Apganistan
Islamikong Emirato ng Apganistan | |
|---|---|
Salawikain: لا إله إلا الله، محمد رسول الله Lā ʾilāha ʾillā llāh, Muhammadun rasūlu llāh "Walang diyos kundi si Allah, at si Muhammad ang sugo ni Allah." | |
Lokasyon ng Apganistan. | |
| Katayuan | Kasaping estado ng NU sa ilalim ng isang hindi kinikilalang pamahalaan |
| Kabisera at pinakamalaking lungsod | Kabul 34°31′N 69°11′E / 34.517°N 69.183°E |
| Pangunahing wika | |
| Pangkat-etniko (2019 tantiyang hindi opisyal) | |
| Relihiyon | |
| Katawagan | Apgano |
| Pamahalaan | Unitaryong awtokratikong pansamantalang Islamikong teokrasya |
• Pinuno | Hibatullah Akhundzada |
| Mohammad Hasan Akhund | |
| Abdul Hakim Ishaqzai | |
| Pagkakabuo | |
| 1451–1526 | |
| 1709–1738 | |
| 1747–1823 | |
• Emirato | 1823–1839 |
| 1839–1842 | |
| 1842–1926 | |
| 26 Mayo 1879 | |
| 19 Agosto 1919 | |
• Kaharian | 9 Hunyo 1926 |
| 17 Hulyo 1973 | |
| 27–28 Abril 1978 | |
| 28 Abril 1992 | |
| 7 Setyembre 1996 | |
| 26 Enero 2004 | |
| 15 Agosto 2021 | |
| Lawak | |
• Kabuuan | 652,864 km2 (252,072 mi kuw) (ika-40) |
• Katubigan (%) | bale-wala |
| Populasyon | |
• Pagtataya sa 2021 | 40,218,234 (ika-37) |
• Densidad | 48.08/km2 (124.5/mi kuw) (ika-174) |
| KDP (PLP) | Pagtataya sa 2018 |
• Kabuuan | $72.911 bilyon (ika-96) |
• Bawat kapita | $2,024 (ika-169) |
| KDP (nominal) | Pagtataya sa 2018 |
• Kabuuan | $21.657 bilyon (ika-111) |
• Bawat kapita | $493 (ika-177) |
| TKP (2019) | mababa · ika-169 |
| Salapi | Apgani (افغانی) (AFN) |
| Sona ng oras | UTC+4:30 Kalendaryong Solar (D†) |
| Gilid ng pagmamaneho | kanan |
| Kodigong pantelepono | +93 |
| Internet TLD | .af افغانستان. |
Ang Apganistan (Pastun: افغانستان ; Dari: افغانستان), opisyal na Islamikong Emirato ng Apganistan (Pastun: د افغانستان اسلامي امارت ; Dari: امارت اسلامی افغانستان), ay isang bansang nasasagitna ng lupa na nasa sangang-daan ng Gitnang Asya at Silangang Asya. Kilala bilang ang "Puso ng Asya", hinahangganan ito ng Turkmenistan at Usbekistan sa hilaga, Tayikistan at Tsina sa hilagang-silangan, Iran sa kanluran, at Pakistan sa silangan at timog.[1] Ang Kabul ay ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod ng bansa.
Nagsimulang mahirahan ang mga tao sa Apganistan noong Gitnang Paleolitiko, at ang estratehikong kinaroroonan ng bansa sa makasaysayang Daan ng Sutla ay nag-ugnay dito sa mga kalinangan ng ibang bahagi ng Asya at Europa, na nag-iwan ng mosaiko ng mga etnolinggwistiko at relihiyosong grupo na nakaimpluwensya sa modernong bansang Apgano.[2] Naging tahanan ang lupain ng iba't-ibang tao at dumaan ng maraming pananakop, kabilang ang pagsakop ni Alejandrong Dakila, Imperyong Maurya, ng mga Arabong Muslim, Monggol, Britaniko, Sobyetika, at ang pinakabagong koalisyon na pinamunuan ng mga Amerikano.[3] Nagsilbing pinagmulan din ang Apganistan kung saan bumangon ang mga Grekobaktriyano at Mughal, bukod sa iba pa, upang bumuo ng mga malalaking imperyo.[4] Ang iba't-ibang pananakop at kapanahunan sa mga kalipunang pangkalinangang Indiyano at Persa ay gumawa sa lugar na isang sentro para sa Budismo, Zoroastrianismo, Hinduismo, at sa kalaunan ay Islam. Noong 2021, ang populasyon nito ay 40.2 milyon, ang karamihan ay binubuo ng mga etnikong Pastun, Tayiko, Hasara, at Usbeko.[5]
Ang modernong estado ng Apganistan ay nagsimula sa dinastiyang Durrani noong ika-18 dantaon, ang imperyo sa tuktok nito ay namumuno ng lugar mula sa silangang Iran hanggang hilagang Indiya. Kasunod ng paghina nito at pagkamatay ng Timur Shah, nahati ito sa mas maliliit na nagsasariling kaharian ng Herat, Kandahar at Kabul, bago muling pinagsama noong ika-19 na dantaon pagkatapos ng mga digmaan para sa pagkakaisa na pinamunuan ni Dost Mohammad Khan. Sa panahong ito, naging estadong tapon ang Apganistan sa "Dakilang Laro" sa pagitan ng Britanikong Raj at Imperyong Ruso. Tinangka ng mga Britaniko sa Indiya na sakupin ang bansa ngunit naitaboy sa Unang Digmaang Anglo-Apgano. Sa ikalawang digmaan ay matagumpay na naitatag ang isang Britanikong protektadong estado sa Apganistan, ngunit kasunod ng ikatlong digmaan noong 1919 ay napalaya ang bansa mula sa dayuhang dominasyon, at sa kalaunan ay lumitaw ito bilang ang malayang Kaharian ng Apganistan noong Hunyo 1926 sa ilalim ni Amanullah Khan. Ang kahariang ito ay tumagal ng halos 50 taon, hanggang sa mapatalsik si Zahir Shah noong 1973, kasunod nito ay naitatag ang isang republika, na siya'y hinalili ng isang demokratikong republika pagkatapos ng Himagsikang Saur. Pagkatapos ng pagbagsak ng komunistang pamahalaan ay pinalitan ito ng isang Islamikong estado. Ang kasaysayan ng Apganistan mula noong huling bahagi ng dekadang 1970 ay sumaklaw ng mga kudeta, himagsikan, pagsalakay, insurhensiya, at digmaang pambayan. Ang bansa ay kasalukuyang nasa ilalim ng kontrol ng Taliban, na bumalik sa kapangyarihan at muling itinatag ang Islamikong emirato pagkatapos maipatalsik ang Islamikong Republika ng Apganistan sa pagtatapos ng matagalang 20-taong digmaan sa bansa.
Sa kasalukuyan, ang bansa ay mayroong mataas na antas ng terorismo, kahirapan, at malnutrisyon sa mga kabataan. Ang ekonomiya ng Apganistan ay ang ika-96 na pinakamalaki sa mundo, na may kabuuang domestikong produkto na $72.9 bilyon sa pamamagitan ng pagkakatulad ng kapangyarihang bumili. Mas malala ang kalagayan ng bansa pagdating sa bawat-kapitang KDP, na niranggong ika-169 sa 186 na bansa noong 2018.
Pangalan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Iminumungkahi ng ilang mga iskolar na ang pinagmulang pangalang Afghān ay nagmula sa salitang Sanskrit na Aśvakan na siyang pangalang ginamit para sa mga sinaunang taong naninirahan sa Hindu Kush.[6] Ang Aśvakan ay literal na nangangahulugang "mga mangangabayo" (mula sa salitang aśva, ang salitang Sanskrit at Avestan para sa "kabayo").[6] Gayunpaman, ang iba tulad ni Ibrahim Khan ay nanindigan na ang salitang Afghan ay nagmula sa wikang Bactrian.[7]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sinaunang panahon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Iminumungkahi ng mga paghuhukay sa mga sinaunang lugar na nagsimulang manirahan ang mga tao sa kasalukuyang Apganistan nang hindi bababa sa 50,000 taon na ang nakalilipas, at ang mga pamayanan ng pagsasaka sa lugar ay kabilang sa mga pinakauna sa mundo. Isang mahalagang lugar ng mga maagang makasaysayang gawain, marami ang naniniwala na naihahambing ang Apganistan sa Ehipto sa makasaysayang halaga ng mga arkeolohikong lugar nito.[8][9] Ang mga kalimitang artepakto mula sa Paleolitiko, Mesolitiko, Neolitiko, Panahong Bronse, at Bakal ay natagpuan sa Apganistan. Pinaniniwalaang nagsimula noong 3000 BCE ang kabihasnang urbano, at ang unang lungsod ng Mundigak (malapit sa Kandahar sa timog ng bansa) ay isang sentro ng kulturang Helmand. Higit pang itinatag ng mga kamakailang natuklasan na ang Kabihasnan ng Lambak ng Indo ay umabot hanggang sa kasalukuyang Apganistan. Isang lugar ng Lambak ng Indo ang natagpuan sa Ilog Oxus sa Shortugai sa hilagang Apganistan.[10][11]
Pagkatapos ng 2000 BCE, nagsimulang lumipat patimog sa Apganistang ang sunud-sunod na mga alon ng mga taong pagala-gala mula sa Gitnang Asya; kasama sa kanila ay maraming mgaIndo-Iranian na nagsasalita ng Indo-Europeo. Nang maglaon, ang mga tribong ito ay lumipat sa Timog Asya, Kanlurang Asya, at patungo sa Europa sa pamamagitan ng lugar sa hilaga ng Dagat Kaspiyo. Tinukoy ang rehiyon noong panahong iyon bilang Ariana.[8][12] Sa kalagitnaan ng ika-6 na siglo BCE, pinabagsak ng mga Achaemenid ang Medes at isinama ang Arachosia, Aria, at Bactria sa loob ng silangang hangganan nito. Binanggit ng isang inskripsiyon sa lapida ni Dario I ng Persya ang Lambak ng Kabul sa listahan ng dalawampu't-siyam na bansang nasakop niya.[13] Ang rehiyon ng Arachosia, sa paligid ng Kandahar sa kasalukuyang katimugang Afpganistan, ay dating pangunahing Zoroastrian at gumaganap ng mahalagang papel sa paglipat ng Avesta sa Persya at sa gayon ay itinuturing ng ilan bilang ang "pangalawang tinubuang-bayan ng Zoroastrianismo".[14][15][16]

Dumating sa Apganistan noong 330 BCE si Alejandrong Dakila at ang kanyiang mga puwersang Macedonio matapos talunin si Dario III ng Persya isang taon bago sa naunang Labanan sa Gaugamela. Kasunod ng maikling pananakop ni Alejandro, pinamahalaan ng kahaliling estado na Imperyo ng Seleucid ang rehiyon hanggang 305 BCE, nang ibigay nila ang karamihan nito sa Imperyo ng Maurya bilang bahagi ng isang kasunduan sa alyansa. Pinamahalaan ng mga Mauryan ang lugar sa timog ng Hindu Kush hanggang sa sila ay napabagsak noong mga 185 BCE. Nagsimula ang kanilang paghina 60 taon matapos ang pamumuno ni Ashoka, na humantong sa muling pananakop na Helenistiko ng mga Greco-Bactrian. Hindi nagtagal, humiwalay ang karamihan sa mga ito at naging bahagi ng Kahariang Indo-Griyego. Sila ay natalo at pinatalsik ng mga Indo-Scythian noong huling bahagi ng ika-2 siglo BCE.[17] Lumitaw ang Daang Seda noong unang siglo BCE, at umunlad sa kalakalan ang Apganistan, na may mga ruta sa Tsina, Indiya, Persya, at hilaga sa mga lungsod ng Bukhara, Samarkand, at Khiva sa kasalukuyang Usbekistan.[18] Ipinagpapalit ang mga kalakal at ideya sa gitnang puntong ito, tulad ng sedang Tsino, Persyanong pilak at Romanong ginto, habang nagmimina at nangangalakal ang rehiyon ng kasalukuyang Apganistan ng mga batong lapis lazuli pangunahin mula sa rehiyon ng Badakhshan.[19]
Noong unang siglo BCE, nasakop ng Imperyo ng Parthian ang rehiyon ng unit nawala ito sa kanilang mga basalyong Indo-Parthian. Sa kalagitnaan hanggang sa huling bahagi ng unang siglo CE, ang malawak na Imperyo ng Kushan, na nakasentro sa Apganistan, ay naging mahusay na mga patron ng kulturang Budista, na naging dahilan upang umunlad ang Budismo sa buong rehiyon. Pinatalsik ang mga Kushan ng mga Sassanid noong ika-3 siglo CE, bagaman ang mga Indo-Sassanid ay patuloy na namuno sa mga bahagi ng rehiyon. Sinundan sila ng mga Kidarites na pinalitan naman ng mga Hephthalite. Pinalitan sila ng Turk Shahi noong ika-7 siglo. Ang Budistang Turk na si Shahi ng Kabul ay pinalitan ng isang dinastiyang Hindu bago nasakop ng mga Saffarid ang lugar noong 870; ang dinastiyang Hindu na ito ay tinawag na Hindu Shahi.[20] Karamihan sa hilagang-silangan at timog na mga lugar ng bansa ay nanatiling pinangungunahan ng kulturang Budista.[21][22]
Islamisasyon at kolonisasyon ng Mongol
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bago ang ika-19 na siglo, ang hilagang-kanlurang rehiyon ng Apganistan ay tinawag na Khorasan, na karaniwang ginagamit ng mga katutubo upang ilarawan ang kanilang bansa.[23][24] Dalawa sa apat na kabisera ng Khorasan (Herat at Balkh) ay nasa Apganistan na ngayon, habang ang mga rehiyon ng Kandahar, Zabulistan, Ghazni, Kabulistan, at Apganistan ang naging hangganan sa pagitan ng Khorasan at Hindustan.[24]
Dinala ng mga Arabong Muslim ang Islam sa Herat at Zaranj noong 642 CE at nagsimulang kumalat sa silangan; ang ilan sa mga katutubong naninirahan na kanilang nakatagpo ay tinanggap ito habang ang iba ay nag-alsa. Bago ang pagdating ng Islam, ang rehiyon ay dating tahanan ng iba't ibang paniniwala at kulto, na kadalasang nagreresulta sa Sinkretismo sa pagitan ng mga nangingibabaw na relihiyon[25][26] tulad ng Zoroastrianismo, Budismo o Greco-Budismo, Sinaunang Iranian na relihiyon,[27] Hinduismo, Kristiyanismo,[28][29] at Hudaismo.[30][31] Isang halimbawa ng sinkretismo sa rehiyon ay mga patron ng Budismo ang mga tao ngunit sumasamba pa rin sa mga lokal na diyos ng Iran tulad ni Ahura Mazda, Lady Nana, Anahita o Mihr (Mithra) at inilalarawan ang mga diyos na Griyego bilang mga tagapagtanggol ng Buddha.[32][33] Unang sinakop ang mga Zunbil at Kabul Shahi noong 870 CE ng mga Saffarid na Muslim ng Zaranj. Nang maglaon, pinalawak ng mga Samanid ang kanilang impluwensyang Islamiko sa timog ng Hindu Kush. Umangat sa kapangyarihan ang mga Ghaznavid noong ika-10 siglo.[34][35]
Pamamahala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga paghahating pang-administratibo
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang mga sumusnod ay ang talaan ng lahat ng 34 na lalawigan
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Ahmadzai, Aziz Amin (2 Disyembre 2015). "Securing Stability in Afghanistan, the 'Heart of Asia'". The Diplomat (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Marso 2023.
- ↑ Hyman, Anthony (1984). "The Land and the People in History". Afghanistan Under Soviet Domination, 1964–83. pp. 3–22. doi:10.1007/978-1-349-17443-0_1. ISBN 978-0-333-36353-9.
- ↑ Pillalamarri, Akhilesh (30 Hunyo 2017). "Why Is Afghanistan the 'Graveyard of Empires'?". The Diplomat (sa wikang Ingles). Nakuha noong 5 Marso 2023.
- ↑ Griffin, Luke (14 Enero 2002). "The Pre-Islamic Period". Afghanistan Country Study (sa wikang Ingles). Illinois Institute of Technology. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Nobyembre 2001. Nakuha noong 5 Marso 2023.
- ↑ "Afghanistan's ethnic mosaic". The Times of India (sa wikang Ingles). 23 Agosto 2021. ISSN 0971-8257. Nakuha noong 5 Marso 2023.
- 1 2 Majumdar, Ramesh Chandra (1977) [1952]. Ancient India. Motilal Banarsidass. p. 99. ISBN 978-8-12080-436-4.
- ↑ Khan, Ibrahim (3 Mayo 2022). "په افغان ټکي کښې پټه کيسه". Pashto (sa wikang Ingles). 51 (663). ISSN 2789-8342. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Hunyo 2022. Nakuha noong 12 Marso 2023.
- 1 2 Afghanistan – John Ford Shroder, University of Nebraska. Encarta. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Hulyo 2004. Nakuha noong 7 Mayo 2025.
- ↑ "Afghanistan: A Treasure Trove for Archaeologists". Time (sa wikang Ingles). 26 Pebrero 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Hulyo 2013. Nakuha noong 7 Mayo 2025.
- ↑ Wright, Rita (2009). The Ancient Indus: Urbanism, Economy, and Society. Cambridge University Press. p. 1. ISBN 978-0-521-57652-9. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Hunyo 2016. Nakuha noong 5 Abril 2026.
- ↑ Louis Depree (1981). Notes on Shortugai: An Harappan Site in Northern Afghanistan. Centre for the Study of the Civilization of Central Asia.
- ↑ Bryant, Edwin F. (2001) The quest for the origins of Vedic culture: the Indo-Aryan migration debate Oxford University Press, ISBN 978-0-19-513777-4.
- ↑ "Chronological History of Afghanistan – the cradle of Gandharan civilisation". Gandhara.com.au. 15 Pebrero 1989. Inarkibo mula sa orihinal noong . Nakuha noong 5 Abril 2026.
- ↑ Gnoli, Gherado (1989). The Idea of Iran, an Essay on its Origin. Istituto italiano per il Medio ed Estremo Oriente. p. 133.
... he would have drawn inspiration from a ireligious policy which intended to counteract the Median Magi's influence and transfer the 'Avesta-Schule' from Arachosia to Persia: thus the Avesta would have arrived in Persia through Arachosia in the 6th century B.C. [...] Although ... Arachosia would have been only a second fatherland for Zoroastrianism, a significant role should still be attributed to this south-eastern region in the history of the Zoroastrian tradition.
- ↑ Gnoli, Gherado (1989). The Idea of Iran, an essay on its Origin. Istituto italiano per il Medio ed Estremo Oriente. p. 133.
linguistic data [...] prove the presence of the Zoroastrian tradition in Arachosia both in the Achaemenian age, in the last quarter of the 6th century, and in the Seleucid age.
- ↑ "ARACHOSIA – Encyclopaedia Iranica". Iranica Online. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Mayo 2021. Nakuha noong 5 Abril 2026.
- ↑ "Country Profile: Afghanistan" (PDF). Library of Congress Country Studies on Afghanistan. Agosto 2008. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 8 Abril 2014. Nakuha noong 5 Abril 2026.
- ↑ "'Afghanistan and the Silk Road: The land at the heart of world trade' by Bijan Omrani". UNAMA. 8 Marso 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Agosto 2021. Nakuha noong 5 Abril 2026.
- ↑ "Afghanistan – Silk Roads Programme". UNESCO (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Hunyo 2021. Nakuha noong 5 Abril 2026.
- ↑ Wink, André (2002). Al-Hind, the Making of the Indo-Islamic World: Early Medieval India and the Expansion of Islam 7Th-11th Centuries. BRILL. p. 125. ISBN 0-391-04173-8. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Disyembre 2019. Nakuha noong 5 Abril 2026.
- ↑ "Afghan and Afghanistan". Abdul Hai Habibi. 1969. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Oktubre 2008. Nakuha noong 5 Abril 2026.
- ↑ Charles Higham (2014). Encyclopedia of Ancient Asian Civilizations. Infobase Publishing. p. 141. ISBN 978-1-4381-0996-1.
- ↑ Hanifi, Shah Mahmoud (15 Hulyo 2019). Mountstuart Elphinstone in South Asia: Pioneer of British Colonial Rule. Oxford University Press. ISBN 978-0-19-091440-0.
- 1 2 Battuta, Ibn (2004). Travels in Asia and Africa, 1325–1354 (ika-reprint, illustrated (na) labas). Routledge. p. 416. ISBN 978-0-415-34473-9. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Abril 2017.
- ↑ Weber, Olivier; Unesco (2002). Eternal Afghanistan. Chêne. ISBN 978-92-3-103850-1.
Gradually there emerged a fabulous syncretism between the Hellenistic world and the Buddhist universe
- ↑ Grenet, Grenet (2016). Zoroastriansm among the Kushans.
- ↑ Allen, Charles (5 Nobyembre 2015). The Search For Shangri-La: A Journey into Tibetan History. Little, Brown Book Group. ISBN 978-0-349-14218-0.
With Aurmuzd, Sroshard, Narasa and Mihr, we are on safer ground because all are Zoroastrian deities: Aurmuzd is the supreme god of light, Ahura Mazda; and Mihr, the sun god, is linked with the Iranian Mithra. Exactly the same non-Buddhist[...]
- ↑ Gorder, A. Christian Van (2010). Christianity in Persia and the Status of Non-muslims in Iran. Rowman & Littlefield. ISBN 978-0-7391-3609-6.
- ↑ Kennedy, Hugh (9 Disyembre 2010). The Great Arab Conquests: How the Spread of Islam Changed the World We Live In. Orion. ISBN 978-0-297-86559-9.
.. when the patriarch at Ctesiphon had to broker a compromise that left one bishop at the capital Zaranj and another further east at Bust, now in southern Afghanistan. A Christian text composed in about 850 also records a monastery of ...
- ↑ Yossef, Noam Bar'am-Ben (1998). Brides and Betrothals: Jewish Wedding Rituals in Afghanistan. Israel Museum. ISBN 978-965-278-223-6.
The Jews of Afghanistan According to tradition, the first Jews reached ... in Hebrew script found in the Tang - e Azao Valley in the Ghor region ...
- ↑ Ende, Werner; Steinbach, Udo (15 Abril 2010). Islam in the World Today: A Handbook of Politics, Religion, Culture, and Society. Cornell University Press. p. 257. ISBN 978-0-8014-6489-8.
At the time of the first Muslim advances, numerous local natural religions were competing with Buddhism, Zoroastrianism, and Hinduism in the territory of modern Afghanistan.
- ↑ Adrych, Philippa; coins), Robert Bracey (Writer on; Dalglish, Dominic; Lenk, Stefanie; Wood, Rachel (2017). Images of Mithra. Oxford University Press. ISBN 978-0-19-879253-6.
The Rabatak inscription includes Miiro amongst a list of gods: Nana, Ahura Mazda, and Narasa. All of these gods likely had images dedicated at the Bagolaggo, presumably alongside statues of Kanishka
- ↑ Allen, Charles (5 November 2015). The Search For Shangri-La: A Journey into Tibetan History. Little, Brown Book Group. ISBN 978-0-349-14218-0.
The two most important deities are goddesses: one is the lady Nana', daughter of the moon god and sister of the sun god, the Kushan form of Anahita, Zoroastrian goddess of fertility
- ↑ "A.—The Hindu Kings of Kábul". Sir H. M. Elliot. Londres: Packard Humanities Institute. 1867–1877. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Abril 2014. Nakuha noong 6 Abril 2026.
- ↑ Hamd-Allah Mustawfi of Qazwin (1340). "The Geographical Part of the NUZHAT-AL-QULUB". Translated by Guy Le Strange. Packard Humanities Institute. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Hulyo 2013. Nakuha noong 6 Abril 2026.
![]()
Ang lathalaing ito na tungkol sa Afghanistan at Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.