Lungsod ng Vaticano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lungsod ng Batikano)
Jump to navigation Jump to search
Status Civitatis Vaticanae (Latín)
Stato della Città del Vaticano (Italyano)
Estado ng Lungsod ng Vaticano
Watawat ng Lungsod ng Vaticano
Watawat
Eskudo ng Lungsod ng Vaticano
Eskudo
Salawikain: 
Location of Lungsod ng Vaticano
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Lungsod ng Vaticano1
Opisyal na wikaLatin2, Italyano
PamahalaanEklesyastiko
• Papa
Francisco
Pietro Parolin
Giuseppe Bertello
Kalayaan 
11 Pebrero 1929
Lawak
• Kabuuan
0.44 km2 (0.17 mi kuw) (ika-234)
• Katubigan (%)
0
Populasyon
• Pagtataya sa Hulyo 2009
826 (ika-235)
• Kapal
2,093/km2 (5,420.8/sq mi) (ika-6)
SalapiEuro 4 (EUR)
Sona ng orasUTC+1
• Tag-init (DST)
UTC+2 (CEST)
Kodigong pantelepono39
Internet TLD.va
1 Ang Lungsod ng Vaticano ay isang lungsod-estado (city-state).
2 Ginagamit sa opisyal na pangangailangan. Ang tunay (de facto) na mga ginagamit ay ang Italyano, Aleman, Ingles, Espanyol, Pranses and Portuges, kung saan ang Italyano ang karaniwang ginagamit. Aleman naman ang ginagamit ng Papal Swiss Guard.
3 Tingnan ang seksiyon ng Ekonomiya para sa detalye.
4 Bago mag-2002: Vatican Lira (kapantay ng Italian lira).

Ang Lungsod ng Vaticano, Vatican City[1][2] opisyal na Estado ng Lungsod ng Vaticano (Latin: Status Civitatis Vaticanae) ay isang engklabe na pinalilibutan ng Roma–ang kabisera ng Italya–at siyang bumubuo ng nakapangyayaring teritoryo ng Banal na Sede (Sancta Sede), ang pamahalaang sentral ng Simbahang Katolika. Ito ang pinakamaliit na malayang estado sa daigdig sa sukat at populasyon. Ang Lungsod ng Vaticano ang tahanan ng Santo Papa. Latin ang wikang opisyal ng Banal na Sede, samantalang Aleman naman ang salita ng Suwisong Tanod.

Etimolohiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Ipinangalan ang lungsod-estado sa Burol Vaticano (Mons Vaticanus). Nariyan na ang Burol Vaticano at ng kanugnog nitong Kapatagang Vaticano (Campus Vaticanus) bago pa ng Kristyanismo, at nang maging Kristyano ang Imperyong Romano ay doon na sinimulang ipatayo ang Basilika ni San Pedro, ang Palasyong Apostoliko at ang Kapilyang Sistina nito, at ang Museong Vaticano.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Nabuo ang kasalukuyang bansa mula sa dáting teritoryo ng Mga Estadong Papal na isinanib sa Kaharián ng Italya. Itinatag ito sa pamamagitan ng Tratadong Laterano, na siyang nilagdaan ng Punong Ministrong si Benito Mussolini para kay Haring Victor Emmanuel III, at Pietro Gasparri, Kalihim–Kardinal ng Estado, para kay Papa Pio XI noong 11 Pebrero 1929.

Tanaw sa buong lungsod-estado. Kapansin-pansin sa gitna ng retrato ang Basilika ni San Pedro at Plaza ni San Pedro.

Mga sanggunián[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Cruz, Oscar V. (22 Enero 1997). "Maglakbay Tayo". CBCP Online. Tinago mula sa orihinal noong 2010-07-26. Nakuha noong 2013-01-06.
  2. Tagle, Luis Antonio G. (28 Setyembre 2012). "Liham Pastoral sa Pagdiriwang ng Taon ng Pananampalataya". The Roman Catholic Archdiocese of Manila. Tinago mula sa orihinal noong 2016-03-04. Nakuha noong 2013-03-15.

Mga panlabas na kawil[baguhin | baguhin ang batayan]



Kristiyanismo Ang lathalaing ito na tungkol sa Kristiyanismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.