Linyang Keihin-Tōhoku
Linyang Keihin-Tōhoku 京浜東北線 | |||
---|---|---|---|
Buod | |||
Uri | Mabigat na daangbakal | ||
Lokasyon | Prepektura ng Tokyo, Saitama at Kanagawa | ||
Hangganan | Ōmiya Yokohama | ||
(Mga) Estasyon | 35 | ||
Operasyon | |||
Binuksan noong | 1914 | ||
(Mga) Nagpapatakbo | JR East | ||
Ginagamit na tren | Seryeng E233-1000 | ||
Teknikal | |||
Haba ng linya | 59.1 km (36.7 mi) | ||
Luwang ng daambakal | 1,067 mm (3 ft 6 in) | ||
Pagkukuryente | 1,500 V DC overhead catenary | ||
Bilis ng pagpapaandar | 90 km/h (55 mph)* | ||
|
Ang Linyang Keihin-Tōhoku (京浜東北線 Keihin-tōhoku-sen) ay isang linyang daangbakal na kinokonekta ang mga lungsod ng Saitama, Kawaguchi, Tokyo, Kawasaki, at Yokohama. Pinatatakbo ito ng East Japan Railway Company (JR East). Nagmula ang pangalan ng linya sa mga karakter na Tokyo (東京), Yokohama (横浜) at Pangunahing Linya ng Tōhoku (東北本線). Opisyal na tinatahak ng Linyang Keihin-Tōhoku Line ang bahagi ng Pangunahing Linya ng Tōhoku at Pangunahing Linya ng Tōkaidō. Sa pagitan ng Estasyon ng Ueno at Akabane stations the Keihin-Tohoku and Tohoku Main lines are physically separate and thus alternate routes.
Mayroong daang serbisiyo ang lahat ng tren ng Linyang Keihin-Tōhoku sa Linyang Negishi sa pagitan ng Estasyon ng Yokohama at Ōfuna. Dahil dito, ang buong serbisiyo sa pagitan ng Ōmiya at Ōfuna ay tinatawag na Linyang Keihin-Tōhoku—Negishi (京浜東北線・根岸線) sa mga mapang pangsistema at mga gabay sa loob ng tren. Makikilala ang mga tren ng Linyang Keihin-Tōhoku—Linyang Negishi sa kanilang kulay asul na katawan (puting asul din ang makikitang kulay sa mga mapa).
Mga serbisiyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tumatakbo ang mga tren kada 2–3 minuto kapag maramihan ang tao, at kada 5 minuto kapag sa tanghalian, at kaunti lamang sa ibang oras. Kadalasan, tinatawag ang mga tren na ito na "Lokal" (各駅停車 Kakueki-Teisha), at humihinto sa lahat ng estasyon. Subalit, kapag tanghali, tinatawag na "Mabilisan" (快速 kaisoku). Nilalagpasan lamang ng mga tren na ito ang ilang estasyon sa kalagitnaang Tokyo, na kung saan ay tumatakbo ay katabi ng Linyang Yamanote.
Mga estasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Humihinto lahat ng lokal na tren sa lahat ng estasyon. Humihinto ang mga mabilisang tren sa estasyong may markang "●" at "■" kapag lunes hanggang biyernes. (Ang estasyong may markang "■" ay nagpapahintulot ng palitan sa Linyang Yamanote). Karagdagan, ang estasyong may markang "▲" ay sineserbisiyohan ng mga mabilisang tren kapag sabado at linggo at kapag pista opisyal.
Mga ginagamit na tren
[baguhin | baguhin ang wikitext]Linyang Keihin-Tohoku & Linyang Negishi
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Seryeng E233-1000 10-bagon na EMU (puting asul) (mula Disyembre 2007)[1]
Linyang Yokohama
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Seryeng E233-6000 8-bagon na EMU (magaan/mabigat na berde) (mula Pebrero 2014)
-
Isang seryeng E233-6000 EMU
Dating ginamit na tren
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Seryeng 72 8-bagon na EMU (brown livery) (hanggang Oktubre 1970)
- Seryeng 101 10-bagon na EMU (puting asul) (mula Disyembre 1970 hanggang Marso 1978)[1]
- Seryeng 103 10-bagon na EMU (puting asul) (mula Oktubre 1965 hanggang Marso 1998)[1]
- Seryeng 205 10-bagon na EMU (puting asul) (mula Oktubre 1989 hanggang Pebrero 1996)[1]
- Seryeng 205 8-bagon na EMU (magaan/mabigat na berde, sa Linyang Yokohama hanggang Agosot 2014)[2]
- Seryeng 209-900 10-bagon na EMU (puting asul) (mula Mayo 1992 hanggang Agosto 2007)[3]
- Seryeng 209-0 10-bagon na EMU (puting asul) (from Marso 1993 hanggang Enero 2010)[4]
- Seryeng 209-500 10-bagon na EMU (puting asul) (mula Enero 2001 hanggang 2009)
-
Isang seryeng 103 EMU, Marso 1998
-
Isang seryeng 205 EMU
-
Isang seryeng 901 (kinalaunan ay seryeng 209-900) EMU, Marso 1993
-
Isang seryeng 209 EMU, Marso 2009
-
Isang seryeng 209-500 EMU, Nobyembre 2008
Talapanahon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga ginamit na tren simula noong dekada '50
Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 鉄道友の会 東京支部 JR電車部会 (Disyembre 2007). "京浜東北線を駆け抜けた車両たち 後編". Japan Railfan Magazine. 48 (562): 77–84.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 横浜線用の205系が営業運転を終了. Japan Railfan Magazine Online (sa wikang Hapones). Japan: Koyusha Co., Ltd. 24 Agosto 2014. Nakuha noong 30 Setyembre 2014.
{{cite web}}
: Unknown parameter|trans_title=
ignored (|trans-title=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 鉄道友の会 東京支部 JR電車部会 (Nobyembre 2007). "京浜東北線を駆け抜けた車両たち 前編". Japan Railfan Magazine. 48 (561): 86–93.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hobidas: "京浜東北線・根岸線209系引退で記念イベント" (14 December 2009) Naka-arkibo 31 March 2015 sa Wayback Machine.. Retrieved 14 December 2009. (sa Hapones)
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Mga estasyon ng Linyang Keihin-Tōhoku (JR East) (sa Hapones)
- japan-guide.com: JR Linyang Keihin-Tōhoku