Pumunta sa nilalaman

Linyang Yamanote

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Linya ng Yamanote)
Linyang Yamanote
E235 series
Buod
Ibang pangalanLinyang Yamate
UriMabigat na daangbakal
LokasyonTokyo
HanggananShinagawa (paikot)
(Mga) Estasyon29
Araw-araw na mananakay3,725,247 (araw-araw, 2010)[1]
(Mga) Bilang ng tren572 bagon (52 bloke)
Kulay sa mapa Dilaw-berde (JNR Blg. 6)
Operasyon
Binuksan noong1885
(Mga) NagpapatakboJR East
(Mga) SilunganTokyo General Rolling Stock Centre (malapit sa Estasyon ng Ōsaki)
Ginagamit na trenSeryeng E231-500
Teknikal
Haba ng linya34.5 km (21.4 mi)
Luwang ng daambakal1,067 mm (3 ft 6 in)
Pagkukuryente1,500 V DK na katenarya
Bilis ng pagpapaandar90 km/h (55 mph)*
Karaniwang layo ng bawa't estasyon1.27 km (0.79 mi)
Mapa ng ruta

Ang Linyang Yamanote (山手線, Yamanote-sen) ay isang paikot na linyang daangbakal sa Tokyo, Japan, na pagmamay-ari ng East Japan Railway Company (JR East)[2]. Isa ito sa matrabahong at pinakaimportanteng linya sa Tokyo, na nag-uugnay sa pinakamahahalagang pangunahing estasyon at sentrong urban sa Tokyo, kasama na rito ang lugar ng Yūrakuchō/Ginza, Shibuya, Shinjuku, Marunouchi at Ikebukuro. Maaaring lumipat sa ibang linyang daangbakal ang mga mananakay sa lahat (hindi kasama ang dalawa) ng mga estasyon sa buong linya.

Pinapahiwatig ng "Linyang Yamanote" bilang opisyal na pangalan ng linya ang mga trakto sa pagitan ng Shinagawa at Tabata na ginagamit ng mga lokal na tren sa kanilang trakto kasama na rin ang kahilerang Linyang Pangkargada ng Yamanote na ginagamit ng mga tren ng Linyang Saikyō at Linyang Shōnan-Shinjuku, ang ilang limitadang serbsiyong ekspres at mga treng pangkargada. Subalit, tumutukoy na sa kabuuang 34.5 km paikot na linya ang "Linyang Yamanote" na sineserbisyuhan ng pang-araw-araw na lokal na tren[3]. (Ginagamit rin ng pahinang ito ang kaparehang kahulugan.)

Tumatakbo ang mga tren mula 04:26 hanggang 01:18 ng susunod na araw na may pagitan na 2.5 minuto tuwing nasa kasagsagan ng karamihan ng tao samantalang apat na minuto kapag hindi. Umaabot ng 59 hanggang 65 minuto ang aabutin kapag inikot ang buong linya. Humihinto ang lahat ng tren sa bawat estasyon. Lumalabas at pumapasok naman ang mga tren mula sa serbisyo sa Ōsaki (para sa kadahilanang maitama ang pagooras sa mga tren) at minsan sa Ikebukuro. May ilang tren naman na nagsisimula mula sa Tamachi tuwing umaga at nagtatapos sa Shinagawa kapag gabi. Kilala ang mga tren na umiikot pakanan bilang sotomawari (外回り, "labas ng bilog") at ang mga umiikot pakaliwa bilang uchi-mawari (内回り, "loob ng bilog"). (Tumatakbo ang mga tren sa kaliwa, tulad ng mga sasakyan sa Hapon.)

Gumaganap din ang linya bilang sonang pangdestinasyon ng pasahe para sa mga tiket ng JR mula sa mga lokasyon na nasa labas ng Tokyo, na nagpapahintulot na bumiyahe sa kahit saang estasyon ng JR o sa iba pang silo. Tumutukoy ang silo sa linya ng Yamanote kasama na rin ang Linyang Chūō-Sōbu sa pagitan ng Sendagaya at Ochanomizu.

Ginagamit ang Dilaw berde Blg.6 ng JNR (, kodigong Munsell 7.5GY 6.5/7.8), na kilala sa Hapon bilang "Japanese Bush Warbler green" (ウグイス色, uguisu-iro), bilang kulay ng linya sa lahat ng mga tren na ginagamit, sa mga estasyon at sa mga dayagramo.

Tinatantiyang 3.68 milyong pasahero [4] ang nasakay araw-araw sa Linya ng Yamanote sa Tokyo, na may 29 na estasyon. Sa pagkukumpara, nagdadala ang New York City Subway ng 5.08 milyong pasahero kada araw sa 26 na linya na sumeserbisyo sa 472 estasyon,[5] at 3.36 milyong pasahero naman ang dinadala ng London Underground kada araw sa 12 linya na sumeserbisyo sa 275 estasyon.[6]

Literal na tumutukoy ang "Yamanote" sa panloob, maburol na distrito o paanan (na naiiba sa lugar na mas malapit sa dagat). Sa Tokyo, makikita ang "Yamanote" sa kanlurang bahagi ng paikot na Linyang Yamanote. Binubuo ang salita ng mga salitang Hapones na yama, na may kahulugang 'bundok', anghenetibong hulapian na no, at te, na may kahulugang 'kamay', kaya maaaring literal na maisalin ito bilang "kamay ng bundok", na kaparehas sa terminong "paanan" sa Ingles.

Opisyal na nakasulat ang Yamanote-sen sa Wikang Hapones na walang kana na no (の、ノ), na kung saan ay nagbabago ang kanyang baybay kapag nailimbag na. Maaaring mabaybay ang mga karakter na 山手 bilang yamate, tulad na lamang sa Yamate-dōri (Eskinita Yamate), na tumatahak sa kanlurang bahagi ng Linyang Yamanote. Ginagamit din ang pagbabaybay sa Linya ng Seishin-Yamate sa Kobe at sa lugar ng Yamate sa Yokohama.

Pagkatapos ng ikalawang Digmaang Pandaigdig, iniutos ng SCAP na ang lahat ng mga paskil ng mga tren ay nakaromanisado, at naromanisa ang Linyang Yamanote bilang "YAMATE LINE"。 Naging salit-salit na ginagamit ang "Yamanote" at "Yamate" sa pagtawag sa linya hanggang 1971 nang mabago ng Japanese National Railways ang pagbaybay pabalik ng "Yamanote". Tinatawag pa rin ng ilang tao na "Linyang Yamate" ang buong linya.

Noong 1971, binago ng JNR ang lahat ng mga karatula para matukoy ang pagbabaybay sa mga pangalan ng linya. Maiuugnay ang pagbabagong ito sa pagbubukas ng Linyang Agatsuma, na maling nababasa bilang "Azuma" dahil tinanggal ang kanang ga (が、ガ) sa pasulat na pangalan. Bilang bahagi ng pagbabagong ito, napagdesisyonan ng JNR na gamitin ang baybay ng Yamanote, isang dahilan na rito ay ang Estasyon ng Yamate sa Linyang Negishi sa kalapit na Yokohama.

Linya ng Yamanote noong 1925

Nagmula ang Linyang Yamanote noong 1885 nang simulang gawain ang Linyang Shinagawa (品川線, -sen) sa pagitan ng Shinagawa at Akabane, na nilalagpasan ang mga bagong tayong lugar at nagbibigay ng unang ugnay sa hilaga papuntang timog ng Tokyo. Pagkatapos ng pagbubukas noong Hulyo 1, 1886, noong panahon na iyon, nagseserbisyo na ang mga Estasyon ng Shimbashi-Shinagawa-Akabane sa mga pasahero sa apat na balikan sa isang araw[7]. Noong Setyembre 1, 1891, nakakonekta na sa daangbakal ang lahat ng linya ng ikalimang distrito na unang linyang daangbakal sa distrito, ang distrito ng Yokohama, Shimbashi, Shinagawa, Ueno, Takasaki, Utsunomiya, Fukushima, Sendai, Morioka, at Aomori.[7][8][9] Natapos ang itaas na bahagi ng ikot sa pagitan ng Ikebukuro at Tabata noong 1903 (na kilala bilang Linya ng Toshima (豊島線, -sen)) at nang makuryentehan ang linya noong 1909 ang parehang linya ay pinagsama at naging Linya ng Yamanote. Hindi pa tapos ang ikot noong mga panahong iyon, kaya ginagamit ng mga tren ang mga Linya ng Chūō at Keihin-Tōhoku, na bumabagtas mula Estasyon ng Nakano hanggang sa Estasyon ng Tokyo, timog ng Shinagawa, at pakanan sa Linya ng Yamanote Line papuntang Tabata.

Pagpapalit ng Pangalan ng Linya
Petsa Shinagawa-Ikebukuro Ikebukuro-Akabane Ikebukuro-Tabata Tabata-Ueno Ueno-Akihabara Akihabara-Tokyo Tokyo-Shinagawa
-1901 Linyang Shinagawa Linyang Toshima (hindi pa bukas) Unang distrito Linyang Akihabara (Hindi pa bukas) Linyang Tokaido
(Karasumori-Shinagawa)
1901 Linyang Yamanote (Pangunahing Linya) Linyang Yamanote (hindi pa bukas ang sanga)[10]
1903 Linyang Yamanote (sangang linya)
Pebrero, 1906 Pangunahing Linya ng Katimugang Distrito
Nobyembre, 1906 Linyang Japan (pangunahing linya ng Linya ng Yamanote) Linyang Japan (sangang Linya ng Yamanote) Linyang Japan
1909 Linyang Yamanote (pangunahing linya) Linyang Yamanote (sangang linya) Linyang Tohoku Linyang Tokaido
(Yurakucho-Shinagawa)
1914 Linyang Tohoku Pangunahing Linyang Tokaido
1972 Linyang Yamanote (pangunahing linya) Linyang Akabane Linyang Yamanote (pangunahing linya)
1985 Linyang Akabane (Linya ng Saikyo)
Ang paggawa sa Linyang Yamanote at ang kasalukuyang mga linya ng JR

Natapos ang ikot noong 1925 nang buksan ang seksyon sa trakto sa pagitan ng Estasyon ng Kanda at Ueno, na nagbibigay ng ugnay sa hilaga-timog sa pamamagitan ng Estasyon ng Tokyo na dadaan sa sentro ng kalakalan ng lungsod[11]. Tumatakbo rin ang isang kahilerang linyang pangkargada, na natapos din noong 1925, sa panloob na bahagi ng ikot sa pagitan ng Shinagawa at Tabata[12].

Samantala noong panahon bago magdigmaan, hindi nagbibigay ng permit ang Ministri ng Daangbakal sa mga pribadong kompanya na gumagawa ng suburban na daangbakal para sa bagong linya na tatawid sa Yamanote mula sa kanilang terminal na estasyon sa gitnang distrito ng Tokyo, na nagpwersa na huminto sa mga estasyon ng linya[13]. Humantong ang polisiyang ito sa pagunlad ng mga bagong sentrong urban (新都心、副都心, shintoshin, fukutoshin) sa paligid ng pangunahing pagpapalitang punto sa Linyang Yamanote, mas kilala sa Shinjuku at Ikebukuro (na kung saan ay ang dalawa sa pinakamatrabahong estasyon ng linya sa buong mundo).

Dumating sa pagiging kontemporaryong linya ang Linyang Yamanote noong 1956 nang maihiwalay ito mula sa Linyang Keihin-Tōhoku at binigyan ng sariling pangkat ng mga trakto sa silangang bahagi ng ikot sa pagitan ng Shinagawa at Tabata[14]. Subalit, patuloy na pana-panahong ginagamit ng Linyang Yamanote ang mga trakto ng Keihin-Tōhoku, partikular na kapag bakasyon at hindi mataong oras, hanggang maisama ang mabilisang serbisyo sa Linyang Keihin-Tōhoku noong 1988.

Humantong ang isang pangunahing pagsabog sa Linyang Pangkargada ng Yamanote sa Shinjuku noong 1967 sa pagkalipat ng trapikong pangkargada sa mas malayong Linyang Musashino. Para solusyonan ang underkapasidad, muling binago ang hangarin ng linyang pangkargada para gamitin ng Linyang Saikyō at Linyang Shōnan-Shinjuku, kasama na rin ang ilang limitadong tren na ekspres tulad na lamang ng Narita Express at ilang serbisyong liner. Gayon din naman, mayroong kasalukyang planong magpahaba sa Pangunahing Linya ng Tōhoku sa Estasyon ng Tokyo para magbigay ng dagdag na kaluwagan sa mga matrabahong bahagi ng Linyang Yamanote ngayon, ang katimugang bahagi sa pagitan ng Ueno at Okachimachi.

  • Nakatala ang mga estasyon pakanan mula sa Shinagawa hanggang Tabata, subalit sa layuning pagpapatakbo opisyal na nagsisimula ang mga tren sa Ōsaki.
    • Pakanan (外回り, sotomawari, "labas ng bilog"): Shinagawa → Shinjuku → Ikebukuro → Tabata → Ueno → Tokyo → Shinagawa
    • Pakaliwa (内回り, uchimawari, "loob ng bilog"): Shinagawa → Tokyo → Ueno → Tabata → Ikebukuro → Shinjuku → Shinagawa
  • Makikita ang lahat ng mga estasyon sa mga espesyal na purok ng Tokyo.
  • Mga lokal ng tren ang lahat ng tren sa Linyang Yamanote na humihinto sa lahat ng estasyon.
  • Posibleng lumipat sa mga mabilisang serbisyo ng Linyang Keihin-Tōhoku mga estasyong may markang "(R)" .
Pangalanng Linya Estasyon Wikang Hapon Layo (km) Paglipat Lokasyon
Sa pagitan ng
estasyon
Kabuuan
Linyang
Yamanote
Shinagawa 品川 from
Tamachi

2.2
0.0 Linyang Keihin-Tōhoku, Pangunahing Linya ng Tōkaidō, Linyang Yokosuka
Tōkaidō Shinkansen
Pangunahing Linya ng Keikyū
Minato
Ōsaki 大崎 2.0 2.0 Linyang Shōnan-Shinjuku, Linyang Saikyō
Linyang Rinkai
Shinagawa
Gotanda 五反田 0.9 2.9 Linyang Ikegami ng Tōkyū
Linyang Asakusa ng Toei (A-05)
Meguro 目黒 1.2 4.1 Linyang Meguro ng Tokyu
Linyang Namboku ng Tokyo Metro (N-01)
Linyang Mita ng Toei (I-01)
Ebisu 恵比寿 1.5 5.6 Linyang Shōnan-Shinjuku, Linyang Saikyō
Linyang Hibiya ng Tokyo Metro (H-02)
Shibuya
Shibuya 渋谷 1.6 7.2 Linyang Shōnan-Shinjuku, Linyang Saikyō
Linyang Inokashira ng Keiō
Linyang Den-en-toshi ng Tōkyū, Linyang Tōyoko ng Tōkyū
Linyang Ginza ng Tokyo Metro (G-01), Linyang Hanzōmon ng Tokyo Metro (N-01), Linyang Fukutoshin ng Tokyo Metro (F-16)
Harajuku 原宿 1.2 8.4 Linyang Chiyoda (Meiji-Jingūmae: C-03)
Yoyogi 代々木 1.5 9.9 Linyang Chūō-Sōbu
Linyang Ōedo ng Toei (E-26)
Shinjuku 新宿 0.7 10.6 Pangunahing Linya ng Chūō, Linyang Chūō (mabilisan), Linyang Chūō-Sōbu, Linyang Shōnan-Shinjuku, Linyang Saikyō
Linyang Keiō, Bagong Linyang Keio
Linyang Odawara ng Odakyū
Linyang Shinjuku ng Seibu (Seibu-Shinjuku)
Linyang Marunouchi ng Tokyo Metro (M-08)
Linyang Shinjuku ng Toei (S-01), Linyang Ōedo (E-27, Shinjuku-Nishiguchi: E-01)
Shinjuku
Shin-Ōkubo 新大久保 1.3 11.9  
Takadanobaba 高田馬場 1.4 13.3 Linyang Shinjuku ng Seibu
Linyang Tōzai ng Tokyo Metro (T-03)
Mejiro 目白 0.9 14.2   Toshima
Ikebukuro 池袋 1.2 15.4 Linyang Saikyō, Linyang Shōnan-Shinjuku
Linyang Ikebukuro ng Seibu
Linyang Tōbu Tōjō ng Tōbu
Linyang Marunouchi ng Tokyo Metro (M-25), Linyang Yūrakuchō ng Tokyo Metro (Y-09), Linyang Fukutoshin ng Tokyo Metro (F-09)
Ōtsuka 大塚 1.8 17.2 Linyang Arakawa ng Toden (Ōtsuka-Ekimae)
Sugamo 巣鴨 1.1 18.3 Linyang Mita ng Toei (I-15)
Komagome 駒込 0.7 19.0 Linyang Namboku ng Tokyo Metro (N-14)
Tabata 田端 1.6 20.6 Linyang Keihin-Tōhoku (R) Kita
Pangunahing
Linya ng
Tōhoku
Nishi-Nippori 西日暮里 0.8 21.4 Linyang Keihin-Tōhoku
Linyang Chiyoda ng Tokyo Metro (C-16)
Nippori-Toneri Liner (02)
Arakawa
Nippori 日暮里 0.5 21.9 Jōban Line, Linyang Keihin-Tōhoku
Pangunahing Linya ng Keisei
Nippori-Toneri Liner (01)
Uguisudani 鶯谷 1.1 23.0 Linyang Keihin-Tōhoku Taitō
Ueno 上野 1.1 24.1 Tōhoku Shinkansen, Jōetsu Shinkansen, Yamagata Shinkansen, Akita Shinkansen, Nagano Shinkansen, Linyang Jōban, Linyang Keihin-Tōhoku (R), Linyang Utsunomiya (Pangunahing Linya ng Tōhoku), Linyang Takasaki
Pangunahing Linya ng Keisei (Keisei Ueno)
Linyang Ginza ng Tokyo Metro (G-16), Linyang Hibiya ng Tokyo Metro (H-17)
Okachimachi 御徒町 0.6 24.7 Linyang Keihin-Tōhoku
Akihabara 秋葉原 1.0 25.7 Linyang Chūō-Sōbu, Linyang Keihin-Tōhoku (R)
Tsukuba Express (01)
Linyang Hibiya ng Tokyo Metro (H-15)
Chiyoda
Kanda 神田 0.7 26.4 Linyang Chūō (mabilis), Linyang Keihin-Tōhoku
Linyang Ginza ng Tokyo Metro (G-13)
Tōkyō 東京 1.3 27.7 Tōhoku Shinkansen, Jōetsu Shinkansen, Yamagata Shinkansen, Akita Shinkansen, Nagano Shinkansen, Linyang Keihin-Tōhoku (R), Linyang Tōkaidō, Linyang Chūō (Mabilis), Linyang Yokosuka, Linyang Keiyō, Linya ng Sōbu (Mabilis)
Tōkaidō Shinkansen
Linyang Marunouchi ng Tokyo Metro (M-17)
Pangunahing
Linya ng
Tōkaidō
Yūrakuchō 有楽町 0.8 28.5 Linyang Keihin-Tōhoku
Linyang Yūrakuchō ng Tokyo Metro (Y-18), Linyang Hibiya ng Tokyo Metro (Hibiya: H-07), Linyang Chiyoda ng Tokyo Metro (Hibiya: C-09)
Linyang Mita ng Toei (Hibiya: C-09)
Shimbashi 新橋 1.1 29.6 Pangunahing Linya ng Tōkaidō, Linyang Yokosuka, Linyang Keihin-Tōhoku
Linyang Ginza ng Tokyo Metro (G-08)
Linyang Asakusa ng Toei (A-10)
Yurikamome (U-01)
Minato
Hamamatsuchō 浜松町 1.2 30.8 Linyang Keihin-Tōhoku (R)
Tokyo Monorail
Linyang Toei Asakusa ng Toei (Daimon: A-09), Linyang Ōedo ng Toei (Daimon: E-20)
Tamachi 田町 1.5 32.3 Linyang Keihin-Tōhoku (R)
Shinagawa 品川 2.2 34.5 Tignan sa itaas

Paghinto sa Estasyon sa bawat Sistema

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Opisyal na pangalan ng ruta para sa direktang destinasyon.
  • ●:Humihinto ang lahat ng tren, ▲:Dumadaan ang mga espesyal na mabibilis (express special), ▼:Humihinto ang ilang tren, ━:Dumadaan ang lahat ng tren, ※:Hindi dumadaan ang mga tren, tinuturing na dumadaan ito, at Walang marka:Hindi dumadaan
系統 走行線路 直通先 Shinagawa Ōsaki Gotanda Meguro Ebisu Shibuya Harajuku Yoyogi Shinjuku Shin-Ōkubo Takadanobaba Mejiro Ikebukuro Ōtsuka Sugamo Komagome Tabata 直通先
Linyang Yamanote Katenaryo Linyang Tokaido
(Direksyo ng Tamachi)
Pangunahing Linya ng Tohoku
(Direksyon ng Nippori )
Linyang Saikyō Linyang Pangkargada Linyang Rinkai
(Distrito ng Ōi)
  Estasyon ng Itabashi Linyang Saikyō
Linyang Shōnan-Shinjuku Linyang Tokaido
(Direksyon ng Nishioi)
Pangunahing Linya ng Tohoku
(Direksyon ng Saikyō)
Narita Express Pangunahing Linya ng Tokaido
(lugar ng tokyo)
Pangunahing Linya ng Tohoku
(Direksyon ng Saikyō)

Mga ginagamit na tren

[baguhin | baguhin ang wikitext]
E231-4000 series

Ang mga serbisyo ng linya ay pinatatakbo ng eksklusibo sa pamamagitan ng isang fleet ng 52 11-na bagon E231-500 series EMU, na kung saan ay phased in mula Abril 21, 2002. [15] Kasama sa mga tren na ito ang bawat isa ay may dalawang "six-door cars" na may anim na pares ng pinto sa bawat panig at bangkang upuan na nakatiklop upang magbigay ng nakatayong silid sa umaga hanggang ika-10 ng umaga Mula Pebrero 22, 2010, ang mga upuan ay hindi na nakatiklop hanggang sa umaga,[16] at ang lahat ng mga tren ay standardized sa mga bagong binuo apat na pinto mga kotse sa pamamagitan ng 31 Agosto 2011.[17] Ito ay dahil sa pinababang kasikipan sa linya pati na rin ang paghahanda para sa pag-install ng mga pintuan ng platform sa lahat ng istasyon ng 2017.[18]

Sinusuportahan ng serye ng E23 ang isang bagong uri ng sistema ng kontrol ng trapiko, na tinatawag na digital Automatic Train Control (D-ATC), na tutulong sa pagbawas ng isang round trip sa isang maikling 58 minuto. Ang serye ay mayroon ding isang mas modernong disenyo at may dalawang 15-inch LCD na sinusubaybayan sa itaas ng bawat pinto, isa na ginagamit para sa pagpapakita ng tahimik na mga patalastas, balita at taya ng panahon; at isa pang ginagamit para sa pagpapakita ng impormasyon sa susunod na hinto (sa parehong Hapon at Ingles) kasama ang abiso ng mga pagkaantala sa Shinkansen at iba pang mga linya ng tren sa mas malaking lugar sa Tokyo. Ang tren ng E231-500 ay batay sa Tokyo General Rolling Stock Center malapit sa Estasyon ng Ōsaki.

Video of a train on the Yamanote Line

Noong Enero 2012, inihayag na ang linya ng Yamanote ay makakakuha ng bagong istasyon, ang unang bagong istasyon sa loob ng 40 taon. Ang distansya sa pagitan ng istasyon ng Shinagawa at Tamachi ay 2.2 km, ginagawa itong pinakamahabang landas sa Yamanote Line sa pamamagitan ng parehong distansya at oras (3 minuto). Itatayo ang bagong istasyon sa ibabaw ng kasalukuyang 20-ektarya na railyard na sumasailalim sa muling pag-unlad ng JR-East. Ang Yamanote Line at ang Keihin Tohoku Line ay ililipat nang kaunti sa silangan upang mapalapit sa mga track ng Shinkansen. Ang lugar sa kanlurang bahagi ng bakuran na magiging available ay muling bubuo ng mga gusali na may mataas na gusali, na lumikha ng isang internasyonal na sentro ng negosyo na may mahusay na koneksyon sa Shinkansen at Haneda Airport. Ang pagtatayo ng bagong istasyon ay inaasahan na magsimula sa piskal 2014. Ito ay magdadala ng kabuuang bilang ng mga istasyon ng Yamanote sa 30 mula 29.[20][21]

  1. Mga mananakay sa Estasyon sa JR East noong 2010 Train Media (kinuha mula sa JR East) Nakuha noong Mayo 28, 2012.
  2. Talaan ng mga ruta ng JR East
  3. Ikaisaandaang taon ng Taon, pagbabasa sa pinagsamang Linyang Yamanote (「山手線 命名100年-38年前に読み統一 「やまのてせん」に」, Yamanotesen meimei 100-nen - 38-nen mae ni yomi tōitsu `ya ma note sen' ni') "Asahi Shimbun" gabing bahagi, ikatlong eidsyon, ikalabingapat na pabalat, Marso 7, 2009
  4. "Yamanote Line 100 years". Japan Railfan (sa wikang Hapones). 50 (586): 48. Pebrero 2010. {{cite journal}}: |access-date= requires |url= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "MTA NYC Transit - Info". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-02-11. Nakuha noong 2014-05-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. [1]
  7. 7.0 7.1 Era na Nakikita mula sa Bilang ng Kagubatan-Kasaysayan ng Daangbakal na Nasusundan tulad ng Tablangoras (sa Hapones) ni Miyawaki Shunso(inilathala ng JTB)
  8. Ang Hindi Naihahayag na Kwento ng Daangbakal ng Tochigi- Ang Galimgim ng Daangbakal ng Yoshu (sa Hapones) ni Omachi Masami (inilimbag ng Essay)
  9. Depot Transition Dictionary (JNR·JR Edition) II (sa Hapones) (inilathala ng JTB)
  10. Thirty-four-year annual report Meiji Japan Railway Company[patay na link] p.1 (National Diet Library Digital Library mula sa Meiji Era)
  11. Railway Fan, Companionship Inc., Pebrero 2010, pahina 20
  12. Pebrerong Isyu:Ikalabinlimang taon ng Tabalngoras ng mga Tren ng Taisho pahina 34
  13. "JTB timetable" Bawat Edisyon (inilimbag ng JTB)
  14. Railway Fan, Companionship, Inc., isyu ng Pebrero 2010, pahina 21
  15. JR電車編成表 2011夏. Japan: JRR. Mayo 2010. pp. 74–75. ISBN 978-4-330-21211-1. {{cite book}}: Unknown parameter |trans_title= ignored (|trans-title= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "山手線6扉車を順次4扉車に". Hobidas (sa wikang Hapones). Neko Publishing. 17 Pebrero 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Hunyo 2020. Nakuha noong 17 Pebrero 2010. {{cite web}}: Unknown parameter |trans_title= ignored (|trans-title= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "山手線全編成の6扉車置換えが完了". Japan Railfan Magazine Online (sa wikang Hapones). Japan: Koyusha Co., Ltd. 6 Setyembre 2011. Nakuha noong 6 Setyembre 2011. {{cite web}}: Unknown parameter |trans_title= ignored (|trans-title= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "山手線、朝も全座席使えます 混雑率がちょっぴり改善". "Yamanote Line, seats available mornings too; crowding improved slightly." February 17, 2010. Accessed February 17, 2010. (sa Hapones)
  19. Japan Railfan Magazine, October 2008 issue, p.15
  20. "JR山手線品川~田町駅間に新駅建設へ | YUCASEE MEDIA(ゆかしメディア) | 最上級を刺激する総合情報サイト | 1". Media.yucasee.jp. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-02-25. Nakuha noong 2014-02-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "New Yamanote Line station eyed". The Japan Times. Nakuha noong 2014-02-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]