Lalawigan ng Lampang
Lalawigan ng Lampang ลำปาง | ||
---|---|---|
| ||
Lokasyon sa Thailand | ||
Bansa | Thailand | |
Kabisera | Lampang | |
Pamahalaan | ||
• Gobernador | Amonthat Niratsayakun | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 125,340 km2 (48,390 milya kuwadrado) | |
Ranggo sa lawak | Ika-10 | |
Populasyon (2000) | ||
• Kabuuan | 782,152 | |
• Ranggo | Ika-29 | |
• Kapal | 6.2/km2 (16/milya kuwadrado) | |
Sona ng oras | UTC+7 (ICT) | |
Kodigong pantawag | (+66) 54 | |
Kodigo ng ISO 3166 | TH-52 | |
Websayt | lampang.go.th |
Ang Lalawigan ng Lampang (ลำปาง) ay isang lalawigan (changwat) sa Thailand. Ang dating pangalan ng Lampang ay Khelan Nakhon.
Ekonomiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bantog ang Lampang sa mga produktong gawa sa ceramics at mga gawaing pagmimina. May mahigit sa 200 pagawaan ng seramiko sa loob at labas ng Distrito ng Lampang. Karamihan as mga pagawaang ito ay maliit at katamtamang laking mga pagawaan na pangunahing gumagawa ng mga paso, mga gamit sa kusina, ang mga materyales sa konstruksiyon (mga tiles, railings). atbp.
Ang pinakamalaking planta ng kuryente sa Thailand ay matatagpuan sa Mae Mo malapit sa minahan ng lignite.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Simula noong ika-7 dantaon ang Lampang ay dating bahagi ng Kaharian ng Haripunchai noong panahong Dvarati ng lahing mga Mon. Noong ika-11 dantaon ang Emperyo ng Khmer ay sinakop ang lupain ng Lampang, subalit sinama ni Haring Mengrai ng Lannthai ang kabuuan ng Kaharian ng Haripunchai sa kanyang Kaharian noong 1292. Pagkatapos bumagsak ng Lannathai ito ay pinamahalaan ng Burma, at pagkatapos ay naging bahagi na ng Thailand noong 1774.
Sagisag
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang panlalawigan sagisag ay nagpapakita ng puting tandang sa loob ng bukana ng templo ng Pra That Lampang Luang. Ayon sa mga katutubong alamat, dinalaw ni Buddha ang lalawigan. Ang diyos na si Indra ay nag-alala na baka ang mga tao ay hindi tumayo ng kusa bilang pagpapakita ng paggalang sa Buddha, kaya't siya ay nag-anyong puting tandang upang gisingin niya ang mga ito. |
Pagkakahating Administratibo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lalawigan ay nahahati sa 13 mga distrito (Amphoe). Ito ay hinati pa sa mga 100 communes (tambon) at 855 mga barangay (muban).