Kalayaan sa panorama

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kalayaan ng panorama)
Jump to navigation Jump to search
Isang larawan na nagpapakita ng mga eskultura ni Sergej Alexander Dott, tinawag na Himmelsblumen at ginawa noong 2003, na matatagpuan malapit sa estasyong Gleisdreieck ng metro ng Berlin, Alemanya. Angkop sa mga probisyon ng kalayaan sa panorama sa bansa ang paglathala nito sa pamamagitan ng malayang lisensiya.
Walang kalayaan sa panorama sa Timog Aprika, kaya kinakailangang sensurin ang estatwang ito dahil sakop ito ng mahigpit na kahulugan ng batas ng karapatang-ari sa bansa.

Ang kalayaan sa panorama (Ingles: freedom of panorama, dinaglat na FOP) ay isang tadhana sa mga batas ng karapatang-ari ng maraming mga hurisdiksiyon na nagpapahintulot sa pagkuha ng mga retrato at bidyo at paglikha ng ibang mga larawan (tulad ng mga pinta) ng mga gusali at kung minsan mga lilok at ibang mga gawang sining na palagiang matatagpuan sa isang pampublikong lugar nang hindi lumalabag sa anumang karapatang-ari na maaaring manatili sa gayong mga gawa, at ang paglalathala ng gayong mga larawan.[1][2] Nililimitahan ng mga batas o kaso ng batas ng kalayaan sa panorama ang mga may-ari ng karapatang-ari sa paggawa ng ligal na hakbang dahil sa paglabag ng karapatang-ari laban sa mga tagalikha o tagapamahagi ng gayong mga larawan. Isa itong kataliwasan sa karaniwang alituntunin na ang may-ari ng karapatang-ari ay may tanging karapatan sa pagbibigay ng kapangyarihan sa paglikha at pamamahagi ng mga hinangong gawa (derivative works). Hango ang parirala sa salitang Aleman na Panoramafreiheit ("kalayaan sa panorama" o "panorama freedom" sa Ingles).

Mga batas sa palibot ng mundo[baguhin | baguhin ang batayan]

Maraming mga bansa ang may kahalintulad na mga tadhana nililimitahan ang saklaw ng batas ng karapatang-ari upang malinaw na payagan ang mga retratong nagpapakita ng mga tanawin ng pampublikong mga lugar o tanawing kinunan mula sa pampublikong mga lugar. Ngunit magkaiba ang kahulugan ng mga bansa hinggil sa prinsipyong kalayaan sa panorama.[1]

Katayuan ng kalayaan sa panorama sa buong daigdig para sa mga larawang ginagamit sa mga layuning pangkomersiyo. Nakapula ang Pilipinas kaya maituturing na walang kalayaan sa panorama sa bansa.

Pilipinas[baguhin | baguhin ang batayan]

Dambana ni Bonifacio sa Maynila, na nakasensor dahil hindi pa paso ang karapatang-ari nito (ang lumikha nito, si Eduardo Castrillo, ay pumanaw noong 2016, at mapapaso lamang ang karapatang-ari nito 50 taon pagkaraan ng pagpanaw ni Castrillo)

Nakasaad sa Seksiyong 172 ng Kodigo ng Ari-Ariang Intelektuwal ng Pilipinas (Intellectual Property Code of the Philippines o Batas Republika Blg. 8293), nakapamagat na "Literary and Artistic Works", na protektado ng karapatang-ari ang mga "likhang sining", tulad ng arkitektura at eskultura. Walang anumang probisyon ng kalayaan sa panorama sa Seksiyong 184 ("Limitations on Copyright") na nagtatala ng mga gawaing hindi itinuturing na paglabag sa karapatang-ari ng mga gumawa o nagdisenyo ng mga gusali, eskultura, atbp. mga gawang masining, ngunit nagbibigay ang probisyong (d) ng kataliwasan sa karapatang-ari kung ang reproduksiyon ng "mga gawang pampanitikan, pansiyentipiko, at pansining" ay "bilang bahagi ng pag-ulat ng kasalukuyang mga kaganapan sa pamamagitan ng potograpiya, sinematograpiya, o pagbobrodkast hanggang sa kinakailangang saklaw para sa layuning ito." Ang probisyong (e) naman ay nagbibigay ng probisyong patas na paggamit (fair use) sa pagsasali ng isang akda o gawa sa "isang publikasyon, brodkast, o ibang uri ng komunikasyon sa madla," kung para lamang sa layunin ng pagtuturo.[3]

Kapuwa ay hindi itinuturing na malaya para sa Wikimedia Commons, ang imbakan ng mga talaksang (files) nasa malayang mga lisensiya o pampublikong dominyo, tulad ng mga retratong ginagamit sa Wikipedia. Nakasanayan na ng pamunuan nito na magbura ng mga retratong ng bagong mga estruktura sa bansa, tulad ng mga gusali, lilok, bantayog, at memoryal.[a] Ito ay dahil hindi pinapayagan sa Wikimedia Commons ang mga talaksang pasok lamang sa tadhanang patas na paggamit.[4]

Australya[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa Australya, tinatalakay ang kalayaan sa panorama sa pederal na Copyright Act 1968, mga seksiyong 65 hanggang 68. Inilalaan ng Seksiyong 65: "Ang karapatang-ari sa isang gawa ... na matatagpuan sa isang pampublikong lugar, o sa mga premisang bukas sa publiko, ay hindi nilalabagan ng paglikha ng isang pinta, drowing, klitse (engraving), o retrato ng gawa o ang pagsasali ng gawa sa isang sinematograpong pelikula o sa isang brodkast pantelebisyon, maliban kung pansamantala lamang (ang kinaroroonan nito)." Kumakapit ito sa anumang "masining na gawa" na binigyang-kahulugan sa talatang (c) ng bahaging 10: isang "obra ng masining na pagkakagawa" (pero hindi isang circuit layout).[5]

Gayunpaman, maaring protektado ng karapatang-ari ang "sining sa kalye."[6][7][8]

Nagbibigay ang Seksiyong 66 ng Batas ang hindi pagsasali sa paglabag sa karapatang-ari ang mga retrato at larawan ng mga gusali at modelo ng mga gusali.[5]

Brasil[baguhin | baguhin ang batayan]

Hinggil sa kaso ng tanyag na rebultong Kristo ang Tagapagtubos, sinabi ni Abogado Frullani Lopes na "bagamat pribado ang pag-aari ng lugar na kinatatayuan nito, hindi hinahadlang ang pampublikong pagpasok, at hindi maipagwawalang-bahala na bahagi ito ng tanawin ng Rio de Janeiro. Sa gayong pananaw, ang lugar na kinatatayuan nito ay dapat na ituring na pampublikong lugar."[9]

Pinapahintulutan sa Artikulong 48 ng batas ng karapatang-ari ng Brazil (Blg. 9.610 / Pebrero 19, 1998) ang malayang pagpinta, potograpiya, at paggawa ng bidyo ng anumang gawa na palagiang nakapuwesto sa isang pampublikong lugar, sa kabila ng pagiging protektado ng karapatang-ari ang gayong mga gawa.[10][11] Ang tadhanang ito ay itinuturing na nagbibigay ng katamtamang malawak na kalayaan sa panorama.[12]

Canada[baguhin | baguhin ang batayan]

Isinasaad ng Seksiyong 32.2(1) ng Batas ng Karapatang-ari (Canada) ang mga sumusunod:

Hindi lumalabag sa karapatang-ari (It is not an infringement of copyright)

(b) ang sinumang sumisipi, sa isang pinta, drowing, klitse, retrato, o gawang sinematograpiko (for any person to reproduce, in a painting, drawing, engraving, photograph or cinematographic work)
(i) ng isang gawang pang-arkitektura, sa kondisyong hindi sa kalikasan ng isang drowing o planong pang-arkitektura ang sipi, o (an architectural work, provided the copy is not in the nature of an architectural drawing or plan, or)
(ii) isang lilok o likha ng masining na pagkakagawa o isang hulma o modelo ng isang lilok o likha ng masining na pagkakagawa, na palagiang matatagpuan sa isang pampublikong lugar o gusali; (a sculpture or work of artistic craftsmanship or a cast or model of a sculpture or work of artistic craftsmanship, that is permanently situated in a public place or building;)

Inilalaan din ng Batas ng Karapatang-ari ang tiyak na proteksiyon para sa nagkataong pagsasali ng isa pang gawa na makikita sa likod ng isang retrato (halimbawa, isang gusali sa malayuang dako ng isang retrato). Hindi lumalabag sa karapatang-ari ang mga retratong kasali ang gayong mga gawa nang "nagkataon at hindi sinadya."

Estados Unidos[baguhin | baguhin ang batayan]

One World Trade Center sa Lungsod ng New York, na nakompleto noong 2013. Bagamat protektado ito ang karapatang-ari dahil may gayong proteksiyon ang lahat ng mga gusaling nakompleto pagkaraan ng Disyembre 1, 1990,[13] maaring kumuha ng retrato nito, pati ang paglathala ng mga larawan nito sa mga midyang komersiyal, dahil sa mga tadhanang kalayaan sa panorama sa Estados Unidos.

Taglay ng batas ng karapatang-ari ng Estados Unidos ang sumusunod na tadhana:

Hindi kasama sa karapatang-ari ng isang gawang pang-arkitektura na nakatayo na ang karapatang hadlangan ang paggawa, pagbabahagi, o pagdidispley sa publiko ng mga larawan, pinta, retrato, o iba pang malarawang mga representasyon ng gawa, kung ang gusali na kumakatawan sa nasabing gawa ay matatagpuan sa o karaniwang makikita mula sa pampublikong lugar.

Ang kahulugan ng "gawang pang-arkitektura" sa kalagayang ito ay isang gusali,[15] na binigyang-kahulugan bilang "mga estrukturang matitirhan ng tao na nilayong maging palagian at hindi nagagalaw (permanent and stationary), tulad ng mga bahay at gusaling pang-opisina, at ibang palagian at nakapirme na mga estrukturang idinisenyo para matutuluyan ng mga tao, kabilang na ang, ngunit hindi limitado sa, mga simbahan, museo, mirador (gazebo), at pabilyon ng hardin."[16]

Gayunpaman, hindi saklaw ng kalayaan sa panorama sa Estados Unidos ang ibang mga obra na nasa karapatang-ari, tulad ng mga lilok. Maaring maging paglabag sa karapatang-ari ng lumikha ng isang obra kapag ginamit ang mga retrato ng kaniyang gawa sa layuning pangkomersiyo.

Isang kilalang kaso ng paglabag sa karapatang-ari ng mga obra sa Estados Unidos ay ang Gaylord v. United States, No. 09-5044. Ito ay hinggil sa paggamit ng United States Postal Service ng isang larawan ng 14 sa 19 na mga estatwa ng sundalo sa Korean War Veterans Memorial para sa kanilang selyo bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng armistisyo ng Digmaang Koreano noong 2003. Walang pahintulot mula kay Frank Gaylord, manlililok ng nasabing obra na kilala bilang The Column, ang naturang paggamit ng U.S. Postal Service ng mga larawan ng kaniyang obra sa kanilang selyong nagkakahalaga ng 37 cents.[17] Inireklamo niya ang U.S. Postal Service noong 2006 dahil sa ginawa nitong paglabag sa kaniyang karapatang-ari sa lilok. Kasama rin sa kaso ang retratista ng larawan na si John Alli, isang dating Marine. Kalaunan, naging maayos ang areglo sa retratista nang pumayag si Alli na magbabayad ng 10% bayad para sa susunod pang mga benta ng kaniyang mga larawan ng lilok.[18][19]

Sa hatol ng Court of Federal Claims noong 2008, ipinasya na hindi nilabag ng U.S. Postal Service ang karapatang-ari ni Gaylord sapagkat pasok umano ito sa "patas na paggamit" (fair use). Gayunpaman, ipinasya ng hukom na hindi sakop ng Architectural Works Copyright Protection Act (AWCPA) ang The Column sapagkat hindi ito isang gawang pang-arkitektura. Umapela ang panig ng manlililok, at noong Pebrero 25, 2010 binaligtad ng Federal Circuit ang naunang pasya hinggil sa patas na paggamit. Hindi maituturing na patas na paggamit ang paggamit ng U.S. Postal Service ng larawan ng The Column sa kanilang selyo sapagkat hindi transformative ang kalikasan nito (pareho ang konteksto at kahulugan ng selyo sa mismong lilok). Mahalaga rin ang presensiya ng obra sa selyo kaya hindi pa rin ito pasok sa patas na paggamit. Maituturing na komersiyal ang layunin ng U.S. Postal Service, dahil kumita ito ng $17 milyon mula sa pagbenta nito ng halos 48 milyong selyong taglay ang larawan ng lilok. Ipinagtibay naman ng Federal Circuit ang naunang pasya ng Court of Federal Claims na hindi isang gawang pang-arkitektura ang The Column. Noong Setyembre 20, 2013, pagkaraang ibinalik ng Federal Circuit ang kaso sa Court of Federal Claims, iginawad ng huling nabanggit na hukuman ang $684,844.94 na halaga ng bayad-pinsala na babayaran ng U.S. Postal Service kay Gaylord.[20][21]

Hapon[baguhin | baguhin ang batayan]

Tinitiyak ng batas ng karapatang-ari ng Hapon ang kaunting kalayaan sa panorama sa pampublikong mga lugar. Sinasabi sa Artikulong 45 ng batas na maaring ipakita sa publiko ang mga gawa ng sining na maaring makita o mapapasukan ng pangkalahatang publiko. Nililinaw ng Artikulong 46 na ang gayong mga gawa ay maaring gamitin para sa mga layuning hindi pangkomersiyo, at maaring gamitin ang mga gawang pang-arkitektura nang walang pakundangan na hindi kinokopya ang mismong gusali.[22] Ipinag-uutos ng Artikulong 48 ang mga gagamit ng gayong mga gawa na tukuyin ang pinagmulan ng nasabing gawa kung mayroon at naaayon sa kaugalian.[23] Makabubuting pansinin ang isang pasya ng Osaka District Tribunal noong 2003, na nagsasabing kasali lamang sa gayong mga "protektadong gawa" na protektado ng batas ang mga gusaling may taglay na mga katangiang estetika at pagkamalikhain.[24] Mayroon ding mga pananaw na nagsasabing dapat ituring na mga gawang pansining ang ilang mga gusali sa Hapon, tulad ng Tore ng Araw [en] na ginamit sa Expo '70 na idinaos sa Suita, Prepektura ng Osaka noong 1970. Nagngangahulugan itong hindi maaaring gamitin sa mga layuning komersiyal ang mga retratong nagpapakita ng mga gusaling ito kahit na may tadhanang kalayaan sa panorama.[25][26]

Malaysia[baguhin | baguhin ang batayan]

Kaliwa: Toreng Petronas na dinisenyo ni arkitekto César Pelli. Kanan: Estatwa ng Merlin sa Kota Kinabalu

Tinitiyak ng Batas ng Karapatang-ari ng 1987 ng Malaysia ang kalayaan sa panorama sa pampublikong mga lugar. Nakasaad sa seksiyong 13(2)(d) na hindi isang paglabag sa karapatang-ari ang reproduksiyon o pamamahagi ng mga kopya ng anumang gawa ng sining na palagiang nakatayo sa isang pampublikong lugar. Tinutukoy ng Seksiyong 3 ang "gawa ng sining" bilang anumang gawang grapiko, retrato, lilok, kolyahe (collage), at gawa ng arkitektura o masining na artesaniya. Hindi kasama sa natatanging tadhanang ito ang mga disenyong plano ng mga sirkitong integrado.[27][28]

Mehiko[baguhin | baguhin ang batayan]

Ayon sa Artikulong 148 sa ilalim ng Pamagat VI ng Kabanata II ("Ukol sa limitasyon sa mga karapatang ekonomiko") ng Pederal na Batas ng Karapatang-ari ng Mehiko:

Ang mga gawang pampanitikan at pansining na ibinunyag na ay maaring gamitin nang walang pagpayag ng may-ari ng mga karapatang ekonomiko at nang walang bayad, sa kondisyong hindi maaapektuhan ang may-ari sa karaniwang paggamit ng gawa, at sa kondisyon ding palagiang babanggitin ang pinagmulan ng gawa at walang mangyayaring pagbabago sa gawa (las obras literarias y artísticas ya divulgadas podrán utilizarse, siempre que no se afecte la explotación normal de la obra, sin autorización del titular del derecho patrimonial y sin remuneración, citando invariablemente la fuente y sin alterar la obra, sólo en los siguientes casos...)

VII. Pagsisipi, talastasan, at pamamahagi sa pamamamgitan ng mga drowing, pinta, retrato, at prosesong audiobiswal ng mga gawang makikita mula sa pampublikong mga lugar (VII. Reproducción, comunicación, y distribución por medio de dibujos, pinturas, fotografías, y procedimientos audiovisuales de las obras que sean visibles desde lugares públicos.)

Reyno Unido[baguhin | baguhin ang batayan]

Estatwa ng Oso ng Paddington sa estasyon ng London Paddington, obra ng eskultor na si Marcus Cornish. Sakop ito ng kalayaan sa panorama ng Reyno Unido.

Sa ilalim ng batas ng Reyno Unido (UK), sumasaklaw ang kalayaan sa panorama sa lahat ng mga gusali pati ang karamihan sa mga gawang tatlong-dimensiyonal na palagiang nakapuwesto sa pampublikong lugar, tulad ng mga lilok. Karaniwang hindi sakop ang kalayaan sa panoramang ito ang mga gawang dalawang-dimensiyonal na nasa karapatang-ari pa rin, tulad ng mga miyural at poster. Ang isang retratong nakikinabang sa kalayaang ito ay maaaring gamitin o ilathala sa anumang paraan (kahit pangkomersiyo) nang hindi lumalabag sa karapatang-ari ng mga nabanggit na gawa.

Ipinaliliwanang ang kalayaan sa panorama sa seksiyong 62 ng Batas ng Karapatang-ari, mga Disenyo at Patente ng 1988 (Copyright, Designs and Patents Act 1988).[29] Mas-malawak ang sakop nito kung ihahambing sa katumbas na mga probisyong kalayaan sa panorama sa ibang mga bansa, at pumapahintulot sa mga retratistang kumuha ng mga retrato ng mga gusali, na binigyang-kahulugan sa seksiyong 4(2) bilang "anumang nakapirming estruktura, at bahagi ng isang gusali o nakapirming estruktura." Walang rekisito na dapat nasa pampublikong lugar ang isang gusali, o nakalimita lamang ang kalayaan sa panorama sa panlabas na mga tanawin ng gusali.

Lilok na Angel of the North sa Gateshead, kondado ng Tyne and Wear, obra ni Sir Antony Gormley. Sakop ito ng kalayaan sa panorama ng Reyno Unido.

Pinapayagan din ang mga retrato ng ilang mga obra na palagiang matatagpyan sa isang pampublikong lugar o sa mga premisang bukas sa publiko, tulad ng mga lilok, modelo ng mga gusali, at "mga obra ng masining na pagkakagawa" ("works of artistic craftsmanship"). Ayon sa pamantayang akdang sanggunian hinggil sa karapatang-ari, Copinger and Skone James, marahil kasali sa pahayag na "bukas sa publiko" ang mga premisang pinapapasok lamang ang publiko sa pamamagitan ng lisensiya o bayarin.[30] Gayunpaman, mas-malawak pa rin ito sa kahulugan ng "pampublikong lugar" sa ibang mga bansa, at walang restriksiyon sa mga gawang nasa lantad na lugar.

Sa ilalim ng pampook na pakikitungo sa karapatang-ari sa UK, ibinukod ang kahulugan ng "mga obra ng masining na pagkakagawa" sa mga "gawang grapiko" (graphic works), at hindi sumasakop sa huling nabanggit ang kalayaan sa seksiyong 62. Binibigyang-kahulugan sa seksiyong 62 ang mga "gawang grapiko" bilang anumang mga pinta, drowing, dayagram, mapa, tsart o plano, anumang klitse, etching,[b] litograpiya, lilok na yari sa kahoy, o anumang kahalintulad na gawa. Ayon sa nararapat, hindi maaaring kunan ng retrato ang mga gawa o obrang ito, pati ang mga miyural at poster, kahit na palagiang nakapuwesto ang mga ito sa isang pampublikong lugar.

Hindi pa naitatag sa mga korte ang konsistenteng batayang kaso para sa tiyak na kahulugan ng "obra ng masining na pagkakagawa", ngunit ipinahihiwatig sa Copinger na dapat na kapuwang artesano at alagad ng sining ang taong lumikha ng naturang obra.[31] Mahalaga ang katibayan sa mga layunin ng lumikha ng gawa, at ayon sa kasong Hensher v Restawile [1976] AC 64 sa House of Lords, "may katuturan at mahalaga ito, bagamat hindi isang pangunahing konsiderasyon," kung ang lumikha ay may mulat na pakay sa paglikha ng isang obra. Hindi kinakailangang ilarawan ang isang gawa bilang fine art. Sa gayong kaso, may binigay na mga halimbawa na karaniwang mga obra na maituturing na "obra ng masining na pagkakagawa": mga baldosang pininta ng kamay, kinulayang mga salamin ng bintana, mga tarangkahang yari sa hinubog na bakal, at mga produkto ng de-kalidad na pag-imprenta, kubyertos, paghahabi, at paggawa ng aparador.

Ang ibang mga obrang binanggit sa Copinger na pinaniniwalaang nakapaloob sa kahulugang ito ay mga suweter na habing-kamay at yari sa lana, telang teksturado nang husto kasama na ang mga elementong tatlong-dimensiyonal, mga losa, at mga kasangkapan sa paghahain ng pagkain. Ang kaugnay na mga kaso ay (ayon sa pagkakasunod-sunod): Bonz v Cooke [1994] 3 NZLR 216 (Bagong Selanda), Coogi Australia v Hyrdrosport (1988) 157 ALR 247 (Australya), Walter Enterprises v Kearns (Zimbabwe) noted at [1990] 4 EntLR E-61, at Commissioner of Taxation v Murray (1990) 92 ALR 671 (Australya).

Ang Design and Artists Copyright Society at Artquest ay nagbibigay ng karagdagang kabatiran hinggil sa kalayaan sa panorama sa Reyno Unido.[32][33]

Singapore[baguhin | baguhin ang batayan]

Tinitiyak ng batas ng karapatang-ari ng Singapore ang kalayaan sa panoramang kumakapit sa mga gawang tatlong-dimensiyonal at ilang mga gawang grapiko. Pinapahintulutan ng Artikulong 63 ng batas ang paggamit ng mga lilok at masining na pagkakagawa na nakatayo sa isang pampublikong lugar nang hindi pansamantala lamang, at hindi nilalabagan ng paggawa ng pinta, drowing, klitse, o retrato ng gawa o pagsasali ng gawa sa isang pelikulang sinematograpo o sa isang brodkast ng telebisyon ang karapatang-ari ng mga gawang ito. Isinasaad sa Artikulong 64 na kumakapit ang gayong kalayaan sa mga gusali o modelo ng gusali, at walang pagbabawal hinggil sa kinaroroonan ng gayong mga estruktura. Gayunpaman, hindi sakop ng kalayaan sa panorama ang mga gawang dalawang-dimensiyonal.[34]

Taiwan (Republika ng Tsina o ROC)[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa ilalim ng mga batas ng karapatang-ari sa Taiwan, hindi isang paglabag sa karapatang-ari ng mga nagtayo at nagdisenyo nito ang pagkuha ng retrato ng Taipei 101, pati na ang paglathala ng mga larawan nito sa anumang midya, kahit sa mga layuning pangkomersiyo. Ang tore ay dinisenyo nina arkitektong Chu-Yuan Lee at C. P. Wang.

Tinitiyak ng Batas ng Karapatang-ari ng Republika ng Tsina ang bahagyang kalayaan sa panorama sa pampublikong mga lugar. Pinapahintulutan ng Artikulong 58 ang paggamit ng mga gawang sining at arkitektura na nasa pampublikong mga lugar, ngunit itinadhana na ang paggamit ng gawang mga sining ay hindi para lamang sa layuning pagbebenta ng mga sipi. Nakasaad sa Artikulong 64 ng parehong Batas na dapat malinaw na itukoy ng mga gagamit ng gayong mga gawa ang pinagmulan ng mga ito, tulad ng pangalan ng may-akda.[35] Sang-ayon sa binanggit na mga reglamento, hindi isang paglabag sa karapatang-ari ang ang pagkuha ng retrato ng isang gusali sa isang pampublikong lugar,[36] ang bunga ng ganitong pagkuha ay maari ring ibukod bilang "mga gawang potograpiko" na isang uri ng gawang nakatala sa Artikulo 5 ng parehong batas, kaya nakakatamasa ang mga gawang ito ng proteksiyon sa karapatang-ari.[37] Ipinaliwanag din ito ng Tanggapan ng Ari-Ariang Intelektuwal ng Ministeryo ng Ugnayang Ekonomiko ng Taiwan. [38]

Timog Aprika[baguhin | baguhin ang batayan]

Dahil sa kawalan ng kalayaan sa panorama sa Timog Aprika, kailangang sensurin ang bantayog ni Nelson Mandela sa Pretoria

Walang ganap na kalayaan sa panorama sa Timog Aprika. Inilalahad sa Artikulong 15 (3) ng Batas ng Karapatang-ari ng Timog Aprika (1978) ang mga hindi pagsasali ng proteksiyong karapatang-ari sa masining na mga gawa, ngunit binanggit lamang dito ang paggamit ng mga sipi sa mga pelikula, telebisyon, at mga "serbisyong pangkomunikasyon." Ngunit binigyang-kahulugan sa Artikulong 1 ang "serbisyong pangkomunikasyon" bilang isang tiyak na serbisyo sa telekomunikasyon, hindi sa potograpiya.[39] Dahil diyan, maaaring ituring na paglabag sa karapatang-ari ang pagkuha ng mga retrato ng mga gusali o mga gawa ng sining sa pampublikong mga lugar.[40]

Tsina, Republikang Bayan ng (PRC)[baguhin | baguhin ang batayan]

Eskulturang May Wind (五月的风雕塑) sa Liwasang Ika-apat na Mayo ng lungsod ng Qingdao

Tinitiyak ng Batas ng Karapatang-Ari ng Republikang Bayan ng Tsina (Copyright Law of the People's Republic of China) ang kalayaan sa panorama sa pampublikong mga lugar. Pinapahintulutan ng Seksiyong 22 ng Batas ang paggamit ng gayong mga gawa (kasali ang mga lilok, pinta, at kaligrapiya) sa makatuwirang paraan at saklaw na hindi nilalabag ang ibang mga karapatan ng mayhawak ng karapatang-ari,[41] sa kondisyong kailangang itukoy ang may-akda at pangalan ng gawa.[42]

Ayon sa isang liham tugon mula sa Kataas-taasang Hukumang Bayan hinggil sa kaso ng eskulturang "May Wind" sa Qingdao, kahit na para sa pakinabang (profit) ito, ang muling paggamit ng nabanggit na gawa ay isang patas na paggamit,[43] ngunit pinagtatalunan ng pamayanang akademiko ang pagiging tumpak ng pagpapasyang ito,[44] at may pangyayari ring "magkaibang mga pasiya" sa paghatol sa usaping ito.[45]

Dahil sa kaugnay na mga palakad ng isang bansa, dalawang mga sistema, hindi ipinatutupad ang nasabing mga batas sa Hong Kong at Macau.[46][47]

Hong Kong[baguhin | baguhin ang batayan]

Sakop ng kalayaan sa panorama ng Hong Kong ang Toreng Bank of China, na dinisenyo ni arkitekto I. M. Pei (namatay noong 2019)

Tinitiyak ng Kautusang Karapatang-ari ng Hong Kong ang kalayaan sa panorama sa pampublikong mga lugar. Kumakapit ito sa kapuwa mga gawang tatlong-dimensiyonal at masining na pagkakagawa. Pinapahintulutan ng mga regulasyon sa Artikulong 71 ang pagsipi at pagbrodkast ng larawan ng mga gusali, lilok, modelo ng mga gusali, at mga masining na pagkakagawa, at hindi isang pagsuway sa karapatang-ari ang pampublikong pagbabahagi ng gayong mga larawan. Gayunpaman, nakasaad sa Seksiyong 5 na iba ang mga obra ng masining na pagkakagawa (works of artistic craftsmanship) sa gawang grapiko (graphic work), at ibig sabihin nito hindi sakop ng tadhanang kalayaan sa panorama ang huling binanggit na uri ng gawa, na maaring pinta, drowing, dayagram, o mga gawang klitse, litograpo, grabado sa kahoy, atbp..[48]

Macau[baguhin | baguhin ang batayan]

Tinitiyak ng Derekto Blg. 43/99/M ang kalayaan sa panorama sa pampublikong mga lugar. Pinapayagan ng Artikulong 61 ang pagkuha ng mga gawa ng sining na nakalagay sa pampublikong mga lugar sa pamamagitan ng potograpiya o bidyograpiya.[49][50] Gayunpaman, sinasabi sa Artikulong 62 na hindi dapat makompromiso ng kalayaang ito ang mga kapakanan ng gawa at ng mayhawak ng karapatang-ari nito, at kailangang itukoy ang may-akda at pangalan ng gawa hangga't maari.[51]

Unyong Europeo[baguhin | baguhin ang batayan]

Silipin din: Bernstein of Leigh v Skyviews & General Ltd
Saklaw ng kalayaan sa panorama sa mga bansang Europeo
  Okey, kasama ang mga gusali, obra at mga pampublikong loob ng mga gusali
  Okey, kasama ang mga gusali at obra, ngunit hindi okey sa mga pampublikong loob ng mga gusali
  Okey para lamang sa mga gusali
  Hindi okey
  Okey, kasama ang mga gusali, gawang sining at ilang mga loob ng mga gusali
  Hindi tiyak

Sa Unyong Europeo, inilalaan ng Direktiba 2001/29/EC ang posilibilidad para sa kasaping mga estado na magkaroon ng sugnay hinggil sa kalayaan sa panorama sa kanilang mga batas ng karapatang-ari, ngunit hindi ito sapilitan.[52][53]

Alemanya[baguhin | baguhin ang batayan]

Ipinaliliwanang ang Panoramafreiheit sa artikulong 59 ng Urheberrechtsgesetz ng Alemanya.[54] Ayon sa 59(1), "mapapahintulutang isipi, sa pamamagitan ng pinta, drowing, potograpiya, o sinematograpiya, ang mga obra na palagiang matatagpuan sa pampublikong mga daanan, kalye, o lugar at maipamahagi at maikomunika ang gayong mga sipi. Para sa mga gawang pang-arkitektura ang tadhanang ito ay umiiral lamang sa panlabas na anyo."

Isang halimbawa ng paglilitis dahil sa sari-saring pagbabatas sa EU ay ang Hundertwasserentscheidung (pasiyang Hundertwasser), isang kaso sa Alemanya na naipanalo ni Friedensreich Hundertwasser laban sa isang kompanyang Aleman hinggil sa paggamit ng isang retrato ng isang gusaling Awstriyan.[55]

Belhika[baguhin | baguhin ang batayan]

Atomium sa Bruselas

Ipinatupad ang kalayaan sa panorama sa Belhika noong 2016. Ipinasa ng kanilang lehislatura ang probisyong XI.190 2/1° na idinagdag sa kanilang batas ng karapatang-ari, ang Kodigo ng Batas Ekonomiko (Code of Economic Law) noong Hunyo 27, 2016, at sinimulan ang pagpapatupad nito noong Hulyo 15, 2016, pagkaraang nilagdaan ito ng kanilang hari at nilathala ito sa kanilang opisyal na lathalaing State Gazette.[56][57]

Nakasaad sa probisyong ito na hindi maaaring hadlangan ng mga may-akda (maaaring mga arkitekto o arteista) "ang reproduksiyon at komunikasyon sa publiko ng mga obrang biswal, grapiko, at pang-arkitektura na nilayong ipuwesto nang palagian sa pampublikong lugar, sa kondisyong tulad ng sa pagsasalarawan nito ang reproduksiyon at komunikasyon sa publiko ng naturang gawa at hindi magdudulot ang nasabing reproduksiyon at komunikasyon sa publiko ng di-makatuwirang pinsala sa tunay na karapatan ng may-akda."[56]

Kasunod ng pagpasa nito, malaya na ang pagkuha ng mga retrato ng tanyag na Atomium sa Bruselas, pati na ang paglathala ng mga retrato nito sa anumang midya, kabilang na ang midyang komersiyal at hatirang pangmadla (social media), nang hindi inalalahanan ang maaaring hakbanging ligal mula sa mga eredero/eredera ng lumikha nitong si André Waterkeyn.[56][58]

Dinamarka[baguhin | baguhin ang batayan]

Ayon sa Artikulong 24(2) ng batas ng karapatang-ari ng Dinamarka, maaring isipi ang anumang obrang matatagpuan sa pampublikong lugar sa pamamagitan ng mga larawan (tulad ng mga retrato) ngunit kung ang layunin ay hindi pangkomersiyo. Sa Artikulong 24(3) naman nakasaad na maaring isipi nang malaya ang mga gusali sa kaanyuang larawan, sa anumang layunin.[59]

Sinalang retrato ng The Little Mermaid

Hindi pa rin ganap ang kalayaan sa panorama sa Dinamarka para sa mga obrang hindi pang-arkitektura. Ang lilok na The Little Mermaid na obra ni Edvard Eriksen (namatay 1959) ay nasa karapatang-ari hanggang taong 2034, at kilalang litihiyoso ang pamilya ng manlililok.[58] Pinagmultahan ang ilang mga pahayagang Dinamarkes dahil sa paggamit ng mga retrato ng lilok nang walang pahintulot mula sa pamilyang Eriksen. Itinuturing na komersiyal ang layunin ng midya sa bansa. Winika ni Søren Lorentzen, photo editor ng Berlingske na kabilang sa mga pahayagang pinagmultahan, "Gumamit kami ng isang retrato nang walang pahintulot. Iyon ay malinaw na paglabag sa batas ng karapatang-ari, kahit na nahihirapan akong intindihin kung bakit hindi maaring gumamit ang sinuman ng mga retrato ng isang pambansang yaman gaya ng Little Mermaid nang hindi lumalabag sa batas ng karapatang-ari." Depensa ni Alice Eriksen, ang apo ng manlililok, ang gayong pagbabawal ay pagtalima lamang sa mga batas ng bansa. Dagdag pa niya, "pareho lamang ito sa pagtanggap ng bayad kapag itinutugtog ang isang awit."[60][61]

Estonya[baguhin | baguhin ang batayan]

Walang ganap na kalayaan sa panorama sa Estonya. Ayon sa Batas ng Karapatang-ari ng Estonya ("Autoriõiguse seadus"), maaring isipi at ipamahagi ang mga kopya ng mga larawan ng mga gusali at mga obrang biswal nang walang pahintulot mula sa mga lumikha o nagdisenyo ng mga ito sa mga layuning hindi pangkomersiyo lamang. Gayunpaman, hindi malinaw ang hangganan sa pagitan ng komersiyal na paggamit at hindi komersiyal na paggamit. Halimbawa, ang mga gawain ng mga sektor na hindi kumikinabang (non-profit) ay hindi awtomatikong hindi pangkomersiyo, at maaaring komersiyal din ang paggamit sa edukasyon at pananaliksik (tulad ng bayarang pananaliksik sa mga institusyon ng mas-mataas na edukasyon at R&D sa pampribadong mga kompanya).

Italya[baguhin | baguhin ang batayan]

Walang umiiral na kalayaan sa panorama sa Italya.[62] Sa kabila ng maraming opisyal na mga protesta[63] at isang pambansang inisyatibang[64] pinamunuan ng abogadong si Guido Scorza at mamamahayag na si Luca Spinelli (na tinampok ang usapin),[62] pinagbabawal pa rin ang paglalathala ng pagsisiping potograpiko ng pampublikong mga lugar, alinsunod sa lumang mga batas ng karapatang-ari ng bansa,[65][66] na lalong pinahigpit ng isang batas na tinawag na "Codice Urbani." Bukod sa ibang mga tadhana, nakasaad dito na upang makapaglathala ng mga larawan ng "pangkalinangang mga bagay" (cultural goods, sa teoriya lahat ng mga bagay at lugar na may katangiang pangkalinangan at pansining tulad ng mga gusali) para sa mga layuning pangkomersiyo, kailangan munang kumuha ng pahintulot mula sa pampook na sangay ng Ministeryo ng mga Sining at Pamanang Pangkultura, ang Soprintendenza.

Latbiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Walang ganap na kalayaan sa panorama sa Latbiya. Sa Tsapter V ng kanilang Batas ng Karapatang-ari ("Autortiesību likums"), nakasaad na maaring gamitin ang anumang larawan ng isang obrang biswal at pang-arkitektura para lamang sa mga sumusunod na layunin: pansarili, pang-impormasyon sa balitaan o mga palatuntunan hinggil sa kasalukuyang mga pangyayari (current affairs), at mga akdang hindi pangkomersiyo.[67]

Polonya[baguhin | baguhin ang batayan]

May sapat na kalayaan sa panorama sa Polonya, na tinitiyak ng Artikulong 33(1) ng Act on Copyright and Related Rights. Nakasaad dito na "mapapahintulutan ang pamamahagi ng mga obrang palagiang nakapuwesto sa madaraanang mga daan, kalye, liwasan, o hardin, ngunit hindi sa parehong paggamit." Ang pamamahagi ay sa pamamagitan ng paggamit ng mga retrato o malarawang representasyon ng mga obra (tulad ng mga gusali at pampublikong lilok) sa anumang midya, kabilang ang komersiyal na mga larong bidyo. Dahil hindi katulad sa orihinal na pakay ng pagtatatag ng isang obra ang layunin ng isang retrato ng naturang obra (tulad ng isang gusaling pang-opisina, isang shopping mall, o isang tulay), ito ay isang mapapahintulutang paggamit sa ilalim ng batas ng karapatang-ari ng bansa.[68]

Pransiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Nasa pampublikong dominyo ang Toreng Eiffel sapagkat napaso ang karapatang-ari nito noong 1993, 70 taon pagkaraan ng pagpanaw ni Gustave Eiffel. Sa kabila nito, anumang retrato ng tanyag na palatandaang-pook na ito tuwing gabi ay maituturing na hinangong gawa ng isang gawang may karapatang-ari, dahil ang mga ilaw nito – na ikinabit ni Pierre Bideau noong 1985 – ay isang hiwalay na sining na protektado ng karapatang-ari.[69][70]
Sinalang retrato ng Piramide ng Louvre. Pumanaw ang tagadisenyong si I. M. Pei noong 2019, kaya hindi pa paso ang karapatang-ari nito.

Magmula noong Oktubre 7, 2016, inilalaan ng artikulong L122-5 ng Kodigo ng Ari-Ariang Intelektuwal ng Pransiya ang isang limitadong kalayaan sa panorama para sa mga gawa ng arkitektura at lilok. Pinapahintulutan ng kodigo ang "mga sipi at representasyon ng mga obra ng arkitektura at lilok na palagiang nakapuwesto sa pampublikong mga lugar (voie publique) at nilikha ng mga likas na tao [en],[c] maliban sa anumang paggamit na may katangiang pangkomersiyo".[71]

May matinding dulot ang gayong mga takda sa kalayaan sa panorama sa Pransiya sa mga artikulo ng Wikipedia hinggil sa arkitektura ng bansa. Nakasanayan na ng mga editor sa Wikimedia Commons na burahin ang anumang mga retrato ng bagong mga arkitekturang Pranses, sa kabila ng mga pagbabago sa batas, dahil hindi pinapahintulutan ng Commons ang mga retrato ng mga gawang pang-arkitektura ng mga bansang ipinagbabawal ang komersiyal na paggamit.[72]

Sa kanilang websayt, isinasaad ng CEVM (Compagnie Eiffage du Viaduc de Millau), ang eksklusibong tagapagmana ng lahat nt karapatan sa ari-arian ng Biyadukto ng Millau sa ngalan ng arkitekto nitong si Norman Foster, na anumang paggamit ng mga retrato ng tulay na ito para sa mga layuning propesyonal at/o komersiyal ay nangangailangan ng "naunang hayagang pahintulot ng CEVM". Dagdag pa rito, ang CEVM ay may tanging karapatan sa pamamamahagi ng mga larawan ng biyadukto sa mga bagay na pang-alaala (souvenir items), tulad ng mga tarheta postal (postcards). Subalit pinapayagan ng CEVM ang pampribado at/o hindi komersiyal na mga paggamit ng larawan ng biyadukto.[73]

Romania[baguhin | baguhin ang batayan]

Sinalang retrato ng Palasyo ng Parlamento sa Bucharest, Romania

Sa Romania, dinemanda ng mga tagapagmana ni Anca Petrescu, ang arkitekto ng napakalaking Palasyo ng Parlamento, ang Parlamento ng Romania dahil sa pagbebenta ng mga retrato at ibang mga paalaala (souvenir) kalakip ang larawan ng masagisag na gusali. Kasalukuyang isinasagawa pa rin ang paglilitis hinggil sa pagsuway sa karapatang-ari.[74]

Suwesya[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong Abril 4, 2016, nagpasiya ang Kataas-taasang Hukuman ng Suwesya [en] na nilabag ng Wikimedia Sweden ang karapatang-ari ng mga alagad ng sining ng pampublikong obra sa pamamagitan ng paglikha ng isang websayt at database ng pampublikong mga obra sa Suwesya na naglalaman ng mga larawan ng pampublikong obra na ikinarga o inupload ng publiko.[75][76][77] Taglay ng batas ng karapatang-ari ng Suwesya ang isang kataliwasan sa tanging karapatan ng mayhawak ng karapatang-ari upang madaling makakita ng publiko ang pampublikong obra.[78]:2-5 Gumamit ang Kataas-taasang Hukuman ng Suwesya ng isang restriktibong pananaw ng kataliwasang ito sa karapatang-ari.[78]:6 Ipinasiya ng Hukuman na walang halagang pangkomersiyo ang database, para sa kapuwang nagpapatakbo nito o sa mga gumagamit ng database, at ang "halagang ito ay dapat na mapanatili sa mga may-akda ng mga gawa ng sining. Wala nang kaugnayan kung may layuning pangkomersiyo ang nagpapatakbo ng database."[78]:6 Ibinalik ang kaso sa isang mababang hukuman upang malaman ang pinsalang may pananagutan ang Wikimedia Sweden sa Bildkonst Upphovsrätt i Sverige (BUS), isang ahensiya ng pangasiwaan ng kolektibong mga karapatan [en] na naglunsad ng demanda alang-alang sa mga alagad ng sining na kumakatawan sa kanila.[78]:2,7

Mga bansang bahagi rati ng Unyong Sobyet[baguhin | baguhin ang batayan]

Walang kalayaan sa panorama ang halos lahat ng mga bansang kabahagi ng dating Unyong Sobyet, puwera na lamang sa tatlong mga bansa na kamakailang binago ang kanilang mga batas ng karapatang-ari. Ang una ay Moldova noong Hulyo 2010, nang pinareho nila ang kanilang batas ng karapatang-ari sa mga pamantayang EU.[79] Sinundan sila ng Armenya noong Abril 2013 kalakip ng isinapanahong batas sa karapatang-ari ng Armenya.[80]

Bahagyang ipinasa ang tadhanang kalayaan sa panorama sa Rusya noong Oktubre 1, 2014; mula sa araw na iyon, maaring kumuha ang sinuman ng mga retrato ng mga gusali at hardin na makikita mula sa pampublikong mga lugar, ngunit hindi kasali rito ang mga lilok at iba pang mga gawang tatlong-dimensiyonal.[81]

Mga gawang dalawang-dimensiyonal[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa mga bansa sa mundo, iba-iba ang tiyak na saklaw ng pahintulot na ito para makalikha ng mga retrato ng pampublikong mga lugar nang hindi na kailangang mag-alala hinggil sa mga gawang may karapatang-ari na nasa larawan.[1] Sa karamihan ng mga bansa, tumutukoy lamang ito sa mga larawan ng mga gawang tatlong-dimensiyonal[82] na palagiang nakapuwesto sa isang pampublikong lugar, ang karaniwang ibig sabihin ng "palagian" ay "para sa likas na tanang buhay ng gawa."[83][84] Sa Suwisa, pinapayagan din ang pagkuha at paglathala ng mga larawan ng mga gawang dalawang-dimensiyonal tulad ng mga mural (mga larawang nakapinta sa pader) o graffiti, ngunit ang gayong mga larawan ay hindi maaring gamitin para sa layuning kapareho sa mga orihinal.[83]

Pampublikong espasyo[baguhin | baguhin ang batayan]

Maraming mga batas ay may mailap na pagkakaiba ukol sa pampublikong espasyo (public space) at pampribadong ari-arian. Sa Austria walang kaugnayan sa pahintulot na kalayaan sa panorama ang kinaroroonan ng retratista ,[1] ngunit sa Alemanya ang gayong pahintulot ay kumakapit lamang kapag ang larawan ay kinunan mula sa pampublikong lupa, at walang karagdagang mga gamit tulad ng mga hagdan, platapormang pambuhat, eroplano, atbp.[54] Sa ilang pagkakataon, umaabot din ang saklaw ng pahintulot sa tunay na mga lupang pampribado, halimbawa ay ang pampribadong mga liwasan at kastilyo na mapapasukan ng publiko at walang kontroladong mga pasukan, subalit may katakdaan na maaaring humingi ang may-ari ng bayad para sa komersiyal na paggamit ng mga larawan.[85]

Sa maraming mga bansa sa Silangang Europa nililimitahan lamang ng mga batas ng karapatang-ari ang pahintulot na ito sa hindi-komersiyal na paggamit ng mga larawan.[86]

Mayroon ding pandaigdigang mga pagkakaiba sa tiyak na kahulugan ng isang "pampublikong espasyo." Sa maraming mga bansa, kinabibilangan lamang nito ang mga espasyo sa labas (halimbawa, sa Alemanya),[54] habang kasama naman sa ilan sa ibang mga bansa ang espasyo sa loob tulad ng pampublikong mga museo (halimbawa nito ay ang kaso sa UK[29] at sa Rusya).[87]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Talababa[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Halimbawang mga patunay sa mga pagbura: ganap na bagong mga estruktura - SM Mall of Asia; mga estrukturang nilikha o ginawa ng mga alagad ng sining na maaring buhay pa o pumanaw na ngunit hindi pa umaabot sa 50 taon ang nakararaan mula nang sila'y pumanaw - Oblation ng Unibersidad ng Pilipinas at Bantayog ng SAF 44 sa Angeles.
  2. Etching - sa kahulugan ng GabbyDictionary, ito ay ang "pagdidisenyo o pagguhit sa metal na gamit ang asido"
  3. Likas na tao (natural person) - sa konteksto ng batas, isang indibiduwal na tao, taliwas sa isang ligal tao (legal person) na maaari isang pampribado (iyan ay, entidad sa negosyo o organisasyong di-pampamahalaan) o pampublikong (iyan ay, pamahalaan) organisasyon.

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Seiler, D.: Gebäudefotografie in der EU – Neues vom Hundertwasserhaus Naka-arkibo 2007-09-30 sa Wayback Machine., in Photopresse 1/2 (2006), p. 16. URL last accessed 2007-09-20.
  2. Rosnay, Mélanie Dulong de; Langlais, Pierre-Carl (2017-02-16). "Public artworks and the freedom of panorama controversy: a case of Wikimedia influence". Internet Policy Review. 6 (1). ISSN 2197-6775. Tinago mula sa orihinal noong 2018-01-18. Cite uses deprecated parameter |deadurl= (tulong)
  3. "Intellectual Property Code of the Philippines (Republic Act No. 8293) (2015 Edition)". Intellectual Property Office of the Philippines. Nakuha noong 3 Hunyo 2020.
  4. "Commons:Fair use". Wikimedia Commons. Nakuha noong 3 Hunyo 2020. Wikimedia Commons does not accept fair use media files (such as non-free logos, covers, screenshots, or reproductions of other copyrighted works)...Fair use depends on the context the image (or other media) is used in. That is, something that can be used on one page as fair use would be a copyright violation on another page. Also, fair use does not allow for the storage of material on a general media database such as Commons....Both issues are against the Commons policy of attempting to provide media files that can be used by anyone, anywhere, for any purpose.
  5. 5.0 5.1 Copyright Act 1968 (Cth)
  6. "Street Art & Copyright". Information Sheet G124v01. Australian Copyright Council. September 2014. Tinago mula sa orihinal noong 2016-03-22. Nakuha noong 2016-05-08.
  7. "Street photographer's rights". Arts Law Information Sheet. Arts Law Centre of Australia. Tinago mula sa orihinal noong 2014-06-30. Nakuha noong 2016-05-08.
  8. "Photographers & Copyright" (PDF) (ika-17 (na) edisyon). Australian Copyright Council. January 2014. pa. 7. Tinago (PDF) mula sa orihinal noong 2014-07-02. Nakuha noong 2014-10-28. You will generally need permission to photograph other public art, such as murals.
  9. Marcelo Frullani Lopes (23 Agosto 2014). "Representação do Cristo Redentor em filme não pode ser vetada" (sa wikang Portuges). apesar de a área ser de propriedade privada, o acesso público ao local não é restrito. Não se pode ignorar, também, que o Cristo Redentor integra a paisagem do Rio de Janeiro. Por esse ponto de vista, o local em que a obra se encontra deve ser considerado logradouro público para fins de aplicação desse dispositivo.
  10. "LEI Nº 9.610, DE 19 DE FEVEREIRO DE 1998". Presidência da República (sa wikang Portuges). Tinago mula sa orihinal noong 2016-10-28. Nakuha noong 2016-10-29. Art. 48. As obras situadas permanentemente em logradouros públicos podem ser representadas livremente, por meio de pinturas, desenhos, fotografias e procedimentos audiovisuais.
  11. "Law No. 9610 of February 19, 1998, on Copyright and Neighboring Rights" (PDF). World Intellectual Property Organization (sa wikang Ingles). 1998-02-19. pa. 12. Tinago mula sa orihinal (PDF) noong 2016-04-08. Nakuha noong 2016-10-29. 48. Works permanently located in public places may be freely represented by painting, drawing, photography and audiovisual processes.
  12. Newell, Bryce Clayton (2011). "Freedom of Panorama: A Comparative Look at International Restrictions on Public Photography". Creighton Law Review (sa wikang Ingles). 44: 421. ISSN 0011-1155. Nakuha noong 2016-10-29. Brazilian copyright law provides very broad panorama freedom. Indeed, Article 48 of Law No. 9610 of February 19, 1998, on Copyright and Neighboring Rights provides
  13. "Don't be violated — protect plans with copyrights". Seattle Daily Journal and DJC.COM. 2009. Nakuha noong 3 Hunyo 2020.
  14. "17 U.S. Code § 120 - Scope of exclusive rights in architectural works". Tinago mula sa orihinal noong 2016-04-19. Nakuha noong 2016-04-04.
  15. "17 U.S. Code § 101". Tinago mula sa orihinal noong 2016-04-30. Nakuha noong 2016-04-08.
  16. "37 CFR 202.11(b)". Tinago mula sa orihinal noong 2016-03-07. Nakuha noong 2016-04-08.
  17. "Gaylord v. United States, 595 F.3d 1364 (Fed. Cir. 2010)" (PDF). Nakuha noong Disyembre 21, 2020.
  18. D'Ambrosio, Dan (Setyembre 20, 2013). "Korea memorial sculptor wins copyright case". USA Today. Nakuha noong Disyembre 21, 2020.
  19. Rein, Lisa (Pebrero 10, 2015). "Court upholds $540,000 judgment against USPS for Korean War stamp". Washington Post. Nakuha noong Disyembre 21, 2020.
  20. "Gaylord v. U.S." Finnegan, Henderson, Farabow, Garrett & Dunner, LLP. Nakuha noong Disyembre 21, 2020.
  21. http://www.uscfc.uscourts.gov/sites/default/files/opinions/WHEELER.GAYLORD092013.pdf
  22. 著作物が自由に使える場合. 文化庁 (sa wikang Hapones). Tinago mula sa orihinal noong 2016-09-14. Nakuha noong 2016-10-29.
  23. 著作権法. 法令データ提供システム (sa wikang Hapones). 2008-05-27. Tinago mula sa orihinal noong 2016-10-28. Nakuha noong 2016-10-29.
  24. 著作権侵害差止等請求事件 (PDF). 裁判所 (sa wikang Hapones). 大阪地方裁判所. 2003-07-08. pa. 12. Tinago mula sa orihinal (PDF) noong 2016-10-29. Nakuha noong 2016-10-29. 著作権法により「建築の著作物」として保護される建築物は、同法2条1項1号の定める著作物の定義に照らして、美的な表現における創作性を有するものであることを要することは当然である。したがって、通常のありふれた建築物は、著作権法で保護される「建築の著作物」には当たらないというべきある。
  25. 建築に関する著作物について. 村田法律事務所 (sa wikang Hapones). Tinago mula sa orihinal noong 2009-09-01. Nakuha noong 2016-10-29.
  26. 著作物とは. 虎ノ門法律特許事務所著作権法相談室 (sa wikang Hapones). Tinago mula sa orihinal noong 2016-10-29. Nakuha noong 2016-10-29. 岡本太郎の「太陽の塔」などは、一般的には建築の著作物ではなく、美術の著作物であると言えます。
  27. "COPYRIGHT ACT 1987" (PDF). Intellectual Property Corporation of Malaysia (sa wikang Ingles). 2012-07-01. Tinago mula sa orihinal (PDF) noong 2016-10-29. Nakuha noong 2016-10-29.
  28. 祁希元, pat. (2006-10-01). 马来西亚经济贸易法律指南 (sa wikang Tsino). 曲三强 (ika-1 (na) edisyon). 中国法制出版社. pa. 152. ISBN 978-7-80226-571-4. Nakuha noong 2016-10-29.
  29. 29.0 29.1 Lydiate, Henry. "Advertising and marketing art: Copyright confusion". Artquest. Tinago mula sa orihinal noong 2011-10-27. Nakuha noong 2020-05-18. Tingnan din: "Section 62 of the Copyright, Designs and Patents Act 1988". Office of Public Sector Information. Tinago mula sa orihinal noong 2009-12-10. Nakuha noong 2020-05-18.
  30. Copinger and Skone James on Copyright. 1 (ika-17th (na) edisyon). Sweet & Maxwell. 2016. paragraph 9-266.
  31. Copinger and Skone James on Copyright. 1 (ika-17th (na) edisyon). Sweet & Maxwell. 2016. paragraph 3-129.
  32. "Sculpture and works of artistic craftmanship on public display". DACS. Nakuha noong 27 November 2020.
  33. Lydiate, Henry (1991). "Advertising and marketing art: Copyright confusion". Artquest.
  34. "COPYRIGHT ACT 1987" (PDF). Singapore Statutes Online (sa wikang Ingles). 1987-02-20. Tinago mula sa orihinal (PDF) noong 2016-10-29. Nakuha noong 2016-10-29. Cite uses deprecated parameter |deadurl= (tulong)
  35. "著作權法". 全國法規資料庫 (sa wikang Tsino). 2014-01-22. Tinago mula sa orihinal noong 2016-10-29. Nakuha noong 2016-10-29. Cite uses deprecated parameter |deadurl= (tulong)
  36. "就戶外場所長期展示之建築著作,以拍照或繪畫方式等非建築方式進行重製之行為,屬於著作權法第64條明訂之合理使用行為". 寰瀛法律事務所 (sa wikang Tsino). 2011-12-13. Tinago mula sa orihinal noong 2016-10-29. Nakuha noong 2016-10-29.
  37. "開放式課程合理使用問答集" (PDF). 台灣開放式課程聯盟 (sa wikang Tsino). pa. 8. Tinago mula sa orihinal (PDF) noong 2016-08-08. Nakuha noong 2016-10-29. 拍攝建築物外觀,不問作何使用目的,都不在第五十八條禁止之列,並不必經著作財產權人的同意,該照片反而還能以「攝影著作」獲得著作權法保護,他人不可以任意使用該照片。同理,拍攝一般巷道風景,在著作權法規定下,不必獲得任何人同意,所拍照片還受著作權法保護。
  38. "解釋資料檢索-電子郵件1021205b". 經濟部智慧財產局 (sa wikang Tsino). 2013-12-05. Tinago mula sa orihinal noong 2016-10-29. Nakuha noong 2016-10-29. 一、依據著作權法第58條規定,在街道、公園、建築物之外壁或其他向公眾開放之戶外場所長期展示之美術著作或建築著作,除該條所定4款情形外,得以任何方法利用之。所詢拍攝「台北101大樓」(僅限大樓外觀,不包括大樓內部) 之照片並將其製成明信片販賣,依前揭規定,無須取得著作權之授權。 Cite uses deprecated parameter |deadurl= (tulong)
  39. "COPYRIGHT ACT" (PDF). Companies and Intellectual Property Office (sa wikang Ingles). Tinago mula sa orihinal (PDF) noong 2016-03-03. Nakuha noong 2016-10-29.
  40. "Copyright: Wiki Loves Monuments Notice!". mapmyway.co.za (sa wikang Ingles). Tinago mula sa orihinal noong 2016-10-29. Nakuha noong 2016-10-29.
  41. 中华人民共和国最高人民法院 (2002-10-12). "最高人民法院关于审理著作权民事纠纷案件具体适用法律若干问题的解释". 中华人民共和国海关总署 (sa wikang Tsino). Tinago mula sa orihinal noong 2014-11-14. Nakuha noong 2016-10-28. 第十八条 著作权法第二十二条第十项规定的室外公共场所的艺术作品,是指设置或者陈列在室外社会公众活动处所的雕塑、绘画、书法等艺术作品。对前款规定艺术作品的临摹、绘画、摄影、录像人,可以对其成果以合理的方式和范围再行使用,不构成侵权。
  42. "中华人民共和国著作权法". 中国人大网 (sa wikang Tsino). 2010-02-26. Tinago mula sa orihinal noong 2016-04-24. Nakuha noong 2016-10-28.
  43. 中华人民共和国最高人民法院 (2004-08-24). 最高人民法院关于对山东省高级人民法院《关于山东天笠广告有限责任公司与青岛海信通信有限公司侵犯著作权纠纷一案的请示报告》的复函 (sa wikang Tsino) – sa pamamagitan ng/ni Wikisource.
  44. 孟, 奇勋 (2013-06). "室外艺术作品合理使用司法认定标准之反思". 武汉理工大学学报(社会科学版) (sa wikang Tsino). 武汉理工大学期刊社. 26 (3): 457. doi:10.3963/j.issn.1671-6477.2013.03.025. ISSN 1671-6477. Tinago mula sa orihinal noong 2017-02-22. Nakuha noong 2016-10-28. 当前,学术界对室外艺术作品合理使用的认定标准尚未形成共识,主要体现在对商业性使用是否属于合理使用的认识有所不同。部分学者坚持认为不能将营利性再使用纳入合理使用制度范围。 Unknown parameter |trans_title= ignored (tulong); Cite uses deprecated parameter |dead-url= (tulong); Check date values in: |date= (tulong)
  45. 詹, 启智; 张, 灵溪 (2014). "室外公共场所艺术作品合理使用探析". 法制与社会 (sa wikang Tsino). 云南法制与社会杂志社 (22): 267–269. doi:10.3969/j.issn.1009-0592.2014.22.133. ISSN 1009-0592. Tinago mula sa orihinal noong 2018-02-05. Nakuha noong 2016-10-28. Cite uses deprecated parameter |dead-url= (tulong)
  46. "中華人民共和國香港特別行政區基本法" (PDF). 基本法 (sa wikang Tsino). 香港特別行政區政府政制及內地事務局. 2015-03. Tinago mula sa orihinal (PDF) noong 2015-11-17. Nakuha noong 2016-10-28. Check date values in: |date= (tulong)
  47. "中華人民共和國澳門特別行政區基本法". 澳門特別行政區政府印務局 (sa wikang Tsino). 1999-12-20. Tinago mula sa orihinal noong 2016-04-26. Nakuha noong 2016-10-28.
  48. "第528章 《版權條例》" (PDF). 律政司: 雙語法例資料系統 (sa wikang Tsino). 1997-06-30. Tinago mula sa orihinal (PDF) noong 2016-04-11. Nakuha noong 2016-10-29. Cite uses deprecated parameter |deadurl= (tulong)
  49. "第43/99/M號法令". 澳門特別行政區政府印務局 (sa wikang Tsino). 1999-08-16. Tinago mula sa orihinal noong 2016-03-23. Nakuha noong 2016-10-29.
  50. 马, 海涛; 李, 亮 (2006-11). "中国内地与澳门著作权法律制度之比较研究". 国际法学法理与实践 (sa wikang Tsino) (ika-1 (na) edisyon). 中国法制出版社. mga pa. 401–402. ISBN 978-7-80226-323-9. Nakuha noong 2016-10-29. Check date values in: |date= (tulong)
  51. "葡韻惹火遭禁拍攝建築物實在無理" (sa wikang Tsino). 市民日报. 2016-08-23. Tinago mula sa orihinal noong 2016-10-29. Nakuha noong 2016-10-29.
  52. N.N. "Panoramafreiheit". Tinago mula sa orihinal noong 2015-04-18. Nakuha noong 2020-05-18. Tingnan din Article 5(3)(h) of 2001/29/EC.
  53. "The IPKat". ipkitten.blogspot.co.uk. Tinago mula sa orihinal noong 2015-06-26.
  54. 54.0 54.1 54.2 Seiler, David (2001-06-24). "Fotografieren von und in Gebäuden". visuell. pa. 50. Tinago mula sa orihinal noong 2007-09-30. Nakuha noong 2020-05-18. Tingnan din: "§59 UrhG (Germany)" (sa wikang Aleman). Tinago mula sa orihinal noong 2011-02-23. Nakuha noong 2007-09-20.
  55. "Rechtsprechung – BGH, 05.06.2003 - I ZR 192/00". dejure.org. Tinago mula sa orihinal noong 2016-08-20. Nakuha noong 2020-05-18.
  56. 56.0 56.1 56.2 "Belgium: Freedom of panorama – a new copyright exception". Setyembre 27, 2016. Nakuha noong Disyembre 15, 2020.
  57. "THERE IS NOW FREEDOM OF PANORAMA IN BELGIUM". Hulyo 19, 2016. Nakuha noong Disyembre 15, 2020.
  58. 58.0 58.1 Hull , Craig. "Freedom of Panorama – What It Means for Photography". Nakuha noong Disyembre 15, 2020.
  59. "Consolidated Act on Copyright (Consolidated Act No. 1144 of October 23, 2014)" (PDF). WIPO Lex (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 20, 2020.
  60. "Denmark's icon... that we can't show you". The Local. Agosto 16, 2014. Nakuha noong Disyembre 20, 2020.
  61. Burgett, Gannon (Agosto 20, 2014). "If You Try to Publish a Picture of this Statue in Denmark, You'd Better be Ready to Pay Up". PetaPixel. Nakuha noong Disyembre 20, 2020.
  62. 62.0 62.1 Spinelli, Luca. "Wikipedia cede al diritto d'autore". Punto Informatico. Tinago mula sa orihinal noong 2008-09-29. Nakuha noong 2020-05-18.
  63. Grillini, Franco. "Interrogazione - Diritto di panorama" [Interrogation - panorama right]. Grillini.it (sa wikang Italyano). Tinago mula sa orihinal noong 2008-10-25. Nakuha noong 2020-05-18.
  64. Scorza, Guido; Spinelli, Luca (2007-03-03). "Dare un senso al degrado" (PDF). Rome. Tinago (PDF) mula sa orihinal noong 2009-07-08. Nakuha noong 2020-05-18.
  65. "Legge 22 aprile 1941 n. 633" (sa wikang Italyano). Tinago mula sa orihinal noong 2014-12-23. Nakuha noong 2020-05-18.
  66. "Decreto Legislativo 22 gennaio 2004, n. 42" (sa wikang Italyano). Tinago mula sa orihinal noong 2008-10-24. Nakuha noong 2020-05-18.
  67. "Autortiesību likums" (sa wikang Latvian).
  68. Marcinoska, Lena (Oktubre 22, 2015). "Freedom of panorama". In Principle - Codozasady.pl. Nakuha noong Disyembre 28, 2020.
  69. "Why Your Eiffel Tower Photos May Be Illegal". HuffPost Life. Nakuha noong 3 Hunyo 2020.
  70. Lieberman, Sara (Nobyembre 2, 2017). "Why It's Illegal to Take Photos of the Eiffel Tower at Night". Nakuha noong Disyembre 6, 2020.
  71. "Article 5, section 11 of Code on Intellectual Property". Tinago mula sa orihinal noong 2017-01-27. Nakuha noong 2016-12-26.
  72. "Commons:Licensing". Wikimedia Commons. Media licensed under non-commercial only licenses are not accepted either.
  73. "Rules for the use of images of the viaduct". Viaduc de Millau | Un ouvrage, un patrimoine. Nakuha noong Enero 16, 2020.
  74. "Taking photos of the Palace of Parliament can be considered illegal". Pandects dpVUE (sa wikang Ingles). Oktubre 8, 2018. Nakuha noong Disyembre 19, 2020.
  75. Falkvinge, Rick (2016-04-04). "Supreme Court: Wikimedia violates copyright by posting its own photos of public, taxpayer-funded art". Privacy Online News. Los Angeles, CA, USA. Nakuha noong 2016-09-08.
  76. "Wikimedia Sweden art map 'violated copyright'". BBC News. 2016-04-05. Tinago mula sa orihinal noong 2016-09-23. Nakuha noong 2016-09-09.
  77. Paulson, Michelle (2016-04-04). "A strike against freedom of panorama: Swedish court rules against Wikimedia Sverige". Wikimedia Foundation blog. Tinago mula sa orihinal noong 2016-09-21. Nakuha noong 2016-09-09.
  78. 78.0 78.1 78.2 78.3 Bildupphovsrätt i Sverige ek. för. v. Wikimedia Svierge (Supreme Court of Sweden 04-04-2016). Teksto
  79. Eugene Stuart; Eduardo Fano; Linda Scales; Gerda Leonaviciene; Anna Lazareva (July 2010). "Intellectual Property Law and Policy. Law approximation to EU standards in the Republic of Moldova" (PDF). IBF International Consulting, DMI, IRZ, Nomisma, INCOM, Institute of Public Policy. Tinago mula sa orihinal (PDF) noong 2015-06-30. Nakuha noong 2015-06-29.
  80. "Legislation: National Assembly of RA" (sa wikang Armenian). parliament.am. Tinago mula sa orihinal noong 2015-07-01. Nakuha noong 2015-06-28.
  81. "О внесении изменений в части первую, вторую и четвертую Гражданского кодекса Российской Федерации и отдельные законодательные акты Российской Федерации. Статья 3, cтраница 2". State Duma (sa wikang Ruso). 2014-03-05. Tinago mula sa orihinal noong 2015-06-30. Nakuha noong 2015-06-29.
  82. Tingnan ang e.g. Lydiate.
  83. 83.0 83.1 Rehbinder, Manfred (2000). Schweizerisches Urheberrecht (ika-3rd (na) edisyon). Berne: Stämpfli Verlag. pa. 158. ISBN 3-7272-0923-2. Tingnan din: "§27 URG (Switzerland)". Nakuha noong 2020-05-18.
  84. Dix, Bruno (2002-02-21). "Christo und der verhüllte Reichstag". Tinago mula sa orihinal noong 2002-07-22. Nakuha noong 2020-05-18.
  85. "Decision of the German Federal Court in favour of the Stiftung Preußische Schlösser und Gärten, December 17, 2010". Juris.bundesgerichtshof.de. 2010-12-17. Tinago mula sa orihinal noong 2013-10-14. Nakuha noong 2012-07-20.
  86. Tingnan ang Rusya bilang halimbawa: Elst, Michiel (2005). Copyright, Freedom of Speech, and Cultural Policy in the Russian Federation. Leiden/Boston: Martinus Nijhoff. pa. 432f. ISBN 90-04-14087-5.
  87. Elst p. 432, footnote 268. Tingnan din article 1276 of part IV of the Civil Code Naka-arkibo 2012-06-07 sa Wayback Machine. (in force as of January 1, 2008), na nagbibigay-linaw rito.

Panlabas na mga link[baguhin | baguhin ang batayan]

Ilang mga pahinang Wikimedia na tumatalakay sa kalayaan sa panorama