Isang Pilipinang mang-aawit si Maureen "Mau" Flores Marcelo (ipinanganak noong Mayo 13, 1980) na nakilala nang nagwagi sa Philippine Idol, na prankisa ng mga seryeng idol ng FremantleMedia at ipinalabas sa Pilipinas sa estasyong pantelebisyon na ABC. Tinagurian siyang "Soul Idol" at ang "black belter" (mambibirit) ng kompetisyon dahil sa kanyang estilong R&B sa pagkanta. Tinawag din siyang "The Diamond Diva" (Ang Diamanteng Babaeng Mang-aawit) matapos ng kanyang pagtanghal ng "Diamonds Are Forever" ni Shirley Bassey noong Linggo ng mga Temang Pampelikula at Pangmusikal na lubusang pinalakpakan ng mga manonood. Naging kilala rin siya sa bansag na Samantha Brown, hango sa apelyido ng kanyang ama. Siya rin ang naging kinatawan ng Pilipinas sa Asian Idol, na ginanap sa kalagitnaan ng Disyembre 2007 sa Lungsod ng Jakarta sa Indonesia. Isang Amerikanong mamamayan mula Puerto Rico ang kanyang ama, na may dugong Aprikano at Kastila habang Pilipina ang kanyang ina. Iniwan sila ng kanyang ama noong apat na buwang gulang pa lang siya, habang namatay ang kanyang ina noong siya ay 14 na taong gulang. Mayroon siyang kapatid sa labas mula sa kanyang ina at tatlo pang kapatid sa labas mula sa kanyang ama. Madalas siya kutsyain at tuksuhin noong bata dahil sa kanyang maitim na balat, dahilan ng kanyang takot na pumasok sa paaralan.
Ang bakunang mRNA ay isang uri ng bakuna na ginagamit ang isang kopya ng isang molekula na tinatawag na messenger RNA (mRNA) upang makagawa ng tugon sa inmune. Nagpapadala ang bakuna ng mga molekula ng antigen-encoding (antihenong nagsasakodigo) na mRNA papunta sa selulang inmune, na gamit ang dinisenyong mRNA bilang isang kopya upang gawin ang banyagang protina na karaniwang nalilikha ng isang mikroorganismo (tulad ng isang bayrus) o sa pamamagitan ng isang selula ng kanser. Pinapasigla ng mga molekulang protina na mga ito ang isang umaangkop na tugon sa inmune na tinuturuan ang katawan na matukoy at wasakin ang katumbas na patoheno/mikroorganismo o mga selula ng kanser. Dinadala ang mRNA sa pamamagitan ng kapwa-pormulasyon ng RNA na isinakapsula sa mga lipidong nanopartikula na prinoprotekta ang mga hibla ng RNA at kanilang absorpsyon patungo sa loob ng mga selula.
May-akda ng larawan: SCNAT (Swiss Academy of Sciences o Swisong Akademya ng mga Agham)
Namatay ang sampung katao at tatlong iba pa ang nasugatan pagkatapos magpapaputok ang isang mamamaril sa Tops Friendly Markets sa Buffalo, New York, Estados Unidos. Kinuha ang mamamaril, na nilarawan ang sarili bilang makaputing supremasya, sa kustodiya.
... na para kay Mao Zedong, "ang mamatay para sa bayan ay mas matimbang kaysa Bundok Tai, ngunit ang magtrabaho para sa mga pasista at mamatay para sa mga mapagsamantala at mapang-api ay higit na magaan kaysa isang balahibo"?
... na ang Foiano della Chiana (nakalarawan) ay nagkaroon ng mga pader na hugis-puso noong 1480 matapos itong mapasailalim sa kapangyarihan ng Florencia?
Kapihan – Puntahan ng pamayanan ng mga patnugot upang talakayin ang mga pangkalahatang paksa o tanong tungkol sa mga alalahanin sa at iba pang aspeto ng Tagalog na Wikipedia.
Napiling Artikulo – Pahinang lapagan para sa mga tinampok na artikulo sa Tagalog na Wikipedia.
Nakasulat ang Wikipedia na ito sa Tagalog, isa sa mga pangunahing wika sa Pilipinas. Mayroon din ibang Wikipedia na nakasulat sa ibang wika na mula sa Pilipinas na nakatala sa sumusunod.