Linyang Nambu
Linyang Nambu | |||
---|---|---|---|
Buod | |||
Uri | Mabigat na daangbakal | ||
Lokasyon | Tokyo, Prepektura ng Kanagawa | ||
Hangganan | Kawasaki Tachikawa | ||
(Mga) Estasyon | 26 (pangunahing linya), 3 (sangay na linya) | ||
Operasyon | |||
Binuksan noong | 1927 | ||
May-ari | JR East | ||
Ginagamit na tren | Seryeng 205, Seryeng 209 | ||
Teknikal | |||
Haba ng linya | 45.0 km (28.0 mi) | ||
Luwang ng daambakal | 1,067 mm (3 ft 6 in) | ||
Pagkukuryente | 1,500 V DC overhead catenary | ||
|
Ang Linyang Nambu (南武線 Nanbu-sen) ay isang linyang daangbakal sa Hapon na nag-uugnay sa Estasyon ng Tachikawa sa Tachikawa, Tokyo at Estasyon ng Kawasaki sa Kawasaki, Kanagawa. Katabi halos ng buong linya ang Ilog Tama, ang natural na hangganan sa pagitan ng prepektura ng Tokyo at Kanagawa. Pagmamay-ari ito ng East Japan Railway Company (JR East). Kasama ang linyang ito sa "Tokyo Mega Loop" (東京メガループ) sa pagitan ng Tokyo, na binubuo ng Linyang Keiyo, Linyang Musashino, Linyang Nambu, at Linyang Yokohama.[1] Tumutukoy ang pangalan ng linya sa katimugang (南 nan) bahagi ng makalumang lalawigan ng Musashi (武蔵) (kasalukuyang Tokyo at hilagang prepektura ng Kanagawa).
Estasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pangunahing Linya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Hindi humihinto ang mga mabilisang tren (dalawang tren kada oras sa pagitan ng 10 a.m. at 4 p.m) sa Shitte, Yakō, Hirama, Mukaigawara, Tsudayama, Kuji, o Shukugawara. Lahat ng ibang tren ay humihinto sa bawat estasyon.
Sangang Linya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Makikita lahat ng estasyon sa Prepektura ng Kanagawa.
- Maaari lamang dumaan ang magkasalubong na tren sa Kawasaki-Shinmachi.
Estasyon | Wikang Hapon | Layo (km) | Paglipat | Lokasyon | ||
---|---|---|---|---|---|---|
Sa pagitan ng estasyon |
Kabuuan | |||||
Shitte | 尻手 | - | 0.0 | Linyang Nambu (pangunahing linya), Linyang Nambu (sangang pangkargada) | Saiwai-ku, Kawasaki | |
Hatchōnawate | 八丁畷 | 1.1 | 1.1 | Pangunahing Linyang Keikyu Sangang pangkargada ng Pangunahing Linyang Tokaido (para sa Tsurumi) |
Kawasaki-ku, Kawasaki | |
Kawasaki-Shinmachi | 川崎新町 | 0.9 | 2.0 | |||
Hama-Kawasaki | 浜川崎 | 2.1 | 4.1 | Linyang Tsurumi, sangang pangkargada ng Pangunahing Linyang Tokaido (para sa Kawasaki Freight Terminal) |
Sangang pangkargada
[baguhin | baguhin ang wikitext]Iniuugnay ng "Shitte crossover" (尻手短絡線 Shitte-tanraku-sen) ang Estasyon ng Shitte at Shin-Tsurumi Yard sa Pangunahing Linyang Tōkaidō (Linyang Hinkaku) at Linyang Musashino. Tumatakbo ang mga pangkargadang tren sa pagitan ng Tokyo Freight Terminal at hilagang Japan ssa parehong sanga.
Dating sanga
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Yakō – Kawasaki-Gashi: binuksan noong 1927 at isinara noong 1972
- Mukaigawara – Shin-Tsurumi Yard: binuksa noong 1929 at isinara noong 1973
Mga ginagamit na tren
[baguhin | baguhin ang wikitext]Makikita ang mga bloke ng tren na ginagamit sa Linyang Nambu sa Nakahara Depot.[2]
- Seryeng 205-0 EMU na may anim na bloke (simula noong Marso 1989)
- Seryeng 205-1200 EMU na may anim na bloke (simula noong 2004)
- Seryeng 209-0 EMU na may anim na bloke (simula noong Abril 1993)
- Seryeng 209-2200 EMU na may anim na bloke (simula noong 2010)
- Seryeng 205-1000 EMU na may dalawang bloke (Sangang Linyang Nambu, simula noong Agoso 2002)
- Seryeng E233-8000 EMU na may anim na bloke (simula noong Oktubre 4, 2014)[3]
-
Seryeng 205-0
-
Seryeng 205-1200
-
NSeryeng 209-0, Enero 2008
-
Seryeng 209-2200, Abril 2011
-
Seryeng 205-1200, Agosto 2009
-
Seryeng E233-8000
Dating ginamit
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Seryeng 72 EMU na may apat o anim na bagon (simula noong 1963 hanggang 1978)
- Seryeng 101 EMU na may apat o anim na bagon (simula nong 1969 hanggang Enero 1991)
- Seryeng 103 EMU na may anim na bagon (simula noong 1982 hanggang Disyembre 2004)
- Seryeng 101 EMU na may dalawang bagon (hanggang Nobyembre 2003)
-
Seryeng 101, Hulyo 2002
Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Saka, Masayuki (Agosto 2014). "東京メガループ 車両・路線の沿革と現況". Tetsudō Daiya Jōhō Magazine (sa wikang Hapones). Japan: Kōtsū Shimbun. 43 (364): p.28-39.
{{cite journal}}
:|page=
has extra text (tulong); Unknown parameter|trans_title=
ignored (|trans-title=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ JR電車編成表 2013夏. Japan: Kotsu Shimbunsha. Mayo 2013. pp. 91–93. ISBN 978-4-330-37313-3.
{{cite book}}
: Unknown parameter|trans_title=
ignored (|trans-title=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "E233系8000番台が営業運転を開始". Japan Railfan Magazine Online (sa wikang Hapones). Japan: Koyusha Co., Ltd. 5 Oktubre 2014. Nakuha noong 8 Oktubre 2014.
{{cite web}}
: Unknown parameter|trans_title=
ignored (|trans-title=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Mga estasyon sa Linyang Nambu (JR East) (sa Hapones)