Pumunta sa nilalaman

Pangunahing Linyang Chūō

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Chūō Main Line)
Linyang Chūō
中央本線
Isang seryeng 211-5000 sa Linyang Chūō
Buod
UriPampasahero/Kargo
Rehiyonal na daangbakal
LokasyonTokyo, Prepektura ng Kanagawa, Yamanashi, Nagano, Gifu at Aichi
HanggananTokyo
Nagoya
(Mga) Estasyon112
Operasyon
Binuksan noong1889
(Mga) NagpapatakboJR East, JR Central
Teknikal
Haba ng linya424.6 km (263.8 mi)
Luwang ng daambakal1,067 mm (3 ft 6 in)
Pagkukuryente1,500 V DC Overhead lines
Bilis ng pagpapaandar130 km/h (80 mph)*
Mapa ng ruta

Ang Pangunahing Linya ng Chūō (中央本線, Chūō-honsen), kadalasang tinatawag na Linyang Chūō, ay isa sa mga pangunahing linyang daangbakal sa Japan. Kinokonekta nito ang Tokyo at Nagoya, kahit na ito ang pinakamabagal na daangbakal na may direktang koneksiyon sa dalawang lungosd; ang nasa baybayin na Pangunahing Linya ng Tōkaidō ay mas mabilis kaysa sa linyang ito, at ang Tōkaidō Shinkansen ay ang pinakamabilis na konekta sa dalawang lungsod.

Pinapatakbo ang silangang bahagi, ang Silangang Linya ng Chūō (中央東線, Chūō-tōsen), ng East Japan Railway Company (JR East), samantalang pinamamahalaan naman ang kanlurang bahagi, ang Kanlurang Linya ng Chūō (中央西線, Chūō-saisen), ng Central Japan Railway Company (JR Central). Makikita ang punto ng paghahati sa pagitan ng dalawang kompanya sa Estasyon ng Shiojiri, na kung saan ang mga ekspres na tren mula sa dalawang namamahala ay nagpapatuloy mula sa Linyang Shinonoi papunta sa mga lungsod ng Matsumoto at Nagano. Kumpara sa mga malalaking lugar sa dalawang dulo ng Linyang Chūō, hindi masyadong nagagamit ang kalagitnaang bahagi ng linya; ang koridor ng Shiojiri-Nakatsugawa ay sineserbisyohan lamang ng isang lokal at limitadong ekspres na tren kada oras.[1]

Dumadaan ang Pangunahing Linya ng Chūō sa bulubunduking sentro ng Honshu. Ang pinakamataas na punto (malapit na Estasyon ng Fujimi) ay may taas na 900 metro na mas mataas sa lebel ng dagat at karamihan sa linya ay may gradwasyon lamang na 25 kada milyon (2.5% o 1 sa 40). Sa bahagi ng Silangang Linya ng Chūō, makikita ang itaas na bahagi ng Bulubunduking Akaishi at Kiso kasama na rin ang Bundok Yatsugatake. Katabi lamang ng Kanlurang Linya ng Chūō ang Nakasendō highway (na kilala sa pinatiling bayan ng Tsumago-juku at Magome-juku) at ang Lambak Kiso.

  • Kabuuang ruta (Tokyo - Nagoya kasama na ang mga sangay): 424.6 km
  • Silangang Linya (Tokyo - Shiojiri): 222.1 km
  • Silangang Linya - Sangang linya ng Tatsuno (Okaya - Tatsuno - Shiojiri): 27.7 km
  • Kanlurang Linya (Shiojiri - Nagoya): 174.8 km

Mga estasyon at serbisiyo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Itinatala ng bahaging ito ang lahat ng mga estasyon sa Pangunahing Linya ng Chūō at pangkalahatang ipinapaliwanag ang mga rehiyonal na serbisiyo sa linya. Karagdagan, mayroong mga serbisiyo ng limitadong ekspres na kumokonekta sa mga pangunahing lungsod sa linya. Ito ay ang Azusa, Super Azusa, Kaiji, Hamakaiji, Narita Express at Shinano. Para sa mas masusing detalye ng mga limitadong ekspres, maaaring makita ito sa mga respektibong pahina.

Tokyo - Mitaka

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Poste ng 0 kilometro sa Estasyon ng Tokyo

Gradong nakahiwalay ang bahagi ng Tokyo at Mitaka, na walang tawiran. Sa pagitan ng Ochanomizu at Mitaka, mayroong apat na trakto ang Pangunahing Linya ng Chūō; ang dalawa ay para sa lokal na trakto (緩行線, kankō-sen) na may plataporma bawat estasyon; ang dalawang iba pa ay para sa mabilisang trakto (快速線, kaisoku-sen) na kung saan ang ilang estasyon ay walang plataporma sa ganitong uri ng serbisiyo. Ginagamit ang lokal na trakto ng mga lokal na tren ng pangunahing linya (pinapatakbo lamang sa umaga at kalagitnaan ng gabi) at ng mga tren ng Linyang Chūō-Sōbu, samantalang ginagamit naman ng mga mabilis na serbisiyo at tren para sa limitadong ekspres ang mga mabilisang trakto. Mahalagang daang-panglunsod ang bahagi ng Tokyo-Mitaka.

Kolektibong tinatawag na Linyang Chūō (Mabilisan) ang mga serbisiyong pangkomyuter sa mabilisang trakto kung ihahambing sa Linyang Chūō (Lokal) (中央線各停, Chūō-sen-kakutei) o ang Linyang Chūō-Sōbu sa mga lokal na trakto. Ang una ay kadalasang tinatawag na Linyang Chūō at ang sumunod ay ang Linyang Sōbu. Magkaibang pangkat ng mga tren ang ginagamit para sa dalawang pangkat ng serbisiyo. Ang una ay gumagamit ng bagon na may sinturong may kulay kahel samantalang ang pangalawa ay gumagamit ng mga bagon na may kulay dilaw na sinturon. Tuwing madaling araw at kalagitnaan ng gabi, ginagamit na ang bagon na may kahel na sinturon para sa mga lokal na serbisiyo.

Ang bahaging ito ay makikita sa Tokyo.

Palatandaan

  • Lokal na tren:
    • S: Lokal na tren ng Linyang Chūō-Sōbu
    • L: Gumaganang lokal na tren mula/papuntang Tokyo tuwing madaling araw at kalagitnaan ng gamit gamit ang mabilis na bagon ng tren
    • T: Mga lokal na tren na dumadaan sa Linyang Tōzai
  • Mabilisang tren (Linyang Chūō (Mabilisan)):
    • R: Mabilisan (快速, Kaisoku)
    • C: Mabilisang pangkomyuter (通勤快速, Tsūkin Kaisoku)
    • S: Dumadaan ang Espesyal na Mabilisan ng Chūō (中央特快, Chūō Tokkai) / Espesyal na Mabilisang Ōme (青梅特快, Ōme Tokkai) sa Linyang Ōme
    • T: Espesyal na Mabilisang Pangkomyuter (通勤特快, Tsūkin Tokkai)
  • Dumadaan lamang ang mga tren sa estasyong may pahabang guhit.
Estasyon Layo
(km)
Hinto
(tignan ang palatandaan)
Paglipat Lokasyon
Lokal Mabilisan
S L T R C S T
Tokyo 0.0 L R C S T Chiyoda
Kanda 1.3 L R C S T
Ochanomizu 2.6 S L R C S T
Suidōbashi 3.4 S L | | | | Linyang Mita ng Toei
Iidabashi 3.4 S L T1 | | | |
Ichigaya 5.8 S L | | | |
Yotsuya 6.6 S L R C S T
  • Linyang Marunouchi ng Tokyo Metro
  • Linyang Namboku ng Tokyo Metro
Shinanomachi 7.9 S L | | | |   Shinjuku
Sendagaya 8.6 S L | | | | Linyang Ōedo ng Toei (at Kokuritsu-Kyōgijō) Shibuya
Yoyogi 9.6 S L | | | |
  • Linyang Yamanote
  • Linyang Ōedo ng Toei
Shinjuku 10.3 S L R C S T Shinjuku
Ōkubo 11.7 S L | | | |  
Higashi-Nakano 12.8 S L | | | | Linyang Oedo ng Toei Nakano
Nakano 14.7 S L T R C S2 | Linyang Tozai ng Tokyo Metro Tozai (daang serbisyo)
Kōenji 16.1 S L T R3 | | |   Suginami
Asagaya 17.3 S L T R3 | | |  
Ogikubo 18.7 S L T R C | | Linyang Marunouchi ng Tokyo Metro
Nishi-Ogikubo 20.6 S L T R3 | | |  
Kichijōji 22.5 S L T R C | | Linyang Inokashira ng Keio Musashino
Mitaka 24.1 S L T R C S |   Mitaka
Talababa:
1: Ang mga dumadaang tren ng Linyang Tōzai ay humihinto sa bahagi ng Linyang Tōzai (Tokyo Metro) ng Estasyon ng Iidabashi. Dumadaan sila sa Linyang Tōzai kaysa sa Linyang Chūō silangan ng Nakano.
2: Hindi humihinto sa Nakano ang mga tren na nasa Espesyal na Mabilisang serbisiyo mula sa Shinjuku.
3: Dumadaan lamang sa mga estasyong ito ang mabilisang tren kapag sabado o linggo.

Mitaka - Takao

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagtatapos ang apatang trakto sa Mitaka. Sinisimulan na ang kunstruksiyon sa pagitan ng Mitaka at Tachikawa para itaas ang mga trakto at tanggalin ang mga tawirang lebel; marami sa bahaging ito ang mga tawirang lebel na nagsasanhi ng pagkahinto ng serbisiyo tuwing darami na ang tao. May mga planong lumabas na magdagdag pa ng dalawang trakto hanggang sa Tachikawa, subalit ay hindi ito kasama sa pagtataas ng mga trakto, na natapos sa pagitan ng 2008-2011, at may kabilang na pagbabago noong 2012.[2]

Makikita lahat ng bahaging ito sa Tokyo. Para sa palatandaan ng mga uri ng tren, tignan ang sinundang bahagi.

Estasyon Layo
(km)
Hinto Paglipat Lokasyon
Lokal Mabilisan
S L R C S T
Mitaka 24.1 S L R C S |   Mitaka
Musashi-Sakai 25.7 S L R | | | Linyang Tamagawa ng Seibu Musashino
Higashi-Koganei 27.4 S L R | | |   Koganei
Musashi-Koganei 29.1 S L R | | |  
Kokubunji 31.4 S L R C S T Kokubunji
Nishi-Kokubunji 32.8 S L R | | | Linyang Musashino
Kunitachi 34.5 S L R | | |   Kunitachi
Tachikawa 37.5 S L R C S T Tachikawa
Hino 40.8   L R C S |   Hino
Toyoda 43.1   L R C S |  
Hachiōji 47.4   L R C S T Hachiōji
Nishi-Hachiōji 49.8   L R C S |  
Takao 53.1   L R C S T Linyang Takao ng Keiō

Takao - Shiojiri

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Karamihan sa mga tren na may mabilis na serbisiyo mula sa Tokyo ay humahanggan na lamang sa Takao na kung saan lumalabas ang linya sa malaking urban na lugar ng Tokyo. Dumadaan pa rin sa pagitan ng bahaging Takao at Ōtsuki ang ilang treng pangkomyuter at ilang malalayong lokal na tren at tren para sa limitadong ekspres. Tumitigil ang limitadong ekspres na Kaiji sa Kōfu, ang kabisera ng Prepektura ng Yamanashi, samantalang ang Azusa at Super Azusa ay nagpapatuloy hanggang Shiojiri at Matsumoto kapag dumaan ng Linyang Shinonoi.

Estasyon Layo Paglipat Lokasyon
Takao 53.1   Hachiōji Tokyo
Sagamiko 62.6   Sagamihara Kanagawa
Fujino 66.3  
Uenohara 69.8   Uenohara Yamanashi
Shiotsu 74.0  
Yanagawa 77.6   Ōtsuki
Torisawa 81.2  
Saruhashi 85.3  
Ōtsuki 87.8 Linyang Fujikyuko
Hatsukari 93.9  
Sasago 100.4  
Kai-Yamato 106.5   Kōshū
Katsunuma-budōkyō 112.5  
Enzan 116.9  
Higashi-Yamanashi 120.1   Yamanashi
Yamanashishi 122.2  
Kasugaichō 125.0   Fuefuku
Isawa-onsen 127.8  
Sakaori 131.2   Kōfu
Kōfu 134.1 Linyang Minobu
Ryūō 138.6   Kai
Shiozaki 142.7  
Nirasaki 147.0   Nirasaki
Shimpu 151.2  
Anayama 154.7  
Hinoharu 160.1   Hokuto
Nagasaka 166.3  
Kobuchizawa 173.7 Linyang Koumi
Shinano-Sakai 178.2   Fujimi Nagano
Fujimi 182.9  
Suzurannosato 186.1  
Aoyagi 188.0   Chino
Chino 195.2  
Fumonji Junction (198.9)   Suwa
Kami-Suwa 201.9  
Shimo-Suwa 206.3   Shimosuwa
Okaya 210.4 Linyang Chūō (Para sa Tatsuno) Okaya
Midoriko 218.2   Shiojiri
Shiojiri 222.1

Okaya – Shiojiri

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isang lumang ruta ng Pangunahing Linya ng Chūō ang sangay ng Okaya-Shiojiri. Dinadala nito ang maliit na numero ng mga shuttle trains at mga tren mula/papuntang Linyang Iida, na kung saan ay sumasanga sa Tatsuno.

Estasyon Layo Paglipat Lokasyon
Okaya 210.4 Linyang Chūō (para sa Kami-Suwa, Midoriko) Okaya Nagano
Kawagishi 213.9  
Tatsuno 219.9 Linyang Iida Tatsuno
Shinano-Kawashima 224.2  
Ono 228.2  
Shiojiri 238.1
  • Chūō line (for Midoriko)
  • Linyang Shinonoi
  • Linyang Chūō (para sa Kiso-Fukushima)
Shiojiri

Bago magbukas ang bagong ruta sa pagitan ng Okaya at Shiojiri, mayroong isang junction (Higashi-Shiojiri Junction (東塩尻信号場)) sa pagitan ng Estasyon ng Ono at Shiojiri. Mayroon itong pabaligtad na plano. Sinarado ang estasyong pang-signal noong 12 Oktubre 1983.

Shiojiri - Nakatsugawa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Shiojiri ay nagsisilbing puntong hati sa pagitan ng Silangang Linya at Kanlurang Linya; walang tren ang tumutuloy mula sa isang linya papunta sa isang linya. Ang limitadong ekspres na Shinano ay ang pangunahing serbisiyo para sa rural na bahagi ng Shiojiri-Nakatsugawa.[3]

Estasyon Layo Paglipat Lokasyon
Shiojiri 222.1 (tignan sa itaas) Shiojiri Nagano
Seba 226.3  
Hideshio 231.0  
Niekawa 236.2  
Kiso-Hirasawa 241.4  
Narai 243.2  
Yabuhara 249.8   Kiso (baryo)
Miyanokoshi 255.5   Kiso (bayan)
Harano 258.3  
Kiso-Fukushima 263.8  
Agematsu 271.1   Agematsu
Kuramoto 277.7  
Suhara 282.5   Ōkuwa
Ōkuwa 285.8  
Nojiri 288.8  
Jūnikane 292.5   Nagiso
Nagiso 298.0  
Tadachi 304.3  
Sakashita 307.1   Nakatsugawa Gifu
Ochiaigawa 313.2  
Nakatsugawa 317.0 Linyang Chūō (para sa Tajimi, Nagoya)

Nakatsugawa - Nagoya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dumadaan ang mga lokal at tren na may mabilis na serbisiyo sa linya mula sa Nakatsugawa hanggang Nagoya. Dinadala ng bahaging ito ang trapik ng urban para sa Malakihang Lugar ng Nagoya.

Palatandaan:

  • R: Mabilisan
  • CL: Central Liner
  • HL: Home Liner (Ilan lamang sa mga treng Home Liner ang humihinto sa estasyong may markang "asterisk".)
Estasyon Layo
(km)
Hinto Paglipat Lokasyon
Nakatsugawa 317.0 R CL HL   Nakatsugawa Gifu
Mino-Sakamoto 323.4 R CL |  
Ena 328.6 R CL HL Linyang Akechi ng Akechi Railroad Ena
Takenami 334.0 R CL |  
Kamado 339.4 R CL |   Mizunami
Mizunami 346.8 R CL HL  
Tokishi 353.7 R CL HL   Toki
Tajimi 360.7 R CL HL Taita Line Tajimi
Kokokei 365.3 | | |  
Jōkōji 368.8 | | |   Kasugai Aichi
Kōzōji 372.9 R CL HL* Linyang Aichi Loop
Jinryō 376.1 | | |  
Kasugai 378.8 R | |  
Kachigawa 381.9 R | | Linyang Jōhoku ng Tōkai Transport Service
Shin-Moriyama 384.6 | | |   Nagoya
Ōzone 387.1 R | HL*
Chikusa 389.8 R CL HL Linyang Higashiyama
Tsurumai 391.3 R | HL* Linyang Tsurumai
Kanayama 393.6 R CL HL
Sannō Junction 395.1   Sangang Nagoyaminato ng JR Freight
Nagoya 396.9 R CL HL

Mga signal at junction

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Fumonji Junction
  • Ang Fumonji Junction (普門寺信号場, Fumonji Shingōjō) ay isang junction sa pagitan ng Estasyon ng Chino at Kami-Suwa sa Suwa, Nagano. Unang ginamit ito noong 2 Setyembre 1970.
  • Ang Sannō Junction (山王信号場, Sannō Shingōjō) ay isang junction na naglilipat ng trapik pangbagahe mula sa Pangunahing Linya ng Chūō sa Sangang pangbagae ng Linyang Tōkaidō sa pagitan ng Estasyon ng Kanayama at Nagoya sa Nagoya. Unang ginamit ito noong 10 Oktubre 1962.

Mga ginagamit na tren

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Silangang Linya ng Chūō (JR East)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Seryeng 211
Seryeng 211-5000

Sinimulang gamitin ang mga treng may seryeng E233 sa komyuter na serbisyo sa Tokyo noong 26 Disyembre 2006. Ang mga treng ito ay nagmula sa pinaunlad na seryeng E231 na ginamit sa ibang linyang pangkomyuter sa lugar ng Tokyo, at pinalitan ang nalulumang seryeng 201 na ginamit simula pa noong 1981.

Mula 2016, nakatakdang gamitin ang mga seryeng E353 EMU sa serbisiyo ng limitadong ekspres na Azusa at Super Azusa, samantalang papalitan naman ang mga treng may seryeng E351 at E257.[4]

Kanlurang Linya ng Chūō (JR Central)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Isang Seryeng 383 sa serbisiyong Shinano

Kargamento ng Tren

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang JR Freight Class EH200 sa Linyang Chūō
  1. Ishino, Tetsu, pat. (1998). 停車場変遷大辞典 国鉄・JR編. Bol. I. Japan: JTB. pp. 93–94. ISBN 4-533-02980-9. {{cite book}}: Unknown parameter |trans_title= ignored (|trans-title= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. http://www.jreast.co.jp/e/press/20070702/
  3. Railway Journal. Railway Journa, Inc. 21 (12): 22. 1987-10. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong); Missing or empty |title= (tulong); Text "和書" ignored (tulong)
  4. JR東日本 富士山観光見込み、中央線特急に新型車両. Sponichi Annex (sa wikang Hapones). Japan: Sports Nippon Newspapers. 16 September 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Septiyembre 2013. Nakuha noong 16 September 2013. {{cite web}}: Check date values in: |archivedate= (tulong); Unknown parameter |trans_title= ignored (|trans-title= suggested) (tulong) Naka-arkibo 18 September 2013[Date mismatch] sa Wayback Machine.

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]