Pumunta sa nilalaman

Malabon

Mga koordinado: 14°40′N 120°58′E / 14.66°N 120.96°E / 14.66; 120.96
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Tugatog, Malabon)
Malabon

ᜋᜎᜊᜓᜈ᜔

Lungsod ng Malabon
Opisyal na sagisag ng Malabon
Sagisag
Mapa ng Kalakhang Maynila na nagpapakita ng lokasyon ng Malabon
Mapa ng Kalakhang Maynila na nagpapakita ng lokasyon ng Malabon
Map
Malabon is located in Pilipinas
Malabon
Malabon
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 14°40′N 120°58′E / 14.66°N 120.96°E / 14.66; 120.96
Bansa Pilipinas
RehiyonPambansang Punong Rehiyon (NCR)
Lalawigan
DistritoNag-iisang Distrito ng Malabon
Mga barangay21 (alamin)
Pagkatatag21 Abril 2001
Ganap na Lungsod21 Abril 2001
Pamahalaan
 • Punong LungsodAntolin A. Oreta III
 • Pangalawang Punong LungsodBernard Dela Cruz
 • Manghalalal258,115 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan15.71 km2 (6.07 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan380,522
 • Kapal24,000/km2 (63,000/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
94,241
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng lungsod
 • Antas ng kahirapan2.90% (2021)[2]
 • Kita₱2,055,959,150.00 (2020)
 • Aset₱5,029,855,192.38 (2022)
 • Pananagutan₱1,362,556,487.00 (2020)
 • Paggasta₱1,860,022,325.00 (2020)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
PSGC
137502000
Kodigong pantawag02
Uri ng klimaTropikal na monsoon na klima
Mga wikawikang Tagalog
Ingles
Websaytmalabon.gov.ph

Ang Malabon o ang kinikilalang Lungsod ng Malabon ay isang lungsod sa Kalakhang Maynila.

Karamihan sa lupain ng bayang ito ay nagagamit sa paninirahan at pangkapamuhayan sapagka't ito ay nasa hilaga lamang ng Maynila. Nasa timog at silangang hangganan ng Malabon ang Caloocan, sa kanluran ang Navotas at sa hilaga ang Valenzuela. Ang karatig-bayan nito sa hilagang-kanluran ay ang Obando, Bulacan.

Sa senso ng 2020 nabilang ang populasyon ng Malabon na 380,522 samantalang ang bilang ng kabahayan ay 94,241. Isa ito sa mga lungsod na may pinakamakapal na populasyon sa Kamaynilaan dahil sa lawak nito na mahigit 15 kilometro kwadrado.

Panahon ng Kastila

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Malabon ay itinatag ng mga paring Agustino noong 21 Mayo 1599 sa tawag na "Tambobong" ("tambúbong"). Sakop ito ng Lalawigan ng Tondo mula taóng 1627 hanggang 1688.

Maraming naniniwalang galing ang katawagang "Malabon" sa salitang "malabóng" na ang kahulugan ay "maraming labóng" dahil sinasabing sagana ang lugar sa ganitong uri ng pananim.

Noong taóng 1851 itinatag sa Malabon ang kumpanyang La Princesa Tabacalera sa pangangasiwa ng La Compañia General de Tabacos de Filipinas ("Pangkalahatang pamumuhunan ng tabako sa Pilipinas") na pag-aari ng Kaharian ng Espanya.

Himagsikang Pilipino

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Unang naisalimbagan ang pahayagang La Independencia sa ampunang Asilo de Huérfanos sa Malabon.[3][4] Naganap ito mula Setyembre 1898 hanggang 15 Enero 1899 bago ilipat ang paglilimbag patungo sa San Fernando, Pampanga.[5]

Panahon ng Amerikano

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 11 Hunyo 1901 itinakda ng Philippine Commission Act No. 137 na ang Malabon ay gawing isa sa mga bayang kasapi ng bagong-tatag na Lalawigan ng Rizal.[6]

Itinakda ng Act No. 942 na ipag-anib ang Malabon at Navotas at pag-isahin ang kanilang mga pamahalaan.[7]

Noong 16 Enero 1906 itinakda ng Act No. 1441 na pagbukurin muli ang dalawang bayan.

Magmula Ikatlong Republika ng Pilipinas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 7 Nobyembre 1975 itinakda ng Atas ng Pangulo Blg. 824 na ang Malabon ay sakop na ng Kalakhang Maynila at hindi na ng Lalawigan ng Rizal.

Noong 21 Abril 2001 ginawang lungsod ang Malabon, 407 taon ang nakalipas mula sa pagkakatatag.

Isa ang Malabon sa pinakamataong lungsod sa Pilipinas, at ang mababang lupain nito ang nagdudulot ng madalas na pagbaha, lalo na kapag tag-ulan at kapag umapaw ang mga ilog at tubig sa saplad. Ang apat na lungsod sa CAMANAVA ay madalas maapektuhan ng mga magkakaugnay na ilog dito, isa na rito ang Ilog Tullahan.

Ang mga ilog dito ay dating nalalayagan at pangingisda ang dating pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan dito. Dating malawak, malalim, at may maayos na katangian ang tubig ng ilog na madalas na pinagkukuhan ng iba't ibang uri ng mga isda, na mahalagang bahagi pinagkukuhan ng pagkain ng mga tao dito. Ang mga puno, palay at mga gulay ay dating tumutubo sa paligid ng ilog. Subalit, ang mga lupaing agrikultural na ito ay napalitan ng bakuran ng mga industriya, at naging tahanan ng libu-libong mga maralita na gumawa ng mga barong-barong ng walang pahintulot.

Sa mga nagdaang mga taon, lumala ang mga pagbaha, na nagiging madalas at mataas. Pinakaapektado ay ang mga kabahayan sa mga pamayanan na nasa o malapit sa dalampasigan. Naging makipot at maliit ang mga ilog sa paglipas ng mga taon, at ang kakayahan nitong pigilan ang tubig ay nabawasan. [8]

Pagkakahati ng Pamumuno

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mapang politikal ng Malabon

Ang Malabon ay kasalukuyang nahahati sa 21 baranggay.

Unang Distrito
  • Baritan
  • Bayan-bayanan
  • Catmon
  • Concepcion
  • Dampalit
  • Flores
  • Hulong Duhat
  • Ibaba
  • Maysilo
  • Muzon
  • Niugan
  • Panghulo
  • San Agustin
  • Santolan
  • Tañong
Ikalawang Distrito
  • Acacia
  • Longos
  • Potrero
  • Tinajeros
  • Tonsuya
  • Tugatog
Senso ng populasyon ng
Malabon
TaonPop.±% p.a.
1903 20,136—    
1918 21,695+0.50%
1939 33,285+2.06%
1948 46,455+3.77%
1960 76,438+4.24%
1970 141,514+6.35%
1975 174,878+4.34%
1980 191,001+1.78%
1990 280,027+3.90%
1995 347,484+4.13%
2000 338,855−0.54%
2007 363,681+0.98%
2010 353,337−1.04%
2015 365,525+0.65%
2020 380,522+0.79%
Sanggunian: PSA[9][10][11][12]


Kabilang ang lungsod ng Malabon sa Diyosesis ng Kalookan. Halos 80% ng mga mamamayan nito ay mga Katoliko. Sa kasalukuyan, may walong parokya ng Katoliko Romano sa Malabon: San Bartolome, Sto. Rosario, Imaculada Concepcion, Exaltation of the Cross, San Antonio de Padua, Sacred Heart of Jesus, Immaculate Heart of Mary at ang Sts. Peter and John.

Ang iba pang relihiyon sa Malabon ay kinabibilangan ng Iglesia Filipina Independiente (kabilang sa Diyosesis ng Rizal at Pampanga, Parokya ng La Purisima Concepion de Malabon), Batista, Iglesia ni Cristo, Members Church of God International, Jesus Is Lord Church, at Seventh-day Adventist.


Iba pang mapagbabasahan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Province: NCR, THIRD DISTRICT (Not a Province)". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. manilastandardtoday.com, Malabon City: A sight of progress
  4. wikimapia.org, Malabon City Hall
  5. loc.gov La independencia. Library of US Congress.
  6. "An Act Extending the Provisions of the Provincial Government Act to the Province of Rizal". LawPH.com. Nakuha noong 2011-04-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "An Act Reducing the Thirty-two Municipalities of the Province of Rizal to Fifteen". LawPH.com. Nakuha noong 2011-04-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. CDKN INSIDE STORY: Understanding the risk of flooding in the city: The case of Barangay Potrero, Metro Manila
  9. Census of Population (2015). "National Capital Region (NCR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Census of Population and Housing (2010). "National Capital Region (NCR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Censuses of Population (1903–2007). "National Capital Region (NCR)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  12. "Province of Metro Manila, 3rd (Not a Province)". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)