Wikang Sambal
Wikang Sambal | |
---|---|
Wikang Sambali | |
Katutubo sa | Pilipinas |
Rehiyon | Zambales, Pangasinan, Kalakhang Maynila, Palawan |
Pangkat-etniko | Sambal |
Mga natibong tagapagsalita | 70,000 (2000)[1] |
Opisyal na katayuan | |
Wikang pangrehiyon sa Pilipinas | |
Pinapamahalaan ng | Komisyon sa Wikang Filipino |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-3 | xsb |
Glottolog | tina1248 |
Mga pook sa Pilipinas na sinasalita ang wikang Sambal bilang katutubong wika |
Ang Sambal (Kastila: zambal) ay isang wikang Sambaliko na pangunahing sinasalita sa lalawigan ng Zambales sa Pilipinas. Kasalukuyan itong may 102,867 mananalita.[2]
Mga Uri
[baguhin | baguhin ang wikitext]May tatlong pangunahing uri ang Sambal: Sambal, Bolinao at Botolan. Pangunahing sinasalita ang Sambal sa mga bayang Sambalenyo ng Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, at Iba; matatagpuan din ang ilang mga mananalita sa Quezon, Palawan. Ang Bolinao naman ay ginagamit ng mga mamamayan ng Bolinao at Anda, Pangasinan. Ang Botolan ay pangunahing winiwika sa mga bayang Sambalenyo ng Botolan at Cabangan. Mayroon pang limang uri ang wikang Sambal na ginagamit ng mga Aeta sa iba't-ibang bahagi ng kabundukan ng Zambales.
Tina
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang unang uri ng Sambal ay tinatawag ring Tina, ngunit ang salitang ito ay itinuturing na salitang hindi kanais-nais ng mga Sambalenyong gumagamit ng salitang Sambal. Ang terminong ito ay unang ginamit noong mga panahong 1976 hanggang 1979 ng mga mag-aaral at mananaliksik mula sa Summer Institute of Linguistics (SIL). Ginamit ang Tina upang pangibabawin ang pagkakaiba nito sa wikang Sambal Botolan. Ayon sa mga unang gumamit ng salitang ito, hindi raw kinikilala ng mga Sambal ang terminong Tina. Sa kabila nito, ginamit pa rin nila ang Tina sa paglalathala ng kanilang mga akda. Sa kakulangan ng mga aklat patungkol sa wikang Sambal, at dahil na rin sa paglabas ng mga ito sa internet, ang inilathalang gawain ng mga mananaliksik at mag-aaral ng SIL ang siyang naging pangunahing batayan ng mga sumunod na mga pag-aaral ng wikang Sambal. Ito ang naging dahilan upang kumalat ang paggamit sa terminong Tina. Sa kabila ng lahat, maraming mga Sambal ang hindi tumatanggap nito. Ang pagtataguring Tina sa wikang Sambal o sa mga gumagamit ng wikang Sambal ay itinuturing na pang-aasar o panunukso sa mga mamamayang Sambal.
Mga halimbawang teksto
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ama Namin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sambal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bersyon mula sa Mateo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ama mi a ison ha langit,
sambawon a ngalan mo.
Ma-kit mi na komon a pa-mag-ari mo.
Ma-honol komon a kalabayan mo iti ha lota
a bilang anamaot ison ha langit.
Biyan mo kami komon nin
pa-mangan mi para konan yadtin awlo;
tan patawaron mo kami komon ha kawkasalanan mi
a bilang anamaot ha pa-matawad mi
konlan ampagkasalanan komi.
Tan komon ando mo aboloyan a matokso kami,
nokay masbali ipa-lilih mo kamin kay makagawa doka,
ta ikon moy kaarian, kapangyarian tan karangalan a homin
panganggawan. Amen.[3]
Bersyon mula sa Lucas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ama mi, maipatnag komon a banal mon kapangyarian.
Lomato ana komon a awlon sikay mag-ari.
Biyan mo kamin pa-mangan mi sa inawlo-awlo.
Inga-rowan mo kami sa kawkasalanan mi bilang
pa-nginganga-ro mi konlan nagkasalanan komi
tan ando mo kami aboloyan manabo sa tokso.
Wamoyo.[3]
Botolan (bersyon mula sa Mateo)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tatay nawen ya anti ha katatag-ayan,
Hay ngalan mo ay igalang dayi nin kaganawan.
Andawaten nawen ya tampol kayna dayin mag-arí.
Mangyari dayi ya kalabayan mo bayri ha babon lotá
Bilang ombayro ha katatag-ayan.
Hapa-eg ay biyan mo kayin pamamangan ya
angka-ilanganen nawen.
Patawaren mo kayi ha kawkasalanan
nawen bilang pamatawad nawen ha
nakapagkasalanan konnawen.
Agmo kayi biyan ma-irap ya pagsobok boy
ipakarayó mo kayi koni Satanas.[4]
Pambansang salawikain ng Pilipinas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga sumusunod ay mga salin sa Sambal ng pambansang salawikain ng Pilipinas,[5] sinusundan ng orihinal sa Tagalog.
- Sambal : “Hay kay tanda mamanomtom ha pinang-ibwatan, kay maka-lato sa ampako-taw-an.”
- Sambal (Botolan): “Hay ahe nin nanlek ha pinag-ibatan, ay ahe makarateng ha lalakwen.”
- Tagalog: “Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.”
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga panlabas na lingk
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Balangkas ng balarila ng Sambal Botolan
- Mga halimbawang rekording mula sa GRN Network sa Sambal Tina at sa subvariety na Kandelaryero nito
- Mga halimbawang rekording mula sa GRN Network, sa Sambal Botolan
- Hay Halita nin Diyos Naka-arkibo 2017-03-04 sa Wayback Machine., mga berso ng Bibliya sa Sambal Botolan