Pumunta sa nilalaman

Marikina

Mga koordinado: 14°39′N 121°06′E / 14.65°N 121.1°E / 14.65; 121.1
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Marikina City)
Marikina

ᜋᜇ̵̊ᜃ̊ᜈ

Lungsod ng Marikina
Tanawin ng Lungsod ng Marikina.
Tanawin ng Lungsod ng Marikina.
Opisyal na sagisag ng Marikina
Sagisag
Map
Marikina is located in Pilipinas
Marikina
Marikina
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 14°39′N 121°06′E / 14.65°N 121.1°E / 14.65; 121.1
Bansa Pilipinas
RehiyonPambansang Punong Rehiyon (NCR)
Distrito— 1380700000
Mga barangay16 (alamin)
Pagkatatag16 Abril 1630
Ganap na LungsodDisyembre 8, 1996
Pamahalaan
 • Punong LungsodMarcelino R. Teodoro
 • Pangalawang Punong LungsodMarion S. Andres
 • Kinatawan
 • Manghalalal260,749 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan21.52 km2 (8.31 milya kuwadrado)
Taas
14.7 m (48.2 tal)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan456,059
 • Kapal21,000/km2 (55,000/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
104,415
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng lungsod
 • Antas ng kahirapan1.60% (2021)[2]
 • Kita₱2,939,529,632.00 (2020)
 • Aset₱10,112,629,306.00 (2020)
 • Pananagutan₱4,464,448,843.00 (2020)
 • Paggasta₱2,855,926,110.00 (2020)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigong Pangsulat
1800–1811, 1820
PSGC
1380700000
Kodigong pantawag02
Uri ng klimaTropikal na monsoon na klima
Mga wikawikang Filipino
Websaytmarikina.gov.ph
Ilog Marikina

Ang Lungsod ng Marikina (Ingles: City of Marikina o mas pinaikli bilang Marikina), kilala bilang Sentro o Kabisera ng Sapatos sa Pilipinas, ay isang lungsod at bayan na bumubuo sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Dati itong punong lalawigan ng Maynila noong ipinahayag ang Kalayaan ng Pilipinas. Matatagpuan ito sa pulo ng Luzon, sa silangang hangganan ng Kalakhang Maynila, napapaligaran ang Marikina ng Lungsod Quezon sa kanluran, Lungsod ng Pasig at Cainta, Rizal sa timog, Lungsod ng Antipolo sa silangan, ang kabisera ng lalawigan ng Rizal, at San Mateo sa hilaga na nasa Rizal din. Tinatayang 21 kilometro ang layo nito mula sa Lungsod ng Maynila.

Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 456,059 sa may 104,415 na kabahayan.

Ang Lungsod ng Marikina ay isa sa bumubuo sa Kalakhang Maynila, ang Pambansang Punong Rehiyon sa Pilipinas, at nabibilang ito sa Silangang Distrito ng Kalakhang Maynila. Bahagi rin ito ng Metro Luzon Urban Beltway (Daanang-sinturon ng Mala-lungsod na Kalakhang Luzon). Ang Kalakhang Luzon naman ay binubuo ng Gitnang Luzon, Timog Katagalugan o Calabarzon at ang Kalakhang Maynila. Ang Kalakhang Luzon ay isa sa apat na Malalaking Rehiyon sa Pilipinas.

Tinanyagan ang Marikina bilang "Shoe Capital of the Philippines" o "Pambasang Kapital ng Sapatos ng Pilipinas", dahil sa kanyang sikat na industriya ng sapatos. Ang pinakamalaking pares ng sapatos na ginawa ng mga natatanging sapatero ng lungsod ay naitala sa Guinness Book of Records at makikita sa Riverbanks Mall ng naturang lungsod. Ang Museo ng Sapatos ay kilala din bilang tahanan ng tanyag na sapatos ng dating Unang Ginang Imelda Marcos.

Dumadaloy ang Ilog Marikina, isang sanga ng Ilog Pasig sa gitna ng lungsod. Sa katunayan, sinasakop ng lungsod ang bahagi ng Lambak ng Marikina at binabaha minsan kapag may mga bagyo (tulad ng nangyari noong Bagyong Ondoy).

Bahagi ng Lambak ng Marikina ang Lungsod ng Marikina. May 16 barangay ang Marikina.

  • Barangka
  • Calumpang
  • Concepcion Uno
  • Concepcion Dos
  • Fortune
  • Industrial Valley
  • Jesus De La Peña
  • Malanday
  • Marikina Heights
  • Nangka
  • Parang
  • San Roque
  • Santa Elena (Pob.)
  • Santo Niño
  • Tañong
  • Tumana
Marikina Riverbanks Center sa gabi

Mga kapatid na lungsod

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May mga kapatid (o kakambal) na lungsod at kasunduang pagkakaibigan ang Marikina kasama ang mga banyaga at lokal na lungsod.

Wikinews
Wikinews
May kaugnay na balita ang Wikinews tungkol sa artikulong ito:
Pandaigdig
Lokal
Senso ng populasyon ng
Marikina
TaonPop.±% p.a.
1903 8,187—    
1918 9,542+1.03%
1939 15,166+2.23%
1948 23,353+4.91%
1960 40,455+4.68%
1970 113,400+10.84%
1975 168,453+8.26%
1980 211,613+4.67%
1990 310,227+3.90%
1995 357,231+2.68%
2000 391,170+1.96%
2007 424,610+1.14%
2010 424,150−0.04%
2015 450,741+1.16%
2020 456,059+0.23%
Sanggunian: PSA[8][9][10][11]


Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Province:". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Municipal Cooperation, 1967-present" (PDF). Brampton, Canada: Economic Development Office, Brampton City. Abril 2014. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 15 Pebrero 2015. Nakuha noong 15 Pebrero 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "SUMMARY OF FOREIGN TRAVEL AUTHORITY ISSUED TO LOCAL OFFICIALS AND EMPLOYEES" (PDF). dilg.gov.ph. Nobyembre 2011. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 20 Pebrero 2015. Nakuha noong 1 Pebrero 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Alaminos donates goods in Marikina". Balita. Setyembre 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-02-19. Nakuha noong 20 Pebrero 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Bacolod send aid to Marikina". SunStar. Agosto 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Pebrero 2015. Nakuha noong 20 Pebrero 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Iloilo sends aid to Marikina, Quezon City". Balita. Oktubre 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-02-19. Nakuha noong 20 Pebrero 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Census of Population (2015). "National Capital Region (NCR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Census of Population and Housing (2010). "National Capital Region (NCR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Censuses of Population (1903–2007). "National Capital Region (NCR)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  11. "Province of". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]