Palarong Olimpiko sa Tag-init
Palarong Olimpiko sa Tag-init | |
---|---|
Games | |
Sports (details) | |
|
Palarong Olimpiko |
---|
Main topics |
Games |
Ang Palarong Olimpiko sa Tag-init o ang Palaro ng Olimpiyada ay isang pandaigdigang paligsahan sa pampalakasan, na karaniwang ginaganap tuwing apat na taon, at isinaayos ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko. Iginagawad ang mga sumusunod na medalya sa bawat kaganapan, gintong medalya para sa unang puwesto, pilak para sa ikalawa at tanso para sa ikatlo, isang kaugalian na sinimulan noong 1904. Ang Palarong Olimpiko sa Taglamig ay nilikha rin matapos ang tagumpay ng Palarong Olimpiko sa Tag-init.
Lumawak ang Palaro mula sa paligsahan ng 42 kaganapan na may humigit kumulang sa 250 manlalarong lalaki sa paligsahan pampalakasan ng 300 kaganapan na may humigit sa 10,000 mananaligsa ng parehong kasarian mula sa 205 bansa. Inasahan ng mga tagapagsaayos ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008 sa Beijing ang paglalahok ng mga 10,500 manlalaro sa mga 302 kaganapan sa programa ng Palaro.[1] Ang Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008, kung saan inasahan din mga nagsaayos ang pagdalo ng 10,500 manlalaro, ay nagkaroon ng kabuuan ng 11,099 sa mga 301 kaganapan na inalok.
Ang mga mananaligsa ay nakapasok sa pamamagitan ng Pambansang Lupon ng Olimpiko (NOC) upang kumatawan ng kanilang bansa ng pagkamamamayan. Ang mga pambansang awit at mga watawat ay umaalinsabay ng mga seremonyang pangmedalya, at ang mga talaan na ipinapakita ng bilang ng mga medalya na napanalunan ng bawat bansa ay malawakang ginagamit. Sa pangkalahatan ang mga kinikilalang bansa lamang ay kumakawatan, subali't mga iilang bansa na may pagtatalo sa higpuno ay pinayagang na maging bahagi.
Ang Estados Unidos ay nakapagpunong-abala na ng apat na palarong Olimpiko sa Tag-init, na humigit kaysa sa mga ibang bansa. Ang United Kingdom ay makakapagpunong-abala ng tatlong palarong Olimpiko sa Tag-init (lahat sa Londres) nang bumalik sila sa Britanikong kabisera noong 2012. Nakapagpunong-abala nang dalawang beses ng Olimpikong Tag-init ang Alemanya, Australia, Gresya at Pransiya. Ang mga ibang bansa na nakapagpunong-abala na rin ng Olimpikong Tag-init ay Belhika, Espanya, Hapon, Italya, Canada, Mehiko, Olanda, Pinlandiya, Suwesa, Timog Korea at Unyong Sobyet. Ang Republikang Popular ng Tsina ay nagpunong-abala sa unang pagkakataon ng Olimpikong Tag-init sa Beijing sa taong 2008. Ang mga apat na lungsod ay nagpunong-abala ng dalawang Olimpikong Tag-init: Atenas, Londres, Los Angeles, at Paris. Nakapagpunong-abala ng Estoklomo, Suwesa, ng dalawang Palarong Olimpikong Tag-init, may pinamahalang palaro noong 1912 at kaganapan ng pangangabayo sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 1956 - kung saan nakatala sila nang pangkaraniwan bilang pinagsanib na pagpupunong-abala.[2] Ang mga kaganapan sa Olimpikong Tag-init ay nakapagganap din sa Hong Kong at sa Olanda (parehong kinatawan ng kanilang mga NOC), sa mga kaganapan sa pangangabayo sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008 na ginanap sa Hong Kong at mga karerang paglalayag sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 1920 na ginanap sa Olanda.
Ang mga limang bansa - Australia, Pransiya, Gran Britanya, Gresya, at Swesya - ay nakapagkatawan sa lahat ng Palarong Olimpiko sa panahon ng Tag-init. Ang Gresya ay nag-iisa lamang na nakapaglahok sa ilalim ng kanilang sariling watawat sa lahat ng mga Palaro. Ang bansang lamang na nakapanalo nang hindi bababa sa isang medalyang ginto sa bawat Palarong Olimpiko sa Tag-init ay ang United Kingdom, na nagraranggo mula isang gintong medalya noong 1904, 1952 at 1996 sa limampu't-anim na ginto noong 1908.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga unang taon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinatag ang makabagong Palarong Olimpiko noong 1894 nang naghanap si Pierre Fredi, Baron de Coubertin upang iangat ang pandaigdigang pang-unawa sa pamamagitan ng paligsahang pamoalakasan. Binatay niya ang kanyang Olimpiko sa Taunang Palaro ng Olimpiyanong Lipunan ng Wenlock, na nakapagpaligsahansa Much Wenlock mula 1850.[3]
Ang unang edisyon ng palaro ni de Coubertin, ginanap sa Atenas noong 1896, ay nakahatak ng mga karampatang 245 mananaligsa, na binubuo nang karamihan ay 200 Griyego, at 14 na bansa lamang ay kumatawan. Bagama't walang pandaigdigang kaganapan ng laking ito ay nakapagsaayos noon. Ang mga babaeng manlalaro ay hindi pinapayagan na makipagpaligsahan, kahit na isang babae, Stamata Revithi, na tumakbo sa karerang maraton sa kanyang sarili, nagsasabi "kung hindi ako pinapahintulutan ng lupon na makipagpaligsahan, sasama ako sa kanila sa kabila ng lahat.[4]
Ang Palarong Olimpiko sa Tag-init 1896, na kinikilala nang opisyal bilang Palaro ng Unang Olimpiyada, ay isang pandaigdigang kaganapan ng palakasang pangmaramihan na ipinagdiwang sa Atenas, Gresya mula Abril 6 hanggang 15 Abril 1896. Ito ay ang unang Palarong Olimpiko na ginanap sa Makabagong panahon. Ang Sinaunang Gresya ay ang lugar ng kapanganakan ng Palarong Olimpiko, kung gayon ang Atenas ay nahulo sa pagiging tumpak na pagpili upang ipalabas ang pampasinayang makabagong Palaro. Ito ay napagkaisahang pinili bilang punong-abalang lungsod sa konggreso na isinaayos ni Pierre de Coubertin, isang Pranses na guro at mananaliksik ng kasaysayan, sa Paris, noong 23 Hunyo 1894. Ang Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko (IOC) ay itinatag din sa panahon ng pagpupulong ng konggreso.
Sa kabila ng mga maraming sagwil at mga hadlang sa pagsulong, ang Olimpikong 1896 ay itinuring bilang malaking tagumpay. Ang Palaro ay may pinalaking pandaigdigang paglalahok ng anumang kaganapang pampalakasan sa petsang yaon. Ang Istadyum ng Panathinaiko, ang unang malaking istadyum sa makabagong daigdig, ay sumasalawak ng pinakamalaking madla sa kasaysayan upang mapanood ang isang kaganapang pampalakasan.[5] Ang tampok na pangyayari para sa mga Griyego ay ang tagumpay ng maraton ng kanilang kababayan na si Spiridon Louis. Ang pinakamatagumpay na mananaligsa ay isang Aleman na mambubuno at sirkero na si Carl Schuhmann, na nanalo ng apat na gintong medalya.
Pagkatapos ng Palaro, Si Coubertin at ang IOC ay napetisyunan ng maraming mahahalagang tao tulad nina Haring George ng Gresya at ibang mananaligsang Amerikano sa Atenas, na ganapin ang lahat ng mga sumunod na Palaro sa Atenas. Gayumpaman, ang Palarong Olimpiko sa Tag-init 1900 ay naisaplano na para sa Paris at maliban sa Palarong Interkalado 1906, hindi bumalik ang Olimpiko sa Gresya hanggang sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2004.
Pagkalipas ng apat na taon ang Palarong Olimpiko sa Tag-init 1900 sa Paris ay nakahatak nang apat na beses na maraming manlalaro, kabilang ang 11 babae, na pinayagang makipagpaligsahan nang opisyal sa unang pagkakataon, sa kroket, golp, paglalayag, at tenis. Ang Palaro ay binuo kasama ang Peryang Pandaigdig ng Paris at tumagal nang humigit sa 5 buwan. Ito ay tinatalakay na anong kaganapan ay ganap na Olimpiko, mula kaunti o maaaring wala sa mga kaganapan ay ipinamalita sa panahong iyon.
Bumaba ang mga bilang para sa Palarong 1904 sa St. Louis, Missouri, Estados Unidos, dahil sa bahagi sa mahabang paglalakbay sa Karagatang Atlantiko sa pamamagitan ng barko ng mga mananaligsang Europeo, at ng pagsasama sa Eksposisyon ng Pagbilhan ng Louisiana ng Peryang Pandaigdig, kung saan mapapalaganap muli ang kaganapang sa humigit sa pinahabang panahon. Sa pagkakaiba sa Paris 1900, ang salitang Olimpiko ay ginagamit para sa bawat dako ng paligsahan, kabilang ang mga pantanging para sa paaralang panlalaki o para sa Irlandes-Amerikano.
Isang pagkakasunod-sunod ng mga maliliit na palaro ay ginanap sa Atenas noong 1906. Ito ay mga una ng nasa taong 1906 upang ipagdiwa ang "ikasampung kaarawan" ng palaro. Hindi kinilala ng IOC ang mga larong ito bilang pagiging opisyal na Palarong Olimpiko, bagama't maraming mananaliksik ng kasaysayan ay umangkop. Ang 1906 Atenas ay nagsasalit-salit ng mga pagkakasunod-sunod ng palaro na ginanap sa Atenas, nguni't ang pagkakasunod-sunod ay nabigong maisakatuparan. Ang palaro ay higit na matagumpay kaysa sa mga palarong 1900 at 1904, na may humigit na 900 manlalarong nananaligsa, at nag-ambag nang taha sa tagumpay ng mga susunod na palaro.
Ang Palarong Londres 1908 ay nagkaroon ng pagtaas ng bilang muli, ganundin ang unang pagtakbo ng maraton sa kasalukuyang pamantayan ng 42.195 km (26 milya 385 yarda). Ang nanalo ng unang Olimpikong Maraton noong 1896 (isang karerang panlalaki) ay si Spiridon "Spiros" Louis, isang Griyegong taga-igib ng tubig. Nanalo siya sa Olimpiko nang 2 oras 58 minuto at 50 segundo sa layo ng ng 40 km (24 milya 85 yarda). Napili ang bagong layong pangmaraton ng 42.195 km (26 milya 385 yarda) upang tiyakin na ang karera ay magtatapos sa harapan ng batalan na inuukupa ng pangharing pamilya ng Britanya. Kung kaya ang maraton ay may layo ng 40 km para sa unang palaro noong 1896, subali't nadagdagan nang kasunod ng 2 km dahil sa mga kalagayang pampook tulad ng kalsada at latag ng istadyum. Sa mga anim na palarong Olimpiko sa pagitan ng 1900 at 1920, ang maraton ay nakarera higit sa anim na mga iba't ibang layo.
Sa huli ng maratong 1908 ang Italyanong mananakbong Dorando Pietri ay ang unang pumasok sa istadyum, nguni't malinaw na siya ay nasa pagkahapo, at tumupi dahil sa pagod bago nabuo niya ang kaganapan. Siya ay tinulungan upang makarating sa linya ng pagtatapos ng mga nag-aalalang opisyal ng karera, nguni't kinabukasan siya ay nadiskwalipika at ang medalyang ginto ay iginawad kay John Hayes, na sinundan siya sa halos na 30 segundo.
Tuluy-tuloy ang paglaki ng Palaro, nakaganyak ng mga 2,504 na mananaligsa, sa Estokolmo noong 1912, kabilang ang tanyag na panlahatang Jim Thorpe, na nanalo sa dekatlon at pentatlon. Nakapaglaro nang dati si Thorpe ng ilang laro ng beysbol na may bayad, at nakita ang kanyang mga medalyang naalisan ukol sa pagsuway ng pagkabaguhan pagkatapos ng mga panimdim mula kay Avery Brundage. Ibinalik ang mga ito noong 1983, 30 taon pagkatapos ng kanyang kamatayan. Ang Palaro sa Estokolmo ay ang unang natupad ang likas na ideya ni Pierre de Coubertin. Sa unang pagkakataon mula nagsimula ang Palaro noong 1896 lahat ng mga lupalop ay kinatawan ng mga manlalaro na nagpapaligsahan sa parehong istadyum.
Ang nakatakdang Palarong Berlin ng 1916 ay ipinagpaliban kasunod ang pagdaluhong ng Unang Digmaang Pandaigdig.
Panahon ng pandaigdigang digmaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang palarong Antwerp 1920 sa nasalantang Belhika ng digmaan ay isang pangyayaring napangibabawan, nguni't nakahatak muli ng nakatalang bilang ng mga mananaligsa. Ang tala ay tumindig lamang hanggang 1924, nang ibinilang sa Palarong Paris ang mga 3,000 mananaligsa, kung saan kabilang ang mananakbong Pinlades na si Paavo Nurmi. "Ang Flying Finn" ay nanalo ng tatlong pangkuponang medalyang ginto at mga pangisahang 1,500 at 5,000 metrong pangkarera, ang bandang huli ng araw ding iyon.
Ang palarong Amsterdam 1928 ay pambihira bilang unang palaro kung saan pinahintulutang ang mga kababaihan na makipagpaligsahan sa atletika, nakinabang nang lubos mula sa pangkalahatang kaniguan ng paramihan sa kaagapay ng unang pagpapalabas ng pagtatangkilik ng palaro, mula sa Coca-Cola. Ito ay tahasang magkaiba sa 1932 nang nadamay ang palarong Los Angeles dahil sa Matinding Kagipitan, kung saan nagkaroon ng pinakakaunting mananaligsa mula ang palarong St. Louis.
Ang Palarong Berlin 1936 ay nakita ng pamahalaang Aleman bilang isang ginintuang pagkakataon upang isulong ang kanilang ideyolohiya. Inatasan ng namumunong Lapiang Nasi ang manlilikha ng pelikula na si Leni Riefenstahl upang ipelikula ang palaro. Ang bunga, ang Olympia ay isang obra maestra, sa kabila ng mga hinuha ni Hitler ng pangingibabaw ng lahing Aryan na inuulit na ipinapalabas sa mga manlalarong "di-Aryan." Lalong-lalo na, ang Aprikanong-Amerikanong mananakbong hagibis at malayuang malulundag na Jesse Owens ay nanalo ng 4 na gintong medalya. Ang kuwento ni Hitler na hindi pinapansin si Owens sa humantong na seremonyang pangmedalya ay isang kasinungalingan.[6] Ang Palarong Berlin 1936 ay nakita rin ang muling pagpapakilala ng Pagpasa ng Sulo.[7]
Dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Palaro ng 1940 (na gaganapin sana sa Tokyo at pansamantalang inilipat sa Helsinki sa biglang pagsabog ng digmaan) ay ipinagpaliban. Ang Palaro ng 1944 na dapat gaganapin sa Londres ay ipinagpaliban din; bagkus, namunong-abala ang Londres ang unang palaro pagkatapos ng digmaan, noong 1948.
Pagkatapos ng Ika-2 Digmaang Pandaigdig
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang unang Palaro pagkatapos ng digmaan ay ginanap noong 1948 sa Londres, kung saan hindi isinali ang Alemanya at Hapon. Ang mananakbong hagibis na Olandesa na si Fanny Blankers-Koen ay nanalo ng apat na gintong medalya sa landas, na tinularan ang naisagawa ni Owens sa Berlin.
Sa Palarong 1952 na ginanap sa Helsinki ang kuponang USRS ay nakipagpaligsahan sa unang pagkakataon at karaka-rakang naging isa sa mga namamayaning kuponan. Naglikha ng Pinlandiya ang isang katanyagan ng isang magiliw na tenyenteng panghukbong katihan na si Emil Zátopek, na nakatuon sa paggigihin ng kanyang ginto at mga pilak na medalya mula 1948. Sa unang pagkapanalo ng mga karerang 10,000 at 5,000 metro, pumasok din siya sa maraton, sa kabila ng dating hindi nakapagkarera sa layong iyon. Humahakbang sa kanyang sarili sa pamamagitan ng pakikipagkuwentuhan sa mga ibang pinuno, namuno si Zátopek mula sa halos na kalahating daan, dahan-dahang bumabagsak ang mga natitirang humahamon upang manalo sa pamamagitan ng dalawa at kalahating minuto, at nabuo ang tatluhan ng mga panalo.
Nakita ng Palarong Roma 1960 ang pagdating ng pandaigdigang tagpo ng batang timbang-bigat na magaang boksingero na ipinangalang Cassius Clay, kasunod na kinilala bilang Muhammad Ali, na kinabukasang inihagis ang kanyang gintong medalya nang papalayo dahil sa pagkamuhi pagkatapos tinanggihan ang paglilingkod sa isang kainan ng mga puti lamang sa kanyang bayang tinubuan, Louisville, Kentucky.[kailangan ng sanggunian]
Ang mga kasapi ng pambabaeng kuponan ng makasining na himnastika mula sa Unyong Sobyet ay nanalo ng 15 ng mga 16 na posibleng medalya. Ang mga ibang nagtanghal ng nakatala noong 1960 ay kabilang si Wilma Rudolph, isang medalistang ginto sa mga kaganapang 100 metro, 200 metro at 4x100 metrong pagpasa ng baton.
Ang Palarong 1964 na ginanap sa Tokyo ay kakaiba ukol sa pagpasok ng makabagong taon ng telekomunikasyon. Ang palarong ito ay ang unang isinahimpapawid sa buong daigdig sa pamamagitan ng telebisyon, na nagawa sa pamamagitan ng mga kasalukuyang pagdatal ng mga buntalang pangkomunikasyon. Samakatuwid ang Palarong 1964 ay isang antas ng pagtutok sa pandaigdigang pagpapakita at kasikatan ng Olimpiko.
Ang Palarong 1964 na ginanap sa Tokyo ay kakaiba ukol sa pagpasok ng makabagong taon ng telekomunikasyon. Ang palarong ito ay ang unang isinahimpapawid sa buong daigdig sa pamamagitan ng telebisyon, na nagawa sa pamamagitan ng mga kasalukuyang pagdatal ng mga buntalang pangkomunikasyon. Samakatuwid ang Palarong 1964 ay isang antas ng pagtutok sa pandaigdigang pagpapakita at kasikatan ng Olimpiko.
Ang mga pagsasagawa sa palarong Lungsod Mehiko 1968 ay nadamay sa taas ng punong-abalang lungsod.[8] Walang kaganapan ay nadamay na humigit sa malayuang pagtalon.Ang Amerikanong manlalarong Bob Beamon ay tumalon nang 8.90 metro, nakatala sa bagong tala at, sa wika ng kapwa mananaligsa at ang kasunod na namumunong kampeon na si Lynn Davies, "lumalabas ng iba sa amin ay parang hibang."[kailangan ng sanggunian] Ang pandaigdigang tala ni Beamon ay nanatili sa 23 taon. Ang Palarong 1968 ay ipinakita ang pagpapakilala ng kasalukuyang-pandaigdigang hagutak ni Fosbury, isang aghimo na nagpanalo sa Amerikanong malulundag ng mataasan na si Dick Fosbury ng gintong medalya. Nagkaroon ng kulay ng politika sa seremonya ng medalya para sa panlalaking takbuhang 200 metro, nang ipinakita ang protesta nina Tommie Smith at John Carlos sa dais laban sa patakaran ng paghihiwalay sa Estados Unidos; ang kanilang kilos-pampolitika ay tinuligsa sa loob ng Kilusang Olimpiko, subali't ito ay pinuri ng Kilusan ng Karapatang Sibil ng Amerika.
Nagkaroon muli ng kulay ng politika sa Myunik noong 1972, dahil sa mga nakakamatay na kinahihinatnan. Ang Palestinong pangkat ng mga terorista na nagngangalang Itim na Setyembre na lumusob ang nayong Olimpiko at winasak patungong apartment ng delegasyon ng Israel. Pumaslang nila ng dalawang Israelita at tumangan ng 9 na iba pa bilang mga bihag. Hiningi ng mga terorista na palayain ng Israel ang mga mararaming bilanggo. Nang tumanggi ang pamahalaan ng Israel sa kanilang hiningi, isang maigting na amanos ay humantong habang tinutuloy ang mga pakikipag-usap. Sa panghuli ang mga nakahuli, na nananatiling humahawak ng mga bihag, ay inalok ng ligtas ba pagbagta at dinala sa paliparan, kung saan sila ay tinambangan ng mga hukbong pangkaligtasang Aleman. Sa sumunod na pamamaril na labanan, namatay ang mga 15 katao, kabilang ang mga siyam na manlalarong Israelita at lima sa mga terorista. Pagkatapos ng labis na pagtatalo, napasiyahan ito na ang Palaro ay dapat matuloy, subali't ang mga pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ay nangingibabaw nang kapuna-puna ng mga kaganapang ito.[9] Ang mga ibang katangi-tanging tagumpay hinggil sa palakasan ay nangyayari sa mga Palarong ito, ang pambihira nito ay ang pagkapanalo nang kung gayong mga pitong medalyang ginto ng malalangoy mula sa Estados Unidos na si Mark Spitz, Lasse Viren ng Pinlandiya, mga nauunang ginto sa mga 5,000 metro at 10,000 metro, na ginapi niya ang Amerikanong mananakbong pangmalayuan na si Steve Prefontaine sa tagapagbuo, at ang pagkapanalo ng tatlong gintong medalya ng 16-na-taong manlalarong Sobyet ng himnastika na si Olga Korbut, na, gayumpaman nabigong manalo ng panlahatan sa kanyang kasama sa laro na si Ludmilla Tourischeva.
Walang anumang trahedya na nagyari sa Montreal noong 1976, subali't nagkaroon ng gastusin na kung tutuusin lumampas sa badyet dahil sa imbing pagpaplano. Ang Palarong Montreal ay ang pinakamahal sa kasaysayan ng Olimpiko hanggang sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008, na naghahalaga ng humigit na $5 daplot (katumbas ng $20 daplot sa 2006). Sa panahong iyon, tila na ang Olimpiko ay baka hindi matatagal ang proposisyon pampananalapi na maisasakatuparan. Bukod pa riyan, nagkaroon ng boykoteo ng mga bansang Aprikano bilang pagtutol sa kamakailang pagliliwaliw ng Timog Aprika na kung saan lumalaganap ang apartheid ng isang panig panragbi ng New Zealand. Ang Rumanang manlalaro ng himnastika na si Nadia Comaneci ay nanalo ng panlahatang gintong medalya ng pambabaeng pangisahan na may dalawa sa apat na maaaring mangyari ng mga ganap na punto. Isa pang babaeng manlalaro ng himnastika na nagkaroon ng ganap na punto at tatlong gintong medalya ay si Nellie Kim ng USRS. Inulit ni Lasse Viren ang kanyang dalawahang ginto sa 5,000 metro at 10,000 metro, na naging kaisa-isang manlalaro na kailanman nanalo ng layong dalawahan nang dalawang beses.
Huling bahagi ng Ika-20 siglo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kasunod ang pagsali ng Unyong Sobyet sa Apganong Digmaang Sibil, nagboykoteo ng mga 66 na bansa, kabilang ang Estados Unidos, Canada, Kanlurang Alemanya at Hapon, ang palarong 1980 na ginanap sa Moskow. Ang boykoteo ay nag-ambag sa Palarong 1980 sa pagiging di-gaanong naipapahayag at higit na kakaunti ang kompetitibong ugnayan, kung saan namamayani ang punong-abalang bansa.
Noong 1984 ang Unyong Sobyet, at ang mga 13 Kapanalig ng Sobyet, ay gumanti sa pamamagitan ng pagboboykoteo ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 1984 sa Los Angeles. Ang palarong ito ay maaaring ang unang palaro ng bagong panahon na makakagawa ng subi. Ang palaro ay naisasakatuparan muli, nguni't nagiging komersiyal. Muli, dahil walang lumalahok mula sa mga bansa ng Silangang Europa, ang Palarong 1984 ay pinamayani ng kanilang punong-abalang bansa. Ang palaro ay may unang pagkakataon na ang Pangunahing Kalupaan ng Tsina (Reublikang Popular) ay lumahok.
Ang palarong 1988 ng Seoul ay isinaayos nang lubos subali't ang palaro ay nabahiran nang marami sa mga manlalaro, lalo na ang pinakapambihirang manlalaro na si Ben Johnson, na nanalo ng panlalaking 100 metro, ay bumagsak sa mga sapilitang pagsususuri sa droga. Sa kabila ng mga kapuri-puring pagsasagawa ng mga pangisahan na walang paggamit ng droga, nilambungan ang bilang ng mga tao na bumagsak sa mga pagsususuri ukol sa mga kemikal na nagpapabuti ng pagsasagawa ang palaro.
Sa maaliwalas na panig, ang mga pangasiwaan ng pagsususuri sa droga at sa alintuntunin ay nagsikmat ng mga nanadaya na naging laganap sa mga atletika sa mga ilang taon. Ang Palarong Barselona ng 1992 ay higit na malinis, bagama't may ilang pangyayari. Sa katunayan may lumaking propesyonalismo sa mga manlalarong Olimpiko, inahalimbawa ng "Pangarap na Kuponan" ng basketbol ng Estados Unidos. Nakita ng Palarong 1992 ang muling pagpapakilala sa Palaro sa mga maraming maliliit na mga bansang Europa na naging kasanib sa Unyong Sobyet mula Ika-II Digmaang Pandaigdig.
Ito rin ay may malawakang parali na ang Kompanyang Coca-Cola, isang mahalagang tagapagtaguyod ng IOC, ay napakamaimpluwensiya sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 1996 na pinamunuang-abala ng tahanang lungsod ng Atlanta.[kailangan ng sanggunian] Sa istadyum noong 1996, ang tampok na pangyayari ay ang mananakbong 200 metrong Michael Johnson na nanglilipol ng pandaigdigang tala sa harapan ng isang tahanang madla. Binigyan ng mga Kanadyano ng samyo sa takbong pangmedalyang ginto na may basag na tala na si Donovan Bailey sa takbuhang 100-metro. Ito ay nadama nang tanyag na maging tumpak na danyo para sa dating pambansang pagkalungi kadawit si Ben Johnson. Mayroon ding makabagbag-damdaming tagpo, tulad ng nang si Muhammad Ali, malinaw na nagkaroon ng sakit ni Parkinson, ay sinindihan ang Olimpikong sulo at nakatanggap ng kapalit na medalya para sa isa na iniwakli niya noong 1960. Ang huling kaganapan ay naganap hindi sa pook-pamboksing nguni't sa arena ng basketbol, sa hiling ng Amerikanong telebisyong. Ang agay-ay sa Palaro ay nasira gayumpaman nang sumabog ang bomba sa panahon ng pagdiriwang sa Liwasang Sentenyal. Noong Hunyo 2003, nahuli ang pangunahing suspek sa pagbobomba na si Eric Robert Rudolph.
Isang bagong milenyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Palarong 2000 ay ginanap sa Sydney, Australia, at ipinakita ang mga pangisahang pagsasagawa ng pampook na kinalulugdan na si Ian Thorpe sa paglalangoy, ang Britanikong Steve Redgrave na nanalo ng medlayang ginto sa paglalayag sa isang huwarang ikalimang magkakasunod na Olimpiko, at si Cathy Freeman, isang Awstralyanong Taal na ang kanyang pagkapanalo sa 400 metro ay pinagkaisa ang nakabungkos na istadyum. Si Eric "ang Igat" Moussambani, ay isang malalangoy mula sa Gineyang Pang-ekwador, ay may katangi-tanging hinay na 100 metrong malayang-estilong paglalangoy na ipinakita na, kahit sa pangkalakal na daigdig ng ikadalawampung dantaon, ang iba sa likas na pananaw ni de Coubertin ay nananatili.[10] Ang Palarong Sydney ay katangi-tangi rin ukol sa unang pagpapakita ng isang pinagsumpungang pangkat ng Hilaga at Timog Korea (sa isang karangalang masigabong palakpakan) sa seremonya ng pagbubukas, kahit sila ay nakikipagpaligsahan bilang magkaibang bansa. Ipinahayag ng Pangulo ng IOC na si Juan Antonio Samaranch sa Seremonya ng Pagtatapos, "Ipinagmamalaki ko at masaya ako upang ipahayag ko na naipakita ninyo sa buong daigdig ang pinakamagandang Palarong Olimpiko kahit kailan."
Nakita ng 2004 ang pagbabalik ng Palaro sa kanilang lugar ng kapanganakan sa Atenas, Gresya. Naglaan ang Gresya na hindi bababa sa $7.2 daplot sa Palaro, kabilang ang $1.5 daplot sa seguridad lamang. Pinuri ang palaro at ikinalugod para sa kanilang mahusay na kalidad sa palagayan ng pagsasaayos, magandang pagtanggap ng mga panauhin, simbolismo, ang antas ng paligsahan at atletismo, at ang panlahatang mistula na ipinasahimpapawid sa buong daigdig. Bagama't walang batayan at pinalaking sensasyonal na ulat ng maaaring mangyari ang terorismo na nag-aaboy ng mga madla mula sa mga paunang paligsahan ng unang huling bahagi ng linggo ng palaro (Agosto 14-15), ang bilang ng mga dumalo ay umigi nang umunlad ang palaro. Gayunpaman, isang-katlo ng mga tiket ay nabigong ibenta.[11] Ang Palarong Atenas na nagsaksi ng lahat ng 202 NOC na lumahok na may humigit na 11,000 kalahok.
Nakapagpahayag ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko na ang mga kalahok sa huling yugto upang mamunong-abala ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 2016 ay Chicago, Estados Unidos; Tokyo, Hapon; Madrid, Espanya; at Rio de Janeiro, Brasil.
Ang Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008 ay ginanap sa Beijing, Republikang Popular ng Tsina. Nagkaroon ng maraming bagong kaganapan, kabilang ang bagong disiplina ng BMX para sa kalalakihan at kababaihan. Sa unang pagkakataon, nagkaroon ng paligsahan ng mga kababaihan sa luksuhan. Lumawak ang programang eskrima upang ibilang ang lahat ng mga anim na kaganapan para sa mga kalalakihan at kababaihan. Ang mga kababaihan ay dating hindi nakapagpaligsahan sa kuponang plorete o mga kaganapang sable (bagama't ang pambabaeng kuponang épée at panlalaking kuponang plorete ay binitawan sa Palarong ito). Sa mga kaganapang maratong paglalangoy, na humigit sa layo ng 10 kilometro, ay nadagdagan. Sa karagdagan, ang mga dalawahang kaganapan sa pingpong ay napalitan ng mga kaganapang pangkuponan.[1]
Ang Palarong Olimpiko sa Tag-init 2012 ay gaganapin sa Londres, United Kingdom, kung saan naging unang lungsod na magpupunong-abala ng Palaro nang tatlong beses. Inalis ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko ang mga larong beysbol at sopbol mula sa programang 2012.
Talaan ng mga palakasang Olimpikos
[baguhin | baguhin ang wikitext]43 iba't ibang palakasan, na lumalawig sa 56 na iba't ibang disiplina, ay naging bahagi ng programa ng Olimpiko sa isang antas o iba pa. Nakapagbuo ng 28 palakasan ang talatakdaan para sa 2000, 2004, at 2008, sa kabila ng pag-aalis ng beysbol at sopbol na naging dulot sa talaan ng pagkakaroon ng 26 na palakasan lamang para sa Palarong 2012.[12]
Ang mga Palakasang Olimpikong Tag-init o Pederasyon ay muling isinapangkat sa ilalim ng isang karaniwan kapisanang payong, na tinatawag na Kapisanan ng mga Pederasyon ng Olimpikong Tag-init (ASOIF).
|
|
Talaan ng makabagong Palarong Olimpiko sa Tag-init
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bagama't ipinagpaliban ang mga Palaro ng 1916, 1940, at 1944, ang mga Romanong bilang ukol sa mga Palarong iyon ay nananatiling ginagamit sapagka't ang mga opisyal na titulo ng Olimpikong Tag-init ay binibilang sa mga Olimpiyada, hindi ang Palaro mismo; ang mga Olimpiyadang iyon ay naganap sa anong paraan sa bawat ng Olimpikong Karta. Ito ay nasa pagkakaiba sa mga Romanong bilang sa mga opisyal na titulo ng Palarong Olimpiko sa Taglamig, kung saan hindi pinansin ang mga nalibang Palarong Taglamig ng 1940 & 1944; ang mga bilang ng mga titulong iyon sa halip ng mga Olimpiyada.
Palaro | Taon | Punong-abala lunsod at bansa | Mga petsa | Binuksan ni | Mga pampalakasan | Mga kaganapan | Mga manlalaro | Mga bansa | Nangunang bansa | Sangg | ||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Kabuuan | Lalaki | Babae | ||||||||||
I | 1896 | Atenas, Gresya | 6–15 Abril | Haring George I | 9 | 43 | 241 | 241 | 0 | 14 | Estados Unidos (USA) | [1] |
II | 1900 | Paris, Pransiya | 14 Mayo – 28 Oktubre | Wala | 18 | 95 | 997 | 975 | 22 | 24 | Pransiya (FRA) | [2] |
III | 1904 | San Luis, Estados Unidos | 1 Hulyo – 23 Nobyembre | Dating Gobernador David R. Francis | 17 | 91 | 651 | 645 | 6 | 12 | Estados Unidos (USA) | [3] |
IV | 1908 | Londres, Gran Britanya | 27 Abril – 31 Oktubre | Haring Edward VII | 22 | 110 | 2,008 | 1,971 | 37 | 22 | Gran Britanya (GBR) | [4] |
V | 1912 | Estokolmo, Suwesa | 12 Mayo – 27 Hulyo | Haring Gustaf V | 14 | 102 | 2,407 | 2,359 | 48 | 28 | Estados Unidos (USA) | [5] |
VI | 1916 | Iginawad sa Berlin, ngunit ipinagpaliban dahil sa Unang Digmaang Pandaigdig. | ||||||||||
VII | 1920 | Antwerp, Belhika | 20 Abril – 12 Setyembre | Haring Albert I | 22 | 154 | 2,626 | 2,561 | 65 | 29 | Estados Unidos (USA) | [6] |
VIII | 1924 | Paris, Pransiya | 4 Mayo – 27 Hulyo | Pangulong Gaston Doumergue | 17 | 126 | 3,089 | 2,954 | 135 | 44 | Estados Unidos (USA) | [7] |
IX | 1928 | Amsterdam, Olanda | 17 Mayo – 12 Agosto | Duke Henry ng Mecklenburg-Schwerin | 14 | 109 | 2,883 | 2,606 | 277 | 46 | Estados Unidos (USA) | [8] |
X | 1932 | Los Angeles, Estados Unidos | 30 Hulyo – 14 Agosto | Ikalawang Pangulong Charles Curtis | 14 | 117 | 1,332 | 1,206 | 126 | 37 | Estados Unidos (USA) | [9] |
XI | 1936 | Berlin, Alemanyang Nazi | 1–16 Agosto | Kanselor Adolf Hitler | 19 | 129 | 3,963 | 3,632 | 331 | 49 | Alemanya (GER) | [10] |
XII | 1940 | Iginawad sa Tokyo, pagkatapos sa Helsinki, ngunit tuluyang ipinagpaliban dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. | ||||||||||
XIII | 1944 | Iginawad sa Londres, ngunit ipinagpaliban dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. | ||||||||||
XIV | 1948 | Londres, Gran Britanya | 29 Hulyo – 14 Agosto | Haring George VI | 17 | 136 | 4,104 | 3,714 | 390 | 59 | Estados Unidos (USA) | [11] |
XV | 1952 | Helsinki, Pinlandiya | 19 Hulyo – 3 Agosto | Pangulong Juho Kusti Paasikivi | 17 | 149 | 4,955 | 4,436 | 519 | 69 | Estados Unidos (USA) | [12] |
XVI | 1956 | Melbourne, Australia Estokolmo, SuwesaB[›] |
22 Nobyembre – 9 Disyembre 10–17 Hunyo |
Philip, Duke ng Edinburgh | 17 | 145 | 3,314 | 2,938 | 376 | 72 | Unyong Sobyet (URS) | [13] |
XVII | 1960 | Roma, Italya | 25 Agosto – 11 Setyembre | Pangulong Giovanni Gronchi | 17 | 150 | 5,338 | 4,727 | 611 | 83 | Unyong Sobyet (URS) | [14] |
XVIII | 1964 | Tokyo, Hapon | 10–24 Oktubre | Emperador Hirohito | 19 | 163 | 5,151 | 4,473 | 678 | 93 | Estados Unidos (USA) | [15] |
XIX | 1968 | Lungsod Mehiko, Mehiko | 12–27 Oktubre | Pangulong Gustavo Díaz Ordaz | 18 | 172 | 5,516 | 4,735 | 781 | 112 | Estados Unidos (USA) | [16] |
XX | 1972 | Myunik, Kanlurang Alemanya | 26 Agosto – 11 Setyembre | Pangulong Gustav Heinemann | 21 | 195 | 7,134 | 6,075 | 1059 | 121 | Unyong Sobyet (URS) | [17] |
XXI | 1976 | Montreal, Kanada | 17 Hulyo – 1 Agosto | Reyna Elizabeth II | 21 | 198 | 6,084 | 4,824 | 1260 | 92 | Unyong Sobyet (URS) | [18] |
XXII | 1980 | Moskow, Unyong Sobyet | 19 Hulyo – 3 Agosto | Heneral na Kalihim ng Partidong Komunista Leonid Brezhnev | 21 | 203 | 5,179 | 4,064 | 1115 | 80 | Unyong Sobyet (URS) | [19] |
XXIII | 1984 | Los Angeles, Estados Unidos | 28 Hulyo – 12 Agosto | Pangulong Ronald Reagan | 21 | 221 | 6,829 | 5,263 | 1566 | 140 | Estados Unidos (USA) | [20] |
XXIV | 1988 | Seoul, Timog Korea | 17 Setyembre – 2 Oktubre | Pangulong Roh Tae-woo | 23 | 237 | 8,391 | 6,197 | 2194 | 159 | Unyong Sobyet (URS) | [21] |
XXV | 1992 | Barselona, Espanya | 25 Hulyo – 9 Agosto | Haring Juan Carlos I | 25 | 257 | 9,356 | 6,652 | 2704 | 169 | Unified Team (EUN) | [22] |
XXVI | 1996 | Atlanta, Estados Unidos | 19 Hulyo – 4 Agosto | Pangulong Bill Clinton | 26 | 271 | 10,318 | 6,806 | 3512 | 197 | Estados Unidos (USA) | [23] |
XXVII | 2000 | Sidney, Awstralya | 15 Setyembre – 1 Oktubre | Gobernador-Heneral Ginoong William Deane | 28 | 300 | 10,651 | 6,582 | 4069 | 199 | Estados Unidos (USA) | [24] |
XXVIII | 2004 | Atenas, Gresya | 13–29 Agosto | Pangulong Konstantinos Stephanopoulos | 28 | 301 | 10,625 | 6,296 | 4329 | 201 | Estados Unidos (USA) | [25] |
XXIX | 2008 | Beijing, Tsina | 8–24 Agosto | Pangulong Hu Jintao | 28 | 302 | 10,942 | 6,305 | 4637 | 204 | Tsina (CHN) | |
XXX | 2012 | Londres, United Kingdom | 27 Hulyo–12 Agosto | Reyna Elizabeth II | 26 | 302 | 10,568 | 5,992 | 4776 | 204 | Estados Unidos (USA) | |
XXXI | 2016 | Rio de Janeiro, Brasil | 5–21 Agosto | Humaliling Pangulong Michel Temer | 28 | 306 | 11,238 | 6,179 | 5059 | 205 | Estados Unidos (USA) | |
XXXII | 2020/1 | Tokyo, Hapon | 23 Hulyo – 8 Agosto 2021 | Emperador Naruhito | 33 | 339 | 11,656 | 5,982 | 5,674 | 206 | Estados Unidos (USA) | [26] |
XXXIII | 2024 | Paris, Pransiya | 26 Hulyo – 11 Agosto | Pangulo ng Pransya (inaasahan) | Hinaharap na kaganapan | |||||||
XXXIV | 2028 | Los Angeles, Estados Unidos | 21 Hulyo – 6 Agosto | Pangulo ng Estados Unidos (inaasahan) | Hinaharap na kaganapan | |||||||
XXXV | 2032 | Brisbane, Awstralya | 23 Hulyo – 8 Agosto | Punong Ministro ng Australia (inaasahan) | Hinaharap na kaganapan | |||||||
XXXVI | 2036 | Malalaman sa 2025 o 2029 | Inaalam pa | Inaalam pa | Hinaharap na kaganapan | |||||||
XXXVII | 2040 | Inaalam pa | Inaalam pa | Inaalam pa | Hinaharap na kaganapan |
^ A: Ang Palarong Interkalado 1906 ay hindi na itinuturing opisyal na Palaro ng IOC.
^ B: Dahil sa Awstralyanong batas sa adwana, ang mga kaganapan sa pangangabayo ay ginanap sa Estokolmo nang ilang mga buwan bago ang pagsisimula ng Palarong 1956 sa Melbourne.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "Beijing 2008: Ang programa ng Palaro nabuo na". Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko. 2006-04-27. Nakuha noong 2006-05-10.
{{cite news}}
: Check date values in:|date=
(tulong) - ↑ "Melbourne / Stockholm 1956". IOC. Nakuha noong 2008-09-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jeffrey, Ben. "Ama ng makabagong Olimpiko". British Broadcasting Corporation. Nakuha noong 2006-05-06.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tarasouleas, Athanasios (1993). "Ang Babaeng Spiridon Loues" (PDF). Citius, Altius, Fortius. 1 (3): 11–12. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2007-12-02. Nakuha noong 2008-09-16.
{{cite journal}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2007-12-02 sa Wayback Machine. - ↑ Young (1996), 153
- ↑ "German Myth: Hitler and Jesse Owens". German Misnomers, Myths and Mistakes. About, Inc. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-05-13. Nakuha noong 2006-05-06.
{{cite web}}
: External link in
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)|work=
- ↑ "The Olympic torch's shadowy past". BBC. Nakuha noong 2008-08-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Palaro ng Ika-XIX na Olimpiyada". Palarong Olimpiko (sa wikang Britanikong Inggles). Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko. Nakuha noong 2006-05-06.
{{cite web}}
: External link in
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: unrecognized language (link)|work=
- ↑ "Palaro ng Ika-XX Olimpiyada". Palarong Olimpiko (sa wikang Britanikong Inggles). Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko. Nakuha noong 2006-05-06.
{{cite web}}
: External link in
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: unrecognized language (link)|work=
- ↑ Ang kanyang babaeng kababayan na si Paula Barila Bolopa ay nakatawag din ng pansin ng mediya ukol sa kanyang talang-hinay at nagsusumikap nguni't magiting na pagsasagawa.
- ↑ http://www.usatoday.com/sports/olympics/2008-07-28-olympics-tickets_N.htm
- ↑ "Higit na kakaunting palakasan para sa Olimpikong Londres". BBC Sport. British Broadcasting Corporation. 2005-07-08. Nakuha noong 2006-05-05.
{{cite news}}
: Check date values in:|date=
(tulong)
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Talaan ng lumahok na bansa sa Palarong Olimpiko sa Tag-init
- Talaang panlahatang panahon ng bilang ng medalya ng Palarong Olimpiko
- Mga aliwaswas ng Palarong Olimpiko
- Palarong Olimpiko sa Taglamig
- Olimpikong Istadyum
- Kaganapan ng palakasang pangmaramihan
Mga panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Opisyal na Pahina ng Kilusang Olimpiko
- Mga medalista at tala ng Olimpikong Tag-init Naka-arkibo 2011-04-30 sa Wayback Machine. (Aleman)
- Mga Lungsod-Kandidato para sa mga susunod na Palarong Olimpiko
- Supian ng Pundasyong Pambaguhang Atletika ng mga Opisyal na Tala Naka-arkibo 2008-09-04 sa Wayback Machine.
- Mga Punong-abalang Lungsod para sa susunod na Palarong Olimipiko[patay na link]
- Panghimpapawid at Buntalang Potograpiya ng mga Olimpikong Istadyum