Edith Tiempo
(Idinirekta mula sa Edith L. Tiempo)
Edith L. Tiempo | |
---|---|
![]() | |
Kapanganakan | Edith Lopez Tiempo 22 Abril 1919 |
Namatay | 21 Agosto 2011 |
Nasyonalidad | Pilipino |
Larangan | Panitikan |
Pinag-aralan/Kasanayan | Pamantasang Silliman, Pamantasang Estado ng Iowa, Pamantasan ng Denver |
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas | |
![]() Panitikan 1999 |
Si Edith Lopez Tiempo (22 Abril 1919—21 Agosto 2011[1]) ay nagtapos ng kursong Malikhaing Pagsusulat sa Pamantasan ng Iowa.
Nakilala siya sa larangan ng panulaan bagamat sumulat din siya ng maikling katha. Ang kanyang tulang Looking Through the window Pane ay hinangaan ng isang kritikong Amerikano na si Robert Penn Warren.
Ang katipunan ng mga maiikling kuwentong kanyang sinulat ay pinamagatang Abide in Joshua and Other Stories .
Sa panulaan, ang ilan sa magagandang tula ni Edith ay ang Lament for the Little Fellow, isang soneto; Crocodile Egg, Cracked Shell, Saint Anthony's Feast, at In the Beginning.
Asawa siya ni Edilberto Tiempo.
Sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]
- ↑ "National Artist for Literature Edith Tiempo dies: report". abs-cbnNEWS.com. 2011-08-21. Nakuha noong 2011-08-21.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.