Lansangang-bayang N305
Pambansang Ruta Blg. 305 | ||||
---|---|---|---|---|
Impormasyon sa ruta | ||||
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan | ||||
Haba | 1.7 km (1.1 mi) | |||
Bahagi ng | ||||
Pangunahing daanan | ||||
Dulo sa hilaga | N3 (Abenida Jose Abad Santos) / N306 (Daang Olongapo–Bugallon) | |||
Dulo sa timog | Tulay ng Magsaysay(lakaran) | |||
Lokasyon | ||||
Mga lawlawigan | Zambales | |||
Mga pangunahing lungsod | Olongapo | |||
Sistema ng mga daan | ||||
Mga daanan sa Pilipinas
|
Ang Pambansang Ruta Blg. 305 (N305) ay isang bahagi ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas sa Gitnang Luzon. Isa itong pang-apatang daang sangay na may habang 1.7 kilometro (1.1 milya) at binubuo ng dalawang pangunahing mga kalye sa Olongapo at naglilingkod bilang pangunahing lansangan sa kabayanan ng lungsod.
Paglalarawan ng ruta
[baguhin | baguhin ang wikitext]Binubuo ang Pambansang Ruta Blg. 305 (N305) ng mga sumusunod na bahagi:
Magsaysay Drive
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagsisimula ang N305 sa Tulay ng Magsaysay bilang katimugang dulo nito. Ang nasabing tulay ay dating daanan para sa mga sasakyan at nagbibigay ng daan papasok ng Subic Bay Freeport Zone hanggang sa taong 2011, nang itinayo ang SM City Olongapo at naging lakaran (pedestrian walkway) ang tulay. Nagtatapos ang Magsaysay Drive sa Friendship Rotunda, isang sangandaang rotonda na itinayo noong dekada-1970.
Abenida Rizal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tumutuloy ang N305 pahilaga bilang Abenida Rizal pagkaraan ng Friendship Rotunda. Dumadaan din sa rutang ito ang Tulay ng Bajac-Bajac. Nagtatapos ang N305 sa rotondang Ulo ng Apo bilang hilagang dulo nito.