Sagay, Negros Occidental

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lungsod ng Sagay)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa munisipalidad sa Camiguin, tingnan ang Sagay, Camiguin.
Para sa ibang gamit, tingnan ang Sagay (paglilinaw).
Lungsod ng Sagay
—  Lungsod  —
Mapa ng Negros Occidental na nagpapakita ng lokasyon ng Sagay.
Bansa Pilipinas
Rehiyon Western Visayas (Rehiyon VI)
Lalawigan Negros Occidental
Lawak
 • Kabuuan 330.34 km2 (127.54 sq mi)
Populasyon (2010)
 • Kabuuan 140,740
Sona ng oras PST (UTC+8)
Kodigo Postal 6122
Kodigong pantawag 34
Kaurian ng kita Pangatlong klase
PSGC 064523000


Ang Lungsod ng Sagay ay isang ikalawang klaseng lungsod sa lalawigan ng Negros Occidental, Pilipinas. Dati itong tinatawag na Arguelles noong itatag ito nina Teniente Francisco Rodriguez at Basilio Cordova sa may bibig ng Ilog Bulanon noong 1860. Nang lumaon, inilipat ng mga opisyal na Kastila ang bayan sa pook na kilala ngayon bilang Matandang Sagay, na dati namang tinatawag na Pueblo de Magallanes o Bayan ni Magallanes.

Noong 1906, opisyal na naging Sagay ang pangalan ng bayan. Nanggaling ang pangalan ito mula sa semi-esperikong (bilugin) kabibeng "sigay". Pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nilipat ang luklukan ng pamahalaan sa kasalukuyang kinaroroonan ng bayan, ang Dalusan, dahil sa kadalian ng pagpunta sa transportasyong pang-lupa. Noong Hunyo 11, 1996, ipinasa ang Batas Republika Bilang 8192 kaya't naging ganap na lungsod ang Sagay.

Ayon sa senso ng 2000, mayroon itong populasyon na 129,765 katao sa 25,301 kabahayan.

Si Alfredo Marañon Jr. ang nahalal na alkalde noong 2007, at si Leo Rafael Cueva ang naging pangalawang alkalde.

Mga Barangay[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Lungsod ng Sagay ay nahahati sa 25 mga barangay.

  • Andres Bonifacio
  • Bato
  • Baviera
  • Bulanon
  • Campo Himoga-an
  • Campo Santiago
  • Colonia Divina
  • Rafaela Barrera
  • Fabrica
  • General Luna
  • Himoga-an Baybay
  • Lopez Jaena
  • Malubon
  • Makiling
  • Molocaboc
  • Old Sagay
  • Paraiso
  • Plaridel
  • Poblacion I (Barangay 1)
  • Poblacion II (Barangay 2)
  • Puey
  • Rizal
  • Taba-ao
  • Tadlong
  • Vito

Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]

Coordinates: 10°54′ N 123°25′ E
Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.