Pumunta sa nilalaman

N.V.M. Gonzalez

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Nestor Vicente Madali Gonzalez)
Néstor Vicente Madali González
Kapanganakan
Néstor Vicente Madali González

8 Setyembre 1915
Kamatayan28 Nobyembre 1999
NasyonalidadPilipino
LaranganLiteratura
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas

Literatura
1997


Si Néstor Vicente Madali González (8 Setyembre 1915 - 28 Nobyembre 1999) ay isang manunulat na Pilipino.

Pinanganak siya noong 8 Setyembre 1915 sa Romblon, Philippines, ngunit pinalaki sa Mansalay, isang probinsiya sa timog ng Oriental Mindoro. Anak siya ng isang guro at superbisor ng paaralan. Bilang binatilyo, tinulungan niya ang ama niya sa pamamagitan ng paghahatid ng karne sa mga karatig-bayan. Isa rin siyang musikero; tumugtog siya ng byolin at nagmay-ari ng apat na gitara. Nakuha niya ang una niyang suweldo sa pamamagitan ng pagtugtog ng byolin sa libing ng isang Tsino saRomblon. Pumasok si Gonzales sa Mindoro High School (ngayon ay Jose J. Leido Jr. Memorial National High School) mula 1927 hanggang 1930. Nag-aral siya ng kolehiyo sa National University (Manila) ngunit hindi niya natapos ang kanyang undergraduate degree. Habang nasa Manila, nagsulat si Gonzales para sa Philippine Graphic at naging patnugot para sa Evening News Magazine at Manila Chronicle. Nalathala ang una niyang sanaysay sa Philippine Graphic at ang una niyang tula sa Poetry noong 1934. Naging kilala ang pangalan niya sa mga manunulat ng Pilipinas bilang isang miyembro ng Board of Advisers ng Likhaan: the University of the Philippines Creative Writing Center, patnugot ng The Diliman Review at unang presidente ng Philippine Writers' Association. Nag-aral ng malikhaing pagsulat si Gonzales kay Wallace Stegner at Katherine Anne Porter sa Stanford University. Noong 1950, bumalik si Gonzales sa Philippinas at nagturo sa University of Santo Tomas, sa Philippine Women's University at sa University of the Philippines (U.P.). Sa U.P., si Gonzales ang isa sa dalawang propesor na natanggap upang magturo sa unibersidad bagamat wala siyang hawak na degree. Dahil sa kanyang panitikan at mga parangal, nagturo si Gonzales sa University of California, Santa Barbara, California State University, Hayward, sa University of Washington, sa University of California, Los Angeles, at sa University of California, Berkeley.

Si Gonzales ay nakalibing sa Libingan ng mga Bayani.

Noong 14 Abril 1987, ibinigay ngUniversity of the Philippines kay N.V.M. González ang degree na Doctor of Humane Letters, honoris causa, at sinabi na ito ay "For his creative genius in shaping the Philippine short story and novel, and making a new clearing within the English idiom and tradition on which he established an authentic vocabulary, ...for his insightful criticism by which he advanced the literary tradition of the Filipino and enriched the vocation for all writers of the present generation...for his visions and auguries by which he gave the Filipino sense and sensibility a profound and unmistakable script read and reread throughout the international community of letters..."

Iprinoklama na National Artist of the Philippines si N.V.M Gonzales noong 1997. Namatay siya noong 28 Nobyembre 1999 sa Quezon City, Philippines sa edad na 84. Bilang National Artist, pinarangalan si Gonzales at inilibing sa Libingan ng mga Bayani.

Ang mga gawa ni Gonzalez ay nalathala sa Filipino, English, Chinese, German, Russian and Indonesian.

  • The Winds of April (1941)
  • A Season of Grace (1956)
  • The Bamboo Dancers (1988)

Short fiction

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • A Grammar of Dreams and Other Stories. University of the Philippines Press, 1997
  • The Bread of Salt and Other Stories. Seattle: University of Washington Press, 1993; University of the Philippines Press, 1993
  • Mindoro and Beyond: Twenty-one Stories. Quezon City: University of the Philippines Press, 1981; New Day, 1989
  • Selected Stories. Denver, Colorado: Alan Swallow, 1964
  • Look, Stranger, on this Island Now. Manila: Benipayo, 1963
  • Children of the Ash-Covered Loam and Other Stories. Manila: Benipayo, 1954; Bookmark Filipino Literary Classic, 1992
  • Seven Hills Away. Denver, Colorado: Alan Swallow, 1947
  • A Novel of Justice: Selected Essays 1968-1994. Manila: National Commission for Culture and the Arts and Anvil (popular edition), 1996
  • Work on the Mountain (Includes The Father and the Maid, Essays on Filipino Life and Letters and Kalutang: A Filipino in the World), University of the Philippines Press, 1996

Kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]