Pumunta sa nilalaman

Miss Earth 2002

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Miss Earth 2002
Petsa20 Oktubre 2002
Presenters
Entertainment
PinagdausanFolk Arts Theater, Pasay, Kalakhang Maynila
Lumahok53
Placements10
Bagong sali
  • Albanya
  • Alemanya
  • Barbados
  • Belhika
  • Bosnya at Hersegobina
  • Ehipto
  • Gana
  • Gran Britanya
  • Gresya
  • Honduras
  • Kosobo
  • Mehiko
  • Nepal
  • Niherya
  • Noruwega
  • Paragway
  • Polonya
  • Republikang Tseko
  • Suwisa
  • Timog Korea
  • Tsile
  • Tsina
  • Uganda
  • Yugoslavia
Hindi sumali
  • Bagong Silandiya
  • Brasil
  • Italya
  • Kasakistan
  • Kroasya
  • Letonya
  • Olanda
  • Taywan
  • Timog Aprika
  • Turkiya
  • Zanzibar
NanaloDžejla Glavović
Bosnia at Herzegovina Bosnya at Hersegobina (napatalsik)
Winfred Omwakwe
 Kenya (humalili)
CongenialityCharlene Gaiviso
Gibraltar Hibraltar
Pinakamahusay na Pambansang KasuotanJin-ah Lee
 Timog Korea
PhotogenicApril Ross Perez
 Pilipinas
← 2001
2003 →

Ang Miss Earth 2002 ay ang ikalawang edisyon ng Miss Earth pageant, na ginanap sa Folk Arts Theater sa Pasay, Kalakhang Maynila, Pilipinas noong 20 Oktubre 2002.[1][2][3]

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Catharina Svensson ng Dinamarka si Džejla Glavović ng Bosnya at Hersegobina bilang Miss Earth 2002. Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Bosnya at Hersegobina sa Miss Earth. Kinoronahan si Winfred Omwakwe ng Kenya bilang Miss Air, si Slađana Božović ng Yugoslavia bilang Miss Water, at si Patricia Drossou ng Gresya bilang Miss Fire.[4] Matapos makoronahan bilang Miss Earth si Glavović, biglang umalis ang karamihan sa mga kandidata bilang protesta laban sa koronasyon ni Glavović. Ayon sa ibang mga kandidata, hindi raw maganda ang pakikitungo ni Glavović sa kanila.[5]

Noong 28 Mayo 2003, opisyal na pinatalsik si Glavović bilang Miss Earth 2002 matapos nitong mabigong sundin ang mga nakatakda sa kanyang kontrata sa Miss Earth Foundation,[6] at siya ay pinalitan ni Miss Air Winfred Omwakwe ng Kenya bilang Miss Earth.[7][8] Humalili sina Božović at Drossou bilang Miss Air at Miss Water ayon sa pagkakasunod, at ang humalili sa titulong Miss Fire ay si Elina Hurve ng Pinlandiya.

Mga kandidata mula sa limampu't-tatlong na mga bansa at teritoryo ang kumalahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Marc Nelson ang kompetisyon, samantalang Bianca Araneta at Pia Guanio ang nagsilbing mga backstage correspondent. Nagtanghal sina Francis Magalona, RJ Rosales, at ang grupong The Hunks sa edisyong ito.

Folk Arts Theater , ang lokasyon ng Miss Earth 2002

Lokasyon at petsa ng kompetisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Mayo 2002, inanunsyo ng pangulo ng Carousel Productions na si Ramon Monzon at executive vice president nito na si Lorraine Schuck na magaganap ang ikalawang edisyon ng Miss Earth sa Folk Arts Theater sa Pasay, Kalakhang Maynila, Pilipinas sa 20 Oktubre 2002.[3] Ito ang ikalawang beses na naganap ang kompetisyon sa Pilipinas.[3] Isinahimpapawid ng ABS-CBN sa unang pagkakataon ang parehong Miss Philippines, at Miss Earth, imbis na isahimpapawid sa RPN 9.[9]

Naganap ang National Costume competition sa Casino Filipino sa Tagaytay, Rizal noong 7 Oktubre 2002.[10]

Pagpili ng mga kalahok

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga kalahok mula sa limampu't-tatlong bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon.

Mga unang sali, pagbalik, at mga pag-urong

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Unang sumali sa edisyong ito ang mga bansang Albanya, Alemanya, Barbados, Belhika, Bosnya at Hersegobina, Ehipto, Gana, Gran Britanya, Gresya, Honduras, Kosobo, Mehiko, Nepal, Niherya, Noruwega, Paragway, Polonya, Republikang Tseko, Suwisa, Timog Korea, Tsile, Tsina, Uganda, at Yugoslavia.

Hindi sumali ang mga bansang Bagong Silandiya, Brasil, Italya, Kasakistan, Kroasya, Letonya, Olanda, Taywan, Timog Aprika, Turkiya, at Zanzibar sa edisyong ito matapos na mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.

Bagama't nasa Pilipinas na, hindi nagpatuloy sa kompetisyon sina Jurraney Toppenberg ng Aruba at Ivana Mucić ng Kroasya dahil sa mga personal na dahilan. Hindi rin nagpatuloy sa kompetisyon si Adriana Luci de Souza Reis ng Brasil dahil sa impeksyon sa bato.

Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss Earth 2002 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagkakalagay Kandidata
Miss Earth 2002
Miss Air
  • Kenya KenyaWinfred Omwakwe (pumalit)
Miss Water
  • Serbiya at Montenegro Yugoslavia – Slađana Božović (naging Miss Air)
Miss Fire
  • Greece Gresya – Patricia Drossou (naging Miss Water)
Top 10
Nagwagi
Miss Air
Miss Water
Miss Fire
Top 10

Mga iskor sa kompetisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bansa/Teritoryo Interbyu Swimsuit Evening Gown Katampatan
Bosnia at Herzegovina Bosnya at Hersegobina 91.90 (4) 93.70 (1) 94.10 (1) 93.23 (1)
Kenya Kenya 94.60 (1) 87.90 (8) 90.70 (4) 91.07 (3)
Serbiya at Montenegro Yugoslavia 92.80 (3) 91.80 (2) 89.40 (8) 91.33 (2)
Greece Gresya 93.70 (2) 89.50 (5) 90.00 (7) 91.07 (3)
Colombia Kolombya 90.00 (5) 89.80 (4) 90.70 (4) 90.17 (5)
Peru Peru 87.80 (7) 89.00 (6) 90.80 (3) 89.20 (6)
Finland Pinlandiya 83.90 (10) 91.40 (3) 90.40 (6) 88.57 (7)
Pilipinas Pilipinas 85.40 (8) 88.40 (7) 91.50 (2) 88.43 (8)
Espanya Espanya 88.60 (6) 86.30 (9) 86.40 (10) 87.10 (9)
Chile Tsile 84.20 (9) 86.20 (10) 86.70 (9) 85.70 (10)

Mga espesyal na parangal

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Parangal Kandidata
Miss Photogenic
Miss Friendship
Miss Talent
Best in Evening Gown
  • Peru Peru – Claudia Ortiz de Zevallos
Best in Swimsuit
Miss Close-up Confident Killer Smile
Miss Sunsilk
Miss Avon Color
  • Chile Tsile – Nazhla Sofía Abad
Miss Pond's
Miss Creamsilk

Best National Costume

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagkakalagay Kandidata
Nagwagi
1st runner-up
2nd runner-up
3rd runner-up

Pormat ng kompetisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sampung mga semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng mga pre-pageant event at closed-door interview. Lumahok sa casual interview, swimsuit competition at evening gown competition ang sampung mga semi-finalist, at kalaunan ay napili ang apat na pinalista na lumahok sa final question.

Komite sa pagpili

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Dr. Conrado T. Banzon – Direktor ng Banco Filipino
  • Malu C. Dy Buncio – General manager ng Avon Cosmetics
  • Wilma Doesnt – Pilipinang modelo at aktres
  • Marides Fernando – Alkalde ng Marikina
  • Kemal Tursan Gurieli – Prinsipe ng Heorhiya
  • Michael Herrmann – General manager ng Hotel Intercontinental Manila
  • Marcel Kerkmeester – Marketing director ng Home Care Products, Unilever Philippines
  • Sen. Loren Legarda – Senador ng Pilipinas
  • Gov. Joel Reyes – Gobernador ng Palawan
  • Charo Santos-ConcioExecutive vice-president ng ABS-CBN

Mga kandidata

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Limampu't-tatlong kandidata ang lumahok para sa titulo.

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
Albanya Albanya Anjeza Maja[11] 18 Tirana
Alemanya Alemanya Miriam Thiele 22 Berlin
Arhentina Arhentina Mercedes Apuzzo 21 Buenos Aires
Australia Australya Ineke Candice Leffers[11] 21 Canberra
Barbados Barbados Ramona Ramjit 24 Bridgetown
Belhika Belhika Stéphanie Moreel[12] 25 Oostrozebeke
Venezuela Beneswela Dagmar Catalina Votterl 20 Lara
Bosnia at Herzegovina Bosnya at Hersegobina Džejla Glavović[13] 19 Sarajevo
Bolivia Bulibya Susana Vaca Díez[14] 18 Litoral
Denmark Dinamarka Julie Kristen Villumsen 23 Copenhague
Egypt Ehipto Ines Gohar[11] 23 Cairo
El Salvador El Salvador Elisa Sandoval 22 San Salvador
Espanya Espanya Cristina Carpintero 21 Madrid
Estados Unidos Estados Unidos Casey Marie Burns 21 Long Beach
Estonia Estonya Merilin Malmet 19 Talinn
Ghana Gana Beverly Asamoah Jecty 19 Accra
United Kingdom Gran Britanya Louise Glover 19 St Helens
Greece Gresya Patricia Drossou[11] 22 Atenas
Guatemala Guwatemala Florecita Cobián 19 Antigua Guatemala
Gibraltar Hibraltar Charlene Gaiviso 19 Hibraltar
Honduras Leslie Paredes 22 Tegucigalpa
India Indiya Reshmi Ghosh[15] 23 Kolkata
Canada Kanada Melanie Grace Bennett[16] 18 Vancouver
Kenya Kenya Winfred Omwakwe 20 Nairobi
Colombia Kolombya Diana Patricia Botero 18 Antioquia
Costa Rica Kosta Rika María del Mar Ruiz[17] 22 San José
United Nations Kosobo Mirjeta Zeka 19 Pristina
Lebanon Libano Raghida Farah 21 Beirut
Malaysia Malaysia Pamela Ramachandran 20 Johor Bahru
Mexico Mehiko Libna Viruega 24 Lungsod ng Mehiko
Nepal Nepal Nira Gautam[18] 18 Kathmandu
Niherya Niherya Vanessa Ibiene Ekeke 24 Lagos
Nicaragua Nikaragwa Yahoska Cerda 20 Carazo
Norway Noruwega Linn Olaisen[19] 20 Tromsø
Panama Panama Carolina Miranda[11] 20 Bocas del Toro
Paraguay Paragway Adriana Raquel Ramos 24 Asunción
Peru Peru Claudia Ortiz de Zevallos[20] 20 Arequipa
Pilipinas Pilipinas April Rose Perez[21] 21 Zamboanga
Finland Pinlandiya Elina Hurve[22] 21 Salo
Poland Polonya Agnieszka Portka[23] 24 Szczecin
Puerto Rico Porto Riko Deidre Rodríguez[11] 22 Santa Isabel
Republikang Dominikano Republikang Dominikano Yilda Santana[11] 23 Duvergé
Republikang Tseko Republikang Tseko Apolena Tůmová[24] 21 Prague
Singapore Singapura Gayathri Unnijkrishan 23 Singapura
Switzerland Suwisa Jade Chang 24 Zürich
Tanzania Tansaniya Tausi Abdalla 22 Dar Es Salaam
Thailand Taylandiya Lalita Apaiwong[11] 21 Bangkok
Timog Korea Timog Korea Jin-ah Lee 20 Seoul
Chile Tsile Nazhla Sofía Abad[11] 25 Santiago
Republikang Bayan ng Tsina Tsina Zhang Mei 25 Shanghai
Uganda Uganda Semegura Nambajjwe 21 Kampala
Hungary Unggarya Szilvia Toth 18 Pécs
Serbiya at Montenegro Yugoslavia Slađana Božović 21 Kragujevac
  1. Edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "A funny thing happened on the way to the Ms. Earth pageant". Manila Standard (sa wikang Ingles). 15 Oktubre 2002. pp. 107, 114. Nakuha noong 21 Disyembre 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Miss Earth 2002". Manila Standard (sa wikang Ingles). 15 Oktubre 2002. p. 143. Nakuha noong 21 Disyembre 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 "Miss Earth returns to Manila". Manila Standard (sa wikang Ingles). 27 Setyembre 2002. pp. 15B. Nakuha noong 21 Disyembre 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Dzejla Glavovic is Miss Earth 2002". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). 27 Oktubre 2002. pp. E3. Nakuha noong 21 Disyembre 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Diaz, Illac (22 Oktubre 2002). "Beauties walk out on Miss Earth". Manila Standard (sa wikang Ingles). pp. 1–2. Nakuha noong 21 Disyembre 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Lo, Ricky (29 Mayo 2003). "Miss Earth dethroned!". Philippine Star (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 22 Oktubre 2023. Nakuha noong 21 Disyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "High hopes for new Miss Earth". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). 2 Hunyo 2003. pp. C7. Nakuha noong 21 Disyembre 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Bolledo, Jairo (24 Disyembre 2023). "Miss Earth, the pageant that has crowned queens from non-powerhouse countries". Rappler (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2 Hunyo 2024. Nakuha noong 29 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Miss Philippines". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). 7 Mayo 2002. p. 22. Nakuha noong 7 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 10.2 10.3 10.4 "Pagcor hosts Miss Earth's National Costume tilt". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). 13 Oktubre 2002. p. 63. Nakuha noong 7 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. 11.0 11.1 11.2 11.3 11.4 11.5 11.6 11.7 11.8 Diaz, Illac (7 Oktubre 2002). "Around the world in 56 ways". Manila Standard (sa wikang Ingles). pp. 17–18. Nakuha noong 7 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Castelein, Ingrid (8 Marso 2004). "Stephanie Moreel zoekt Miss Belgium Earth" [Stephanie Moreel is looking for Miss Belgium Earth]. Het Nieuwsblad (sa wikang Olandes). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 12 Disyembre 2023. Nakuha noong 7 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Hodžić, Adi (11 Abril 2023). "Pogledajte trenutak kad je Džejla Glavović postala Miss Earth svijeta" [Watch the moment when Džejla Glavović became Miss Earth of the world]. Dnevni avaz (sa wikang Bosnian). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 24 Setyembre 2023. Nakuha noong 7 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Susana Vaca Díez se va a Manila al Miss Tierra" [Susana Vaca Díez goes to Manila for Miss Earth]. Bolivia.com (sa wikang Kastila). 1 Oktubre 2002. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Hulyo 2024. Nakuha noong 7 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Reshmi takes on the Earth!". The Times of India (sa wikang Ingles). 19 Oktubre 2002. ISSN 0971-8257. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 17 Setyembre 2018. Nakuha noong 7 Marso 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Gomez, Maria Congee (9 Oktubre 2002). "Instead of answers, giggles". Manila Standard (sa wikang Ingles). p. 2. Nakuha noong 7 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "María del Mar Ruiz reinó en Ecuador" [María del Mar Ruiz reigned in Ecuador]. La Nación (sa wikang Kastila). 26 Pebrero 2007. Nakuha noong 7 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Not just beautiful". Nepali Times (sa wikang Ingles). 10 Oktubre 2002. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 14 Mayo 2024. Nakuha noong 15 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Endresen, Rindahl (22 Pebrero 2006). "Modeller føler silikonpress". NRK (sa wikang Noruwegong Bokmål). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 26 Enero 2023. Nakuha noong 26 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Marabotto, Ángela (25 Enero 2023). "¿Qué fue de Claudia Ortiz de Zevallos, la modelo que clasificó al top 15 del Miss Universo 2003?" [What happened to Claudia Ortiz de Zevallos, the model who ranked in the top 15 of Miss Universe 2003?]. La República (sa wikang Kastila). Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Enero 2023. Nakuha noong 19 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "Beauties for the environment". Manila Standard (sa wikang Ingles). 15 Oktubre 2002. p. 144. Nakuha noong 25 Hulyo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "Elina Hurve voitti Miss Bikini -kisan" [Elina Hurve won the Miss Bikini contest]. Ilta-Sanomat (sa wikang Pinlandes). 29 Hulyo 2002. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 14 Mayo 2024. Nakuha noong 15 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Pochrzęst, Agnieszka (18 Oktubre 2002). "Agnieszka na Filipinach" [Agnes in the Philippines]. Głos Szczeciński (sa wikang Polako). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 30 Oktubre 2023. Nakuha noong 25 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Tůmová, Apolena (6 Enero 2024). "Účastnila jsem se mezinárodní soutěže krásy Miss Earth. Je to jen otročení, pokrytectví a byznys". Médium.cz (sa wikang Tseko). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 26 Hulyo 2024. Nakuha noong 25 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]