Talaan ng mga bagyo sa Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang Talaan ng mga bagyo sa Pilipinas ay naka hanay na alpabeto sa Bagyo sa Pilipinas ito ay sumusunod sa bawat patlang ng Philippine Area of Responsibility o (PAR) taong 1927 na likhain ang "Panahon ng bagyo sa hilagang-kanlurang Pasipiko".[1][2][3]

Mga bagyong nag-landfall sa Pilipinas[baguhin | baguhin ang batayan]

Buod ng bagyo[baguhin | baguhin ang batayan]

Listahan ng mga sunod-sunod na bagyo sa Pilipinas[baguhin | baguhin ang batayan]

Kategorya ng Bagyo

 5  Super Bagyo
 4  Super bagyo
 3  3 Bagyo
 2  2 Bagyo
 1  1 Bagyo
 STS  Severe Tropikal Bagyo
 TS  Tropikal Bagyo
 TD  Tropikal Depresyon

1. Super Bagyong Ruping (Mike)  5 

ay isang napakalalakas na bagyo na dumaan sa kalupaan ng Gitnang Pilipinas sa kabisayaan noong Nobyembre 14, 1990, tinamaan nito ang Silangang Visayas, Gitnang Visayas, Kanlurang Visayas at Palawan, Ito ay may lakas na aabot sa 185 km/h (115 mph) hanggang 280 km/h (175 mph). Kapalitan: Ritang

2. Super Bagyong Sening (Joan)  5 

Ang Super Bagyong Joan o Sening ay ang una sa pangalawang bagyo na tumama sa Pilipinas noong ika Oktubre 1970 at ang ika sampung deadliest typhoon sa Pilipinas bago pa ang Super Bagyong Yolanda (2013). Kapalitan: Susang

3. Super Bagyong Yolanda (Haiyan)  5 

Ang Super Bagyong Yolanda o Haiyan ay ang pinakamalakas na bagyong dumaan sa kasaysayan ng Pilipinas noong Nobyembre 8, 2013 na namuo sa Karagatang Pasipiko noong Nobyembre 5, Ang Super Bagyong Haiyan ay ang ikalawang bagyo sa "deadliest typhoon" pagkatapos noong 1881 Bagyong Haiphong. Ang Bagyong Yolanda ay maituturing na "delubyo" na may kasamang "daluyong" ito ay tumama sa Silangang Kabisayaan ang matinding pinuruhan nito ay mga bayan ng Guiuan at Lungsod Tacloban matapos ang pagtawid sa bayan ng Dulag, Leyte, Nagtaas ang PAGASA ng signal #4 sa mga lalawigang dadaanan nito. Kapalitan: Yasmin (unused)

4. Super Bagyong Kading (Rita)  5 

Ang Super Bagyong Rita o Kading ay isa sa mga pinakamalakas na bagyong dumaan sa Pilipinas ito ay tumama noong Oktubre 1978 sa Kabikulan. Kapalitan: Klaring

5. Super Bagyong Pitang (Georgia)  5 

Ang Super Bagyong Georgia o Pitang ay ang nagdaang malakas na bagyo bago pa dumating ang Super Bagyong Sening (Joan) na parehong nanalasa taong 1970 sa Pilipinas. Kapalitan: Pasing

6. Super Bagyong Rolly (Goni)  5 

Ito ay nag babadyang dumaan sa dinaanan ng nakarang bagyo ay pinaghahandaan muling mag gayak dahil sa papalapit na sama ng panahon, ito ay inaasahang magdadala ng malalakas na ulan at hangin sa mga dadanan nito matapos tawirin ang landmass sa bansa. Ang Bagyong Goni (Rolly) ay patuloy na kumikilos sa direksyong kanluran-hilagang kanluran sa Quezon-Metro Manila area o Aurora ay inaasahang manalasa sa unang araw ng Nobyembre at lalabas sa ikatlong araw, habang tinatahak ang Kanlurang Dagat Pilipinas at Timog Dagat Tsina. Kapalitan: Romina (unused)

7. Super Bagyong Rosing (Angela)  5 

Si Super Bagyong Rosing ay naminsala na aabot sa 9.33 bilyong Peso ay isang napakabagsik na bagyong dumaan sa Pilipinas makalipas ang 2 dekada sa taong kasalukuyan at nag-iwan ng resulta sa bilang ng nasawi na aabot sa 882. Kapalitan: Rening

8. Super Bagyong Iliang (Zeb)  5 

Ang Super Bagyong Iliang noong 1998 ay isang napakalakas na bagyong tumama sa Hilagang Luzon at nag palubog sa ilang bayan/lungsod ng Kalakhang Maynila noong Oktubre 1998. Kapalitan: Inday

9. Super Bagyong Juan (Megi)  5 

Ang Super Bagyong Megi o Juan ay ang ika-10 pangalan sa kasalukuyang tala ng mga pangalan ng bagyo na ginagamit ng Pangasiwaan ng Palingkurang Atmosperiko, Heopisikal at Astronomiko ng Pilipinas (PAGASA). Kapalitan: Jose

10. Super Bagyong Herming (Betty)  5 

Kapalitan: Helming

11. Super Bagyong Ompong (Mangkhut)  5 

Ang Super Bagyong Mangkhut o Ompong ay isang napakalakas na bagyo na namatyagan ng Kawanihang Meterolohikal na JTWC, ito ay nakapangalan sa Pandaigdig bilang: Mangkhut, noong ika Setyembre 11, 2018 sa karagatang Pasipiko, Ito ay nakataas sa kategoryang 5, Ang sentro nang bagyong Ompong ay sa bahaging Hilaga sa Luzon, Rehiyon ng Lambak Cagayan, Rehiyon ng Ilocos, maging sa Rehiyon Gitnang Luzon, at iba pa. ito ay nasa layong 592 nmi (1,096 km; 681 mi) silangan ng Maynila, Pilipinas. Kapalitan: Obet (unused)

12. Super Bagyong Lawin (Haima)  5 

Ang Super Bagyong Lawin o Haima, ay isang napakalakas na bagyo sa kasalukuyan sa taong 2016 ang, Bagyong Lawin o Bagyong Haima ay maitatala na sa pinakamalakas na bagyo sa taong yaon ito ay namatyagan pa sa sa bahaging silangan ng Virac, Catanduanes. Kapalitan: Leon

13. Bagyong Rosita (Yutu)  5 

Ang Bagyong Rosita ay isang malakas na bagyo na kasalukuyang bumabanta sa pulo ng Luzon. Ito ang pinakamalakas na bagyong tumama sa Hilagang Kapuluang Mariana, at ikalawa sa buong Estados Unidos, sa nakatalang kasaysayan nito.

Ang Bagyong Yutu ay bumagsak sa Tinian at katimugang bahagi ng Saipan sa Category 5 intensity, na may 1-minutong sustenidong hangin na 285 km / h (180 mph) nagiging ang pinaka malakas na bagyo sa rekord na nakakaapekto sa hilagang Mariana Islands. Noong Oktubre 25, sinimulan ng system ang isang cycle ng kapalit ng eyewall, na nagiging sanhi ito upang magpahina habang patuloy itong pumupunta sa kanluran. Kapalitan: Rosal (unused)

14. Bagyong Pablo (Bopha)  5 

Ang Bagyong Pablo ay isang napakalakas na bagyo na tumama sa Rehiyon ng Dabaw, matinding pinuruhan nito ang mga probinsya ang Davao Oriental at Compostela Valley, Nagdulot ito nang malawakang pagkasira nang mga bahay dahil sa taglay nitong malakas na hangin, nagpaulan rin ito sa mga probinsya nang Bukidnon at Misamis Oriental, kabilang na rin rito ang Palawan sa Luzon na inulan rin. Kapalitan: Pepito

15. Bagyong Nina (Nock-ten)  5 

Ang Bagyong Nina (2016), ay isang napakalakas na bagyo na tumama sa mga Rehiyon ng Bicol, CALABARZON at Kalakhang Maynila nang ika Disyembre 25 - 26 sa taong 2016 na aabot sa kategoryang apat maiihalintulad ang pangalan at ang lakas nito sa Bagyong Nona. Kapalitan: Nika

16. Bagyong Ruby (Hagupit)  5 

Ang Bagyong Ruby, ay isang napakalakas na bagyo na tumama sa Silangang Bisayas noong ika Disyembre 8-9 noong taong 2014. Nanalasa ito sa Borongan, Silangang Samar at Catbalogan, Kanlurang Samar. At ang sunod na sinalanta nito ay rehiyon nang BICOL at MIMAROPA. Kapalitan: Rosita

17. Bagyong Mina (Nanmadol)  5 

Ang Bagyong Mina, ay isang napakalalakas na bagyo na dumaan sa kalupaan ng hilagang Luzon ito ay nanalasa sa mga lalawigan nang Cagayan at Isabela. Ito ay may kapareho tinihak sa mga nag daang ibang bagyo, tulad ng Pepeng (Parma) noong 2009; na binayo ang mga probinsya ng Isabela at Cagayan. Kapalitan: Marilyn

18. Bagyong Glenda (Rammasun)  5 

Ang Bagyong Glenda ay ang pinakaunang bagyong tumama sa kalupaan sa Pilipinas sa taong 2014. Ito ang ikapitong bagyong pinangalanan ng PAGASA. Ang salitang rammasun ay galing sa Wikang Thai para sa bathala ng kulog. Kapalitan: Gardo

19. Bagyong Kiko (2021)  5 

Ayon sa ulat ng PAGASA ang bagyong Chanthu o sa Pilipinas ay Kiko ay lumakas pa bilang Severe Tropical bagyo habang binabagtas ang Dagat Pilipinas simula sa Kategoryang 1, dahil sa init ng temperatura sa Karagatang Pasipiko, habang papalit si Kiko sa direksyong kanluran-hilaga ay lumakas sa Kategoryang 2, ayon sa Pinhole na pinapakita, sa satellite image, simula sa Kategorya 3 hanggang Kategorya 4 ay tumaas pa ang Typhoon status sa antas ng Kategorya 5.

20. Bagyong Paeng (Cimaron)  5 

Ang Bagyong Paeng ay nakataas sa kategoryang 5 at nakataas sa signal #4 sa Lambak ng Cagayan kung saan ito unang tumama. Kapalitan: 2022

21. Bagyong Labuyo (Utor)  4 

Ang Bagyong Labuyo ay isang napakalakas na bagyo na tumama as Gitnang Luzon noong ika Agosto 2013 sa lalawigan nang Aurora tinumbok nito ang bayan nang Casiguran, Aurora at maging sa lalawigan nang Quirino namataan ang sentro nang bagyo na ito sa bayan nang Diffun, Quirino. Ito at nakataas sa kategoryang #4. Kapalitan: Lannie

22. Bagyong Reming (Durian)  4 

Ang Bagyong Reming ay isang bagyong nagdulot ng malawakang pinsala sa Pilipinas, kung saan natabunan ng putik na galing sa Bulkang Mayon ang mga nakapalibot na barangay. Ayon sa Joint Typhoon Warning Center, si Reming ang ika-24 na tropical depression, ika-23 na tropical storm, ika-14 na typhoon at ika-7 na super typhoon na humagupit sa mga karatig-bansa ng Karagatang Pasipiko noong taong iyon. Kapalitan: Ruby

23. Bagyong Pepeng (Parma)  4 

Ang Bagyong Pepeng, ay ang pangalawang bagyo na naapekto ang Pilipinas sa loob ng isang linggo sa panahon ng Setyembre 2009. Kapalitan: Paolo

24. Bagyong Lando (Koppu)  4 

Ang Bagyong Lando ay isang malakas na bagyo na tumama sa Gitnang Luzon pati na rin sa Hilagang Luzon at sa Kalakhang Maynila. Tinumbok nito ang Casiguran at Baler sa probinsya nang Aurora. At ito'y nakataas sa Signal #.4. Kapalitan: Liwayway

25. Bagyong Nona (Melor)  4 

Ang Bagyong Nona ay isang malakas na bagyo na tumama sa Pilipinas noong Disyembre 2015. Ang ikalabing-apat na pinangalanang bagyo sa bansa at ang ikadalawampu't-pitong bagyo ng taunang panahon ng mga bagyo. Si Nona ay pumatay ng 42 na tao at inabot ng ₱6.45 bilyon (US$136.4 milyon) ang naging pinsala nito. Kapalitan: Nimfa

26. Bagyong Tisoy (Kammuri)  4 

Ang Bagyong Tisoy ay isang napakalakas na bagyo na umabot ng kategoryang 4 ito ay nanalasa sa mga Rehiyon ng Bicol, CALABARZON, Mimaropa at Silangang Visayas noong Disyembre 2 at 3, 2019 mahihiluntad ito sa Bagyong Nina at Glenda makalipas ang 5 at 3 taon. Ang Bagyong Tisoy ay ang ika 20 malakas na bagyo na tumama sa Pilipinas taong 2019. Kapalitan: Tamaraw (unused)

27. Bagyong Milenyo (Xangsane)  4 

Ang Bagyong Milenyo ay isang bagyo na naka-apekto sa Pilipinas, Vietnam, at Thailand noong panahon ng bagyo sa hilagang-kanlurang Pasipiko ng 2006. Ang pandaigdigang bansag na Xangsane ay isinumite ng Laos at nangangahulugang "gadya" o "elepante". Kapalitan: Mario

28 Bagyong Karen (Sarika)  4 

Ang Bagyong Karen ay isang malakas na bagyo na tumama sa Gitnang Luzon sa taong 2016 at ikalabing isa sa lokal na pangalang bagyo si Pilipinas, Si Karen ay naminsala na aabot na sa 4 billion pesos sa Luzon, dinaanan nito ang mga probinsya nang Aurora, Nueva Vizcaya, mga bahaging parteng probinsya at lumabas sa Pangasinan. Kapalitan: Kristine

29. Bagyong Unding (Muifa)  4 

Ang Bagyong Muifa (Unding) ay kumikilos kanluran-hilagang kanluran at bumalik pa-bicol at inaasahang mag lalandfall sa lalawigan ng "Camarines Sur" at tinawid ang mga lalawigan ng "Quezon", Marinduque at Silangang Mindoro, Ito ay huling namataan sa layong 250 nm timog ng Bangkok, Thailand. Matapos ay sinundan ito ng mga bagyong si "Violeta" at "Winnie" sa huling buwan ng taong 2004. Kapalitan: Ulysses

30. Bagyong Yoyong (Nanmadol)  4 

Ang Bagyong Yoyong ay isang napakalakas na bagyong tumama sa Luzon noong 2004 sa Hilagang Luzon, Gitnang Luzon at CALABARZON. Ang matinding pinuruhan nito ay ang Casiguran, Aurora. Kapalitan: 2020

31. Bagyong Pedring (Nesat)  4 

Ang Bagyong Pedting y isang napakalakas na bagyo na tumama as Gitnang Luzon noong ika Setyembre 2011 sa lalawigan nang Aurora at Isabela tinumbok nito Baler, Aurora at maging sa lalawigan nang Quirino namataan ang sentro nang bagyo na ito sa bayan nang Cabarroguis, Quirino. Ito at nakataas sa kategoryang #3 at 4. Kapalitan: Perla


32. Bagyong Queenie (Chebi)  4 

Ang Bagyong Queenie ay isa sa malalakas na bagyong nagdaan noong 2006 pagkatapos ng nagdaang Bagyong Paeng sa lalawigan ng Isabela at Aurora. Kapalitan: 2022

33. Bagyong Odette (Usagi)  4 

Ang Bagyong Odette ay isang napakalakas na bagyo na dumaan sa Batanes ng Luzon strait ay napanatili ang lakas sa kategoryang 4 ito ay kasing lakas ng Bagyong Queenie noong 2006 sa Hilagang Luzon. Kapalitan: 2021

34. Bagyong Quiel (Nalgae)  4 

Ang Bagyong Quiel ay isang napakalakas na bagyong tumama sa Lambak ng Cagayan noong Setyembre 2011 sa Pilipinas, ito ay nasa kategoryang 4 habang tinatahak ang direksyong Vietnam at Tsina. Kapalitan: 2023

35. Bagyong Frank (Feng-shen)  3 

Ang Bagyong Frank ay isang napakalakas na bagyo na umabot ng Kategoryang 3 ito ay nanalasa sa Silangang Visayas, Kanlurang Visayas, Mimaropa, Calabarzon, Kalakhang Maynila at Gitnang Luzon. Ito ay humagupit noong Hunyo 21, 2008 sa araw na iyon pina-lubog ng Bagyong Frank ang lalawigan ng Iloilo at Capiz. Si Frank ay direktang tumama sa bansang Pilipinas at Tsina ay nag-tala at nag sira, ang resulta nito ay ang mga nasawi na aabot sa 1, 371 at 87 ang nawawala kabuuan sa taong iyon. sa Pilipinas ang naitalang patay sa M/V Princess of the Stars sa Romblon 846 mula 922 na katao ang namatay dahil sa pag-lubog ng barko. Kapalitan: Ferdie

36. Bagyong Ambo (Vongfong)  3 

Ang Bagyong Ambo ay ang (2001) na kaunahang pumasok sa karagatang Pilipinas sa buwan ng Mayo, Ito ay namuo noong Mayo 7, sa silangang bahagi ng Palau (U.S) sa karagatang Pasipiko, Maihahalintulad ang Bagyong Ambo sa nagdaang Bagyong Tisoy (2019) at Bagyong Nina (2016). Kapalitan: Aghon (unused)

37. Bagyong Ursula (Phanfone)  3 

Ang Bagyong Ursula ay ang ika (1929) huling bagyo na pumasok sa Pilipinas; huling buwan ng 2019-Disyembre, Ito ay nag-umpisang namuo sa mga isla; ng Yap at Micronesia habang binabagtas (kilos) pa-kanluran sa layong 822 kilometro sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur; Isa itong Tropikal Depresyon (Disyembre 19) at naging Tropikal Bagyo (Disyembre 22),[4] Ito ay inaasahang mag dadala ng matitinding pag-ulan sa pagitan ng Disyembre 24-25 at inaasahang lalabas sa Disyembre 26 ng gabi, Hango ang pangalang "Ursula" sa "Ursa, Oso" (Ingles: Bear). Kapalitan: Ugong (unused)

38. Bagyong Santi (Nari)  3 

Ang Bagyong Santi ay isang napakalakas na bagyo na rumagasa sa Gitnang Luzon noong ika Oktubre 13, 2013 sa lalawigan nang Aurora tinumbok nito ang bayan nang Dinalungan at maging sa lalawigan nang Nueva Ecija, Pampanga at Tarlac namataan ang sentro nang bagyo na ito sa bayan nang Camiling, Tarlac, Ito ay nakataas sa kategoryang #3. Kapalitan: Salome

39. Bagyong Vinta (Krosa)  3 

Ang Bagyong Vinta ay isang napakalakas na bagyo na nasa kategoryang 3 (tatlo), nanalasa si Vinta sa buong Hilagang Luzon noong ika Oktubre 26 hanggang Nobyembre 4, taong 2013, nagtala ang bagyo nang 4 na katao ngunit napinsala rin nito ang mga kabahayan at mga puno, nag pataas nang mga alon hanggang 2 (dalawang) metro kaya umabot ito hanggang sa mga kabahayan.

40. Bagyong Quinta (Molave)  3 

Ang bagyong Quinta ay naging isang ganap na bagyo sa Oktubre 23, Ay inaasahang sa Oktubre 25-26 mananalasa ang 'Bagyong Quinta o Molave' at tatawirin ang slope lying ng Albay at Sorsogon sa Rehiyon ng Bicol at inaasahang lalabas sa pagitan ng Batangas-Mindoro area sa Oktubre 28-29, 2020.

Naminsala si 'Quinta' sa kabuuan ng Rehiyon ng Bicol sa mga lalawigan ng Catanduanes, Albay, Camarines Sur at Quezon, Marinduque, Romblon at mga lalawigan ng Mindoro, Ito ay nag-iwan ng malaking pinsala sa Catanduanes at Albay na nagsanhi ng pagkabagsak ng komunikasyon at dagitab (ilaw) at nagpabuwal ng mga puno, at nagpabaha sa ilang bahagi ng Camarines Sur at Marinduque. Kapalitan: Querubin (unused)

41. Bagyong Ondoy (Ketsana)  2 

Ang bagyong si Ondoy ay nagdulot ng malakas na pagbuhos ng ulan sa kalakhang Maynila at mga kalapit na lalawigan. Sa loob ng siyam oras, nagbaha sa iba't ibang lugar at nagbunga ito ng pagkasawi ng 288 katao at pagkawala ng tahanan ng maraming Pilipino. Pagkatapos manalasa sa Pilipinas, dumaan ito sa Biyetnam, Cambodia at Laos at nagdala ito ng malaking pinsala sa mga bansang yaon. Kapalitan: Odette

42. Bagyong Maring (Doksuri)  2 

Ang Bagyong Maring ay isang malakas at maulang bagyo na dumaan sa kalupaan ng Luzon, lubhang naminsala ito sa Kalakhang Maynila at ilang karatig sa Rehiyon ng Timog Katagalogan, at ang malubhang napuruhan nito ay ang Lungsod ng Calamba sa Laguna at sa bayan nang Taytay, Rizal, na nagsira nang mga kabahayan dahil sa pagtaas nang tubig sa mga ilog. Kapalitan: 2021

43. Bagyong Samuel (Usagi)  2 

Ang Bagyong Samuel ay isang maulang bagyo na tumama sa Silangang Kabisayaan at sa buong Kabisayaan noong ika Nobyembre 20, 2018, ay ipinangalan ang "Bagyong Samuel" kapalit ng "Bagyong Seniang (2006)"., Binalaan ang mga lugar sa Mindanao at Kabisayaan dahil sa malalakas na pag-ulan at pag taas ng pag-baha, Tatawirin ng "Bagyong Usagi" ang tangway ng Palawan, palabas ng bansa at Timog Dagat Tsina habang binabagtas ang Lungsod ng Ho Chi Minh, Vietnam. Kapalitan: 2022

44. Bagyong Vinta (Tembin)  2 

Ang Bagyong Vinta ay isang napakalalakas at maulang bagyo na dumaan sa kalupaan ng hilagang Mindanao matinding tinamaan into ang lunsod sa Cagayan de Oro, noong ika Disyembre 22, 2017. Maging sa rehiyon nang Zamboanga. Any bagging Vinta ay pang dalawang put pito (27th) na nakapwesto sa taong 2017. Kapalitan: Verbena (unused)

45. Bagyong Ulysses (Vamco)  2 

Nobyembre 8 ay namataan sa layong 2,115 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur ng PAGASA ang isang Low Pressure Area na 30% na may posibilidad maging bagyo, matapos ang pagtawid ng bagyong si "Tonyo" sa Katimugang Luzon", Si Ulysses ay kumikilos sa bilis na 75 kilometro hilagang kanluran ito ay inaasahang tatawid sa Luzon matapos ang pananalasa ng "Super Typhoon Rolly" sa malakihang Luzon dulot ng pag lambot ng lupa, pagbaha at pagkasira ng mga kabahayan. Kapalitan: Upang (unused)

46. Bagyong Emong (Chan-hom)  2 

Ang Bagyong Emong ay ang pang-anim na tropical depression, pangalawang tropical storm na nabuo sa Panahon ng bagyo sa hilagang-kanlurang Pasipiko ng 2009. Si Bagyong Emong ay nabuo mula sa sama ng panahon na sinamahan pa ng labi ni Bagyong Crising sa timog-silangan ng Nha Trang, Vietman noong ika-2 ng Mayo. Kapalitan: 2021

47. Bagyong Fabian (In-fa)  2 

Ang bagyong Fabian ay ang ika anim na bagyong pumasok sa Pilipinas, dahil sa pag hatak sa habagat ay patuloy ang paggalaw ng bagyo sa direksyong hilagang kanluran papuntang lalawigan ng Zhejiang at lungsod ng Shanghai. Habang na papanatili ang lakas ng bagyo ay patuloy na hinahatak nito ang "Habagat" na nanggaling sa timog kanluran ng Asya, dahil sa paginit ng temperatura ng Dagat Pilipinas na siyang nag papalakas sa bagyo, Hulyo 19 ng namataan ang bagyo sa isla ng Ryukyu sa Japan.

48. Bagyong Pepito (Saudel)  1 

Ang Bagyong Pepito ay ang ikatlong bagyo sa buwan ng Oktubre 2020 na nanalasa sa Luzon Oktubre 21, ito ay nagdulot ng malawakang baha sa mga ilang lalawigan sa Gitnang Luzon kung saan, dumaan ito, ito ay nagdala ng malalakas na ulan sa Quezon City at Bulacan ay binaha ang ilang barangay at sa mabilisang pag-taas ng mga ilog.

Nag-iwan si 'Pepito' at nag-dulot ng malawakang pagbaha sa Quezon, Aurora, Camarines Sur, Camarines Norte, Nueva Ecija, Quezon City at Cotabato, Maguindanao sa Mindanao, Nagdala si Pepito ng matitinding pag-ulan sa Quezon City kung saan sa Brgy. Payatas ay nag paguho ito ng mga kabahayan dahil sa tinding ibinuhos na ulan. Kapalitan: 2024

49. Bagyong Weng (Nepartak)  1 

Ay isang tropikal at malakas na bagyo ang tumama sa Pilipinas at sa rehiyon ng Hainan sa Tsina ay namuo sa pagitan ng Yap at Guam ito ay nag-umpisang bumaybay pa-kanluran pa-tungong Pilipinas sa kalagitnaang buwan ng Nobyembre taong 2003, Nobyembre 12 ayon sa JMA o Japan Meteorological Agency ay ang ika 20th bagyo sa karagatang Pasipiko, Ito ay unang nag-landfall sa isla mga lalawigan ng "Samar", mahigit 5,000 pasahero ang stranded dahil sa "Bagyong Weng" (2003) na hindi pinayagang mag-layag ang mga sasakyang pan-dagat, Ito ay inaasahang tatawid sa Dagat Timog Tsina o Dagat Kanlurang Pilipinas matapos tawirin ang Coron sa Palawan. Kapalitan: 2023

50. Bagyong Cosme (Halong)  1 

Ang Bagyong Cosme ay isang malakas na bagyo na may lakas na aabot sa kategorya 1 (typhoon), Ito ang isa sa mga bagyong mapaminsala na dumaan sa rehiyon ng Ilocos at Gitnang Luzon matinding sinalanta nito ang mga probinsya nang Zambales, Pangasinan, Timog Ilocos at Hilagang Ilocos, may dala si Cosme nang may naka nakang ulan at mabubugsong hangin, nagtaas ito sa Signal hanggang 3 (tatlo). Ayon sa Japan Meteorologist kahit ang Bagyong si Cosme ay nasa kategorya 1 ay hindi dapat magpasawalang bahala dahil sa daladala nito. Kapalitan: Carina

51. Bagyong Ramon (Kalmeigi)  1 

Ang Bagyong Ramon ay isang tropikal at naging Bagyo sa taong Nobyembre 2019 sa karagatang pasipiko ito ay namataan sa 1,000 kilometro silangan ng Catanduanes. ito ay na-muo sa bahagi ng Guam sa karagatang Pasipiko; Binabantaan nito ang mga probinsya ng Aurora, Batanes, Cagayan, Isabela, Bicol at Silangang Visayas sa kalagitnaan buwan ng Nobyembre 2019. Kapalitan: 2023

52. Bagyong Viring (Melor)  1 

Ay ang ikadalawamput dalawa (22) bagyo na nanalasa sa Lambak ng Cagayan sa Pilipinas noong Nobyembre 2, 2003, dinaanan nito ang mga lalawigan ng Isabela, Cagayan, Apayao at Batanes, Nagdala si "Viring" ng matitinding ulan, Na nagpapaapaw sa Ilog Cagayan. Habang tinutumbok ang direksyong pa hilaga sa Taiwan, Si Viring ay nasa Kategorya 1. Kapalitan: 2023

53. Bagyong Uring (Thelma)  STS 

Ang Bagyong Uring o Thelma ay ang pangatlong maraming na-ipatay na bagyo, sunod ng "Super Bagyong Yolanda" ito ay nanalasa noong Nobyembre 5, 1991 sa gitnang Pilipinas sa kabisayaan ito ay maulang bagyo sa kasaysaysan ng "Pilipinas" maihahalintulad rin ito sa "Mudslide sa Katimugang Leyte ng 2006" ay isang landslide na naganap sa Ormoc City, Leyte, Ito ay namumo noong Nobyembre 1, 1991 hanggang Nobyembre 8, 1991. Kapalitan: Ulding

54. Bagyong Sendong (Washi)  STS 

Ang Bagyong Washi o Sendong ay isang maulang bagyo na kasing halintulad ni Bagyong Ondoy, na nalalasa sa Hilagang Mindanao noong ika Disyembre 17, 2011 na nagdulot nang malawakang pagbaha at pagkasira sa ilang bahagi nang Minadanao. Kapalitan: Sarah

55. Bagyong Urduja (Kai-tak)  STS 

ay isang malakas at maulang bagyo na dumaan sa kalupaan ng silangan kabisayaan, matinding sinalanta nito any mga lungsod ng Borongan, Catbalogan at Tacloban, nagpalubog si Bagyong Urduja ay pinadapa ang Rehiyon 8 maging sa ibang karatig rehiyon. Ang bagyong Urduja ay nakapwesto sa labing dalawa't put anim (26th) sa taong 2017. Kapalitan: Uwan (unused)

56. Bagyong Violeta (Merbok)  STS 

Ang Bagyong Merbok o Violeta, ay ang bagyong maulan na nag pa ragasa sa lalawigan ng Aurora noong Nobyembre 22, 2004 kabilang ang lalawigan sa Hilagang Quezon, sumunod rito si "Bagyong Winnie" at "Bagyong Yoyong" na binayo naman ang ang nalalabing Quezon noong buwan ring iyon, Si "Violy" ay nag-labas ng 185.2 mm na tubig ulan sa Casiguran, Aurora. Kapalitan: Vicky

57. Bagyong Jolina (Conson)  STS 

Ay isang sama ng panahon, Low Pressure Area (LPA) ang namataan sa labas ng Pilipinas sa layong 453 nmi (839 km; 521 mi) silangan, timog-silangan ng Maynila, Setyembre 6 ng ito'y maging isang ganap na bagyo na pinangalanan ng "PAGASA" bilang (Jolina) ay unang nakita sa silangang bahagi ng Dinagat Islands sa Mindanao at timog-silangan ng Timog Leyte. Kumikilos ang bagyong Jolina sa direksyong hilaga, hilagang kanluran ay tinatantyang tumbokin ang rehiyon'g Lambak ng Cagayan sa mga susunod na unang linggo ng Setyembre 2021.

58. Bagyong Tino (Kirogi)  STS 

ay isang Tropikal Bagyo na nanalasa sa lalawigan ng Palawan noong Nobyembre 17, 2017, Habang tinatawid ang Kanlurang Dagat Pilipinas patungong Vietnam, lubhang napinsala ng "Bagyong Tino" ang lungsod ng Ho Chi Minh. Kapalitan: 2021

59. Bagyong Nika (Nangka)  STS 

Ang Bagyong Nika ay ang bagyong ika 14 sa taong 2020 sa Pilipinas at ang ika unang bagyo sa Oktubre ay nanalasa Hilaga at Timog Luzon dahil sa pinaiigting na Habagat, naminsala si 'Nika' sa Kalakhang Maynila at ilang lalawigan sa Calabarzon noong Oktubre 1, Ang bagyong Nika ay nanalasa sa Hainan, Hong Kong, Macau at Vietnam noong Oktubre 13, 2020. Kapalitan: 2024

60. Bagyong Jenny (Podul)  STS 

Ay isang Tropikal na bagyong dumaan sa Gitnang Luzon ito ay nanalasa sa Luzon noong Agosto 2019. Ito ay nag landfall sa bayan ng Dinalungan, Aurora at lumabas sa Santo Tomas, La Union, Lubhang napuruhan ni "Jenny" ang lalawigan ng Negros Oriental sa Bisayas dahil malakas na ulan na nag-dulot ng mga pag-baha dahil sa pag-hatak ng Habagat. Kapalitan: 2023

61. Bagyong Dante (Chan-hom)  TS 

Nagdulot si Dante ng mabibigat na ulan sa Mindanao maging sila ilang lalawigan sa Kabisayaan dahil sa mga through nito, 8 rito ang namatay, 2 ang sugatan at 15 ang mga nawawala, Hunyo 4 mahigit 55,226 ang mga residente na naapektuhan at 16,680 ang mga inilikas sa loob ng evacuation centers mahigit ₱68.3 milyon (US$1.43 milyon) ang napinsala ni "Dante", Mahigit ₱14.6 milyon (US$306,000) ang agrikultura ang nasira ₱53.7 milyon (US$1.12 milyon), Noong Hunyo 1 ay sinuspinde ang klase sa ilang lalawigan ng Davao de Oro, Silangang Samar, Leyte, at Surigao del Sur.

62. Bagyong Siony (Atsani)  TS 

Ito ay nag babadyang dumaan sa dinaanan ng nakarang bagyo ay pinaghahandaan muling mag gayak dahil sa papalapit na sama ng panahon, ito ay inaasahang magdadala ng malalakas na ulan at hangin sa mga dadanan nito matapos tawirin ang landmass sa bansa. Ang Bagyong Goni (Rolly) ay patuloy na kumikilos sa direksyong kanluran-hilagang kanluran sa Quezon-Metro Manila area o Aurora ay inaasahang manalasa sa unang araw ng Nobyembre at lalabas sa ikatlong araw, habang tinatahak ang Kanlurang Dagat Pilipinas at Timog Dagat Tsina.

63. Bagyong Crising (2021)  TS 

Ang bagyong Crising ay nakataas ang antas sa #2 ito ay nag landfall sa Baganga, Davao Oriental, ang bagyo ay humina sa kalagitnaang kalupaan ng Mindanao at naging ganap na Low Pressure Area sa bahagi ng Piagapo, Lanao del Sur, Mayroon ilang mga puno ang naitumba dahil sa malakas na ulan at hangin sa Baganga at 3 lalaki at isang kalabaw ang naisalba dahil sa rumagasang "Ilog Kabacan", Ang evacuation center sa South Upi, Maguindanao ay nagsilbing silungan ng mga residente, ang ilang mga tanim ay na tangay ng baha mula sa tubig ulan na nang galing sa Ilog Allah.

64. Bagyong Winnie (2004)  TD 

Ang Bagyong Winnie (2004) ay isang mahinang bagyo sa Pilipinas na dumaan noong Nobyembre 28 hanggang 30 taong 2004, ngunit nagpalubog at nagpaguho ito sa CALABARZON, Bicol at sa Silangang Bisaya, sumunod rito nanalasa si Bagyong Yoyong na nanalasa rin sa nasabing lugar. Kapalitan: Kapalitan: Warren (unused)

65. Bagyong Usman (2018)  TD 

Ang Bagyong Usman (2018) ay nanalasa sa isla ng Samar noong Disyembre 28 at tumawid sa kabisayaan at Palawan, Sinalanta nito ang mga rehiyon ng Bicol, Calabarzon, Mimaropa at Silangang Bisayas nag iwan ito 156 patay na katao at 5.41 bilyong napinsala. Kapalitan: Umberto (unused)

66. Bagyong Vicky (Krovanh)  TD 

Isang Low Pressure Area ang namataan noong Disyembre 13 sa Karagatang Pasipiko sa layong 1,500 kilometro silangan ng Mindanao, bilang isang Shallow LPA ay hindi inaasahang magiging bagyo hindi inaalis ang posibilidad nito na maging isang mahinang bagyo sa loob ng Pilipinas, Ito ay inaasahang magdadala ng malalakas na ulan sa paglapit ng bagyo sa Mindanao at Silangang Kabisayaan, ito ay daraan sa Gitnang Kabisayaan, kanluran at inaasahang lalabas sa vicinity ng hilagang Palawan at patuloy na tatawirin ang Kanlurang Dagat Pilipinas sa direksyong timog kanluran at tuluyang mag lalandfall sa landmass ng Thailand. Kapalitan: 2024

67. Bagyong Ofel (2020)  TD 

Noong Oktubre 13 nang maging isang ganap na Bagyo si Ofel bilang Tropikal Depresyon habang binabagtas ang Silangang Visayas at Rehiyon ng Bicol at buong Timog Luzon at Mimaropa. Ito ay inaasahang tatawid sa pagitan ng Batangas at Oriental Mindoro hanggang sa maka-labas sa landmas ng bansa sa Kanlurang Dagat Pilipinas at Timog Dagat Tsina. Kapalitan: 2024

68. Bagyong Tonyo (Etau)  TD 

Isang Low Pressure Area 30% ang nagbabadyang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Nobyembre 6, 2020 habang tinatawid ng Bagyong Siony. Ito ay namuo noong Nobyembre 1 habang nanalasa ang "Bagyong Rolly" sa Kabikolan, Ang "Bagyong Siony" ay inaasahang tawirin ang "Extreme Northern Luzon", Timog Dagat Tsina patungo sa Vietnam, Ang LPA ay namataan sa layong 2, 100 kilometro silangan ng Mindanao at ito ay kumikilos sa bilis na 150 kilometro, kanluran-hilagang kanluran at tinatayang tutumbokin ang Silangang Kabisayaan-Caraga region at tatawid sa Timog Leyte, Cebu, Iloilo, Antique at Coron, Palawan.

69. Bagyong Auring (Dujuan)  TD 

Ang Bagyong Auring (Dujuan), ay isang mahinang bagyong unang nabuo noong ika-16 ng Pebrero 2021. Ito ang unang bagyong nabuo sa loob ng Sakop na Responsibilidad ng Pilipinas para sa panahon ng 2021. Tumama ito sa isla ng Batag sa bayan ng Laoang, Hilagang Samar noong ika-22 ng Pebrero 2021 bilang isang mahinang depresyon, at tuluyang nalusaw makalipas ng ilang oras.

Bagamat mahina, nagdulot ang bagyo ng pagbaha sa Kabisayaan at Mindanao, lalo na sa lungsod ng Tandag, Surigao del Sur. Ayon sa NDRRMC, di bababa sa 121,000 katao ang naapektuhan ng bagyo. Isa ang naiulat na namatay, habang dalawa naman ang nawawala.

70. Bagyong Lannie (22W)  TD 

Si bagyong Lannie ay naglandfall sa bahagi ng Bucas Grande Island sa oras na 04:30 PHT, Oktubre 3 at nag landfall muli sa pitong pagkakataon sa Cagdianao in the Dinagat Islands, Liloan at Padre Burgos sa Timog Leyte, Mahanay Island at Getafe sa Bohol, San Fernando sa Cebu, at sa bayan ng Guihulngan, Negros Oriental. Oktubre 7 nang tutumbukin ng bagyong Lannie ang bayan ng Haikou, Hainan sa Tsina matapos tawirin ang Kanlurang Dagat Pilipinas at nagbabadyang daanan ang Hà Tĩnh Province sa Vietnam.

71. Bagyong Maring-Nando (Kompasu)  TD 

Ang mga bagyo ay nakapaloob sa ITCZ o Intertropical Convergence Zone. At binigyan ito ng pangalang internasyonal bilang "Kompasu", Ang pangalawang bagyo sa buwan ng Oktubre at ika 21 na bagyo sa Pilipinas taong 2021. kumikilos ang bagyong Maring (Kompasu) sa bilis na maximum at mayroong taglay ng hangin ng 35 knots (65 km/h; 40 mph) at may bugso ng 50 knots (95 km/h; 60 mph) at mayroong presyon ng 998 hPa (29.47 inHg), Ang mga Bagyong Maring at Nando ay nagsanib mula sa dalawa at naging isa na sanhi ng kondisyong "Fujiwara effect", Namuo ang bagyong "Nando", Oktubre 7 sa bahagi ng Saipan, Guam sa Karagatang Pasipiko.

Mga Super Bagyo (2010s at 2020s)[baguhin | baguhin ang batayan]

  •      Kategorya 5
  •      Kategorya 4

Kategoryang umabot sa (5, 4)[baguhin | baguhin ang batayan]

Rango Bagyo Petsa Lakas ng hangin Presyon Signal Nasawi
1 Yolanda (Haiyan) Nobyembre 6 - 9, 2013 230 km/h (145 mph) 895 hPa (26.43 inHG) Signals 1-4, 5 6, 300
2 Juan (Megi) Oktubre 15 - 20, 2010 230 km/h (145 mph) 885 hPa (26.13 inHG) Signals 1-4 33
3 Rolly (Goni) Oktubre 26 - Nobyembre 6, 2020 220 km/h (140 mph) 905 hPa (26.72 inHg) Signals 1-5 25
4 Rosing (Angela) Oktubre 25 - Nobyembre 7, 1995 215 km/h (130 mph) 910 hPa (inHG) Signals 1-4 936
5 Lawin (Haima) Oktubre 16 - 21, 2016 215 km/h (130mph) 900 hPa (26.58 inHG) Signals 1-5 20
6 Ruby (Hagupit) Disyembre 7-14, 2014 215 km/h (130 mph) 905 hPa (mbar) Signals 1-3 22
7 Rosita (Yutu) Oktubre 21-Nobyembre 2, 2018 215 km/h (130 mph) 900 hPa (mbar) Signals 1-4 29
8 Ompong (Mangkut) Setyembre 7 - 17, 2018 205 km/h (125 mph) 905 hPa (mbar) Signals 1-4 134
9 Nina (Nock-ten) Disyembre 22-28, 2016 195 km/h (120 mph) 915 hPa (mbar) Signals 1-4 8
10 Pablo (Bopha) Disyembre 4 - 9, 2012 185 km/h (115 mph) 930 hPa (mbar) Signals 1-3 1, 069
11 Ruping (Mike) Nobyembre 8 - 18, 1990 185 km/h (115 mph) 915 hPa (mbar) Signals 1-3 1, 069
12 Mina (Nanmadol) Agosto 21-31, 2011 185 km/h (115 mph) 925 hPa (mbar) Signals 1-4 38
13 Glenda (Rammasun) Hulyo 15-20, 2014 165 km/h (105 mph) 935 hPa (mbar) Signals 1-3 222
14 Reming (Durian) Nobyembre 25 - Disyembre 6, 2006 195 km/h (120 mph) 915 hPa (mbar) Signals 1-4 1, 500
15 Labuyo (Utor) Agosto 8 - 18, 2013 195 km/h (120 mph) 925 hPa (mbar) Signals 1-4 97
16 Pepeng (Parma) Setyembre 27 - Oktubre 14, 2009 195 km/h (120 mph) 920 hPa (mbar) Signals 1-4 465
17 Queenie (Chebi) Nobyembre 8 - 14, 2006 195 km/h (120 mph) 920 hPa (mbar) Signals 1-4 1
18 Lando (Koppu) Oktubre 11 - 24, 2015 185 km/h (115 mph) 920 hPa (mbar) Signals 1-4 2
19 Nona (Melor) Disyembre 9 - 17, 2015 175 km/h (110 mph) 935 hPa (mbar) Signals 1-3 42
20 Karen (Sarika) Oktubre 13 - 19, 2016 175 km/h (110 mph) 936 hPa (mbar) Signals 1-3 36
21 Quiel (Nalgae) Setyembre 26 - Oktubre 11, 2011 175 km/h (110 mph) 935 hPa (mbar) Signals 1-3 18
22 Yoyong (Nanmadol) Nobyembre 28 - Disyembre 4, 2004 165 km/h (105 mph) 935 hPa (mbar) Signals 1-4 77
23 Tisoy (Kammuri) Nobyembre 23 - Disyembre 6, 2019 165 km/h (105 mph) 955 hPa (mbar) Signals 1-3 17
24 Milenyo (Xangsane) Setyembre 25 - Oktubre 2, 2006 155 km/h (100 mph) 940 hPa (mbar) Signals 1-3 312
25 Pedring (Nesat) Setyembre 23 - 30, 2011 150 km/h (90 mph) 950 hPa (mbar) Signals 1-3 98
26 Unding (Muifa) Nobyembre 14 - 26, 2004 150 km/h (90 mph) 215 km/h (130 mph) Signals 1-3 180

Talasangunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. http://bagong.pagasa.dost.gov.ph/learning-tools/philippine-tropical-cyclone-names
  2. "Archive copy". Tinago mula sa orihinal noong 2020-09-29. Nakuha noong 2020-09-18.CS1 maint: archived copy as title (link)
  3. https://www.moneymax.ph/lifestyle/articles/philippine-typhoon-names


PanahonKalikasan Ang lathalaing ito na tungkol sa Panahon at Kalikasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.