Pumunta sa nilalaman

Biyelorusya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Republika ng Belarus)
Republika ng Belarus
  • Рэспубліка Беларусь (Biyeloruso)
  • Respublika Bielaruś
    Республика Беларусь (Ruso)
  • Respublika Belarus
Awitin: Мы, беларусы
My, biełarusy
"Kaming mga Biyeloruso"
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Minsk
53°55′N 27°33′E / 53.917°N 27.550°E / 53.917; 27.550
Wikang opisyal
KatawaganBiyeloruso
PamahalaanUnitaryong republikang semi-presidensyal
• Pangulo
Aleksandr Lukashenko
Roman Golovchenko
LehislaturaPambansang Asembleya
• Mataas na Kapulungan
Konseho ng Republika
• Mababang Kapulungan
Kapulungan ng mga Kinatawan
Makabagong Kasaysayan
9 Marso 1918
31 Hulyo 1920
19 Setyembre 1991
8 Disyembre 1999
Lawak
• Kabuuan
207,595 km2 (80,153 mi kuw) (ika-84)
• Katubigan (%)
1.4% (2.830 km2 (1.093 mi kuw))
Populasyon
• Pagtataya sa 2024
9,155,978 (ika-98)
• Densidad
45.8/km2 (118.6/mi kuw)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $221.186 bilyon (ika-73)
• Bawat kapita
Increase $24,016 (ika-71)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Decrease $68.864 bilyon (ika-74)
• Bawat kapita
Decrease $7,477 (ika-82)
Gini (2019)25.3
mababa
TKP (2019)Increase 0.823
napakataas · ika-53
SalapiRublo (BYN)
Sona ng orasUTC+3 (MSK)
Kodigong pantelepono+375
Internet TLD
  • .by
  • .бел

Ang Biyelorusya (Biyeloruso: Беларусь, tr. Bielaruś), opisyal na Republika ng Belarus, ay bansang walang pampang sa Silangang Europa. Hinahangganan ito ng Rusya sa silanga't hilagang-silangan, Litwanya at Letonya sa hilagang-kanluran, Polonya sa kanluran, at Ukranya sa timog. Sumasaklaw ito ng lawak na 207,595 km2 at tinitirhan ng halos 9.1 milyong tao. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Minsk.

Sa pagitan ng panahong medievo at ika-20 siglo, pinamahalaan ang lupain ng kung ano ngayo'y tinatawag na Belarus ng mga banyagang estado, kabilang ang Rus ng Kyiv, Prinsipalidad of Polatsk, Dukadong Maringal ng Litwanya, Mankomunidad ng Dalawang Bansa, at Imperyong Ruso. Matapos ang Himagsikang Ruso ng 1917, nalikha ang Demokratikong Republika ngunit agad na ineksilya ng mga Bolshebista, na nagtagumpay sa naganap sa digmaang sibil sa dating imperyo at bumuo ng Republikang Sosyalistang Sobyetiko sa bansa. Naging republikang konstituyente at pundador ito ng URSS. Nawala ang halos kalahati ng teritoryong hawak ng Biyelorusya sa pagtatapos ng Digmaang Polako–Sobyetiko. Karamihan sa mga makabagong hangganan nito ay nabuo noong 1939, nang naibalik ang iilan sa lupa ng Ikalawang Republikang Polako nang sinakalakay ng mga Sobyetiko ang Polonya sa ilalim ng Paktong Ribbentrop-Molotov. Sinalanta ng mga operasyong militar ang bansa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nang nawala ang halos isang-kapat ng populasyon at kalahati ng mapagkukunang pang-ekonomiya nito. Sinakop ng Alemanyang Nazi ang Biyelorusya noong 1941, na gumawa ng malawak na insurhenteng kilusang anti-pasista sa bansa. Pinamunuan ng kilusan ang politika nito hanggang sa dekada 1970, kung saan trinansisyon nito ang ekonomiyang agraryo nito sa industriya. Prinoklama ng parlamento ang soberanya ng bansa noong Hulyo 1990, at nagdeklara ang Biyelorusya ng kasarinlan noong Agosto 1991.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga kawing na panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Wikinews
Wikinews
May kaugnay na balita ang Wikinews tungkol sa artikulong ito:
Category:Belarus (sa wikang Ingles)

 CIS