Pumunta sa nilalaman

Wikang Waray

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Wikang Waray-Waray)
Waray-Waray
Winaray
Katutubo sa Pilipinas
RehiyonSilangang Kabisayaan
Mga natibong tagapagsalita
3.1 milyon
Latin (Alpabetong Filipino);
Baybayin (napaglumaang paggamit)
Opisyal na katayuan
Kinikilalang wikang pangrehiyon sa Pilipinas
Pinapamahalaan ngKomisyon sa Wikang Filipino
Mga kodigong pangwika
ISO 639-2war
ISO 639-3war
Kalaganapan ng mga taal na mananalita ng Waray-Waray.

Ang Wináray, Win-áray, Waráy-Wáray o Waráy (karaniwang binabaybay bilang Waray; tinatawag ding L(in)eyte-Samarnon) ay ang pinakasinasalitang wika sa mga lalawigan ng Samar, Hilagang Samar, Silangang Samar, Leyte (silangang bahagi), at Biliran sa Pilipinas.

Ang mga wikang Waray ay binubuo ng Waray-Waray, Waray ng Sorsogon, at Waray ng Masbate-Sorsogon. Bisakol ang minsang itinatawag sa Waray ng Sorsogon at ng Masbate-Sorsogon dahil halo ang mga ito ng Bisaya at Bikol. Lahat ng wikang Waray ay ibinibilang sa mga wika ng Kabisayaan at may malaking pagkakatulad sa Hiligaynon at Masbatenyo.

Bagama’t may pagtatalo, ang Samarnon-Lineyte ay tinatawag lamang na Waray dahil iisa lamang wikang sinasalita nila. Gayon pa man, nagkakaiba ang pananalita nila sa kayarian ng pangungusap. Dahil dito ay may matatawag na Waray na Samarnon at Waray na Lineyte. Ganito man ay nananatili pa rin ang kanilang wikang Waray bilang pangunahing wika ng talastasan saan man manggaling sa mga nabanggit na lalawigan.

Tungkol sa tamang paraan ng pagsulat sa wikang Waray

Ayon sa Sanghiran san Binisaya ha Samar ug Leyte ("Tanungan tungkol sa wikang Bisaya ng Samar at Leyte") na nagsaliksik ay wala pa rin itong iminumungkahing tamang paraan ng pagsulat. Itinuturing na katanggap-tanggap ang anumang mauunawaang pagbaybay at bigkas gaya ng:

  • diri o dire ("hindi")
  • hira o hera ("sila")
  • maopay o maupay ("mabuti")
  • guinhatag o ginhatag ("binigay")
  • direcho o diritso

Ilang pangungusap

  • Magandang (umaga/tanghali/hapon/gabi): Maupay nga (aga/udto/kulop/gab-i)
  • Nakakaintindi ka ba ng Waray?: Nakakaintindi/Nasabut ka hin Winaray? (hin o hiton)
  • Salamat: Salamat
  • Ang ganda-ganda mo talaga: Kahuhusay nimo hin duro
  • Mahal kita: Hinihigugma ko ikaw o Ginhihigugma ko ikaw o Pina-ura ta ikaw
  • Tagasaan ka?: Taga diin ka? o Taga nga-in ka? o Taga ha-in ka?
  • Magkano ito?: Tag pira ini?
  • Hindi ko maintindihan: Diri ako nakakaintindi o Di ak naabat
  • Hindi ko alam: Diri ak maaram o Ambot
  • Ano: Nano o Anya
  • Sino: Hin-o
  • Saan: Hain
  • Kailan (mangyayari pa lang): San-o
  • Kailan (nakalipas): Kakan-o
  • Bakit: Kay-ano
  • Paano: Gin-aano
  • Oo: Oo
  • Hindi: Dire o Diri
  • Iyon/Hayun: Adto o Didto o Ngad-to
  • Ito: Didí o Nganhi o Ini
  • Harap/sa harap: Atbang/Atubangan
  • Gabi: Gab-i
  • Araw: Adlaw
  • Wala: Waray
  • Mabuti: Maupay
  • Sino ka?: Hin-o ka?
  • Kaibigan ako: Sangkay ak
  • Nawawala ako dito: Nawawara ak didí
  • Siguro: Bángin
  • Sana: Untá
  • Bukas: Buhás o Buwas
  • Kahapon: Kakulóp
  • Ngayon: Yanâ

Saklaw ng Waray-Waray

Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.