Wikang Ibatan
Ibatan | |
---|---|
Ivatan | |
Chirin nu Ibatan | |
Katutubo sa | Pilipinas |
Rehiyon | Mga pulo ng Batanes |
Pangkat-etniko | Mga Ibatan Mga Pilipino sa Taywan |
Mga natibong tagapagsalita | (33,000 ang nasipi 1996–2007)[1] |
Austronesyo
| |
Mga diyalekto |
|
Opisyal na katayuan | |
Wikang panrehiyon sa Pilipinas | |
Pinapamahalaan ng | Komisyon sa Wikang Filipino |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-3 | Alinman: ivv – Ivatan ivb – Ibatan (Babuyan) |
Glottolog | ivat1242 Ivatanibat1238 Ibatan |
Ang wikang Ibatan na kilala rin bilang Chirin nu Ivatan ("Ang wika ng Mga Taong Ibatan"), ay isang wikang Austronesyo na sinasalita sa mga isla ng Batanes.
Kahit na mas malapit ang mga pulo sa bansang Taywan kaysa sa Luzon, hindi ito isa sa mga wikang Pormosano. Isa sa mga wikang Bataniko ang Ibatan, na maaaring sabihin na isang pangunahing sanga ng pamilyang Malayo-Polinesyo ng mga wikang Austronesyo.
Nauuri minsan ang wika ng Pulo ng Babuyan bilang isang diyalekto nitong wika. Noong panahon ng kolonyalismong Espanyol, lumipat sa Pulo ng Batan at kalupaang Luzon ang karamihan ng populasyon ng Babuyan. Tanging muling nadagdagan ang populasyon sa katapusan ng ika-19 na siglo sa pagdating ng mga pamilya mula sa Batan, karamihan sa kanila ay nagsasalita ng isa sa mga diyalekto ng Ivatan.[2]
Silipin din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Ivatan sa Ethnologue (ika-18 ed., 2015)
Ibatan (Babuyan) sa Ethnologue (ika-18 ed., 2015) - ↑ Ross, Malcolm (2005). "The Batanic Languages in Relation to the Early History of the Malayo-Polynesian Subgroup of Austronesian" [Ang Mga Wikang Bataniko Kaugnay sa Unang Kasaysayan ng Subgrupong Malayo-Polinesyo ng Austronesyo] (PDF). Journal of Austronesian Studies (sa wikang Ingles). 1 (2). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2012-03-22. Nakuha noong 2012-10-15.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito. Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.