Pumunta sa nilalaman

Sweden

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Swede)
Kaharian ng Sweden (Suwesya)
Konungariket Sverige  (sa Suwesya)
Watawat ng Sweden (Suwesya)
Watawat
Eskudo ng Sweden (Suwesya)
Eskudo
Salawikain: (Royal) "För Sverige i tiden" 1
"Para sa Suwesya sa Lahat ng Oras" 
Awiting Pambansa: Du gamla, Du fria2
Siyang matanda, siyang malaya

Awiting Makahari: Kungssången
Ang Awit ng Hari
Kinaroroonan ng  Sweden  (luntiang maitim) – sa lupalop ng Europa  (luntiang maputi & maitim na gris) – sa Unyong Europeo  (luntiang maputi)  —  [Gabay]
Kinaroroonan ng  Sweden  (luntiang maitim)

– sa lupalop ng Europa  (luntiang maputi & maitim na gris)
– sa Unyong Europeo  (luntiang maputi)  —  [Gabay]

KabiseraStockholm
Pinakamalaking lungsodcapital
Wikang opisyalSuweko3
Pangkat-etniko
82.1% Swedish [1]
17.9% other (2008)[2][3]
KatawaganSwedish or Swedes/Suweko
PamahalaanDemokrasiyang parliyamentaryo at Monarkiyang konstitusyonal
King Carl XVI Gustaf
Ulf Kristersson
Andreas Norlén
Konsolidasyon
1397
• 'de facto kahariang malaya
June 6, 1523
• na-ratify ang katapusan ng pagkakaisang Escandinaviano
1524
1974
• Sumapi sa Unyong Europeo
1 January 1995
Lawak
• Kabuuan
449,964 km2 (173,732 sq mi) (55th)
• Katubigan (%)
8.7
Populasyon
• Senso ng 2009
9,263,872[4]
• Densidad
20.6/km2 (53.4/mi kuw) (ika-192)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2008
• Kabuuan
$341.869 billion[5]
• Bawat kapita
$37,245[5] (ika-17)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2008
• Kabuuan
$484.550 billion[5]
• Bawat kapita
$52,789[5] (ika-9)
Gini (2005)23
mababa
TKP (2006)0.958[6]
napakataas · ika-7
SalapiSuwekong krona (SEK)
Sona ng orasUTC+1 (CET)
• Tag-init (DST)
UTC+2 (CEST)
Ayos ng petsayyyy-mm-dd,
d/m yyyy,
dd-mm-yyyy,
dd-mm-yy
Gilid ng pagmamanehokanan4
Kodigong pantelepono46
Kodigo sa ISO 3166SE
Internet TLD.se5
  1. Ang För Sverige - I tiden ay ginagamit ni Carl XVI Gustaf bilang kanyang bansag na personal.
  2. Ang Du gamla, Du fria ay hindi pa nakikila bilang isang pambansang awit, ngunit ito na ang nakagawian.
  3. Since July 1, 2009[7][8] .[9]
  4. Since 3 September 1967.
  5. Ang domain na .eu ay ginagamit, at nahihiram din ng ibang kasaping-bansa sa Unyong Europeo. Ang domain na .nu ay ginagamit din (Nangangahulugang "ngayon" ang "nu" sa Suweko).

Ang Suwesya, o "Sverige",[10] ibig sabihin ay opisyal na Kaharian ng Suwesya (Swedish: Konungariket Sverige) ay isang bansang Nordiko sa Iskandinabiya, sa Hilagang Europa. Ito ay napalilibutan ng Noruwega, sa kanluran, Pinlandiya sa hilagang silangan, ng Kipot ng Skagerrak at Kipot ng Kattegat sa timog kanluran at ng Dagat Baltiko at look ng Botnia sa silangan. Ang Suwesya ay may mababang densidad ng populasyon sa lahat ng kaniyang mga metropolitanong area.


Pinagmulang ng Pangalan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Karaniwang itinuturing na ang pangalan ng Sweden ay nagmula sa Proto-Indo-European na ugat na *s(w)e, na nangangahulugang 'sarili', na tumutukoy sa sariling tribo noong panahong tribo pa ang lipunan.[11][12][13] Ang katutubong pangalang Suweko, Sverige (isang tambalan ng mga salitang Svea at rike, na unang naitala sa kaugnay na anyo na Swēorice sa Beowulf),[14] ay nangangahulugang "kaharian ng mga Swede", na hindi isinama ang mga Geats sa Götaland.

Sa wikang Suweko, tinatawag ng mga taga-Sweden ang kanilang bansa na "Sverige" o "Sverge", ibig sabihin ay "kaharian ng mga Suweko." o "Kaharian ng Suwesya"[15][10]

Ang makabagong anyo nito sa Ingles ay hinango noong ika-17 siglo mula sa Middle Dutch at Gitang baba ng Alemanya. Noon pang 1287, may mga sangguniang makikita sa Middle Dutch na tumutukoy sa isang lande van sweden ("lupain ng [mga] Swede"), na may swede bilang anyong isahan.[16] Sa Old English, ang bansa ay kilala bilang Swéoland o Swíoríce, at sa Early Modern English bilang Swedeland.[17] Ilang wikang Finnic, tulad ng Finnish at Estonian, ay gumagamit ng mga katawagang Ruotsi at Rootsi; ang mga anyong ito ay tumutukoy sa mga Rus' na nanirahan sa mga baybaying lugar ng Roslagen sa Uppland at nagbigay ng kanilang pangalan sa Russia.[18]

Kaharian ng Suwesya

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Isang magaspang na mapa ng saklaw ng pamumuno ng Sweden, c. 1280

Ang aktuwal na edad ng kaharian ng Sweden o Suwesya ay hindi alam.[19] Ang pagtukoy sa edad nito ay nakadepende kung ituturing ang Sweden bilang isang bansa noong ang Svear (mga Suweko) ay namuno sa Svealand o noong ang Svear at ang Götar (mga Geat) ng Götaland ay pinag-isa sa ilalim ng iisang pinuno. Sa unang kaso, unang nabanggit ang Svealand na may iisang pinuno noong taong 98 ni Tacitus, ngunit halos imposibleng malaman kung gaano na ito katagal noon. Inilalarawan ng epikong tulang Beowulf ang kalahating alamat na mga digmaan ng Suweko at Geat noong ika-6 na siglo.

Gayunpaman, karaniwang sinisimulan ng mga historyador ang tala ng mga monarko ng Sweden mula nang ang Svealand at Götaland ay napailalim sa parehong hari, na sina Erik the Victorious at ang kaniyang anak na si Olof Skötkonung noong ika-10 siglo. Madalas tawaging pagkakaisa ng Sweden ang mga pangyayaring ito, kahit na maraming lugar ang nasakop at isinama kalaunan. Sa kontekstong ito, ang "Götaland" ay pangunahing tumutukoy sa mga lalawigan ng Östergötland at Västergötland. Ang Småland ay halos walang interes noon dahil sa malalalim nitong kagubatan ng pino, at tanging ang lungsod ng Kalmar at ang kastilyo nito ang may malaking kahalagahan. Mayroon ding mga pamayanang Suweko sa kahabaan ng timog na baybayin ng Norrland, isa sa apat na lupaing rehiyon ng Sweden.[20]

Si San Ansgar ay tradisyonal na kinikilala bilang nagpakilala ng Kristiyanismo sa Sweden noong 829, ngunit hindi lubusang napalitan ang paganismo ng bagong relihiyon hanggang ika-12 siglo. Noong panahong iyon, dumaranas ang Sweden ng tunggaliang dinastiko sa pagitan ng mga angkan ng Eric at Sverker. Nagtapos ang tunggalian nang mag-asawa ang ikatlong angkan sa angkan ng Eric, na bumuo ng dinastiyang Bjälbo, na unti-unting nagpanday sa mas matatag na estado ng Sweden. Ayon sa Alamat ni Saint Erik at sa Erik's Chronicle, nagsagawa ang mga haring Suweko ng sunod-sunod na Krusada laban sa paganong Finland at nagsimula ng tunggalian sa Rus', na noon ay wala nang kaugnayan sa Sweden.[21] Bunga ng mga Krusada, lalo na ng Ikalawang Krusadang Suweko na pinamunuan ni Birger Jarl[22] unti-unting napabilang ang Finland sa kaharian ng Sweden at sa saklaw ng impluwensya ng Simbahang Katolika.[23] Nagtayo ang mga Suweko ng mga kuta sa Tavastland at Åbo, habang nagtayo ng konsehong maharlika ang hari, bumuo ng estrukturang administratibo at sistema ng buwis, at isinulat ang mga kodigo ng batas sa panahon ng paghahari nina Magnus Ladulås (1275–1290) at Magnus Eriksson (1319–1364).[24] Dahil dito, ganap na naisama ang mga lupaing Suomi o Pinland sa kaharian ng Sweden.[25]

Emperyong Suweko

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Gustavus Adolphus sa Labanan sa Breitenfeld noong 1631
Ang Emperyong Suweko mula 1560 hanggang 1815; rurok nito ay noong 1658–1660

Emperyo ng mga Sverge (The Empire of Sweden) ay umangat ang Sweden bilang makapangyarihang bansa sa kontinente noong pamumuno ni haring Gustavus Adolphus, nang makuha nito ang mga teritoryo mula sa Russia at Polish–Lithuanian Commonwealth sa iba’t ibang digmaan.[26] Sa Panahong Tatlumpung Taon ng Digmaan, nasakop ng Sweden ang halos kalahati ng mga estado ng Banal na Imperyo Romano at natalo ang hukbo ng Imperyo sa Labanan sa Breitenfeld noong 1631.[27] Plano ni Gustavus Adolphus na maging bagong Banal na Emperador Romano, na mamumuno sa isang nagkakaisang Scandinavia at mga estado ng Banal na Imperyo, ngunit siya’y napatay sa Labanan sa Lützen noong 1632. Pagkatapos ng Labanan sa Nördlingen noong 1634, ang tanging malaking pagkatalo ng Sweden sa digmaan, humina ang simpatya ng mga Aleman para sa Sweden.[27] Unti-unting humiwalay ang mga lalawigang Aleman mula sa kapangyarihan ng Sweden, iniwan lamang ito ng ilang hilagang teritoryo gaya ng Swedish Pomerania, Bremen-Verden at Wismar. Mula 1643 hanggang 1645, nakipagdigma ang Sweden sa Denmark-Norway sa Digmaang Torstenson. Ang kinalabasan ng labang ito at ang pagtatapos ng Tatlumpung Taon ng Digmaan ang nagpatibay sa Sweden bilang makapangyarihang bansa sa Europa.[27] Sa pamamagitan ng Kapayapaan sa Westphalia noong 1648, nakakuha ang Sweden ng mga teritoryo sa hilagang Alemanya.

Noong kalagitnaan ng ika-17 siglo, ang Sweden ang ikatlong pinakamalaking bansa sa Europa batay sa lawak ng lupa. Naabot nito ang pinakamalawak na teritoryo sa ilalim ng pamumuno ni Charles X matapos ang kasunduan sa Roskilde noong 1658, matapos ang pagdaan niya sa mga Belt ng Denmark.[28][29] Ang pundasyon ng tagumpay ng Sweden noong panahong ito ay iniuugnay sa malalaking pagbabago sa Ekonomiya ng Sweden na pinasimulan ni Gustav I noong ika-16 siglo, at sa pagpapakilala niya ng Protestantismo.[30] Isang-katlo ng populasyon ng Finland ang namatay sa mapaminsalang Dakilang Taggutom ng 1695–1697.[31] Tinamaan din ng taggutom ang Sweden, na pumatay sa humigit-kumulang 10% ng populasyon nito.[32]

Noong ika-17 siglo, sangkot ang Sweden sa maraming digmaan, tulad ng laban sa Poland–Lithuania, kung saan parehong nag-agawan sa mga teritoryo ng kasalukuyang Baltic states. Natapos ang Digmaang Polish–Suweko (1626–1629) sa isang tigil-putukan sa Stary Targ (Kasunduan sa Altmark) noong 26 Setyembre 1629 na pumabor sa mga Suweko, kung saan isinanib ng Poland ang malaking bahagi ng Livonia kasama ang mahalagang pantalan ng Riga. Nakakuha rin ng karapatan ang mga Suweko na buwisan ang kalakalan ng Poland sa Baltic (3.5% sa halaga ng mga kalakal), at napanatili ang kontrol sa maraming lungsod sa Royal at Ducal Prussia (kabilang ang Piława (Pillau), Memel at Elbląg (Elbing)). Paglaon ay nagsagawa ang mga Suweko ng serye ng pananakop sa Polish–Lithuanian Commonwealth, na kilala bilang Deluge.[33] Pagkatapos ng higit kalahating siglo ng halos tuloy-tuloy na digmaan, bumagsak ang ekonomiya ng Sweden. Naging habambuhay na tungkulin ni anak ni Charles X, Charles XI, na muling buuin ang ekonomiya at ihanda ang hukbo.[34] Ang kanyang pamana sa anak na susunod na hari ng Sweden, Charles XII, ay isa sa pinakamahuhusay na arsenal sa buong mundo, isang malaking nakatayong hukbo at isang dakilang hukbong dagat.[35] Ang Rusya, ang pinakamalaking banta sa Sweden sa panahong ito, ay may mas malaking hukbo ngunit malayong nahuhuli sa kagamitan at pagsasanay.[36]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Befolkningsstatistik". www.scb.se. Nakuha noong 2009-06-16.
  2. "Summary of Population Statistics 1960 - 2008 (corrected version 2009-05-13)". www.scb.se. 2009-05-13. Nakuha noong 2009-07-08.
  3. Note that Swedish-speaking Finns or other Swedish-speakers born outside Sweden might self-identify as Swedish despite being born abroad. Moreover, people born within Sweden may not be ethnic Swedes.
  4. "Befolkningsstatistik". Statistiska centralbyrån. Nakuha noong 2009-05-04.
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 "Sweden". International Monetary Fund. Nakuha noong 2009-04-22.
  6. HDI of Sweden Naka-arkibo 2009-02-19 sa Wayback Machine.. The United Nations. Retrieved 8 July 2009.
  7. "Språklagen" (PDF). Språkförsvaret (sa wikang Suweko). 2009-07-01. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2010-08-19. Nakuha noong 2009-07-15.
  8. Landes, David (2009-07-01). "Swedish becomes official 'main language'". The Local. thelocal.se. Nakuha noong 2009-07-15.
  9. "Är svenskan också officiellt språk i Sverige?" (sa wikang Suweko). Språkrådet (Language Council of Sweden). 2008-02-01. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-02-06. Nakuha noong 2008-06-22.
  10. 10.0 10.1 "UNGEGN World Geographical Names". Unstats. 1 August 2011.
  11. Indogermanisches etymologisches Wörterbuch ni Julius Pokorny (salin sa Ingles), p. 1493
  12. Friesen (von), O. (1915). Verdandis småskrifter (Verdandis Pamphlets) blg. 200.
  13. Hellquist, Elof (1922). Svensk etymologisk ordbok [Diksiyonaryong etimolohikal ng wikang Suweko] (sa wikang Suweko). Gleerup. p. 915.
  14. Hellquist, Elof (1922). Svensk etymologisk ordbok [Diksiyonaryong etimolohikal ng wikang Suweko] (sa wikang Suweko). Gleerup. p. 917. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Agosto 2011. Nakuha noong 30 Agosto 2011.
  15. Elgan, Elisabeth; Scobbie, Irene (2015). Historical Dictionary of Sweden. Rowman & Littlefield. p. 287. ISBN 978-1-4422-5071-0. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Oktubre 2023. Nakuha noong 9 Setyembre 2022.
  16. Lemma: SWEDEN Naka-arkibo 20 April 2021[Date mismatch] sa Wayback Machine., Instituut voor de Nederlandse Taal
  17. "Sweden". Oxford English Dictionary (sa wikang Ingles) (ika-3 (na) labas). Oxford University Press. Setyembre 2005.
  18. Elgan, Elisabeth; Scobbie, Irene (2015). Historical Dictionary of Sweden. Rowman & Littlefield. p. 287. ISBN 978-1-4422-5071-0. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Oktubre 2023. Nakuha noong 9 Setyembre 2022.
  19. Hadenius, Stig; Nilsson, Torbjörn; Åselius, Gunnar (1996). Sveriges historia: vad varje svensk bör veta [Kasaysayan ng Sweden: kung ano ang dapat malaman ng bawat Suweko] (sa wikang Suweko). Bonnier Alba. ISBN 978-91-34-51784-4.
  20. Peterson, Gary Dean (2014). Warrior Kings of Sweden: The Rise of an Empire in the Sixteenth and Seventeenth Centuries (sa wikang Ingles). McFarland. ISBN 978-1-4766-0411-4.
  21. Bagge, Sverre (2005). "The Scandinavian Kingdoms". Mula sa McKitterick, Rosamond (pat.). The New Cambridge Medieval History. Cambridge University Press. p. 724. ISBN 978-0-521-36289-4. Ang pagpapalawak ng Sweden sa Finland ay nagdulot ng tunggalian sa Rus', na pansamantalang natapos sa pamamagitan ng isang kasunduan sa kapayapaan noong 1323, na naghati sa Karelian peninsula at mga hilagang lugar sa pagitan ng dalawang bansa.
  22. Tarkiainen, Kari (2010). Ruotsin itämaa. Helsinki: Svenska litteratursällskapet i Finland. pp. 104–147. ISBN 978-951-583-212-2.
  23. Tarkiainen, Kari (2010). Ruotsin itämaa. Porvoo: Svenska litteratursällskapet i Finland. pp. 167–170. ISBN 978-951-583-212-2.
  24. Kirby, David (13 July 2006). A Concise History of Finland (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. ISBN 978-0-521-83225-0.
  25. Kirby, p.9
  26. Frost 2000, p. 102.
  27. 27.0 27.1 27.2 Frost 2000, p. 103.
  28. "A Political and Social History of Modern Europe V.1./Hayes..." Hayes, Carlton J. H. (1882–1964), Title: A Political and Social History of Modern Europe V.1., 2002-12-08, Project Gutenberg, webpage: Infomot-7hsr110. Naka-arkibo 17 November 2007 sa Wayback Machine.
  29. Gayunpaman, ang pinakamalawak na sakop ng Sweden ay mula 1319 hanggang 1343 sa ilalim ni Magnus Eriksson na namuno sa lahat ng tradisyonal na lupain ng Sweden at Norway.
  30. "Gustav I Vasa – Britannica Concise" (biography), Britannica Concise, 2007, webpage: EBConcise-Gustav-I-Vasa.
  31. "Finland and the Swedish Empire". Library of Congress Country Studies. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 December 2016. Nakuha noong 17 September 2014.
  32. Ewan, Elizabeth; Nugent, Janay (2008). Finding the family in medieval and early modern Scotland. Ashgate Publishing. p. 153. ISBN 978-0-7546-6049-1. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 September 2015.
  33. Frost 2000, p. 156.
  34. Frost 2000, p. 216.
  35. Frost 2000, p. 222.
  36. Frost 2000, p. 232.


SuwesyaBansa Ang lathalaing ito na tungkol sa Suwesya at Bansa ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.