilipinas (1898–1946)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Bahagi ng isang serye tungkol sa
Kasaysayan ng Pilipinas
Maagang Kasaysayan (bago mag-900)
Taong Callao at Taong Tabon
Pagdating ng mga Negrito
Mga Petroglipo ng Angono
Kalinangang Liangzhu
Pagdating ng mga Austronesyo
Kulturang Batong-lungtian
Panahong Klasikal (900–1565)
Bansa ng Mai (971–1339)
Bayan ng Pulilu (????–1225)
Bayan ng Cainta (????–1572)
Bayan ng Kaboloan (1406–1576)
Bayan ng Tondo (900–1589)
Kaharian ng Maynila (1258–1571)
Kaharian ng Namayan (1175–1571)
Kadatuan ng Madyaas (1080–1569)
Kadatuan ng Dapitan (????–1595)
Karahanan ng Cebu (1200–1565)
Karahanan ng Butuan (1001–1521)
Karahanan ng Sanmalan (1011–1899)
Kasultanan ng Maguindanao (1515–1888)
Kasultanan ng Buayan (1350–1905)
Mga Sultanato ng Lanao (1616–1904)
Kasultanan ng Sulu (1405–1915)
Panahong Kolonyal (1565–1946)
Panahon ng Kastila (1565–1898)
Pamumunong Britaniko (1762–1764)
Silangang Kaindiyahan ng Kastila
Himagsikang Pilipino (1896–1898)
Katipunan
Unang Republika (1899–1901)
Panahon ng Amerikano (1898–1946)
Digmaang Pilipino-Amerikano (1899–1902)
Sampamahalaan ng Pilipinas (1935–1942, 1945–1946)
Pananakop ng Hapon (1942–1945)
Ikalawang Republika (1943–1945)
Panahong Kontemporanyo (1946–kasalukuyan)
Ikatlong Republika (1946–1972)
Diktadurya ni Marcos (1965–1986)
Ikalimang Republika (1986–kasalukuyan)
Palatakdaan ng oras
Kasaysayang militar
 Portada ng Pilipinas

Ang pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas, na nangangahulugang ang Pilipinas ay itinuring na isang teritoryo ng Estados Unidos ay magmula 1898 hanggang 1946. Bukod sa ilang mga retensiyonista o mga tao na nais panatilihin ang Pilipinas bilang isang nasasakupan ng Estados Unidos, ang balak ng mga naging Pangulo ng Estados at ng mga kinatawan (representatibo) ng Estados Unidos hinggil sa kanilang misyon ng pangongolonya ay ang pag-iiwi (tutelahe, o pangangasiwa ng kapuluan ng Pilipinas hanggang sa maabot na nito ang ganap na gulang o tamang panahon ng pagpapalaya), na naaayon sa kung kailan at sa anong mga katayuan at mga kasunduan.[1]

Unang yugto (1898-1935)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Unang tumuntong sa kapuluan ng Pilipinas ang mga sundalo ng Estados Unidos noong 1898, subalit ang unang hakbang sa kanilang pamumuno sa Pilipinas ay nagsimula noong 1899, nang itinalaga ng Pangulo ng Estados Unidos na si William McKinley ang Unang Komisyon na pang-Pilipinas o Komisyon ni Schurman (First Philippine Commission o Schurman Commission) noong 20 Enero 1899, na nasundan ng iba pang mga Komisyon.[1]

Unang Komisyon (1899)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Komisyon ni Schurman o Unang Komisyon ng Estados sa Pilipinas ay isang komisyon na binubuo ng limang mga Amerikano at pinamunuan ni Jacob Schurman. Kabilang sa mga kasapi nito si Admiral Dewey at Heneral Otis. Layunin ng Komisyon na alamin ang kalagayan ng kapuluan. Kabilang sa ulat ng Komisyon, pagkaraan ng isang taon, na ang mga Pilipino ay naghahangad ng kasarinlan at kalayaan; at kabilang sa kanilang mga mungkahi ang (a) pagiging hindi pa handa ng mga Pilipino sa pagkakaroon ng kalayaan at kasarinlan, (b) ang paglulunsad ng pamahalaang sibilyan sa halip na pinangangasiwaan ng isang gobernador na militar, (c) pagtatatag ng lehislaturang bikameral (ang lehislatura ay ang kapulungan ng mga tagapaglagda ng mga kautusan o batas), (d) paglulunsad ng mga pamahalaang mayroong awtonomiya sa mga antas na panlalawigan at pangmunisipyo, at (e) pagtatatag ng isang sistema ng walang bayad o libreng publikong mga paaralang pang-elementarya.[1]

Ikalawang Komisyon (1900)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Ikalawang Komisyon ng Estados Unidos sa Pilipinas, na nakikilala rin bilang Komisyon ni Taft (Taft Commission), sapagkat ang pinunong komisyonero nito ay si William Howard Taft (si Taft rin ang unang gobernador na sibilyan ng Pilipinas), ay itinalaga ni McKinley noong 16 Marso 1900. Binigyan ito ng kapangyarihang gumawa ng mga batas (umabot sa 499 ang bilang ng mga batas na nagawa mula 1900 hanggang 1902) at ng kapangyarihang magpatupad ng mga batas, kabilang na ang paglulunsad ng isang sistemang panghukuman, ng serbisyong sibil, ng kodigong legal, ng kodigong munisipal, ng Konstabularyo ng Pilipinas bilang isang puwersang pambuong kapuluan (Hulyo 1901).[1]

Ang tatlong pangunahing mga haligi ng palatuntunan o programa ng pag-iwi ng Komisyong Taft sa Pilipinas ay kinabibilangan ng mga sumusunod: (a) kaunlarang pang-ekonomiya, (b) edukasyon, (c) paglulunsad ng mga institusyong kumakatawan o representatibo.[2] pinasa ng kongreso ang serbisyong sibil noong 1900

Batas Organiko ng Pilipinas (1902)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Hulyo 1902, ipinatupad sa Pilipinas ang tinatawag na Philippine Organic Act (Batas Organiko ng Pilipinas) na maglulunsad ng nahalal na Kapulungan ng Pilipinas (Asamblea ng Pilipinas, o ang Mababang Kapulungan) at ng Mataas na Kapulungan na binubuo ng Komisyon ng Pilipinas na itinalaga ng pangulo ng Estados Unidos at may kakayahang magpasa ng batas hinggil sa mga Moro at mga taong hindi Kristiyano. Dahil sa batas na ito, umiral sa Pilipinas ang Tala ng mga Karapatan (Bill of Rights) na umiiral na sa Estados Unidos, at nakapagpapadala ang Pilipinas ng dalawang komisyonerong residente sa Washington, DC na luklukan ng pamahalaan ng Estados Unidos na dadalo sa mga sesyon ng Konggreso ng Estados Unidos. Naganap ang unang halalan para sa Mababang Kapulungan noong Hulyo 1907. Ginanap ang unang sesyon nito noong 16 Oktubre 1907.[1]

Noong 1902, binuwag ng Batas Organiko ng Pilipinas ang katayuan ng Katolisismong Romano bilang relihiyong pang-estado ng Pilipinas. Batay sa naging kasunduan sa pagitan ng pamahalaan ng Estados at ng Lungsod ng Batikano, magkakaroon ng unti-unting pagpapalit ng mga prayleng Kastila na ang mga hahalili ay mga paring Pilipino at hindi Kastila, at ang pangunahing bahagi ng mga lupaing pag-aari ng mga prayle (na humigit-kumulang sa 166,000 mga hektarya) ay ipinagbili noong 1904 sa administrasyon ng Estados Unidos sa halagang US$7.2 mga milyon na ipinagbili naman pagdaka sa mga Pilipino.[1]

Sistema ng politika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kabilang sa sistemang pampolitika na ginamit ng Estados Unidos sa Pilipinas ay ang tinatawag na "patakaran ng pag-akit" (policy of attraction), kung kailan inakit ng mga Amerikano ang mga pili na mga Pilipino (ang mga elite), partikular na ang mga ilustrado (na binansagan bilang "oligarkiya ng intelihensiya"), na mas nais na makipagtulungan sa Espanya o kaya sa Estados Unidos dahil hindi nila pinagkatiwalaan ang Katipunan at sila ay mga rebolusyanoryong nag-aatubili. Kabilang sa mga ito sina Trinidad H. Pardo de Tavera (isang inapo ng maharlikang Kastila) at Benito Legarda (isang kapitalista at may-ari ng lupa), na kapwa umayaw sa pamahalaan ni Emilio Aguinaldo noong 1898 dahil sa hindi pagkakaroon ng mga kasunduan kay Apolinario Mabini.[3]

Bilang pakikiisa nina Pardo de Tavera at Legarda sa mga Amerikano, nakiisa sila sa mga Komisyon nina Schurman at Taft at tinangkilik ang pagtanggap ng mga Pilipino sa Estados Unidos. Noong Disyembre 1900, tinangkilik nila ang pagiging isa sa mga estado ng Pilipinas ng Estados Unidos sa ilalim ng Partidong Pederalista (Federalista Party). Naitalaga sila bilang unang mga kasaping Pilipino ng Komisyong Pilipino na pambatas. Noong 1905, binago ng partidong ang kanilang palatuntunan, dahil sa kawalan ng kasunduan sa mga pinuno nito, upang tangkilikin ang pagkakaroon ng Pilipinas ng "lubos na kalayaan". Binago ng partido ang pangalan nito upang maging Partido Nacional Progresista (National Progressive Party).[3]

Noong 1907, inilunsad ang Nacionalista Party (Partido Nasyonalista) at nangibabaw sa larangan ng politika sa Pilipinas hanggang sa pagkalipas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Kabilang sa mga kasapi nito ay mga hindi ilustrado. Isa sa mga pinuno ng partido ay sina Manuel Quezon at Sergio Osmeña. Ang naging plataporma ng Partido Nasyonalista ay ang pagkakaroon ng "kaagad na kalayaan" para sa Pilipinas. Dahil sa paglitaw ng Partido Nasyonalista, nagkaroon ng sistemang may partido sa Pilipinas, subalit walang naging kalaban sa politika ang Partido Nasyonalista magmula 1916 hanggang 1945. Lumitaw lamang ang Liberal Party (Partido Liberal) noong 1946.[3]

Pamana ng patakaran ng pag-akit

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mayroong tinatanaw bilang tagumpay at kabiguan ang "patakaran ng pag-akit". Ang tagumpay nito ay ang pagkakabigay sa mga Pilipino ng Estados Unidos ng "edukasyong pampolitika". Ang kabiguan naman nito ay ang pagkakaroon ng hadlang (dahil sa pagkakaroon ng kapangyarihan ng isang malakas na partidong pampolitika) sa mga hangarin o interes ng mga hindi elite o hindi pili sa lipunan. Hindi nagkaroon ng pagtuon sa repormang panlipunan, pag-aari ng lupain, pangungupahan sa lupain, at hindi patas na pagkakamudmod ng yaman.[3]

Nagkaroon ng pagtutulungan sa pagitan ng mga panig ng mga Amerikano at ng mga Pilipino noong maging Gobernador-Heneral ng Pilipinas si Francis Burton Harrison (1913-21), isang pinuno na inilarawan bilang isang "monarkang pangkonstitusyon" na namamahala ng "pamahalaan ng mga Pilipino". Naging liberal si Woodrow Wilson, na nasa ilalim ng Democratic Party (Partido Demokratiko), sa pakikitungo sa mga Pilipino. Noong 1912, nagtalaga si Wilson ng 5 mga Pilipinas bilang miyembro ng pambatas na Komisyong Pilipino (unang pagkakataon na nasa mayorya ang bilang ng mga Pilipino sa nasabing Komisyon). Isinakatuparan ni Harrison ang Pilipinisasyon ng serbisyo sibil, na mas dumami ang bilang ng mga Pilipinong opisyal ng pamahalaan kaysa sa dami ng mga Amerikano. Sa panahong ito, nangingibabaw ang Nacionalista Party ng mga Pilipino.[4]

Noong 1916, ipinasa ng Konggreso ng Estados Unidos ang Batas Jones (Jones Act), ang pangalawang organikong batas na may kaugnayan sa Pilipinas, at pumalit sa Batas na Organiko ng 1902. Isinasaad dito na may layunin ang Estados Unidos na palayain ang Pilipinas kapag nakapagtatag na ito ng isang matatag na pamahalaan. Napalitan ng Senado ng Pilipinas ang Komisyon ng Pilipinas sa pagganap bilang Mataas na Kapulungan na pambatas. Ang Mababang Kapulungan ay pinalitan naman ang pangalan upang maging Kapulungan ng mga Kinatawan (House of Representatives). Dahil sa Batas Jones, ang sangay na lehislatibo o pambatas ng pamahalaan ay napunta sa kontrol o pagtaban ng mga Pilipino, bagaman ang mga hukom ng Korte Suprema (Kataastaasang Hukuman) ay nananatiling mga Amerikano.[4]

Mula 1921 hanggang 1927, ang naging kapalit ni Wilson bilang Gobernador-Heneral ng Pilipinas ay si Heneral Leonard Wood, isang pinuno na hindi naniniwala na dapat lisanin ng Estados Unidos ang Pilipinas dahil sa mga interes ng Estados Unidos sa pook ng kanlurang Pasipiko. Hindi katulad ni Wilson, ginamit ni Wood ang kaniyang kapangyarihan sa paggamit ng veto (pagtutol) na umabot sa 126 na mga ulit sa loob ng kaniyang anim na taon sa panunungkulan bilang gobernador-heneral ng Pilipinas. Noong 1923, maraming mga Pilipino ang umayaw sa kanilang mga tungkuling pampamahalaan, na hindi napunuan hanggang sa kamatayan ni Wood noong 1927. Dahil dito, binaligtad ng mga naging kahalili ni Wood bilang gobernador-heneral ang kaniyang mga patakaran at naglunsad ng mabuting pakikitungo sa mga Pilipinong nanunungkulan sa politika.[4]

Katayuan ng Mindanao at Sulu

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 1914, umiiral sa pamahalaan ng Pilipinas ang tinatawag na Kagawaran o Departamento ng Mindanao at Sulu. Noong panahong iyon, sa pananaw ng mga Pilipinong Moro (Pilipinong Muslim), isang panganib para sa kanilang katayuan sa politika ang mabilisang Pilipinisasyon ng serbisyong sibil at ang pagkakaroon ng sasapit na kalayaan ng Pilipinas, dahil sa ang pamahalaan ng isang malayang Pilipinas ay mapapangingibabawan ng mga Kristiyano. Noong panahong iyon, wala pang pambatas na pagkilala sa mga kostumbre at mga institusyon ng mga Muslim sa Pilipinas.[4]

Sampamahalaan ng Pilipinas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 1935, dahil sa isang lehislasyon na ipinasa ng Konggreso ng Estados Unidos noong 1934, nailunsad ang pagiging Sampamahalaan o Komonwelt ng Pilipinas.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]