Estados Unidos
Estados Unidos ng Amerika United States of America
| |
---|---|
Salawikain: E pluribus unum (Latin) (1789–kasalukuyan) (Mula sa marami, isa) In God we trust (1956–kasalukuyan) (Sa Diyos kami ay nagtitiwala) | |
Awiting Pambansa: The Star-Spangled Banner | |
Kabisera | Washington, DC |
Pinakamalaking lungsod | Lungsod ng New York |
Wikang opisyal | Wala sa antas-pederal; de facto Ingles |
Pamahalaan | Pederal republikang konstitusyonal |
• Pangulo | Joe Biden[1] |
Kamala Harris | |
Nancy Pelosi | |
John Roberts | |
Kalayaan mula sa Gran Britanya | |
• Idineklara | 4 Hulyo 1776 |
• Ikinilala | 3 Setyembre 1783 |
Lawak | |
• Kabuuan | 9,826,630 km2 (3,794,080 mi kuw) (Ika-3 percent_water = 4.87%) |
Populasyon | |
• Pagtataya sa Hulyo 2018 | 327,167,434 [1] (Ika-3) |
• Senso ng 2010 | 308,745,538 |
• Densidad | 31/km2 (80.3/mi kuw) (Ika-176) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2005 |
• Kabuuan | US$12,332,296 milyon (Una) |
• Bawat kapita | US$41,557 (Ika-3) |
Salapi | Dolyar (USD) |
Sona ng oras | UTC-5 hanggang -10 |
• Tag-init (DST) | paiba-iba |
Kodigong pantelepono | 1 |
Internet TLD | .gov .edu .mil .us |
Isang republikang pederal ang Estados Unidos ng Amerika (EUA) (Ingles: United States of America o USA) na may limampung (50) estado at isang distritong pederal. Matatagpuan sa kalagitnaan ng Hilagang Amerika ang karamihan sa mga estado nito kung saan mayroong sariling pamahalaan ang bawat isa na naaayon sa sistemang pederalismo. Mayroong tatlong lupang hangganan ang Estados Unidos kung saan sa Mehiko matatagpuan ang isa habang sa Canada naman ang natitira. Pinaliligiran din ito ng iba't ibang anyo ng tubig tulad ng Karagatang Pasipiko, Dagat Bering, Karagatang Artiko, at Karagatang Atlantiko. Hindi karatig ng dalawang estado (Alaska at Haway) ang natitirang apatnapu’t walo. Pareho din nilang hindi karatig ang isa't isa. Mayroong koleksiyon ng mga distrito, teritoryo at iba pang pagmamay-aring panlabas ang Estados Unidos sa iba't ibang bahagi ng mundo. Karaniwang tinatawag na "Amerikano" ang mga mamamayan nito.
Sa sukat na 3.79 milyong milya parisukat (9.83 milyon km2) at may populasyon na 315 milyon, ang Estados Unidos ay ang ikatlo at ika-apat na pinakamalaking bansa ayon sa kabuuang sukat ng lupa, at ang ikatlong pinakamalaki sa parehong sukat ng lupa at populasyon. Isa ang Estados Unidos sa pinakamaraming etnisidad at isa sa mga bansang maraming kultura, na bunga ng maraming imigrasyon ng mga tao mula sa iba't ibang bansa.[2]
Mababakas sa deklarasyon ng labintatlong kolonya ng Britanya sa Hilagang Amerika noong 1776 ang pinagmulan ng Estados Unidos, kung saan idineklara nila na wala nang sumasaklaw sa kanila at malalayang na silang mga estado, na pinatibay ng Kasunduan sa Paris noong 1783. Mula kalagitnaan ng ika-20 dantaon, naunahan na nito ang alinmang bansa sa impluwensiya sa ekonomiya, politika, militar, at kultura.
Natatag ang Amerika sa ilalim ng tradisyon ng pamahalaang may pagsang-ayon ng pinapamahalaan sa modelong demokrasyang representatibo. Nakopya rin ng maraming pang bansa, lalo na ng mga nasa Gitnang Amerika at Timog Amerika, ang modelo ng pamahalaang Amerika kung saan gumagamit sila ng sistemang pampanguluhan-kongresyonal.
Kasaysayan
Ang mga katutubo ng pangunanglupa ng Estados Unidos, kasama ang mga katutubong taga-Alaska, ay pinaniniwalaang lumipat galing sa Asya, simula noong 12,000 hanggang 40,000 nakaraang taon. Ilan, tulad ng bago-Columbyanong kulturang Misisipyo, ay bumuo ng nangungunang agrikultura, magarbong arkitektura, at mga hanay-estadong lipunan. Pagkatapos magsimulang manirahan ang mga Europeo sa mga Amerika, madaming milyon na katutubong Amerikano ay nangamatay mula sa mga epidemikong dala ng mga dayuhan tulad ng smallpox.
Noong 1492, ang taga-Genoang manlalakbay na si Christopher Columbus, sa ilalim ng isang kontrata ng koronang Espanyol, ay nakarating sa ilan-ilang pulong Caribbean, unang nakagawa ng pakikipag-ugnay sa mga katutubo. Noong 2 Abril 1513, ang kongkistadoreng Espanyol na si Juan Ponce de Leon ay dumaong sa kanyang binansagang "La Florida"—ang unang naulat na pagdating ng Europeo sa kung ano ang magiging pangunanglupa ng Estados Unidos. Ang mga paninirahang Espanyol sa rehiyon ay nasundan ng mga paninirahan sa ngayo'y timog-kanlurang Estados Unidos na naghikayat sa libu-libo patungong Mehiko. Ang mga mangangalakal na mabalahibong Pranses ay nagtatag ng mga tigilan ng New France sa paligid ng Great Lakes; kinalaunan, inangkin ng Pransiya ang malaking bahagi ng kaloobang Hilagang Amerika; patimog hanggang sa Golpo ng Mehiko. Ang unang matagumpay na panirahang Ingles ay ang Kolonyang Virginia sa Jamestown noong 1607 at ang Pilgrimong Kolonyang Plymouth noong 1620. Ang pagtatala noong 1628 ng Kolonya ng Look ng Massachusetts ay nagbungta ng isang malaking paglilipat; noong 1634, ang New England ay tinirhan na ng 10,000 Puritan. Sa pagitan ng huling bahagi ng mga 1610 at Himagsikang Amerikano, mga 50,000 na hinatulan ang dinaong patungo sa mga kolonyang Amerikano ng Britanya. Simula 1614, ang mga Olandes ay nanatili sa baybayin ng babang Ilog Hudson, kasama ang New Amsterdam sa pulo ng Manhattan.
Heograpiya
Bilang pangatlong pinakamalaking bansa sa buong mundo (sa kabuuang sukat), ang paysahe at mga tanawin sa Estados Unidos ay magkakaiba: lupang kakahuyang katamtaman (temperate forest) sa Silangang baybayin, bakawan sa Florida, ang Malaking Kapatagan sa gitang bahagi ng bansa, ang sistemang Ilog Mississippi-Missouri, ang Great Lakes na parte rin ng sa Canada, Rockies na nasa kanluran ng kapatagan, ilang disyerto at sonang katamtaman sa baybaying kanluran ng Rockies, at mga kagubatang katamtaman (temperate rainforest) sa bahaging Pasipiko ng Hilagang-Kanluran. Dagdag paysahe din ang Alaska at mga mabulkang pulo ng Hawaii.
Ang klima ay iba-iba rin: tropikal sa Hawaii at timog Florida, at tundra naman sa Alaska at sa mga tuktok ng matataas na bundok (pati ng Hawaii). Karamihan sa mga bahaging Hilaga at Silangan ay dumaranas ng klimang kontinental-katamtaman, may mainit na tag-araw at malamig na taglamig. Ang timog bahagi ng bansa naman ay dumaranas ng subtropikal na klimang umedo na may katamtamang taglamig at mahahaba at umedong tag-araw.
Demograpiya
Mga sentro ng populasyon
Lahi
Ang mga lahing ito ang mga bumubuo sa lupain ng Estados Unidos:
1. Europeo 171,801,940 Amerikano 60.7% ng buong populasyon ng Amerika
2. Espanyol 44.3 million Amerikano 14.8% ng buong populasyon ng Amerika
3. Aprikano 39,500,000 Amerikano
4. Pilipino 4,000,000 Amerikano 1.5% ng buong populasyon ng Amerika, karamihan ay mga abroad
5. Tsino 3,565,458 Amerikano 1.2% ng buong populasyon ng Amerika
Wika
Ang mga wika na may pinakamataas na bilang ng nagsasalita sa Estados Unidos:
Mga Wika (2003)[4] | |
---|---|
Ingles (lamang) | 214.8 milyon |
Kastila kabilang ang Kriyolo | 29.7 milyon |
Tsino | 2.2 milyon |
Pranses, kabilang ang Kriyolo | 1.9 milyon |
Tagalog (karamihan ay mga abroad) | 1.3 milyon |
Biyetnames | 1.1 milyon |
Aleman | 1.1 milyon |
Pamahalaan at politika
Binubuo ng limampung estado ang Amerika na may limitadong awtonomiya at kung saan ang batas federal ang nananaig sa batas ng estado. Sa pangkalahatan, ang mga usapin sa loob ng hangganan ng mga estado ay saklaw ng kani-kanilang mga pamahalaang estado. Nabibilang dito ang panloobang komunikasyon; mga regulasyong may kinalaman sa pag-aari, industrya, negosyo, at kagamitang pampubliko; ang kodigong kriminal ng estado; at mga kondisyon ng pagtatrabaho sa loob ng estado. Pumapailalim ang Distrito ng Kolumbiya sa hurisdiksiyon ng Kongreso ng Estados Unidos, at may limitadong alituntuning lokal.
Ang saligang batas ng iba't ibang estado ay may pagkakaiba sa ilang detalye ngunit kapwa sumusunod sa iisang huwarang tulad ng sa Saligang Batas federal, kabilang dito ang pahayag sa karapatang pantao at ang plano ng pagbubuo ng gobyerno. Sa mga usaping gaya ng pagpapatakbo ng negosyo, mga bangko, kagamitang pampubliko at mga kawang-gawang institusyon, ang saligang batas ng bawat estado ay kadalasang mas detalyado at klaro kaysa sa Saligang Batas federal. Sa mga nakalipas na taon, umako ng mas malawak na responsibilidad ang pamahalaang federal sa mga bagay-bagay gaya ng kalusugan, edukasyon, kapakanan, transportasyon, pabahay, at pagsulong urban.
Binubuo ng tatlong sangay ang pamahalaang pederal: ang ehekutibo (pinamumunuan ng Pangulo), ang lehislatura (ang Kongreso), at ang hudikatura (pinamumunuan ng Korte Suprema). Nahahalal ang pangulo sa isang mandato ng apat na taon ng Electoral College, na nahihirang sa botong popular sa limampung estado. Nahahalal naman ang mga miyembro ng Konggreso sa mandato ng 2 taon sa Kamara ng mga Kinatawan at ng 6 taon sa Senado. Tinatakda ng Pangulo ang mga huwes ng Korte Suprema at may pahintulot ng Senado sa pagkakaroon ng hindi limitadong termino. Kinokopya ng modelong tripartite na ito ng pamahalaan sa antas ng estado sa pangkalahatan. May iba't ibang anyo ang mga lokal na pamahalaan.
Pinamamayanihan ang pamahalaang pederal at pang-estado ang dalawang pangunahing partidong pampolitika, ang mga Republikano (Republicans) at ang mga Demokrata (Democrats). Mayroong ding ibang maliliit na partido; ngunit hindi sila nakakapanghikayat ng kasindaming tagasuporta. Sa kabuuan, nangingibabaw ang tulad ng sa right wing ng mga demokrasya sa Europa ang kulturang pampolitika sa Estados Unidos at madalas na nakikitungo sa iba't ibang usapin. Mahirap tukuyin ang kategoryang kinabibilangan ng dalawang partidong ito. Sa kulturang pampolitika ng Estados Unidos, mailalarawan ang Partido Republikano bilang center-right at ang Partido Demokrata naman ay center-left. Ang mga kandidato ng mga partido menor at independiente ay bihirang nahahalal, at kung nahalal man ay sa lokal o estado lamang, ngunit sa sistema ng politika ng bansa, nananaig ang mga "hakot partido" sa mga koalisyon. Ang mga patakaran at ideolohiya ng kasalukuyang Pangulo ng Estados Unidos ang may malaking ginagampanan sa patakbo ng kanyang partido, pati na rin sa plataporma ng oposisyon.
Pagkakalahating Pampolitika
Ang Estados Unidos ay isang unyong pederal na may limampung estado. Ang orihinal na labintaltong estado ay ang unang labintatlong kolonya na nag-aklas mula sa pamumuno ng mga Ingles. Noong unang bahagi ng kasaysayan ng bansa, tatlong bagong mga estado ang binuo mula sa mga teritoryo galing na sa umiiral na mga estado: ang Kentucky mula sa Virginia; Tennessee mula sa North Carolina; at Maine mula sa Massachusetts. Karamihan sa ibang mga estado ay nanggaling sa mga teritoryong nakuha mula sa mga digmaan o sa mga nabili ng pamahalaan ng Estados Unidos. Taliwas dito ang nangyari sa Vermont, Texas at Hawaii: ang bawat isang ito ay dating malalayang republika bago sumali sa unyon. Noong Digmaang Sibil ng Amerika humiwalay ang Kanlurang Virginia sa Virginia. Ang pinakabagong estado-ang Hawaii- a natamasa ang pagiging isang ganap na estado noong Agosoto 21, 1959.[5]
Bumuo ang labintatlong kolonya, sa Deklarasyon ng Kalayaan ng Estados Unidos, ng kani-kanilang bayang estado na katulad ng mga bansa sa Europa noon. Sa mga sumunod na taon, dumami ang bilang ng mga estado sa Amerika dahil sa paglawak nitong pakanluran, sa pananakop at pagbibili ng mga lupa ng pamahalaang pambansa, at sa paghahati ng ilang estado, nauwi sa kasalukuyang bilang na limampu. Pangkalahatang nahahati ang mga estado sa mas maliit na rehiyong administratibo, kabilang ang mga kondado o "county", mga lungsod at mga pamayanan o "township".
May hawak din ang bansa sa ilang mga teritoryo, distrito at pag-aari, nangunguna na ang distrito pederal ng Distrito ng Kolumbiya na siyang kabisera ng bansa, ilang mga lugar na insular sa ibayong dagat tulad ng Portoriko, Samoa Amerikana, Guam, Kapuluang Hilagang Mariyana, at Kapuluang Birhen ng Amerika. Nakapanghawak ang bansa sa isang base ng hukbong pandagat sa inookupahang bahagi ng Look ng Guwantanamo sa Kuba mula 1898.
Walang pag-aangking teritoryal ang Estados Unidos sa Antartika ngunit nakapagreserba ng karapatang gawin ito.
Galeriya
Patakarang panlabas
Ang paghaharing militar, ekonomiko, at kultural ng Estados Unidos ang dahilan kung bakit isang mahalagang tema sa politika ng bansa ang patakarang panlabas (o foreign policy) nito, bukod pa sa kahalagahan ng imahen ng Estados Unidos sa buong mundo.
Nauntog ang patakarang panlabas ng Estados Unidos sa pagitan ng pamumukod o isolationism, imperyalismo at paghahalo ng mga ito, sa buong kasaysayan ng bansa.
Nagresulta ang malakas na impluwensiya nito sa politika at kultura ng buong mundo sa sobrang pagkamuhi ng ilan dito, at pagpuri naman at paghanga para sa ilan. Isang halimbawa nito si Ayatollah Khomeini na tinawag ang Estados Unidos "The Great Satan" (Ang Dakilang Satanas).
Tingnan din
Mga sanggunian
- ↑ "Biden Inaugurated as the 46th President Amid a Cascade of Crises". New York Times. Nakuha noong 20 Enero 2021.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Adams, J.Q.; Strother-Adams, Pearlie (2001). Dealing with Diversity. Chicago: Kendall/Hunt. ISBN 0-7872-8145-X.
- ↑ "Appendix A. Census 2000 Geographic Terms and Concepts – Figure A–3. Census Regions, Census Divisions, and Their Constituent States" (PDF). U.S. Census Bureau. 2000. p. 27. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Hunyo 14, 2007. Nakuha noong Pebrero 25, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Table 47—Languages Spoken at Home by Language: 2003" (PDF). Statistical Abstract of the United States 2006. U.S. Census Bureau. Nakuha noong 2007-06-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Borreca, Richard (18 Oktubre 1999). "'The Goal Was Democracy for All". Honolulu Star-Bulletin. Nakuha noong 11 Pebrero 2012.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)