Ugnayang Indonesia-Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Ugnayang Indonesia–Pilipinas
Indonesia   Pilipinas
[[Image:{{{4}}} {{{5}}} Locator.svg|250px|Mapang ipinapakita ang tagpuan ng Indonesia at Philippines]]

Ang Ugnayang Indonesia–Pilipinas ay tumutukoy sa panlabas na ugnayang bilateral ng pamahalaan ng Republika ng Indonesia at ng Republika ng Pilipinas. Pormal na itinatag ang ugnayang diplomatiko ng dalawang bansa noong Nobyembre 24, 1949,[1] matapos kilalanin ng Pilipinas ang kasarinlan ng Indonesia. Kapwa may pasuguan sa kabisera ng isa't isa ang bawat bansa. Matatagpuan sa Makati (bahagi ng Kalakhang Maynila) ang pasuguan ng Indonesia, habang nasa Jakarta ang pasuguan ng Pilipinas. Liban dito, may konsulado ang Indonesia sa Davao, ang Pilipinas naman ay may konsulado sa Manado at Surabaya.

Kasunduan sa hangganan[baguhin | baguhin ang batayan]

Pinagsasaluhan ng Indonesia at Pilipinas ang karagatan bilang hangganan, ang karamihan dito ay nasa Dagat Celebes. Bago ang 2014, hindi malinaw ang hangganang pandagat ng dalawang bansa sapagkat inaangkin ng Pilipinas ang kuwadrilateral na hangganang pandagat na itinakda sa Tratado ng Paris na sumasakop sa Pulo ng Palmas, na siya namang iginawad na noong 1932 sa Netherlands na noo'y may sakop pa sa Indonesia (noo'y kilala bilang Netherlands East Indies).

Noong Mayo 23, 2014 nilagdaan sa Maynila ang kasunduan na nagtatakda ng hangganang pandagat ng dalawang bansa. Nilagdaan ang kasunduan sa Palasyo ng Malacañang ng Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas Albert del Rosario at ng kaniyang katumbas sa Indonesia na Minister Panlabas Marty Natalegawa at pangunahing sinaksihan ng Pangulo ng Pilipinas Benigno Aquino III at Pangulo ng Indonesia Susilo Bambang Yudhoyono.

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Briefer: Diplomatic relations between the Philippines and Indonesia". Official Gazette. GOVPH. Nakuha noong 7 Hulyo 2015.