Si Fernando Cueto Amorsolo (Mayo 30, 1892 - Abril 26, 1972) ay isa mga pinakamahalagang artista ng sining sa Pilipinas. Si Amorsolo ay isang pintor ng mga larawan ng mga tao at tanawing pambaryo ng Pilipinas. Kilala siya sa kaniyang pagiging malikhain at pagkadalubhasa sa paggamit ng liwanag. Ipinanganak sa Paco, Maynila, nakatapos siya ng pag-aaral mula sa Paaralang Pansining ng Liseo ng Maynila noong 1909. Bagaman nakapaglakbay sa ibang mga bansa, kung saan namulat ang mga mata ni Amorsolo sa mga dayuhang pamamaraan ng pagguhit at pagpinta, naging adhikain niya ang makalikha ng mga larawang makabayan at puno ng kasaysayan. Sa panahon man ng kapayapaan o digmaan, nanatili ang diwang ito sa isipan ni Amorsolo, na nagbunga naman ng mga dibuhong may pagpapahalaga sa paghubog, pag-unlad, at pagtatala ng tunay at natatanging katauhan, ngiti, damdamin at kaluluwa ng mga mamamayang Pilipino. Dahil sa mga gawa at gawain ng kaniyang malikhaing mga kamay, sa tulong ng pinsel at pintura, tinagurian si Amorsolo bilang unang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas. Isinilang si Fernando Amorsolo noong Mayo 30, 1892 sa Paco, Maynila kina Pedro Amorsolo, isang tenedor de libro, at Bonifacia Cueto. Lumaki si Amorsolo sa Daet, Camarines Norte, kung saan nakapag-aral siya sa isang paaralang pampubliko at tinuruang bumasa at sumulat ng wikang Kastila sa bahay.
Si Sally Kristen Ride (Mayo 26, 1951 – Hulyo 23, 2012) ay isang Amerikanong astronauta at pisiko. Ipinanganak sa Los Angeles, sumali siya sa NASA noong 1978, at noong 1983 naging unang babaeng Amerikano at pangatlong babae na lumipad sa kalawakan, pagkatapos ng mga kosmonauta na sina Valentina Tereshkova noong 1963 at Svetlana Savitskaya noong 1982. Siya ang pinakabatang Amerikanong astronauta na lumipad sa kalawakan, na nagawa ito sa edad na 32.
Hindi bababa sa 11 ang namatay sa isang sunog sa isang gusaling residensyal-komersyal sa Binondo, Maynila, Pilipinas.
Nagdeklera ang pamahalaang panlalawigan ng Kabite sa Pilipinas ng "estado ng kalamidad" pagkatapos umabot ang pagtagas ng langis mula sa lumubog na barkong MT Terra Nova sa mga baybayin ng walong bayan, na nangangailangan ng implementasyon ng isang sonang walang-huli at ayuda na ibibigay sa mga tinatayang naapektuhang 25,000 mangingisda.
Naaresto si Freddy Superlano, ang nangungunang personalidad sa koalisyon ng oposisyon sa Venezuela habang tumaas sa apat ang namatay mula sa protestang kontra-Maduro.
... na unang inilagak ang labi ni Jose Rizal sa Liwasang Paco bago ito nailipat sa bahay ng kapatid niyang si Narcisa at kalaunan, sa Liwasang Rizal?
... na maaring makuha ang langis ng niyog sa dalawang uri ng proseso: basa o tuyo?
... na nakakahawa ang pagtawa, (nakalarawan ang batang tumatawa) at maaaring magdulot ang pagtawa ng isang tao ng pagtawa mula sa iba bilang positibong tugon?
Kapihan – Puntahan ng pamayanan ng mga patnugot upang talakayin ang mga pangkalahatang paksa o tanong tungkol sa mga alalahanin sa at iba pang aspeto ng Tagalog na Wikipedia.
Napiling Artikulo – Pahinang lapagan para sa mga tinampok na artikulo sa Tagalog na Wikipedia.