Linyang Senzan
Linyang Senzan | |
---|---|
Buod | |
Hangganan | Sendai (Miyagi) Yamagata |
(Mga) Estasyon | 21 |
Operasyon | |
Binuksan noong | Setyembre 29, 1929 |
(Mga) Nagpapatakbo | JR East |
Teknikal | |
Haba ng linya | 58.0 km (Sendai — Uzen-Chitose) |
Luwang ng daambakal | 1,067 mm (3 ft 6 in) |
Pagkukuryente | 20 kV AC, 50 Hz |
Ang Linyang Senzan (仙山線 Senzan-sen) ay isang linyang daangbakal sa Japan. Pinapatakbo ito ng East Japan Railway Company (JR East). Tumatakbo ito mula sa Estasyon ng Sendai sa Sendai, Prepektura ng Miyagi sa Estasyon ng Yamagata sa Yamagata, na nagsisilbing konektador sa pagitan ng Pangunahing Linyang Tōhoku/Tōhoku Shinkansen at sa Pangunahing Linyang Ōu sa katimugang Tōhoku. Nagbibigay din ito ng akses sa kanlurang prepektura ng Miyagi at silangang prepektura ng Yamagata. Kumokonekta ang linya sa Tōhoku Shinkansen, Pangunahing Linyang Tōhoku at Linyang Senseki sa Estasyon ng Sendai, ang Pangunahing Linyang Ōu sa Estasyon ng Uzen-Chitose, Kita-Yamagata, at Yamagata sa Yamagata, Yamagata, ang Linyang Aterazawa sa Estasyon ng Kita-Yamagata at Yamagata, at ang Yamagata Shinkansen sa Estasyon ng Yamagata.
Serbisiyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mabilisan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Karamihan sa mga tren sa Linyang Senzan ay nasa mabilisang serbisiyo. Lahat ng tren ay humihinto sa sumusunod na estasyon:
- Sendai
- Kita-Sendai
- Kunimi
- Rikuzen-Ochiai
- Ayashi
- Omoshiroyama-Kōgen
- Yamadera
- Uzen-Chitose
- Kita-Yamagata
- Yamagata
Karagdagan sa mga hinihintuan, ang ilang mabilisang tren ay humihinto sa lahat ng estasyon sa pagitan ng:
- Rapid A: N/A
- Rapid B: Okunikkawa — Yamagata
- Rapid C: Sendai — Ayashi
- Rapid D: Rikuzen-Ochiai — Sakunami
- Rapid E: Ayashi — Yamagata
Estasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Maaaring dumaan ang mga tren sa estasyong may markang "◇", "∨", at "∧" at hindi naman maaaring dumaan sa may markang "|".
Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Salin ang artikulong ito mula sa Ingles na WIkipedia