Pumunta sa nilalaman

Kalayaan sa panorama

Ito ay isang mabuting artikulo. Pindutin ito para sa karagdagang impormasyon.
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Freedom of panorama)
Isang larawan na nagpapakita ng mga eskultura ni Sergej Alexander Dott, tinawag na Himmelsblumen at ginawa noong 2003, na matatagpuan malapit sa estasyong Gleisdreieck ng metro ng Berlin, Alemanya. Angkop sa mga probisyon ng kalayaan sa panorama sa bansa ang paglathala nito sa pamamagitan ng malayang lisensiya.
Walang kalayaan sa panorama sa Timog Aprika, kaya kinakailangang sensurin ang estatwang ito dahil sakop ito ng mahigpit na kahulugan ng batas ng karapatang-ari sa bansa.

Ang kalayaan sa panorama (Ingles: freedom of panorama, dinaglat na FOP) ay isang tadhana sa mga batas ng karapatang-ari ng maraming mga hurisdiksiyon na nagpapahintulot sa pagkuha ng mga retrato at bidyo at paglikha ng ibang mga larawan (tulad ng mga pinta) ng mga gusali at kung minsan mga lilok at ibang mga gawang sining na palagiang matatagpuan sa isang pampublikong lugar nang hindi lumalabag sa anumang karapatang-sipi na maaaring manatili sa gayong mga gawa, at ang paglalathala ng gayong mga larawan.[1][2] Nililimitahan ng mga batas o kaso ng batas ng kalayaan sa panorama ang mga mayhawak ng karapatang-sipi sa paggawa ng ligal na hakbang dahil sa paglabag ng karapatang-sipi laban sa mga tagalikha o tagapamahagi ng gayong mga larawan. Isa itong kataliwasan sa karaniwang alituntunin na ang mayhawak ng karapatang-sipi ay may tanging karapatan sa pagbibigay ng kapangyarihan sa paglikha at pamamahagi ng mga hinangong likha (derivative works). Hango ang parirala sa salitang Aleman na Panoramafreiheit ("kalayaan sa panorama" o "panorama freedom" sa Ingles).

Mga pinagmulan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinagbawal nang husto ang potograpiya at ibang mga paraan ng pagsasalarawan ng pampublikong espasyo noong nakaraan, sa mga kadahilanang hindi kaugnay sa karapatan ng mga manlilikha ng pampublikong mga obra. Ipinagbawal ng Pransiya ang gayong mga gawain noong ika-19 na dantaon para sa pagtatanggol ng pribasidad. Sinimulang ipagbawal ng Italya ang pagsasalarawan ng mga pook arkeolohiko noong ika-18 dantaon, kahit na nasa pampublikong mga lugar ang mga pook na ito, bilang proteksiyon sa kanilang pamanang pangkalinangan.[2]

Nagsimula ang kaisipan ng kalayaan sa panorama noong ika-19 na dantaon sa Alemanya. Ipinakilala ng Kaharian ng Bavaria noong 1840 ang isang kahalintulad na eksepsyon para sa piktorikong mga paglalarawan ng "mga likha ng sining at arkitektura sa panlabas na mga anyo ng mga ito" sa pampublikong mga espasyo. Nilayon nitong bawasan ang kaestriktuhan ng bagong mga patakarang pangkarapatang-sipi sa Konpederasyong Aleman na ipinagbawal ang mga pagsisipi, maliban sa "mekanikal na mga pagsisipi." Tumulad kalaunan ang ibang mga estadong bahagi ng konpederasyon, at noong 1876 tuluyan nang ipinatupad ng parlamento ng Alemanya ang karapatang ligal na ito sa buong konpederasyon.[2]

Katayuan sa iba-ibang mga bansa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Maraming mga bansa ang may kahalintulad na mga tadhanang nililimitahan ang saklaw ng batas ng karapatang-ari upang malinaw na payagan ang mga retratong nagpapakita ng mga tanawin ng pampublikong mga lugar o tanawing kinunan mula sa pampublikong mga lugar. Ngunit magkaiba ang kahulugan ng mga bansa hinggil sa prinsipyong kalayaan sa panorama.[1]

Katayuan ng kalayaan sa panorama sa buong daigdig para sa mga larawang ginagamit sa mga layuning pangkomersiyo.
Mga gusaling lampas sa 500m ang taas pagsapit ng 2022, at ang katayuan ng kalayaan sa panorama ng mga bansang kinaroroonan ng mga ito: – mayroong kalayaan sa panorama (Malaysia, Tsina, Taiwan, Estados Unidos) – walang kalayaan sa panorama (Saudi Arabia, Timog Korea, United Arab Emirates)

Nakasaad sa Seksiyong 172 ng Kodigo ng Ari-Ariang Intelektuwal ng Pilipinas (Intellectual Property Code of the Philippines o Batas Republika Blg. 8293), nakapamagat na "Literary and Artistic Works", na protektado ng karapatang-sipi ang mga "likhang sining", tulad ng arkitektura at eskultura. Walang anumang probisyon ng kalayaan sa panorama sa Seksiyong 184 ("Limitations on Copyright") na nagtatala ng mga gawaing hindi itinuturing na paglabag sa karapatang-sipi ng mga gumawa o nagdisenyo ng mga gusali, eskultura, atbp. mga obra, ngunit nagbibigay ang probisyong (d) ng kataliwasan sa karapatang-sipi kung ang reproduksiyon ng "mga gawang pampanitikan, pansiyentipiko, at pansining" ay "bilang bahagi ng pag-ulat ng kasalukuyang mga kaganapan sa pamamagitan ng potograpiya, sinematograpiya, o pamamahayag hanggang sa kinakailangang saklaw para sa layuning ito." Ang probisyong (e) naman ay nagbibigay ng probisyong patas na paggamit (fair use) sa pagsasali ng isang akda o gawa sa "isang publikasyon, brodkast, o ibang uri ng komunikasyon sa madla," kung para lamang sa layunin ng pagtuturo.[3]

Kapuwa ay hindi itinuturing na malaya para sa Wikimedia Commons, ang imbakan ng mga talaksang (files) nasa malayang mga lisensiya o pampublikong dominyo, tulad ng mga retratong ginagamit sa Wikipedia. Nakasanayan na ng pamunuan nito na magbura ng mga retratong ng bagong mga estruktura sa bansa, tulad ng mga gusali, lilok, bantayog, at memoryal.[a] Ito ay dahil hindi pinapayagan sa Wikimedia Commons ang mga talaksang pasok lamang sa tadhanang patas na paggamit.

Ibang bahagi ng Timog-silangang Asya

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Katayuan ng kalayaan sa panorama sa Timog-silangang Asya

Walang ganap na kalayaan sa panorama sa Biyetnam. Ayon sa Artikulong 25(h) ng kanilang bagong-amyendang batas ng karapatang-ari ng Biyetnam (2022), maari ang potograpiya at pagsasahimpapawid sa telebisyon ng mga obrang hinulma, arkitektura, at obrang napapakinabangan na nakadispley sa publiko, "para sa layon ng pagpapakita o pagprisinta ng mga larawan ng mga obrang ito, hindi sa layuning pangkomersiyo."[4]

Nakalahad sa Seksiyong 66 ng batas ng karapatang-ari ng Brunei ang kanilang kalayaan sa panorama, na pinahihintulutan ang pagsasalarawan ng mga likhang gusali, lilok, modelo ng mga gusali, at obra ng masining na pagkakagawa sa pampublikong mga lugar, sa pamamagitan ng pagguhit, potograpiya, sinematograpiya, at pagsasahimpapawid sa telebisyon.[5]

Sa Cambodia, nakasaad sa Artikulong 25 ang limitadong kalayaan sa panorama. Pinapayagan lamang ang tadhanang ito kung ang pagsisipi ng obrang grapiko o hinulma (mga lilok) sa pampublikong lugar ay hindi pangunahing paksa ng sumunod na pagsisipi, tulad ng mga retrato. Kapag naging pangunahing paksa ng sumunod na pagsisipi ang pampublikong mga obra, hindi ito maaaring gamitin sa anumang layunin maliban lamang sa pansarili (pampamilya at pangkaibigan) na paggamit at sa mga layuning pang-edukasyon na hindi nakikinabang (non-profit educational purposes).[6]

Walang tiyak na pagbanggit ng kalayaan sa panorama sa batas ng karapatang-ari ng Indonesya, bagamat umiiral ang isang kahalintulad subalit limitadong tadhana sa Artikulong 15 na pinagkakalooban ang mga may-ari ng obra, kabilang na ang arkitektura at lilok, ang karapatan na magsagawa ng pampublikong displey, sa paraang paglalathala man o pagsisipi sa isang katalogo. Nagbibigay naman ang Artikulong 43(d) ng pahintulot para sa pamamahagi ng mga nilalamang protektado ng karapatang-sipi sa teknolohiyang pang-impormasyon at midyang pangkomunikasyon, kung ang mga nabanggit na midyum ng pamamahagi ay "hindi komersiyal at/o walang halaga para sa Manlilikha o kaugnay na mga partido."[7]

Walang kalayaan sa panorama sa Laos, ngunit may kahalintulad na probisyon sa Artikulong 115 ang kanilang batas ng karapatang-ari, subalit nakapamagat na "Acts Consistent with Fair Use" ang artikulo. Nakasaad sa pangatlong sugnay ng artikulo na maaaring isipi sa pamamagitan ng potograpiya at sinematograpita ang mga obrang niyari na at nakadispley sa publiko, tulad ng fine art, arkitektura, at applied art, kung ang mga obrang ito ay hindi paksa ng pagsisipi. Pinapayagan din sa artikulo ang pagsisipi ng mga obra para sa layunin ng pag-uulat ng kasalukuyang mga kaganapan, subalit hanggang sa layuning paghahatid ng balita't impormasyon lamang.[8]

Kaliwa: Toreng Petronas na dinisenyo ni arkitekto César Pelli. Kanan: Estatwa ng Merlin sa Kota Kinabalu

Tinitiyak ng Batas ng Karapatang-ari ng 1987 ng Malaysia ang kalayaan sa panorama sa pampublikong mga lugar. Nakasaad sa seksiyong 13(2)(d) na hindi isang paglabag sa karapatang-sipi ang reproduksiyon o pamamahagi ng mga kopya ng anumang obra na palagiang nakatayo sa isang pampublikong lugar. Tinutukoy ng Seksiyong 3 ang "mga likhang sining" bilang anumang gawang grapiko, retrato, lilok, kolyahe (collage), at gawa ng arkitektura o masining na artesaniya. Hindi kasama sa natatanging tadhanang ito ang mga disenyong plano ng mga sirkitong integrado.[9][10]

Ang rebultong Merlion sa harap, obra ni Lim Nang Seng (namatay 1987) noong 1972. Sa likod naman ang Marina Bay Sands, obra ni arkitekto Moshe Safdie noong 2010.

Tinitiyak ng batas ng karapatang-ari ng Singapore ang kalayaan sa panoramang kumakapit sa mga likhang tatlong dimensiyonal at ilang mga gawang grapiko. Pinahihintulutan ng Artikulong 63 ng batas ang paggamit ng mga lilok at masining na pagkakagawa na nakatayo sa isang pampublikong lugar nang hindi pansamantala lamang, at hindi nilalabagan ng paggawa ng pinta, drowing, klitse, o retrato ng gawa o pagsasali ng gawa sa isang pelikulang sinematograpo o sa isang brodkast ng telebisyon ang karapatang-sipi ng mga gawang ito. Isinasaad sa Artikulong 64 na kumakapit ang gayong kalayaan sa mga gusali o modelo ng gusali, at walang pagbabawal hinggil sa kinaroroonan ng gayong mga estruktura. Gayunpaman, hindi sakop ng kalayaan sa panorama ang mga likhang dalawang-dimensiyonal.[11]

Itinatalakay ang kalayaan sa panorama sa mga Seksiyong 37–39 ng batas ng karapatang-ari ng Thailand. Pinapayagan ng mga Seksiyong 37 at 38 ang mga representasyon ng mga obra sa pampublikong mga lugar at arkitektura sa pamamagitan ng "drowing, pinta, konstruksiyon, klitse, moldura, paglililok, litograpiya, potograpiya, sinematograpiya, at pamamahayag ng bidyo", habang pinapayagan ng Seksiyong 39 ang makalarawan at maka-bidyong mga representasyon ng "isang likha kung saang bahagi ang isang masining na obra."[12]

Sydney Opera House, na dinisenyo ng arkitektong Dinamarkes na si Jørn Utzon

Sa Australya, tinatalakay ang kalayaan sa panorama sa pederal na Copyright Act 1968, mga seksiyong 65 hanggang 68. Inilalaan ng Seksiyong 65: "Ang karapatang-sipi sa isang gawa ... na matatagpuan sa isang pampublikong lugar, o sa mga premisang bukas sa publiko, ay hindi nilalabagan ng paglikha ng isang pinta, drowing, klitse (engraving), o retrato ng gawa o ang pagsasali ng gawa sa isang sinematograpong pelikula o sa isang brodkast pantelebisyon, maliban kung pansamantala lamang (ang kinaroroonan nito)." Kumakapit ito sa anumang "masining na gawa" na binigyang-kahulugan sa talatang (c) ng bahaging 10: isang "obra ng masining na pagkakagawa" (pero hindi isang circuit layout).[13]

Nagbibigay ang Seksiyong 66 ng Batas ang hindi pagsasali sa paglabag sa karapatang-sipi ang mga retrato at larawan ng mga gusali at modelo ng mga gusali.[13]

Walang karapatang sumipi ng mga obrang hindi saklaw ng mga probisyong ito. Nangangahulugan itong maaring makalabang sa karapatang-sipi ang pagpaparami ng mga larawan ng "sining sa kalye".[14][15][16]

Bagong Silandiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Copyright Act (1994) ng Bagong Silandiya ay nagbibigay ng mga pagkakapuwera para sa malayang pamamahagi ng mga retrato ng ilang mga likha gaya ng mga lilok, ngunit hindi nagbibigay ng mga pagkakapuwera para sa mga obrang grapiko tulad ng mga miyural at sining sa kalye, kahit na nasa pampublikong mga espasyo ang mga ito. Nagngangahulugan ito na kailangang kumuha ng pahintulot mula sa mga arteista o tagahawak ng karapatang-sipi para makapagkuha ng mga retrato ng gayong mga likha nang malaya para sa mga layuning pamamahagi, lalo na kung may komersiyal na pakay. Subalit binabalewala ang restriksiyon na ito, patunay rito ang patuloy na pamamahagi ng gayong mga retrato sa hatirang pangmadla at ang paggamit ng mga marketing company ng mga obrang grapiko bilang likurang mga elemento sa kanilang mga patalastas.[17] Kamakailan lamang, noong 2019, inihayag ng arteistang si Xoë Hall ang kaniyang pagkadismaya sa paggamit ng Whitcoulls ng mga larawan ng kaniyang miyural sa Wellington sa kanilang mga kalendaryo, at iminungkahi ang kapuwa niyang mga miyuralista sa bansa na "magkaroon ng kontrata para sa bawat dingding na kanilang ipinipinta at isinasaad kung sino ang nagmamay-ari ng karapatang-sipi, at isali ito sa miyural kalakip ng pangalan ng arteista."[18]

Hinggil sa kaso ng tanyag na rebultong Kristo ang Tagapagtubos, sinabi ni Abogado Frullani Lopes na "bagamat pribado ang pag-aari ng lugar na kinatatayuan nito, hindi hinahadlang ang pampublikong pagpasok, at hindi maipagwawalang-bahala na bahagi ito ng tanawin ng Rio de Janeiro. Sa gayong pananaw, ang lugar na kinatatayuan nito ay dapat na ituring na pampublikong lugar."[19]

Pinahihintulutan sa Artikulong 48 ng batas ng karapatang-ari ng Brazil (Blg. 9.610 / Pebrero 19, 1998) ang malayang pagpinta, potograpiya, at paggawa ng bidyo ng anumang gawa na palagiang nakapuwesto sa isang pampublikong lugar, sa kabila ng pagiging protektado ng karapatang-sipi ang gayong mga gawa.[20][21] Ang tadhanang ito ay itinuturing na nagbibigay ng katamtamang malawak na kalayaan sa panorama.[22]

Isinasaad ng Seksiyong 32.2(1) ng Batas ng Karapatang-ari (Canada) ang mga sumusunod:

Hindi lumalabag sa karapatang-sipi (It is not an infringement of copyright)

(b) ang sinumang sumisipi, sa isang pinta, drowing, klitse, retrato, o gawang sinematograpiko (for any person to reproduce, in a painting, drawing, engraving, photograph or cinematographic work)
(i) ng isang gawang pang-arkitektura, sa kondisyong hindi sa kalikasan ng isang drowing o planong pang-arkitektura ang sipi, o (an architectural work, provided the copy is not in the nature of an architectural drawing or plan, or)
(ii) isang lilok o likha ng masining na pagkakagawa o isang hulma o modelo ng isang lilok o likha ng masining na pagkakagawa, na palagiang matatagpuan sa isang pampublikong lugar o gusali; (a sculpture or work of artistic craftsmanship or a cast or model of a sculpture or work of artistic craftsmanship, that is permanently situated in a public place or building;)

Inilalaan din ng Batas ng Karapatang-ari ang tiyak na proteksiyon para sa nagkataong pagsasali ng isa pang gawa na makikita sa likod ng isang retrato (halimbawa, isang gusali sa malayuang dako ng isang retrato). Hindi lumalabag sa karapatang-sipi ang mga retratong kasali ang gayong mga gawa nang "nagkataon at hindi sinadya."

Estados Unidos

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga likhang arkitektural

[baguhin | baguhin ang wikitext]
One World Trade Center sa Lungsod ng New York, na nakompleto noong 2013. Bagamat protektado ito ang karapatang-sipi dahil may gayong proteksiyon ang lahat ng mga gusaling nakompleto pagkaraan ng Disyembre 1, 1990,[23] maaring kumuha ng retrato nito, pati ang paglathala ng mga larawan nito sa mga midyang komersiyal, dahil sa mga tadhanang kalayaan sa panorama sa Estados Unidos.

Taglay ng batas ng karapatang-ari ng Estados Unidos ang sumusunod na tadhana:

Hindi kasama sa karapatang-sipi ng isang gawang pang-arkitektura na nakatayo na ang karapatang hadlangan ang paggawa, pagbabahagi, o pagdidispley sa publiko ng mga larawan, pinta, retrato, o iba pang malarawang mga representasyon ng gawa, kung ang gusali na kumakatawan sa nasabing gawa ay matatagpuan sa o karaniwang makikita mula sa pampublikong lugar.

Ang kahulugan ng "gawang pang-arkitektura" sa kalagayang ito ay isang gusali,[25] na binigyang-kahulugan bilang "mga estrukturang matitirhan ng tao na nilayong maging palagian at hindi nagagalaw (permanent and stationary), tulad ng mga bahay at gusaling pang-opisina, at ibang palagian at nakapirme na mga estrukturang idinisenyo para matutuluyan ng mga tao, kabilang na ang, ngunit hindi limitado sa, mga simbahan, museo, mirador (gazebo), at pabilyon ng hardin."[26]

Ibang mga likha

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Gayunpaman, hindi saklaw ng kalayaan sa panorama sa Estados Unidos ang ibang mga obra na protektado ng karapatang-sipi, tulad ng mga lilok. Maaring maging paglabag sa karapatang-sipi ng manlilikha ng isang obra kapag ginamit ang mga retrato ng kaniyang gawa sa layuning pangkomersiyo.

Isang kilalang kaso ng paglabag sa karapatang-sipi ng mga obra sa Estados Unidos ay ang Gaylord v. United States, No. 09-5044. Ito ay hinggil sa paggamit ng United States Postal Service ng isang larawan ng 14 sa 19 na mga estatwa ng sundalo sa Korean War Veterans Memorial para sa kanilang selyo bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng armistisyo ng Digmaang Koreano noong 2003. Walang pahintulot mula kay Frank Gaylord, manlililok ng nasabing obra na kilala bilang The Column, ang naturang paggamit ng U.S. Postal Service ng mga larawan ng kaniyang obra sa kanilang selyong nagkakahalaga ng 37 cents.[27] Inireklamo niya ang U.S. Postal Service noong 2006 dahil sa ginawa nitong paglabag sa kaniyang karapatang-sipi sa lilok. Kasama rin sa kaso ang retratista ng larawan na si John Alli, isang dating Marine. Kalaunan, naging maayos ang areglo sa retratista nang pumayag si Alli na magbabayad ng 10% bayad para sa susunod pang mga benta ng kaniyang mga larawan ng lilok.[28][29]

Sa hatol ng Court of Federal Claims noong 2008, ipinasya na hindi nilabag ng U.S. Postal Service ang karapatang-sipi ni Gaylord sapagkat pasok umano ito sa "patas na paggamit" (fair use). Gayunpaman, ipinasya ng hukom na hindi sakop ng Architectural Works Copyright Protection Act (AWCPA) ang The Column sapagkat hindi ito isang gawang pang-arkitektura. Umapela ang panig ng manlililok, at noong Pebrero 25, 2010 binaligtad ng Federal Circuit ang naunang pasya hinggil sa patas na paggamit. Hindi maituturing na patas na paggamit ang paggamit ng U.S. Postal Service ng larawan ng The Column sa kanilang selyo sapagkat hindi transformative ang kalikasan nito (pareho ang konteksto at kahulugan ng selyo sa mismong lilok). Mahalaga rin ang presensiya ng obra sa selyo kaya hindi pa rin ito pasok sa patas na paggamit. Maituturing na komersiyal ang layunin ng U.S. Postal Service, dahil kumita ito ng $17 milyon mula sa pagbenta nito ng halos 48 milyong selyong taglay ang larawan ng lilok. Ipinagtibay naman ng Federal Circuit ang naunang pasya ng Court of Federal Claims na hindi isang gawang pang-arkitektura ang The Column. Noong Setyembre 20, 2013, pagkaraang ibinalik ng Federal Circuit ang kaso sa Court of Federal Claims, iginawad ng huling nabanggit na hukuman ang $684,844.94 na halaga ng bayad-pinsala na babayaran ng U.S. Postal Service kay Gaylord.[30][31]

Ang New York-New York Hotel & Casino, kalakip ang di-mahalagang pagsasali ng replika ng Istatwa ng Kalayaan sa Las Vegas

Dinemanda muli ang USPS hinggil sa kanilang paggamit ng isang larawang buhat sa Getty ng replika ng Istatwa ng Kalayaan sa New York-New York Hotel & Casino sa Las Vegas sa kanilang mga selyo. Bagamat nagbigay sila ng atribusyon sa retratista, hindi sila nagbigay ng atribusyon kay Robert Davidson, manlililok ng replika. Nakapagbenta ang USPS ng humigit-kumulang 4.9 bilyong selyong taglay ang replika, mula Disyembre 2010 hanggang Enero 2014, na nagkakahalaga ng humigit-kumulang $2.1 bilyon. Bagamat nabatid nila noong Marso 2011 na hindi sa orihinal na Istatwa ng Kalayaan ang nasa larawang ginamit nila, hindi gumawa ng hakbang ang USPS. Nagsampa si Davidson ng kaso laban sa USPS noong 2013. Itinaguyod ng hukuman ang paninindigan ni Davidson na orihinal ang kaniyang replika upang magkaroon ng proteksiyon ng karapatang-sipi dahil sa pagkakaroon ng mas-makabago at pambabaeng hitsura ng mukha nito. Nabigo ang USPS sa mga kraytiryang "layunin" at "bahaging ginamit" sa patas na paggamit, bagamat nakapasa sila sa kraytiryong "epekto ng paggamit" dahil sinabi ni Davidson na wala siyang balak na kumita sa kaniyang lilok. Hindi pinaboran ang kapuwang panig para sa kraytiryong "kalikasan ng likhang may karapatang-sipi" sa patas na paggamit. Napatunayan ng hukuman na nagkasala ang USPS sa pagsuway ng karapatang-sipi, at iginawad ang $3.5 milyong halaga ng pinsalang babayaran ng USPS kay Davidson.[32]

Inangkin ng manlililok na si Arturo Di Modica ang karapatang-sipi sa kilalang lilok na Charging Bull sa Ibabang Manhattan ng Lungsod ng New York.[33] Nagsampa siya ng samo't-saring mga kaso laban sa iba-ibang mga entidad na gumamit ng kaniyang lilok na toro para sa mga layuning pangkomersiyo, tulad ng Walmart noong 2006 dahil sa pagbenta ng mga litograpo nito, North Fork Bank noong 2006 din dahil sa pagsasali ng lilok sa isang pambansang patalastas sa telebisyon, at Random House noong 2009 hinggil sa paggamit ng isang larawan ng lilok sa pabalat ng isang aklat nila tungkol sa pagbagsak ng Lehman Brothers.[34][35][36] Natapos ang mga kasong ito sa pamamagitan ng mga areglo.[37]

Masidhing sinasanggalang ng manlililok na si Raymond Kaskey ang kaniyang karapatang-sipi sa ikalawang pinakamalaking rebulto na yari sa "minartilyong tanso" sa bansa, ang Portlandia. Binabantaan niyang kakasuhan ang sinumang nagnanais na gumamit ng anumang larawan ng lilok sa mga midya o kagamitang pangkomersiyo, tulad ng mga postkard at disenyo sa mga kamiseta. Nag-areglo ang Laurelwood Pub and Brewery (na nakabase sa Portland) kay Kaskey pagkaraang inireklamo sila ng manlililok dahil sa paggamit nila ng isang larawan ng rebulto sa leybel ng kanilang serbesang Portlandia Pils noong 2012.[38][39]

Gitnang Amerika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Karamihan sa mga bansa sa Gitnang Amerika na pangunahing gumagamit ng wikang Kastila ay hindi nagbibigay ng malawak na kalayaan sa panorama. Pinahihintulutan lamang ng mga batas ng karapatang-sipi ng Guatemala,[40] Honduras,[41] at Nicaragua[42] ang pansariling mga gamit ng mga larawan ng pampublikong obra na palagiang matatagpuan sa mga lansangan, plasa, at iba pang pampublikong mga espasyo, pati ang mga anyong panlabas ng mga likhang pang-arkitektura. Pinahihintulutan naman ng Artikulong 71 ng batas ng karapatang-sipi ng Costa Rica ang pagkuha ng mga retrato ng pampublikong mga obra sa pampublikong mga espasyo tulad ng mga bantayog at estatwa, pero para lamang sa mga layuning hindi pangkomersiyo.[43]

Walang gayong mga paghihigpit sa mga probisyon ng kalayaan sa panorama ng mga batas ng karapatang-sipi ng El Salvador[44] at Panama.[45]

Malinaw na pinahihintulutan ng Seksiyong 78 ng Copyright Act ng Belize ang pagsasalarawan ng mga likha ng arkitektura, lilok, at masining na mga gawa (artistic craftsmanship) sa mga pinta, retrato, pelikila, o brodkast, hangga't palagiang makikita ang mga ito sa pampublikong mga lugar o mga lugar na mapapasukan ng publiko.[46]

Ang batas ng karapatang-ari ng Hapon ay nagbibigay ng kaunting kalayaan sa panorama para sa panlabas na mga obra at ganap na kalayaan sa panorama para sa mga gusali. Pinapayagan ng Artikulong 46 ng Copyright Act (Act No. 48 of May 6, 1970, as amended 2020) ang paggamit at pagsipi ng mga obrang "palagiang nakapuwesto sa isang lantad na lokasyon" at mga likhang pang-arkitektura para sa anumang layunin, ngunit may apat na mga pagpupuwera na hindi sakop ng kalayaang ito. Isa sa mga ito – nasa (iv) – ay kapag ang pagsipi ng isang obra ay ginawa "para sa tangkang pagbebenta ng mga sipi nito, o pagbebenta ng gayong mga sipi."[47] Ipinag-uutos ng Artikulong 48 ang mga gagamit ng gayong mga likha na tukuyin ang pinagmulan ng nasabing likha kung mayroon at naaayon sa kaugalian.[48]

Makabubuting pansinin ang isang pasya ng Osaka District Tribunal noong 2003, na nagsasabing kasali lamang sa gayong mga "protektadong gawa" na protektado ng batas ang mga gusaling may taglay na mga katangiang estetika at pagkamalikhain.[49] Mayroon ding mga pananaw na nagsasabing dapat ituring na mga gawang pansining ang ilang mga gusali sa Hapon, tulad ng Tore ng Araw [en] na ginamit sa Expo '70 na idinaos sa Suita, Prepektura ng Osaka noong 1970. Nagngangahulugan itong hindi maaaring gamitin sa mga layuning komersiyal ang mga retratong nagpapakita ng mga gusaling ito kahit na may tadhanang kalayaan sa panorama.[50][51]

Hindi nagbibigay ng ganap na kalayaan sa panorama ang batas ng karapatang-ari ng Iceland. Pinahihintulutan ng Artikulong 16 ang potograpiya at pagprisinta ng bungang mga larawan ng mga gusali at pampublikong obra na nasa lantad na lugar, ngunit kapag ang mga likhang ito ay naging pangunahing paksa ng mga larawan at ginamit ang mga larawan na ito sa komersiyal na paraan, "kailangang bayaran" ang manlilikha ng mga gusali at pampublikong obra. Hindi kailangan ang gayong remunerasyon kung ang gagamit ng mga larawang ito ay isang tagapaglathala ng pahayagan o brodkaster sa telebisyon.[52]

Tinatalakay ang kalayaan sa panorama sa seksiyong 52, s–u(i) ng batas ng karapatang-ari ng India. Kapuwa nalalapat ang (s) at (t) ng seksiyong 52 sa mga representasyon ng arkitektura, lilok, at mga obra ng masining na pagkakagawa sa pamamagitan ng pagguhit, pagpinta, klitse, at potographiya, habang ang (u)(i) ay nalalapat sa sinematograpikong pagsasali ng lahat ng uri ng mga obra. Magagamit lamang ang mga tadhanang ito kapag ang likha ay "palagiang matatagpuan sa isang pampublikong lugar o anumang premisang mapupuntahan ng publiko." Ang (u)(ii) ay para sa nagkataong pagsasali sa sinematograpiya ng mga obrang wala sa pampublikong mga espasyo.[53]

Ang kalayaan sa panorama ng Israel ay matatagpuan sa seksiyong 23 ng Copyright Act, 2007 (as amended on July 28, 2011). Nakasaad dito na pinahihintulutan ang biswal na representasyon ng mga likhang pang-arkitektura, lilok, at sining na mapapakinabangan sa pamamagitan ng mga drowing, pagguhit, potographiya, at pamamahayag, kung ang gayong mga likha ay "palagiang matatagpuan sa isang pampublikong lugar."[54]

Limitado lamang sa paglathala ng "midya" ng mga larawan ng arkitektura, sining biswal, retrato, o sining na napapakinabangan (applied art) ang kalayaan sa panorama sa Lebanon, alinsunod sa Artikulong 31 ng Law No. 75 of April 3, 1999, on the Protection of Literary and Artistic Property.[55] Hindi tiyak kung anong uri ng "midya" ang tinutukoy nito.

Nagbibigay ng tadhanang kalayaan sa panorama ang Artikulong 148(VII) ng Pederal na Batas ng Karapatang-ari ng Mehiko:[56]

Ang mga likhang pampanitikan at pansining na ibinunyag na ay maaring gamitin nang walang pagpayag ng may-ari ng mga karapatang ekonomiko at nang walang bayad, sa kondisyong hindi maaapektuhan ang may-ari sa karaniwang paggamit ng likha, at sa kondisyon ding palagiang babanggitin ang pinagmulan ng likha at walang mangyayaring pagbabago sa likha

VII. Pagsisipi, talastasan, at pamamahagi sa pamamagitan ng mga drowing, pinta, retrato, at prosesong audiobiswal ng mga obrang makikita mula sa pampublikong mga lugar

Walang kalayaan sa panorama sa Niherya. Sa ilalim ng Seksiyong 20(1)(e) ng Copyright Act (2022) ng bansa, limitado ito sa "pagsasali sa isang likhang audiobiswal o programa [sa telebisyon] ng isang obrang matatagpuan sa isang lugar na makikita ito ng publiko." Walang pagbanggit ng mga retrato.[57]

Nagbibigay ng limitadong kalayaan sa panorama ang Seksiyong 31 ng batas ng karapatang-ari ng Noruwega para sa mga obrang palagiang matatagpuan sa pampublikong mga espasyo. Maaari lamang gamitin ang mga ito sa di-komersiyal na mga pagsisipi kapag naging pangunahing mga paksa ng mga larawan ang mga obrang ito. Ngunit maaaring isipi nang malaya ang arkitektura anuman ang layunin ng pagsisipi.[58]

Nagbibigay ng kalayaan sa panorama ang Seksiyong 57 ng batas ng karapatang-ari ng Pakistan:[59]

(1) Hindi maituturing na paglabag sa karapatang-sipi ang sumusunod na mga gawain:

(r) ang paglikha o paglathala ng pinta, guhit, klitse, o retrato ng isang obrang pang-arkitektura;
(s) ang paglikha o paglathala ng pinta, guhit, klitse, o retrato ng isang lilok o ibang obra kung habambuhay na matatagpuan ang gayong likha sa isang pampublikong lugar o anumang loobang may karapatang makapasok ang publiko;
(t) ang pagsasali sa isang obrang sinematograpiko ng —
(i) anumang obrang habambuhay na matatagpuan sa isang pampublikong lugar o anumang loobang may karapatang makapasok ang publiko; o
(ii) anumang ibang uri ng obra, kung nasa likuran lamang ang pagsasali o kung hindi, kaalinsabay sa pangunahing mga paksang inilalarawan sa obra[ng sinematograpiko];
Estatwa ng Oso ng Paddington sa estasyon ng London Paddington, obra ng eskultor na si Marcus Cornish. Sakop ito ng kalayaan sa panorama ng Reyno Unido.

Sa ilalim ng batas ng Reyno Unido (UK), sumasaklaw ang kalayaan sa panorama sa lahat ng mga gusali pati ang karamihan sa mga likhang tatlong-dimensiyonal na palagiang nakapuwesto sa pampublikong lugar, tulad ng mga lilok. Karaniwang hindi sakop ang kalayaan sa panoramang ito ang mga likhang dalawang-dimensiyonal na protektado pa rin ng karapatang-sipi, tulad ng mga miyural at poster. Ang isang retratong nakikinabang sa kalayaang ito ay maaaring gamitin o ilathala sa anumang paraan (kahit pangkomersiyo) nang hindi lumalabag sa karapatang-sipi ng mga nabanggit na gawa.

Ipinaliliwanang ang kalayaan sa panorama sa seksiyong 62 ng Batas ng Karapatang-ari, mga Disenyo at Patente ng 1988 (Copyright, Designs and Patents Act 1988).[60] Mas-malawak ang sakop nito kung ihahambing sa katumbas na mga probisyong kalayaan sa panorama sa ibang mga bansa, at pumapahintulot sa mga retratistang kumuha ng mga retrato ng mga gusali, na binigyang-kahulugan sa seksiyong 4(2) bilang "anumang nakapirming estruktura, at bahagi ng isang gusali o nakapirming estruktura." Walang rekisito na dapat nasa pampublikong lugar ang isang gusali, o nakalimita lamang ang kalayaan sa panorama sa panlabas na mga tanawin ng gusali.

Lilok na Angel of the North sa Gateshead, kondado ng Tyne and Wear, obra ni Sir Antony Gormley. Sakop ito ng kalayaan sa panorama ng Reyno Unido.

Pinapayagan din ang mga retrato ng ilang mga obra na palagiang matatagpuan sa isang pampublikong lugar o sa mga premisang bukas sa publiko, tulad ng mga lilok, modelo ng mga gusali, at "mga obra ng masining na pagkakagawa" ("works of artistic craftsmanship"). Ayon sa pamantayang akdang sanggunian hinggil sa karapatang-ari, Copinger and Skone James, marahil kasali sa pahayag na "bukas sa publiko" ang mga premisang pinapapasok lamang ang publiko sa pamamagitan ng lisensiya o bayarin.[61] Gayunpaman, mas-malawak pa rin ito sa kahulugan ng "pampublikong lugar" sa ibang mga bansa, at walang restriksiyon sa mga gawang nasa lantad na lugar.

Sa ilalim ng pampook na pakikitungo sa karapatang-ari sa UK, ibinukod ang kahulugan ng "mga obra ng masining na pagkakagawa" sa mga "gawang grapiko" (graphic works), at hindi sumasakop sa huling nabanggit ang kalayaan sa seksiyong 62. Binibigyang-kahulugan sa seksiyong 62 ang mga "gawang grapiko" bilang anumang mga pinta, drowing, dayagram, mapa, tsart o plano, anumang klitse, etching,[b] litograpiya, lilok na yari sa kahoy, o anumang kahalintulad na gawa. Ayon sa nararapat, hindi maaaring kunan ng retrato ang mga gawa o obrang ito, pati ang mga miyural at poster, kahit na palagiang nakapuwesto ang mga ito sa isang pampublikong lugar.

Hindi pa naitatag sa mga korte ang konsistenteng batayang kaso para sa tiyak na kahulugan ng "obra ng masining na pagkakagawa", ngunit ipinahihiwatig sa Copinger na dapat na kapuwang artesano at alagad ng sining ang taong lumikha ng naturang obra.[62] Mahalaga ang katibayan sa mga layunin ng lumikha ng gawa, at ayon sa kasong Hensher v Restawile [1976] AC 64 sa House of Lords, "may katuturan at mahalaga ito, bagamat hindi isang pangunahing konsiderasyon," kung ang lumikha ay may mulat na pakay sa paglikha ng isang obra. Hindi kinakailangang ilarawan ang isang gawa bilang fine art. Sa gayong kaso, may binigay na mga halimbawa na karaniwang mga obra na maituturing na "obra ng masining na pagkakagawa": mga baldosang pininta ng kamay, kinulayang mga salamin ng bintana, mga tarangkahang yari sa hinubog na bakal, at mga produkto ng de-kalidad na pag-imprenta, kubyertos, paghahabi, at paggawa ng aparador.

Ang ibang mga obrang binanggit sa Copinger na pinaniniwalaang nakapaloob sa kahulugang ito ay mga suweter na habing-kamay at yari sa lana, telang teksturado nang husto kasama na ang mga elementong tatlong-dimensiyonal, mga losa, at mga kasangkapan sa paghahain ng pagkain. Ang kaugnay na mga kaso ay (ayon sa pagkakasunod-sunod): Bonz v Cooke [1994] 3 NZLR 216 (Bagong Selanda), Coogi Australia v Hyrdrosport (1988) 157 ALR 247 (Australya), Walter Enterprises v Kearns (Zimbabwe) noted at [1990] 4 EntLR E-61, at Commissioner of Taxation v Murray (1990) 92 ALR 671 (Australya).

Ang Design and Artists Copyright Society at Artquest ay nagbibigay ng karagdagang kabatiran hinggil sa kalayaan sa panorama sa Reyno Unido.[63][64]

Hindi naglalaman ng probisyong kalayaan sa panorama ang Intellectual Property Act, No. 36 of 2003, sa talaan ng mga limitasyon sa karapatang-sipi sa Seksiyong 12.[65] Pinawalang-bisa ng batas ang Code of Intellectual Property Act No. 52 of 1979, na may probisyon ng isang limitadong kalayaan sa panorama sa Seksiyong 13(d) na nagbigay sa mga gumagawa ng pelikula at tagapagsahimpapawid sa telebisyon ng karapatang magpalarawan ng mga likha ng sining at arkitektura "na palagiang matatagpuan sa isang lugar kung saang maaaring tingnan ang mga ito ng publiko."[66]

Ipinaliliwanang ang kalayaan sa panorama sa Suwisa sa artikulong 27 ng kanilang Urheberrechtsgesetz.[67] Nakasaad dito na maaaring ilarawan ang mga likhang panghabambuhay na matatagpuan sa pampublikong mga espasyo para sa anumang layunin, hangga't hindi sa anyong tatlong-dimensiyonal ang imahen ng likha at hindi maaaring gamitin ang imaheng ito "sa layuning kapareho sa unang layunin [ng likha]."

Taiwan (Republika ng Tsina o ROC)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Taipei 101, na dinisenyo nina arkitektong Chu-Yuan Lee at C. P. Wang.

Tinitiyak ng Batas ng Karapatang-ari ng Republika ng Tsina ang bahagyang kalayaan sa panorama sa pampublikong mga lugar. Pinahihintulutan ng Artikulong 58 ang paggamit ng mga likhang sining at likhang pang-arkitektura na nasa pampublikong mga lugar, ngunit itinadhana na ang paggamit ng mga likhang sining ay hindi para lamang sa layuning pagbebenta ng mga sipi. Nakasaad sa Artikulong 64 ng parehong Batas na dapat malinaw na itukoy ng mga gagamit ng gayong mga likha ang pinagmulan ng mga ito, tulad ng pangalan ng manlilikha.[68]

Dahil sa kawalan ng kalayaan sa panorama sa Timog Aprika, kailangang sensurin ang bantayog ni Nelson Mandela sa Pretoria

Walang ganap na kalayaan sa panorama sa Timog Aprika. Inilalahad sa Artikulong 15 (3) ng Batas ng Karapatang-ari ng Timog Aprika (1978) ang mga hindi pagsasali ng proteksiyong karapatang-sipi sa masining na mga gawa, ngunit binanggit lamang dito ang paggamit ng mga sipi sa mga pelikula, telebisyon, at mga "serbisyong pangkomunikasyon." Ngunit binigyang-kahulugan sa Artikulong 1 ang "serbisyong pangkomunikasyon" bilang isang tiyak na serbisyo sa telekomunikasyon, hindi sa potograpiya.[69] Dahil diyan, maaaring ituring na paglabag sa karapatang-sipi ang pagkuha ng mga retrato ng mga gusali o mga obra sa pampublikong mga lugar.[70]

Nagbibigay ng tadhanang kalayaan sa panorama ang Artikulong 35(2) ng batas ng karapatang-ari ng Timog Korea, subalit limitado lamang ito sa mga layuning di-komersiyal. Isinasaad ng probisyon na maaaring gamitin ang mga obra at ibang mga likha na palagiang matatagpuan sa bukas na mga lugar para sa anumang layunin, maliban sa mga kasong "ginawa ang pagsisipi para sa tangkang pagbebenta ng mga siping ito."[71]

May isang kaso kaugnay sa kalayaan sa panorama sa Timog Korea noong 2008, hinggil sa paggamit ng isang production company ng isang gusali ng teatro sa isang patalastas nang walang pahintulot. Ipinasya ng Hukuman ng Distritong Sentral ng Seoul na nilabag ng Pomato Co., Ltd. ang karapatang-sipi ni arkitekto Min Gyu-am sa "UV House", na matatagpuan sa Paju at tinapos noong 2004, sa pamamagitan ng pagsasali nila ng gusali bilang elementong background sa isang patalastas pantelebisyon at pang-Internet ng Kookmin Bank noong 2005. Nakatanggap ang arkitekto ng bayad para sa arkila sa lugar, ngunit hindi siya nagbigay ng pahintulot ng paggamit ng karapatang-sipi ng gusaling ito. Matapos mailabas ang mga patalastas, sinabi ng arkitekto na ginamit nila ang obrang pang-arkitektura nang walang pahintulot mula sa kaniya, kaya humingi siya ng bayad-pinsala. Sa unang paglilitis, ipinasya ng Hukumang ng Distritong Sentral ng Seoul na maliit na bahagi ng gusali lamang ang ginamit patalastas at hindi ang kabuoang gusali, kaya hindi maituturing na paglabag ito ng karapatang-sipi.[72] Noong Nobyembre 7, 2008, sa ikalawang paglilitis, sumang-ayon ang parehong panig sa kabayaran. Dahil diyan, winakasan ang ikalawang paglilitis nang walang pasya, sa pamamamagitan ng mediasyon.[73]

Tsina, Republikang Bayan ng (PRC)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Eskulturang May Wind (五月的风雕塑) sa Liwasang Ika-apat na Mayo ng lungsod ng Qingdao

Nagbibigay ng sapat na kalayaan sa panorama ang Artikulo 22(10) ng batas ng karapatang-ari ng Tsina. Ayon dito, pinahihintulutan ang paggamit ng isang obra "na matatagpuan o naka-displey sa isang panlabas na pampublikong lugar" sa pamamagitan ng pagguhit, potograpiya, o bidyograpiya nang walang pahintulot mula sa o remunerasyon sa mayhawak ng karaptang-sipi, "sa kondisyong itutukoy ang pangalan ng manlilikha at pamagat ng obra."[74]

Ayon sa isang liham tugon mula sa Kataas-taasang Hukumang Bayan hinggil sa kaso ng eskulturang "May Wind" sa Qingdao, kahit na para sa pakinabang (profit) ito, ang muling paggamit ng nabanggit na gawa ay isang patas na paggamit,[75] ngunit pinagtatalunan ng pamayanang akademiko ang pagiging tumpak ng pagpapasyang ito,[76] at may pangyayari ring "magkaibang mga pasiya" sa paghatol sa usaping ito.[77]

Dahil sa kaugnay na mga palakad ng isang bansa, dalawang mga sistema, hindi ipinatutupad ang nasabing mga batas sa Hong Kong at Macau.[78][79]

Toreng Bank of China, dinisenyo ni arkitekto I. M. Pei (namatay noong 2019)

Tinitiyak ng Kautusang Karapatang-ari ng Hong Kong ang kalayaan sa panorama sa pampublikong mga lugar. Kumakapit ito sa kapuwa mga likhang tatlong-dimensiyonal at masining na pagkakagawa. Pinahihintulutan ng mga regulasyon sa Artikulong 71 ang pagsipi at pamamahayag ng larawan ng mga gusali, lilok, modelo ng mga gusali, at mga masining na pagkakagawa, at hindi isang pagsuway sa karapatang-sipi ang pampublikong pagbabahagi ng gayong mga larawan. Gayunpaman, nakasaad sa Seksiyong 5 na iba ang mga obra ng masining na pagkakagawa (works of artistic craftsmanship) sa gawang grapiko (graphic work), at ibig sabihin nito hindi sakop ng tadhanang kalayaan sa panorama ang huling binanggit na uri ng gawa, na maaring pinta, drowing, dayagram, o mga gawang klitse, litograpo, grabado sa kahoy, atbp..[80]

Tinitiyak ng Derekto Blg. 43/99/M ang kalayaan sa panorama sa pampublikong mga lugar. Pinapayagan ng Artikulong 61 ang pagkuha ng mga obra na nakalagay sa pampublikong mga lugar sa pamamagitan ng potograpiya o bidyograpiya.[81][82] Gayunpaman, sinasabi sa Artikulong 62 na hindi dapat makompromiso ng kalayaang ito ang mga kapakanan ng gawa at ng mayhawak ng karapatang-sipi nito, at kailangang itukoy ang manlilikha at pangalan ng obra hangga't maari.[83]

Umiiral ang kalayaan sa panorama sa Seksiyong 15(1)(f) ng The Copyright and Neighbouring Rights Act, 2006 ng Uganda, na isinasaad na maaaring isipi at ikomunika sa madla ang mga likhang arkitektura at sining na palagiang matatagpuan sa pampublikong lugar, sa pamamagitan ng potograpiya, mga likhang audiobiswal, at pagsasahimpapawid sa telebisyon. Malawak ang kahulugan ng "pampublikong lugar" sa ilalim ng Seksiyong 2 ng batas, at nagngangahulugan itong "anumang gusali o daanan na ang publiko ay may pansamantalang karapatan o pahintulot para makapasok, may bayad man o wala." Kabilang dito ang mga sinehan, restoran, pasilidad ng palakasan, at liwaliwan (resorts).[84]

United Arab Emirates

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Hindi nagbibigay ng kalayaan sa panorama ang Artikulo 22(7) ng Federal Law No. 38 of 2021 on Copyrights and Neighboring Rights. Pinahahintulutan lamang nito ang pagpapakita ng mga fine art, mga obrang napapakinabangan, mga obrang hinulma, at mga obrang pang-arkitektura na palagiang matatagpuan sa pampublikong mga lugar "sa mga brodkast" lamang.[85] Ang Artikulo 22(7) ng pinawalang-bisa na Federal Law No. 7 of 2002 on Copyrights and Neighboring Rights ay nagbibigay ng kawangis na limitadong karapatang-ligal.[86]

Unyong Europeo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Katayuan ng kalayaan sa panorama sa Europa
  Okey, kasama ang mga gusali, obra at mga pampublikong loob ng mga gusali
  Okey, kasama ang mga gusali at obra, ngunit hindi okey sa mga pampublikong loob ng mga gusali
  Okey para lamang sa mga gusali
  Hindi okey
  Okey, kasama ang mga gusali, obra at ilang mga loob ng mga gusali
  Hindi tiyak

Sa Unyong Europeo, inilalaan ng Direktiba 2001/29/EC ang posilibilidad para sa kasaping mga estado na magkaroon ng sugnay hinggil sa kalayaan sa panorama sa kanilang mga batas ng karapatang-ari, ngunit hindi ito sapilitan.[87][88]

Ipinaliliwanang ang Panoramafreiheit sa artikulong 59 ng Urheberrechtsgesetz.[89] Ayon sa 59(1), "mapapahintulutang isipi, sa pamamagitan ng pinta, drowing, potograpiya, o sinematograpiya, ang mga obra na palagiang matatagpuan sa pampublikong mga daanan, kalye, o lugar at maipamahagi at maikomunika ang gayong mga sipi. Para sa mga likhang pang-arkitektura ang tadhanang ito ay umiiral lamang sa panlabas na anyo."

Isang halimbawa ng paglilitis dahil sa sari-saring pagbabatas sa EU ay ang Hundertwasserentscheidung (pasiyang Hundertwasser), isang kaso sa Alemanya na naipanalo ni Friedensreich Hundertwasser laban sa isang kompanyang Aleman hinggil sa paggamit ng isang retrato ng isang gusaling Awstriyan.[90]

Atomium sa Bruselas

Ipinatupad ang kalayaan sa panorama sa Belhika noong 2016. Ipinasa ng kanilang lehislatura ang probisyong XI.190 2/1° na idinagdag sa kanilang batas ng karapatang-ari, ang Kodigo ng Batas Ekonomiko (Code of Economic Law) noong Hunyo 27, 2016, at sinimulan ang pagpapatupad nito noong Hulyo 15, 2016, pagkaraang nilagdaan ito ng kanilang hari at nilathala ito sa kanilang opisyal na lathalaing State Gazette.[91][92]

Nakasaad sa probisyong ito na hindi maaaring hadlangan ng mga manlilikha (maaaring mga arkitekto o arteista) "ang reproduksiyon at komunikasyon sa publiko ng mga obrang biswal, grapiko, at pang-arkitektura na nilayong ipuwesto nang palagian sa pampublikong lugar, sa kondisyong tulad ng sa pagsasalarawan nito ang reproduksiyon at komunikasyon sa publiko ng naturang gawa at hindi magdudulot ang nasabing reproduksiyon at komunikasyon sa publiko ng di-makatuwirang pinsala sa tunay na karapatan ng manlilikha."[91]

Kasunod ng pagpasa nito, malaya na ang pagkuha ng mga retrato ng tanyag na Atomium sa Bruselas, pati na ang paglathala ng mga retrato nito sa anumang midya, kabilang na ang midyang komersiyal at hatirang pangmadla, nang hindi inalalahanan ang maaaring hakbanging ligal mula sa mga eredero/eredera ng lumikha nitong si André Waterkeyn.[91][93]

Ayon sa Artikulong 24(2) ng batas ng karapatang-ari ng Dinamarka, maaring isipi ang anumang obrang matatagpuan sa pampublikong lugar sa pamamagitan ng mga larawan (tulad ng mga retrato) ngunit kung ang layunin ay hindi pangkomersiyo. Sa Artikulong 24(3) naman nakasaad na maaring isipi nang malaya ang mga gusali sa kaanyuang larawan, sa anumang layunin.[94]

Sinalang retrato ng The Little Mermaid

Hindi pa rin ganap ang kalayaan sa panorama sa Dinamarka para sa mga obrang hindi pang-arkitektura. Protektado ang karapatang-sipi sa lilok na The Little Mermaid, obra ni Edvard Eriksen (namatay 1959), hanggang taong 2034, at kilalang litihiyoso ang pamilya ng manlililok.[93] Pinagmultahan ang ilang mga pahayagang Dinamarkes dahil sa paggamit ng mga retrato ng lilok nang walang pahintulot mula sa pamilyang Eriksen. Itinuturing na komersiyal ang layunin ng midya sa bansa. Winika ni Søren Lorentzen, photo editor ng Berlingske na kabilang sa mga pahayagang pinagmultahan, "Gumamit kami ng isang retrato nang walang pahintulot. Iyon ay malinaw na paglabag sa batas ng karapatang-ari, kahit na nahihirapan akong intindihin kung bakit hindi maaring gumamit ang sinuman ng mga retrato ng isang pambansang yaman gaya ng Little Mermaid nang hindi lumalabag sa batas ng karapatang-ari." Depensa ni Alice Eriksen, ang apo ng manlililok, ang gayong pagbabawal ay pagtalima lamang sa mga batas ng bansa. Dagdag pa niya, "pareho lamang ito sa pagtanggap ng bayad kapag itinutugtog ang isang awit."[95][96]

Isinasaad ng Artikulong 55 ng Copyright and Related Rights Act ng Eslobenya na "Ang mga likhang palagiang matatagpuan sa mga parke, kalye, liwasan, o ibang mga lugar na pangkalahatang mapupuntahan ng publiko ay maaaring gamitin," ngunit ipinagbabawal ito kung ang layon ng paggamit ay upang kumita.[97] Subalit sa gawa, nagngangahulugan itong ang mga bagay sa pampublikong espasyo, tulad ng mga gusali at rebulto, na protektado pa ng karapatang-sipi ay maaaring kunan ng retrato para lamang sa pansariling gamit kung walang pahintulot mula sa mga manlilikha ng gayong mga obra, at ipinagbabawal ang paglathala ng gayong mga larawan sa isang portada ng turismo (tourism portal) o sa isang pahayagan (sapagkat itinuturing na komersiyal ang paglilimbag ng mga pahayagan).[98]

Nagbibigay ng tadhanang kalayaan sa panorama ang batas ng karapatang-ari ng Espanya. Nakasaad sa Artikulo 35(2) na "ang mga likha na palagiang matatagpuan sa mga parke, kalye, liwasan o iba pang pampublikong mga daanan ay maaaring sipiin, ipamahagi at iparating nang malaya sa pamamagitan ng mga pinta, drowing, retrato, at mga pamamaraang audiobiswal."[99]

Limitado ang kalayaan sa panorama sa Estonya sa di-komersiyal na paggamit ng mga larawan ng mga likhang pang-arkitektura, sining biswal, sining na napapakinabangan, at retrato na panghabambuhay na matatagpuan sa mga lugar na napapasukan ng publiko. Makikita ang probisyon sa Seksiyon 20¹ ng kanilang batas ng karapatang-sipi. Gayundin, hindi dapat maging pangunahing mga paksa ng mga larawan ang nasabing mga likha. May isang napakalimitadong probisyon para sa komersiyal na paggamit ng arkitektura na makikita sa Seksiyon 20²; limitado lamang ito sa mga "real estate advertisement".[100]

Hindi umiiral ang kalayaan sa panorama sa Gresya. Nagbibigay lamang ng maghigpit ngunit hindi malinaw na eksepsiyon ang kanilang batas ng karapatang-sipi, ang Batas Blg. 2121/1993 sa Karapatang-sipi, Kaugnay na mga Karapatan, at mga Bagay Pangkalinangan, na huling inamyenda noong 2021. Pinahihintulutan lamang ang "paminsan-minsang pagsisipi at pagkomunika ng midyang pangmadla ng mga larawan ng mga likhang pang-arkitektura, pinong sining, retrato, o mga sining na napapakinabangan na panghabambuhay na nakapuwesto sa pampublikong mga lugar."[101]

Walang umiiral na kalayaan sa panorama sa Italya.[102] Sa kabila ng maraming opisyal na mga protesta[103] at isang pambansang inisyatibang[104] pinamunuan ng abogadong si Guido Scorza at mamamahayag na si Luca Spinelli (na tinampok ang usapin),[102] pinagbabawal pa rin ang paglalathala ng pagsisiping potograpiko ng pampublikong mga lugar, alinsunod sa lumang mga batas ng karapatang-ari ng bansa.[105][106] Mayroon din isang batas na kung tawagi'y "Codice Urbani" na buhat pa sa 2004. Bukod sa ibang mga tadhana, nakasaad dito na upang makapaglathala ng mga larawan ng "pangkalinangang mga bagay" (cultural goods, sa teoriya lahat ng mga bagay at lugar na may katangiang pangkalinangan at pansining tulad ng mga gusali) para sa mga layuning pangkomersiyo, kailangan munang kumuha ng pahintulot mula sa pampook na sangay ng Ministeryo ng mga Sining at Pamanang Pangkultura, ang Soprintendenza.

Walang ganap na kalayaan sa panorama sa Latbiya. Sa Tsapter V ng kanilang Batas ng Karapatang-ari ("Autortiesību likums"), nakasaad na maaring gamitin ang anumang larawan ng isang obrang biswal at pang-arkitektura para lamang sa mga sumusunod na layunin: pansarili, pang-impormasyon sa balitaan o mga palatuntunan hinggil sa kasalukuyang mga pangyayari (current affairs), at mga akdang hindi pangkomersiyo.[107]

Walang kalayaan sa panorama sa Luksemburgo. Pinahihintulutan ng Artikulong 10(7°) ng kanilang batas ng karapatang-sipi ang pagsasalarawan ng pampublikong obra na matatagpuan sa mga lugar na mapapasukan ng publiko, kung ang mga likhang iyon "ay hindi pangunahing paksa ng pagsisipi o komunikasyon."[108]

May sapat na kalayaan sa panorama sa Polonya, na tinitiyak ng Artikulong 33(1) ng Act on Copyright and Related Rights. Nakasaad dito na "mapapahintulutan ang pamamahagi ng mga obrang palagiang nakapuwesto sa madaraanang mga daan, kalye, liwasan, o hardin, ngunit hindi sa parehong paggamit." Ang pamamahagi ay sa pamamagitan ng paggamit ng mga retrato o malarawang representasyon ng mga obra (tulad ng mga gusali at pampublikong lilok) sa anumang midya, kabilang ang komersiyal na mga larong bidyo. Dahil hindi katulad sa orihinal na pakay ng pagtatatag ng isang obra ang layunin ng isang retrato ng naturang obra (tulad ng isang gusaling pang-opisina, isang shopping mall, o isang tulay), ito ay isang mapapahintulutang paggamit sa ilalim ng batas ng karapatang-ari ng bansa.[109]

Limtado ang kalayaan sa panorama ng Pinlandiya pagdating sa pampublikong sining. Matatagpuan ang probisyon sa ikatlo at ika-apat na mga talata ng Artikulong 25a ng kanilang batas ng karapatang-sipi. Hindi maaaring kunan ng retrato ang mga likhang panghabambuhay na matatagpuan sa pampublikong mga lugar para sa mga layuning komersiyal kapag naging pangunahing mga paksa ng mga retrato ang nasabing mga likha. Ngunit pinahihintulutan ng nasabing probisyon ang mga tagapaglathala ng mga pahayagan at magasin na gamitin nang lubos ang pampublikong sining, sa kondisyong may katuwang na mga kapsiyon ang nilathalang mga larawan. Salungat sa alituntuning ito ang malayang pagkuha ng mga retrato ng mga gusali, na walang anumang mga paghihigpit sa mga layunin ng mga tagagamit.[110]

Magmula noong Oktubre 7, 2016, inilalaan ng artikulong L122-5 ng Kodigo ng Ari-Ariang Intelektuwal ng Pransiya ang isang limitadong kalayaan sa panorama para sa mga gawa ng arkitektura at lilok. Pinahihintulutan ng kodigo ang "mga sipi at representasyon ng mga obra ng arkitektura at lilok na palagiang nakapuwesto sa pampublikong mga lugar (voie publique) at nilikha ng mga likas na tao [en],[c] maliban sa anumang paggamit na may katangiang pangkomersiyo".[111]

Malamig noon ang mga mambabatas at politikong Pranses sa pagtanggap ng kalayaan sa panorama; tinawag pa ni Patrick Bloche, dating kasapi ng Pambansang Asambleya, na "amendement Wikipédia" ang kalayaan sa panorama noong 2011.[112]

Sinalang mga larawan ng Piramide ng Louvre (sa kaliwa, dinisenyo ni I. M. Pei) at Grande Arche (sa kanan, dinisenyo ni Johan Otto von Spreckelsen), kapuwa protektado pa rin ng karapatang-sipi

May matinding dulot ang gayong mga paghihigpit sa kalayaan sa panorama sa Pransiya sa mga artikulo ng Wikipedia hinggil sa arkitektura ng bansa. Nakasanayan na ng mga tagapangasiwa sa Wikimedia Commons na burahin ang anumang mga retrato ng bagong mga arkitekturang Pranses, sa kabila ng mga pagbabago sa batas, dahil hindi pinahihintulutan ng Commons ang mga retrato ng mga obrang pang-arkitektura ng mga bansang ipinagbabawal ang komersiyal na paggamit.

Protektado ng karapatang-sipi ang samo't-saring mga arkitekturang kontemporaryo ng Pransiya, at maaring maging paglabag sa karapatang-sipi ang pagsipi ng mga retratista, tagagawa ng pelikula, disenyador grapiko, at iba pang mga tagagamit mula sa ikatlong panig na may layuning pangkomersiyo na walang pahintulot mula sa arkitekto o entidad na ipinalipatan niya ng kaniyang karapatang patrimonyal o ekonomiko. Ipinasiya sa dalawang hiwalay na mga kaso noong 1990 na ang hindi awtorisadong mga postkard na nagpapakita ng Grande Arche at La Géode bilang pangunahing mga paksa ay lumalabag sa karapatang-sipi. Ilan pa sa kilalang mga gusaling protektado ng karapatang-sipi ay ang Piramide ng Louvre, ang Opéra Bastille, at ang bagong mga gusali ng Bibliothèque nationale de France.[113]

Place des Terreaux na may suplementaryong pagsasali ng mga obra tulad ng inayos na Puwente Bartholdi [en] at ng 14 na mga haliging granito

Gayunpaman, ikinokonsidera ng hurisprudensiyang Pranses na hindi lumalabag sa karapatang-sipi ang isang pagsisipi kapag ito ay isang elementong "aksesorya" o suplementaryo sa kabuoang paksa na inilalarawan nito. Sa isang kaso noong 2005 hinggil sa mga postkard ng Place des Terreaux ng Lyon, pinairal ng Cour de cassation (katumbas ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas) ang mga pasiya ng mas-mababang mga hukuman sa pansuplementaryong pagsasali ng makabagong mga instalasyong artistiko ng plasa sa mga postkard. Ayon sa kanila, humalo ang mga obrang ito sa pampublikong dominyo na arkitektura sa palibot ng liwasan, at "ang obra ay pangalawa lamang sa paksang inilalarawan", ang plasa mismo.[113]

Matatagpuan sa Artikulong 75, talata 2, puntong q. ng Code of Authors' Rights and Neighbouring Rights ng Portugal ang kalayaan sa panorama para sa mga obra nila. Sakop nito ang panghabambuhay na mga obra sa pampublikong mga lugar tulad ng arkitektura at mga lilok. Ngunit kinakailangang ipatungkol sa manlilikha at itukoy ang pangalan ng obra sa bawat malayang paggamit ng anumang larawan o bidyo ng gayong obra, alinsunod sa Artikulong 76, talata 1, puntong a..[114]

Sinalang retrato ng Palasyo ng Parlamento sa Bucharest, Romania

Walang ganap na kalayaan sa panorama sa Romania. Nakatala sa Artikulo 35 ng Tsapter VI ("Mga Limitasyon sa Pagpapatupad ng Karapatan ng Manlilikha") ng kanilang batas sa karapatang-ari ang mga gawain na hindi na nangangailangan ng pahintulot mula sa manlilikha at pagbayad ng remunerasyon sa kanila. Ayon sa (f), maaring isipi, ipamahagi, at magkomunika sa publiko ang mga larawan ng mga likhang arkitektura, lilok, retrato, at applied art na palagiang matatagpuan sa pampublikong lugar, maliban na lamang kung ang larawan ng likhang iyon ay siyang pangunahing paksa ng pagsisipi, pamamahagi, o pagkomunikasyon, at kung ang larawang ito ay ginamit sa mga layuning pangkomersiyo.[115]

Dinemanda ng mga tagapagmana ni Anca Petrescu, arkitekto ng napakalaking Palasyo ng Parlamento, ang Parlamento ng Romania dahil sa pagbebenta ng mga retrato at ibang mga paalaala (souvenir) kalakip ang larawan ng masagisag na gusali.[116] Kasalukuyang isinasagawa pa rin ang paglilitis hinggil sa pagsuway sa karapatang-sipi na ginawa ng Parlamento.[117][better source needed]

Noong Abril 4, 2016, nagpasiya ang Kataas-taasang Hukuman ng Suwesya [en] na nilabag ng Wikimedia Sweden ang karapatang-sipi ng mga alagad ng sining ng pampublikong obra sa pamamagitan ng paglikha ng isang websayt at database ng pampublikong mga obra sa Suwesya na naglalaman ng mga larawan ng pampublikong obra na ikinarga o inupload ng publiko.[118][119][120] Taglay ng batas ng karapatang-ari ng Suwesya ang isang kataliwasan sa tanging karapatan ng mayhawak ng karapatang-sipi upang madaling makakita ng publiko ang pampublikong obra.[121]:2-5 Gumamit ang Kataas-taasang Hukuman ng Suwesya ng isang restriktibong pananaw ng kataliwasang ito sa karapatang-sipi.[121]:6 Ipinasiya ng Hukuman na walang halagang pangkomersiyo ang database, para sa kapuwang nagpapatakbo nito o sa mga gumagamit ng database, at ang "halagang ito ay dapat na mapanatili sa mga manlilikha ng mga obra. Wala nang kaugnayan kung may layuning pangkomersiyo ang nagpapatakbo ng database."[121]:6 Ibinalik ang kaso sa isang mababang hukuman upang malaman ang pinsalang may pananagutan ang Wikimedia Sweden sa Bildkonst Upphovsrätt i Sverige (BUS), isang ahensiya ng pangasiwaan ng kolektibong mga karapatan [en] na naglunsad ng demanda alang-alang sa mga alagad ng sining na kumakatawan sa kanila.[121]:2,7

Nakasaad sa Artikulo 68(1) ng batas ng karapatang-ari ng Unggarya na maaaring gumawa at gamitin ang mga pagsasalarawan ng fine arts, mga sining pang-arkitektura at sining na napapakinabangan (applied arts) na palagiang matatagpuan sa pampublikong lantad na mga lugar, nang walang pahintulot mula at remunerasyon sa mga manlilikha ng nasabing mga obra.[122]

Mga bansang bahagi rati ng Unyong Sobyet

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Walang kalayaan sa panorama ang halos lahat ng mga bansang kabahagi ng dating Unyong Sobyet, puwera na lamang sa tatlong mga bansa na kamakailang binago ang kanilang mga batas ng karapatang-ari. Ang una ay Moldova noong Hulyo 2010, nang pinareho nila ang kanilang batas ng karapatang-ari sa mga pamantayang EU.[123] Sinundan sila ng Armenya noong Abril 2013 kalakip ng isinapanahong batas sa karapatang-ari ng Armenya.[124]

Bahagyang ipinasa ang tadhanang kalayaan sa panorama sa Rusya noong Oktubre 1, 2014; mula sa araw na iyon, maaring kumuha ang sinuman ng mga retrato ng mga gusali at hardin na makikita mula sa pampublikong mga lugar, ngunit hindi kasali rito ang mga lilok at iba pang mga likhang tatlong-dimensiyonal.[125]

Mga bansang kasapi ng OAPI

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Limitado ang kalayaan sa panorama sa ilalim ng Organisation Africaine de la Propriété Intellectuelle (OAPI), na binubuo ng mga kasaping-bansa na Benin, Burkina Faso, Cameroon, Republika ng Gitnang Aprika, Chad, Comoros, Congo, Baybaying Garing, Equatorial Guinea, Gabon, Guinea, Guinea-Bissau, Mali, Mauritania, Niger, Senegal, at Togo. Alinsunod sa Annex VII, Part I, Article 16 ng Kasunduang Bangui, pinahihintulutan ang pamamahagi at pagpapakalat ng mga larawan ng arkitektura, pinong sining, retrato, o sining na napapakinabangan na palagiang matatagpuan sa pampublikong mga lugar, pero hindi sa mga layuning pangkomersiyo kapag naging pangunahing mga paksa ng mga larawan ang nabanggit na mga likha.[126]

Mga likhang dalawang-dimensiyonal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa mga bansa sa mundo, iba-iba ang tiyak na saklaw ng pahintulot na ito para makalikha ng mga retrato ng pampublikong mga lugar nang hindi na kailangang mag-alala hinggil sa mga gawang protektado ng karapatang-sipi na nasa larawan.[1] Sa karamihan ng mga bansa, tumutukoy lamang ito sa mga larawan ng mga likhang tatlong-dimensiyonal[127] na palagiang nakapuwesto sa isang pampublikong lugar, ang karaniwang ibig sabihin ng "palagian" ay "para sa likas na tanang buhay ng gawa."[67][128] Sa Suwisa, pinapayagan ang pagkuha at paglathala ng mga larawan ng mga likhang dalawang-dimensiyonal tulad ng mga miyural (mga larawang nakapinta sa pader) o graffiti, ngunit ang gayong mga larawan ay hindi maaring gamitin para sa layuning kapareho sa mga orihinal.[67]

Pampublikong espasyo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Maraming mga batas ay may mailap na pagkakaiba ukol sa pampublikong espasyo (public space) at pampribadong ari-arian. Sa Austria walang kaugnayan sa pahintulot na kalayaan sa panorama ang kinaroroonan ng retratista ,[1] ngunit sa Alemanya ang gayong pahintulot ay kumakapit lamang kapag ang larawan ay kinunan mula sa pampublikong lupa, at walang karagdagang mga gamit tulad ng mga hagdan, platapormang pambuhat, eroplano, atbp.[89] Sa ilang pagkakataon, umaabot din ang saklaw ng pahintulot sa tunay na mga lupang pampribado, halimbawa ay ang pampribadong mga liwasan at kastilyo na mapapasukan ng publiko at walang kontroladong mga pasukan, subalit may katakdaan na maaaring humingi ang may-ari ng bayad para sa komersiyal na paggamit ng mga larawan.[129]

Sa maraming mga bansa sa Silangang Europa nililimitahan lamang ng mga batas ng karapatang-ari ang pahintulot na ito sa hindi-komersiyal na paggamit ng mga larawan.[130]

Mayroon ding pandaigdigang mga pagkakaiba sa tiyak na kahulugan ng isang "pampublikong espasyo." Sa maraming mga bansa, kinabibilangan lamang nito ang mga espasyo sa labas (halimbawa, sa Alemanya),[89] habang kasama naman sa ilan sa ibang mga bansa ang espasyo sa loob tulad ng pampublikong mga museo (halimbawa nito ay ang kaso sa UK[60] at sa Rusya).[131]

  1. Halimbawang mga patunay sa mga pagbura: ganap na bagong mga estruktura - SM Mall of Asia; mga estrukturang nilikha o ginawa ng mga alagad ng sining na maaring buhay pa o pumanaw na ngunit hindi pa umaabot sa 50 taon ang nakararaan mula nang sila'y pumanaw - Oblation ng Unibersidad ng Pilipinas at Bantayog ng SAF 44 sa Angeles.
  2. Etching - sa kahulugan ng GabbyDictionary, ito ay ang "pagdidisenyo o pagguhit sa metal na gamit ang asido"
  3. Likas na tao (natural person) - sa konteksto ng batas, isang indibiduwal na tao, taliwas sa isang ligal tao (legal person) na maaari isang pampribado (iyan ay, entidad sa negosyo o organisasyong di-pampamahalaan) o pampublikong (iyan ay, pamahalaan) organisasyon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Seiler, D.: Gebäudefotografie in der EU – Neues vom Hundertwasserhaus Naka-arkibo 2007-09-30 sa Wayback Machine., in Photopresse 1/2 (2006), p. 16. URL last accessed 2007-09-20.
  2. 2.0 2.1 2.2 Rosnay, Mélanie Dulong de; Langlais, Pierre-Carl (2017-02-16). "Public artworks and the freedom of panorama controversy: a case of Wikimedia influence". Internet Policy Review. 6 (1). ISSN 2197-6775. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-01-18. {{cite journal}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Intellectual Property Code of the Philippines (Republic Act No. 8293) (2015 Edition)". Intellectual Property Office of the Philippines. Nakuha noong 3 Hunyo 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Luật Sở hữu trí tuệ sửa đổi 2022". Nakuha noong Oktubre 14, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Brunei. "Emergency (Copyright) Order, 1999" (PDF). WIPO Lex. Nakuha noong Mayo 23, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Cambodia (2003). "Law on Copyright and Related Rights" (PDF). WIPO Lex. Nakuha noong Mayo 23, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Indonesia. "Law of the Republic of Indonesia No. 28 of 2014 on Copyright" (PDF). WIPO Lex. Nakuha noong Mayo 12, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Lao People's Democratic Republic. "Law on Intellectual Property" (PDF). SB Law. Nakuha noong Mayo 23, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "COPYRIGHT ACT 1987" (PDF). Intellectual Property Corporation of Malaysia (sa wikang Ingles). 2012-07-01. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2016-10-29. Nakuha noong 2016-10-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 祁希元, pat. (2006-10-01). 马来西亚经济贸易法律指南 (sa wikang Tsino). 曲三强 (ika-1 (na) edisyon). 中国法制出版社. p. 152. ISBN 978-7-80226-571-4. Nakuha noong 2016-10-29.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "COPYRIGHT ACT 1987" (PDF). Singapore Statutes Online (sa wikang Ingles). 1987-02-20. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2016-10-29. Nakuha noong 2016-10-29. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Thailand. "Copyright Act B.E. 2537 (1994) (as amended up to Copyright Act B.E. 2561 (2018))" (PDF). WIPO Lex. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Mayo 14, 2021. Nakuha noong Mayo 14, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. 13.0 13.1 Copyright Act 1968 (Cth)
  14. "Street Art & Copyright". Information Sheet G124v01. Australian Copyright Council. Setyembre 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-22. Nakuha noong 2016-05-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Street photographer's rights". Arts Law Information Sheet. Arts Law Centre of Australia. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-06-30. Nakuha noong 2016-05-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Photographers & Copyright" (PDF) (ika-17 (na) edisyon). Australian Copyright Council. Enero 2014. p. 7. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2014-07-02. Nakuha noong 2014-10-28. You will generally need permission to photograph other public art, such as murals.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Dickison, Mike; White, Bruce (Hulyo 9, 2020). "Yes, street art is on public display — but that doesn't mean we should share it without credit". The Conversation. Nakuha noong Marso 18, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Cook, Charlotte (Disyembre 30, 2019). "Artist Xoë Hall outraged over work featured on calendar's cover". Radio New Zealand. Nakuha noong Marso 18, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Marcelo Frullani Lopes (23 Agosto 2014). "Representação do Cristo Redentor em filme não pode ser vetada" (sa wikang Portuges). apesar de a área ser de propriedade privada, o acesso público ao local não é restrito. Não se pode ignorar, também, que o Cristo Redentor integra a paisagem do Rio de Janeiro. Por esse ponto de vista, o local em que a obra se encontra deve ser considerado logradouro público para fins de aplicação desse dispositivo.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "LEI Nº 9.610, DE 19 DE FEVEREIRO DE 1998". Presidência da República (sa wikang Portuges). Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-10-28. Nakuha noong 2016-10-29. Art. 48. As obras situadas permanentemente em logradouros públicos podem ser representadas livremente, por meio de pinturas, desenhos, fotografias e procedimentos audiovisuais.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "Law No. 9610 of February 19, 1998, on Copyright and Neighboring Rights" (PDF). World Intellectual Property Organization (sa wikang Ingles). 1998-02-19. p. 12. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2016-04-08. Nakuha noong 2016-10-29. 48. Works permanently located in public places may be freely represented by painting, drawing, photography and audiovisual processes.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Newell, Bryce Clayton (2011). "Freedom of Panorama: A Comparative Look at International Restrictions on Public Photography". Creighton Law Review (sa wikang Ingles). 44: 421. ISSN 0011-1155. Nakuha noong 2016-10-29. Brazilian copyright law provides very broad panorama freedom. Indeed, Article 48 of Law No. 9610 of February 19, 1998, on Copyright and Neighboring Rights provides{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "Don't be violated — protect plans with copyrights". Seattle Daily Journal and DJC.COM. 2009. Nakuha noong 3 Hunyo 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. "17 U.S. Code § 120 - Scope of exclusive rights in architectural works". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-04-19. Nakuha noong 2016-04-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "17 U.S. Code § 101". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-04-30. Nakuha noong 2016-04-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. "37 CFR 202.11(b)". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-07. Nakuha noong 2016-04-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. "Gaylord v. United States, 595 F.3d 1364 (Fed. Cir. 2010)" (PDF). Nakuha noong Disyembre 21, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. D'Ambrosio, Dan (Setyembre 20, 2013). "Korea memorial sculptor wins copyright case". USA Today. Nakuha noong Disyembre 21, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. Rein, Lisa (Pebrero 10, 2015). "Court upholds $540,000 judgment against USPS for Korean War stamp". Washington Post. Nakuha noong Disyembre 21, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. "Gaylord v. U.S." Finnegan, Henderson, Farabow, Garrett & Dunner, LLP. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-01-21. Nakuha noong Disyembre 21, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. "Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2014-04-19. Nakuha noong 2020-12-21.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. "The United States v Davidson—Copyright infringement of a Replica Statue of Liberty. Copyright for creative copycats?". Infusion Lawyers. Nakuha noong Pebrero 24, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. Masnick, Mike (Abril 12, 2017). "The Bull Statue Copyright Claim Is Ridiculous... But Here's Why It Just Might Work". Techdirt. Nakuha noong Pebrero 8, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. Kennedy, Randy (Setyembre 23, 2006). "Arts, Briefly; Sculptor Files Lawsuit Against Wal-Mart". New York Times. Nakuha noong Marso 3, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. "Suit Alleges Illegal Use of 'Charging Bull' Image". Los Angeles Times. Setyembre 22, 2006. Nakuha noong Marso 3, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. "Artist sues Random House in NYC over book cover". Auction Central News. Agosto 4, 2009. Nakuha noong Marso 3, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. Bowerman, Mary; McCoy, Kevin (Abril 12, 2017). "'Charging Bull' artist says 'Fearless Girl' violated his rights". USA Today. Nakuha noong Pebrero 24, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. Cushing, Tim (Setyembre 12, 2014). "Sculptor Says 'Capitalism' Drives His Aggressive Enforcement Of Rights To Publicly-Funded 'Portlandia' Statue". Techdirt. Nakuha noong Marso 5, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. Locanthi, John (Setyembre 9, 2014). "So Sue Us: Why the Portlandia Statue Failed to Become an Icon". Willamette Week. Nakuha noong Marso 5, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. "LEY DE DERECHO DE AUTOR Y DERECHOS CONEXOS Y SUS REFORMAS DECRETO NO. 33-98" (PDF). Ministerio de Economía (sa wikang Kastila). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2022-11-18. Nakuha noong Nobyembre 22, 2022. ARTÍCULO 64.40 Respecto de las obras ya divulgadas también es permitida, sin autorización del autor, además de lo dispuesto en el artículo 32: ... d) La reproducción para uso personal de una obra de arte expuesta en forma permanente en lugares públicos o en la fachada exterior de edificios, ejecutada por medio de un arte que sea distinto al empleado para la elaboración del original, siempre que se indique el nombre del autor, si se conociere, así como el título de la obra, si lo tiene, y el lugar donde se encuentra.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. Honduras. "Ley del Derecho de Autor y de los Derechos Conexos (aprobada por Decreto Nº 4-99-E, y según modificada por el Decreto N° 16-2006)" (PDF). WIPO Lex (sa wikang Kastila). Nakuha noong Nobyembre 22, 2022. ARTÍCULO 52. Es lícita, para uso personal, la reproducción de una obra de arte expuesta permanentemente en las calles, plazas u otros lugares públicos, por medio de un arte diverso al empleado para la elaboración del original. Respecto de los edificios, dicha facultad se limita a la fachada exterior.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. "TEXTO CONSOLIDADO, LEY DE DERECHO DE AUTOR Y DERECHOS CONEXOS". Asamblea Nacional de la República de Nicaragua (sa wikang Kastila). Nakuha noong Nobyembre 22, 2022. Artículo 43. Las obras situadas permanentemente en parques, calles, plazas u otras vías públicas pueden ser reproducidas, sin autorización del autor, por medio de la pintura, el dibujo, la fotografía y las grabaciones audiovisuales para uso personal. En cuanto a las obras de arquitectura, el artículo anterior sólo se aplicará a su aspecto exterior.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. "Ley sobre Derechos de Autor y Derechos Conexos N° 6683". Sistema Costarricense de Información Jurídica (sa wikang Kastila). Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-11-22. Nakuha noong Nobyembre 22, 2022. Artículo 71°. – Es lícita la reproducción fotográfica o por otros procesos pictóricos, cuando esta reproducción sea sin fines comerciales, de las estatuas, monumentos y otras obras de arte protegidas por derechos de autor, adquiridos por el poder público, expuestos en las calles, los jardines y los museos.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  44. El Salvador. "Ley de Propiedad Intelectual (modificada por el Decreto Legislativo N° 611, de 15 de febrero de 2017)" (PDF). WIPO Lex (sa wikang Kastila). Nakuha noong Nobyembre 22, 2022. Art. 45. – Respecto de las obras ya divulgadas lícitamente, es permitida sin autorización del autor ni remuneración: ... f) La reproducción de una obra de arte expuesta permanentemente en las calles, plazas u otros lugares públicos, por medio de un arte diverso al empleado para la elaboración del original. Respecto de los edificios, dicha facultad se limita a la fachada exterior.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. "Ley 64 de 10 de Octubre de 2012 Sobre Derecho de Autor y Derechos Conexos". Cerlalc (sa wikang Kastila). Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-11-22. Nakuha noong Nobyembre 22, 2022. Artículo 69. También en relación con las obras ya divulgadas lícitamente se permite sin autorización del autor: ... 3. La reproducción, emisión por radiodifusión o transmisión pública por cable de la imagen de una obra arquitectónica, de una obra de las bellas artes, de una obra fotográfica o de una obra de artes aplicadas que se encuentre situada en forma permanente en un lugar abierto al público. Respecto a los edificios, esta facultad se limita a la fachada exterior.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  46. "COPYRIGHT ACT CHAPTER 252 REVISED EDITION 2000" (PDF). BELIPO. Nakuha noong Nobyembre 22, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  47. Japan. "Copyright Act (Act No. 48 of May 6, 1970, as amended 2020)". WIPO Lex. Nakuha noong Mayo 9, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  48. 著作権法. 法令データ提供システム (sa wikang Hapones). 2008-05-27. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-10-28. Nakuha noong 2016-10-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  49. 著作権侵害差止等請求事件 (PDF). 裁判所 (sa wikang Hapones). 大阪地方裁判所. 2003-07-08. p. 12. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2016-10-29. Nakuha noong 2016-10-29. 著作権法により「建築の著作物」として保護される建築物は、同法2条1項1号の定める著作物の定義に照らして、美的な表現における創作性を有するものであることを要することは当然である。したがって、通常のありふれた建築物は、著作権法で保護される「建築の著作物」には当たらないというべきある。{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  50. 建築に関する著作物について. 村田法律事務所 (sa wikang Hapones). Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-09-01. Nakuha noong 2016-10-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  51. 著作物とは. 虎ノ門法律特許事務所著作権法相談室 (sa wikang Hapones). Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-10-29. Nakuha noong 2016-10-29. 岡本太郎の「太陽の塔」などは、一般的には建築の著作物ではなく、美術の著作物であると言えます。{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  52. Iceland. "Höfundalög nr. 73/1972 frá 29. maí 1972 (eins og henni var síast breytt með lögum nr. 88/2019 frá 27. júní 2019)" (PDF). WIPO Lex (sa wikang Islandes). Nakuha noong Mayo 12, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  53. India. "Copyright Act, 1957 (Act No. 14 of 1957, as amended up to Act No. 27 of 2012)" (PDF). WIPO Lex. Nakuha noong Mayo 10, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  54. Israel. "Copyright Act, 2007 (as amended on July 28, 2011)" (PDF). WIPO Lex. Nakuha noong Mayo 10, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  55. "Law on the Protection of Literary and Artistic Property (No. 75 of April 3, 1999)" (PDF). Saba & Co. Intellectual Property. Nakuha noong Nobyembre 23, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  56. Mehiko. "Ley Federal del Derecho de Autor (texto refundido publicado en el Diario Oficial de la Federación el 01 de julio de 2020)". WIPO Lex (sa wikang Kastila). Nakuha noong Hulyo 12, 2021. Artículo 148. - Las obras literarias y artísticas ya divulgadas podrán utilizarse, siempre que no se afecte la explotación normal de la obra, sin autorización del titular del derecho patrimonial y sin remuneración, citando invariablemente la fuente y sin alterar la obra, sólo en los siguientes casos:...VII. Reproducción, comunicación y distribución por medio de dibujos, pinturas, fotografías y procedimientos audiovisuales de las obras que sean visibles desde lugares públicos.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  57. "Copyright Act 2022" (PDF). Policy and Legal Advocacy Centre (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Hunyo 8, 2023. Nakuha noong Hulyo 3, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  58. Norway. "LOV-2018-06-15-40: Lov om opphavsrett til åndsverk m.v. (åndsverkloven) (konsolidert versjon av 20. desember 2018)". WIPO Lex (sa wikang Noruwego). Nakuha noong Disyembre 23, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  59. Pakistan. "The Copyright Ordinance, 1962 (Act No. XXXIV)" (PDF). WIPO Lex (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 23, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  60. 60.0 60.1 Lydiate, Henry. "Advertising and marketing art: Copyright confusion". Artquest. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-10-27. Nakuha noong 2020-05-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Tingnan din: "Section 62 of the Copyright, Designs and Patents Act 1988". Office of Public Sector Information. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-12-10. Nakuha noong 2020-05-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  61. Copinger and Skone James on Copyright. Bol. 1 (ika-17th (na) edisyon). Sweet & Maxwell. 2016. paragraph 9-266.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  62. Copinger and Skone James on Copyright. Bol. 1 (ika-17th (na) edisyon). Sweet & Maxwell. 2016. paragraph 3-129.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  63. "Sculpture and works of artistic craftmanship on public display". DACS. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Abril 2021. Nakuha noong 27 Nobyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  64. Lydiate, Henry (1991). "Advertising and marketing art: Copyright confusion". Artquest. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-04-27. Nakuha noong 2020-12-12.{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  65. "INTELLECTUAL PROPERTY ACT, No. 36 OF 2003" (PDF). National Intellectual Property Office. Nakuha noong Hulyo 13, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  66. Sri Lanka. "Code of Intellectual Property Act No. 52 of 1979 (as amended by Act No. 30 of 1980, No. 2 of 1983, No. 17 of 1990, No. 13 of 1997 and No. 40 of 2000)" (PDF). WIPO Lex. Nakuha noong Hulyo 13, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  67. 67.0 67.1 67.2 Rehbinder, Manfred (2000). Schweizerisches Urheberrecht (ika-3rd (na) edisyon). Berne: Stämpfli Verlag. p. 158. ISBN 3-7272-0923-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Tingnan din: "URG (Switzerland)" (sa wikang Aleman). Nakuha noong Pebrero 11, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  68. "著作權法". 全國法規資料庫 (sa wikang Tsino). 2014-01-22. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-10-29. Nakuha noong 2016-10-29. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  69. "COPYRIGHT ACT" (PDF). Companies and Intellectual Property Office (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2016-03-03. Nakuha noong 2016-10-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  70. "Copyright: Wiki Loves Monuments Notice!". mapmyway.co.za (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-10-29. Nakuha noong 2016-10-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  71. Republic of Korea. "Copyright Act (Act No. 432 of January 28, 1957, as amended up to Act No. 15823 of October 16, 2018)". WIPO Lex. Nakuha noong Mayo 9, 2021. {{cite web}}: |archive-url= requires |archive-date= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  72. Seoul Central District Court, Decision of 12 September 2007, 2006GaDan208142.
  73. "[2008년 분야별 중요판례분석] (21)지적재산권". Beomnyul Sinmun (법률신문) (sa wikang Koreano). Agosto 6, 2009. Nakuha noong Hulyo 12, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  74. China. "Copyright Law of the People's Republic of China (as amended up to the Decision of February 26, 2010, by the Standing Committee of the National People's Congress on Amending the Copyright Law of the People's Republic of China)". WIPO Lex. Nakuha noong Mayo 9, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  75. 中华人民共和国最高人民法院 (2004-08-24). 最高人民法院关于对山东省高级人民法院《关于山东天笠广告有限责任公司与青岛海信通信有限公司侵犯著作权纠纷一案的请示报告》的复函  (sa wikang Tsino) – sa pamamagitan ni/ng Wikisource.{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  76. 孟, 奇勋 (2013-06). "室外艺术作品合理使用司法认定标准之反思". 武汉理工大学学报(社会科学版) (sa wikang Tsino). 武汉理工大学期刊社. 26 (3): 457. doi:10.3963/j.issn.1671-6477.2013.03.025. ISSN 1671-6477. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-02-22. Nakuha noong 2016-10-28. 当前,学术界对室外艺术作品合理使用的认定标准尚未形成共识,主要体现在对商业性使用是否属于合理使用的认识有所不同。部分学者坚持认为不能将营利性再使用纳入合理使用制度范围。 {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong); Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong); Unknown parameter |trans_title= ignored (|trans-title= suggested) (tulong)
  77. 詹, 启智; 张, 灵溪 (2014). "室外公共场所艺术作品合理使用探析". 法制与社会 (sa wikang Tsino). 云南法制与社会杂志社 (22): 267–269. doi:10.3969/j.issn.1009-0592.2014.22.133. ISSN 1009-0592. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-02-05. Nakuha noong 2016-10-28. {{cite journal}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  78. "中華人民共和國香港特別行政區基本法" (PDF). 基本法 (sa wikang Tsino). 香港特別行政區政府政制及內地事務局. 2015-03. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2015-11-17. Nakuha noong 2016-10-28. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)
  79. "中華人民共和國澳門特別行政區基本法". 澳門特別行政區政府印務局 (sa wikang Tsino). 1999-12-20. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-04-26. Nakuha noong 2016-10-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  80. "第528章 《版權條例》" (PDF). 律政司: 雙語法例資料系統 (sa wikang Tsino). 1997-06-30. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2016-04-11. Nakuha noong 2016-10-29. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  81. "第43/99/M號法令". 澳門特別行政區政府印務局 (sa wikang Tsino). 1999-08-16. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-23. Nakuha noong 2016-10-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  82. 马, 海涛; 李, 亮 (2006-11). "中国内地与澳门著作权法律制度之比较研究". 国际法学法理与实践 (sa wikang Tsino) (ika-1 (na) edisyon). 中国法制出版社. pp. 401–402. ISBN 978-7-80226-323-9. Nakuha noong 2016-10-29. {{cite book}}: Check date values in: |date= (tulong)
  83. "葡韻惹火遭禁拍攝建築物實在無理" (sa wikang Tsino). 市民日报. 2016-08-23. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-10-29. Nakuha noong 2016-10-29.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  84. Uganda. "The Copyright and Neighbouring Rights Act, 2006" (PDF). WIPO Lex. Nakuha noong Oktubre 3, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  85. "Federal Decree-Law no. (38) of 2021" (PDF). Ministry of Economy of the United Arab Emirates. Setyembre 20, 2021. Nakuha noong Hulyo 4, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  86. United Arab Emirates. "Federal Law No. 7 of 2002 on Copyrights and Neighboring Rights". WIPO Lex. Nakuha noong Mayo 7, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  87. N.N. "Panoramafreiheit". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-04-18. Nakuha noong 2020-05-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Tingnan din Article 5(3)(h) of 2001/29/EC.
  88. "The IPKat". ipkitten.blogspot.co.uk. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-06-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  89. 89.0 89.1 89.2 Seiler, David (2001-06-24). "Fotografieren von und in Gebäuden". visuell. p. 50. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-09-30. Nakuha noong 2020-05-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Tingnan din: "§59 UrhG (Germany)" (sa wikang Aleman). Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-02-23. Nakuha noong 2007-09-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  90. "Rechtsprechung – BGH, 05.06.2003 - I ZR 192/00". dejure.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-08-20. Nakuha noong 2020-05-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  91. 91.0 91.1 91.2 "Belgium: Freedom of panorama – a new copyright exception". Setyembre 27, 2016. Nakuha noong Disyembre 15, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  92. "THERE IS NOW FREEDOM OF PANORAMA IN BELGIUM". Hulyo 19, 2016. Nakuha noong Disyembre 15, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  93. 93.0 93.1 Hull, Craig. "Freedom of Panorama – What It Means for Photography". Nakuha noong Disyembre 15, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  94. "Consolidated Act on Copyright (Consolidated Act No. 1144 of October 23, 2014)" (PDF). WIPO Lex (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 20, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  95. "Denmark's icon... that we can't show you". The Local. Agosto 16, 2014. Nakuha noong Disyembre 20, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  96. Burgett, Gannon (Agosto 20, 2014). "If You Try to Publish a Picture of this Statue in Denmark, You'd Better be Ready to Pay Up". PetaPixel. Nakuha noong Disyembre 20, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  97. "Zakon o avtorski in sorodnih pravicah (uradno prečiščeno besedilo) (ZASP-UPB3)". Uradni list RS (sa wikang Eslobeno) (16/2007): 1805. Pebrero 23, 2007.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  98. Cerar, Gregor (Hulyo 5, 2015). "Ali bo Unija omejila objavo slik javnih stavb na družbenih omrežjih?" (sa wikang Eslobeno). MMC RTV Slovenija.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  99. Spain. "Consolidated Text of the Law on Intellectual Property, Regularizing, Clarifying and Harmonizing the Applicable Statutory Provisions (approved by Royal Legislative Decree No. 1/1996 of April 12, 1996, and amended up to Royal Decree-Law No. 26/2020 of July 7, 2020)". WIPO Lex (sa wikang Kastila). Inarkibo mula sa orihinal noong Septiyembre 28, 2021. Nakuha noong Setyembre 28, 2021. Las obras situadas permanentemente en parques, calles, plazas u otras vías públicas pueden ser reproducidas, distribuidas y comunicadas libremente por medio de pinturas, dibujos, fotografías y procedimientos audiovisuales. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  100. "Autoriõiguse seadus". Riigi Teataja (sa wikang Estonyo). Nakuha noong Pebrero 17, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  101. "Law 2121/1993". Hellenic Copyright Organization. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 31, 2022. Nakuha noong Disyembre 31, 2022. The occasional reproduction and communication by the mass media of images of architectural works, fine art works, photographs or works of applied art, which are sited permanently in a public place.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  102. 102.0 102.1 Spinelli, Luca. "Wikipedia cede al diritto d'autore". Punto Informatico. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-09-29. Nakuha noong 2020-05-18.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  103. Grillini, Franco. "Interrogazione - Diritto di panorama" [Interrogation - panorama right]. Grillini.it (sa wikang Italyano). Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-10-25. Nakuha noong 2020-05-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  104. Scorza, Guido; Spinelli, Luca (2007-03-03). "Dare un senso al degrado" (PDF). Rome. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2009-07-08. Nakuha noong 2020-05-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  105. "Legge 22 aprile 1941 n. 633" (sa wikang Italyano). Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-12-23. Nakuha noong 2020-05-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  106. "Decreto Legislativo 22 gennaio 2004, n. 42" (sa wikang Italyano). Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-10-24. Nakuha noong 2020-05-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  107. "Autortiesību likums" (sa wikang Latvian).
  108. "Loi du 18 avril 2001 sur les droits d'auteur, les droits voisins et les bases de données". Legilux (sa wikang Pranses). Nakuha noong Disyembre 21, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  109. Marcinoska, Lena (Oktubre 22, 2015). "Freedom of panorama". In Principle - Codozasady.pl. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-01-16. Nakuha noong Disyembre 28, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  110. "8.7.1961/404". FINLEX (sa wikang Pinlandes). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-01-28. Nakuha noong Nobyembre 23, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  111. "Article 5, section 11 of Code on Intellectual Property". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-01-27. Nakuha noong 2016-12-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  112. "Débats de l'Assemblée nationale sur l'amendement 22 « panoramas » au projet de loi sur la copie privée (23/11/11)".
  113. 113.0 113.1 Lipovetsky, Sabine; de Dampierre, Emmanuèle (Mayo 24, 2012). "The protection of the image of a building under French law: where judges create law" (PDF). Journal of Intellectual Property Law & Practice. Oxford University Press. Nakuha noong Marso 23, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  114. Nobre, Teresa (Hunyo 2016). "Best Case Scenarios for Copyright: Freedom of Panorama in Portugal" (PDF). COMMUNIA. Nakuha noong Enero 12, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  115. "LEGEA nr. 8 din 14 martie 1996 (*republicată*)". Ministerul Justiției (sa wikang Rumano). Nakuha noong Marso 22, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  116. "Bătălia pentru imaginea Palatului Parlamentului. Decizia luată de OSIM". Stirileprotv.ro (sa wikang Rumano). Marso 15, 2018. Nakuha noong Mayo 6, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  117. "Taking photos of the Palace of Parliament can be considered illegal". Pandects dpVUE (sa wikang Ingles). Oktubre 8, 2018. Nakuha noong Disyembre 19, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  118. Falkvinge, Rick (2016-04-04). "Supreme Court: Wikimedia violates copyright by posting its own photos of public, taxpayer-funded art". Privacy Online News. Los Angeles, CA, USA. Nakuha noong 2016-09-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  119. "Wikimedia Sweden art map 'violated copyright'". BBC News. 2016-04-05. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-09-23. Nakuha noong 2016-09-09.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  120. Paulson, Michelle (2016-04-04). "A strike against freedom of panorama: Swedish court rules against Wikimedia Sverige". Wikimedia Foundation blog. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-09-21. Nakuha noong 2016-09-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  121. 121.0 121.1 121.2 121.3 Bildupphovsrätt i Sverige ek. för. v. Wikimedia Svierge (Supreme Court of Sweden 04-04-2016). Teksto
  122. "Act LXXVI of 1999 on copyright" (PDF). Hungarian Intellectual Property Office. 2018. Nakuha noong Disyembre 3, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  123. Eugene Stuart; Eduardo Fano; Linda Scales; Gerda Leonaviciene; Anna Lazareva (Hulyo 2010). "Intellectual Property Law and Policy. Law approximation to EU standards in the Republic of Moldova" (PDF). IBF International Consulting, DMI, IRZ, Nomisma, INCOM, Institute of Public Policy. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2015-06-30. Nakuha noong 2015-06-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  124. "Legislation: National Assembly of RA" (sa wikang Armenian). parliament.am. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-07-01. Nakuha noong 2015-06-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  125. "О внесении изменений в части первую, вторую и четвертую Гражданского кодекса Российской Федерации и отдельные законодательные акты Российской Федерации. Статья 3, cтраница 2". State Duma (sa wikang Ruso). 2014-03-05. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-06-30. Nakuha noong 2015-06-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  126. "ORGANISATION AFRICAINE DE LA PROPRIETE INTELLECTUELLE (OAPI) – ACCORD DE BANGUI INSTITUANT UNE ORGANISATION AFRICAINE DE LA PROPRIETE INTELLECTUELLE, ACTE DU 14 DECEMBRE 2015" (PDF) (sa wikang Pranses). p. 153. Nakuha noong Enero 2, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  127. Tingnan ang e.g. Lydiate.
  128. Dix, Bruno (2002-02-21). "Christo und der verhüllte Reichstag". Inarkibo mula sa orihinal noong 2002-07-22. Nakuha noong 2020-05-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  129. "Decision of the German Federal Court in favour of the Stiftung Preußische Schlösser und Gärten, December 17, 2010". Juris.bundesgerichtshof.de. 2010-12-17. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-10-14. Nakuha noong 2012-07-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  130. Tingnan ang Rusya bilang halimbawa: Elst, Michiel (2005). Copyright, Freedom of Speech, and Cultural Policy in the Russian Federation. Leiden/Boston: Martinus Nijhoff. p. 432f. ISBN 90-04-14087-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  131. Elst p. 432, footnote 268. Tingnan din article 1276 of part IV of the Civil Code Naka-arkibo 2012-06-07 sa Wayback Machine. (in force as of January 1, 2008), na nagbibigay-linaw rito.
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ilang mga pahinang Wikimedia na tumatalakay sa kalayaan sa panorama