Talaan ng mga planetang menor
Ang sumusunod ay isang tala ng mga nakanumerong planetang menor na nakaayos sa umaakyak na bilang. Bukod sa mga kometa, ang mga planetang menor ay maliliit na bagay sa Sistemang Solar, kabilang ang mga asteroyd, malalayong bagay at mga planetang unano. Binubuo ang katalogo ng daan-daang mga pahina, na naglalaman ang bawat isa ng 1000 planetang menor. Sa ngalan ng International Astronomical Union, naglalathala ang Minor Planet Center ng libo-libong bagong nakanumerong mga planetang menor sa Minor Planet Circular nito kada taon (tingnan ang indeks).[1][2] Noong Agosto 2021, mayroon nang 585,962 nakanumerong planetang menor (siniguradong mga tuklas) sa kabuuang 1,121,432 naobserbang bagay, kasama ang natitira sa walang numerong mga planetang menor at kometa.[3][4]
Ang unang bagay sa katalogo ay ang 1 Ceres, na natuklasan ni Giuseppe Piazzi noong 1801, habang ang pinakakilalang entrada nito ay Pluto, na nakatala bilang 134340 Pluto. Ang pinakamalaking karamihan (97%) ng mga planetang menor ay mga asteroyd mula sa sinturon ng asteroyd (gumagamit ang katalogo ng kodigo ng kulay upang ipahiwatig ang dinamikong pag-uuri). May higit sa isang libong iba't ibang nakatuklas ng planetang menor na minasid mula sa isang lumalagong tala ng mga nakarehistrong obserbatoryo. Ayon sa bilang, ang mga pinakamaraming natuklasan ay ang Spacewatch, LINEAR, MLS, NEAT at CSS. Mayroon din 22,671 pinanganalang planetang menor na karamihan ay ipinangalan sa mga tao, lugar, pigura sa mitolohiya at kathang-isip,[4][5] na nasa 4.00% lamang ng lahat ng nakanumerong entrada sa katalogo. Noong Agosto 2021, ang (4596) 1981 QB at 560354 Chrisnolan ang pinakamababang nakanumerong walang pangalan at pinakamataas na nakanumerong may pangalan, ayon sa pagkakabanggit.[1][5]
Inaasahan ang paparating na pagsuri ng Obserbatoryo ng Vera C. Rubin (LSST) na makakatuklas ng 5 milyon pang mga planetang menor sa loob ng susunod na sampung taon—sampung beses na pagtaas mula sa kasalukuyang bilang.[6] Habang natuklasan na lahat ng mga asteroyd sa pangunahing sinturon na may diyametro na 10 kilometro, maaring mayroong 10 trilyong asteroyd na may sukat na 1 metro o mas malaki pa na nasa labas ng orbita ng Hupiter; at higit sa trilyon na planetang menor sa sinturon ng Kuiper na daan-daan dito ay malamang na planetang unano.[6][7]
Deskripsyon ng mga bahagiang tala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Binubuo ang bawat talaan ng 1000 planetang menor na nakagrupo sa 10 talahanayan. Nakasangguni ang datos mula sa Minor Planet Center (MPC) at pinalawig kasama ang datos mula sa JPL SBDB (katamtamang-diyametro), arkibo ng Johnston (sub-klasipikasyon) at iba pa.
Kabilang sa impormasyon na binigay para sa isang planetang menor ang isang permanente at pansamantalang pagtatalaga, isang pagsipi, ang petsa ng pagtuklas, pook kung saan natuklasan at ang nakreditong nakatuklas, isang kategorya na may mas pinabuting klasipikasyon kaysa sa prinsipal na pagpapangkat ng kinakatawan sa pamamagitan ng likurang kulay, isang katamtamang diametro, na sinangguni sa SBDB ng JPL o ang iba pa na tinaya ang pagkalkula sa italiko, at isang sangguniang (Sang.) naayon sa mga pahina sa MPC at JPL SBDB.
Maaring ikredito ng MPC ang isa o ilang mga astronomo, isang pagsuri o kaparehong programa, o kahit ang pook ng obserbatoryo kasama ang pagtuklas.
Halimbawa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagtatalaga | Pagtuklas | Mga katangian | Sang. | |||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Permanente | Pansamantala | Pagsipi | Petsa | Pook | Nakatuklas | Kategorya | Diam. | |
189001 | 4889 P-L | — | Setyembre 24, 1960 | Palomar | PLS | — | 3.4 km | MPC · JPL |
189002 | 6760 P-L | — | Setyembre 24, 1960 | Palomar | PLS | NYS | 960 m | MPC · JPL |
189003 | 3009 T-3 | — | Oktubre 16, 1977 | Palomar | PLS | — | 5.1 km | MPC · JPL |
189004 Capys | 3184 T-3 | Capys | Oktubre 16 1977 | Palomar | PLS | L5 | 12 km | MPC · JPL |
189005 | 5176 T-3 | — | Oktubre 16, 1977 | Palomar | PLS | — | 3.5 km | MPC · JPL |
Pangunahing indeks
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ito ang pangkalahatang tingin ng lahat ng mga bahagiang talaan ng mga nakanumerong planetang menor. Bawat talahanayan ay mayroong 100,000 planetang menor, na ang bawat selda ay para sa isang partikular na bahagiang tala ng 1,000 sunud-sunod na nakanumerong bagay. Nakasangguni ang datos mula sa Minor Planet Center.[1] Tandaan na ang mga pulang link ay mga tala na hindi pa naisusulat dito sa Tagalog na Wikipedia.
Pagnunumero mula 1–100,000
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagnunumero mula 100,001–200,000
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagnunumero mula 200,001–300,000
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagnunumero mula 300,001–400,000
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagnunumero mula 400,001–500,000
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagnunumero mula 500,001–600,000
[baguhin | baguhin ang wikitext]Karagdagang pagbabasa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga aklat
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Dictionary of Minor Planet Names, ika-5 edisyon: Inihanda para sa Komisyon 20 sa ilalim ng Pangangasiwa ng Internasyunal na Unyong Astronomikal, Lutz D. Schmadel, ISBN 3-540-00238-3 (sa Ingles)
- The Names of the Minor Planets, Paul Herget, 1968 (sa Ingles)
Mga websayt
[baguhin | baguhin ang wikitext]- MPC Archive Statistics (mga estadistika, mga obserbasyon, mga orbito at mga pangalan) (sa Ingles)
- MPC Discovery Circumstances (mga planetang di-pangunahin ayon sa bilang) (sa Ingles)
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 "Discovery Circumstances: Numbered Minor Planets" (sa wikang Ingles). Minor Planet Center. 15 Hunyo 2021. Nakuha noong 17 Hunyo 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "MPC/MPO/MPS Archive". Minor Planet Center (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Hunyo 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Latest Published Data" (sa wikang Ingles). Minor Planet Center. 10 Agosto 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Marso 2019. Nakuha noong 21 Agosto 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 "Minor Planet Statistics – Orbits And Names" (sa wikang Ingles). Minor Planet Center. Nakuha noong 4 Mayo 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 "WGSBN Bulletin Archive". Working Group Small Body Nomenclature (sa wikang Ingles). 28 Hulyo 2021. Nakuha noong 30 Hulyo 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 Jones, R. Lynne; Juric, Mario; Ivezic, Zeljko (Enero 2016). "Asteroid Discovery and Characterization with the Large Synoptic Survey Telescope". Asteroids: New Observations (sa wikang Ingles). 318: 282–292. arXiv:1511.03199. Bibcode:2016IAUS..318..282J. doi:10.1017/S1743921315008510.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bidstrup, P. R.; Andersen, A. C.; Haack, H.; Michelsen, R. (Agosto 2008). "How to detect another 10 trillion small Main Belt asteroids". Physica Scripta (sa wikang Ingles). 130: 014027. Bibcode:2008PhST..130a4027B. doi:10.1088/0031-8949/2008/T130/014027.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Lists and plots: Minor Planets (sa Ingles)
- NASA Near Earth Object Program Naka-arkibo 2011-08-23 sa Wayback Machine. (sa Ingles)
- PDS Asteroid Data Archive (sa Ingles)
- SBN Small Bodies Data Archive Naka-arkibo 2004-04-02 sa Wayback Machine. (sa Ingles)
- JPL Minor Planet Database for physical and orbital data (of any small solar system body) (sa Ingles)