Pumunta sa nilalaman

Hernando Ocampo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Hernando R. Ocampo)
Hernando Ocampo
Kapanganakan28 Abril 1911
  • (Maynila, Kalakhang Maynila, Pilipinas)
Kamatayan28 Disyembre 1978
MamamayanPilipinas[1]
Trabahopintor, visual artist[2]

Si Hernando R. Ocampo (28 Abril 1911 – 28 Disyembre 1978) ay isang Pilipinong manunulat at pintor na nagawaran ng karangalan bilang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas.

Si Ocampo ay ipinanganak sa Santa Cruz, Maynila noong 1911. Pagkatapos ng haiskul ay nahilig na si Hernando sa pagpipinta at pagsusulat kaya hindi na niya naipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa unibersidad. Nauunawaan niya ang mga suliranin ng karaniwang tao. Ayon kay Teodoro Agoncillo: "Si Hernando ay nabibilang sa maliliit na pulutong ng mga manunulat sa Pilipinas na naniniwalang nasa buhay at nag-uugat sa buhay ang sining." Ang kanyang kuwentong Bakya na nasulat noong 1938 ay nagtataglay ng kakaibang pamamaraan ng pagsulat na naaayon sa mga pamamaraan ng masining na pagsulatat ang paksa ay nananatiling sariwa sapagkat nag-uugat sa katotohanan. Kasama ang kuwentong Bakya sa aklat na tinipon ni Teodoro Agoncillo at pinamagatang Ang Maikling Kuwentong Tagalog: 1886-1948.


TalambuhaySiningPilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Sining at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  1. http://www.sports-reference.com/olympics/athletes/oc/hernando-ocampo-1.html; hinango: 30 Enero 2016.
  2. https://ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/culture-profile/national-artists-of-the-philippines/hernando-r-ocampo/; hinango: 22 Mayo 2020.