Wikang Ibanag
Ibanag | |
---|---|
Ybanag, Ibanak | |
Katutubo sa | Pilipinas |
Rehiyon | Hilagang Luzon |
Pangkat-etniko | Ibanag |
Mga natibong tagapagsalita | 400,000 (2010)[1] |
Austronesyo
| |
Opisyal na katayuan | |
Wikang pang-rehiyon sa Pilipinas | |
Pinapamahalaan ng | Komisyon sa Wikang Filipino |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-3 | ibg |
Glottolog | iban1267 |
Linguasphere | 31-CCB-a |
Mga lugar kung saan sinasalita ang Ibanag ayon sa Ethnologue | |
Ang wikang Ibanag (tinatawag din bilang Ybanag o Ibanak) ay isang wikang Austronesyo na sinasalita ng hanggang 500,000 tagapagsalita, pinakapartikular ang mga Ibanag, sa Pilipinas, sa hilagang silangang mga lalawigan ng Isabela at Cagayan, lalo na sa Tuguegarao, Solana, Abulug, Cabagan, at Ilagan at kasama ang mga mandarayuhan sa ibayong-dagat sa mga bansang matatagpuan sa Gitnang Silangan, Reyno Unido, at Estados Unidos. Karamihan sa nagsasalita ng Ibanag ay nakakapagsalita din ng Ilokano, ang lingguwa prangka ng hilagang Luzon. Nagmula ang pangalang Ibanag mula sa unlaping I na nangangahulugang 'tao ng', at bannag, na nangangahulugang 'ilog'. Malapit ito sa mga wikang Gaddang, Itawis, Agta, Atta, Yogad, Isneg, at Malaweg.
Klasipikasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tulad ng ibang mas kilalang mga wika sa Pilipinas tulad ng Sebuwano at Tagalog, bahagi ang Ibanag sa pamilya ng mga wikang Austronesyo. Sa kabilang banda, kasali ito sa subgrupong mga wikang Hilagang Pilipinas kung saan kaugnay nito ang mas malaking wikang Ilokano at wikang Pangasinan na bahagi din ng subgrupo.
Distribusyon at mga diyalekto
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sinsalita ang Ibanag sa iba't ibang lugar sa Hilagang-silangang Rehiyon ng Pilipinas (partikular sa loob ng Isabela at Cagayan), at dahil dito. may maliit na pagkakaiba sa paraan na pagsasalita nito sa mga lugar na ito. Kilala ang Ibanag sa Tuguegarao bilang ang diyalektong pamantayan, at ang ibang katutubong Ibanag ay kadalasang natutukoy ang tagapagsalita kung mula sa lungsod ng Tuguegarao sa baryasyon ng kanilang pagbigkas at punto.
Sa Tuguegarao, bago dumating ang mga Kastila, Irraya (ang halos nalipol na diyalektong Gaddang) ang wika. Ipinakilala ng mga Kastila ang Ibanag sa lungsod mula sa Lal-lo (dating lungsod ng Nueva Segovia) at ginawa ang wika bilang lingguwa prangka ng hilagang-silangang Pilipinas, subalit sa introduksyon ng mga naninirahang Ilokano, naging Ilokano ang bagong lingguwa prangka simula noong huling bahagi ng ika-20 dantaon.[2][3]
Matigas ang punto ng mga tagapagsalita sa Cauayan at Ilagan sa Isabela taliwas sa mas tunog Kastila ng Ibanag sa Tuguegarao. Halimbawa, ang mga bayan sa hilagang Cagayan, na kinabibilangan ng Abulug, Aparri, Camalaniugan, Pamplona at Lal-lo, ay nakaugalian na palitan ang kanilang mga p ng mga f.[4] Gayon din, may ilang salitang Ibanag ang naiiba mula sa ibang lugar taliwas sa Ibanag ng Tuguegarao at Isabela. Ang mga diyalekto ay ang Tumog Ibanag at Hilagang Ibanag.[5]
Halimbawa:
- mapatu – mafatu ('mainit')
- paggipayan – faggifayan ('patungan')
- dupo – dufo ('saging')
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "2010 Census of Population and Housing, Report No. 2A - Demographic and Housing Characteristics (Non-Sample Variables)" (PDF) (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-05-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Keesing, Felix Maxwell (1962). The Ethnohistory of Northern Luzon (sa wikang Ingles). Stanford: Stanford University Press.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Salgado, Pedro V. (2002). Cagayan valley and eastern Cordillera, 1581-1898 (sa wikang Ingles). Bol. 1. Lungsod Quezon: Rex Commercial.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Da Ayong Anni Dagga. https://archive.org/stream/rosettaproject_ibg_vertxt-1/rosettaproject_ibg_vertxt-1_djvu.txt (sa Ingles)
- ↑ "Ethnologue".(kailangan ang suskripsyon) (sa Ingles)