Pasig
Pasig ᜉᜐᜒᜄ᜔ Lungsod ng Pasig | ||
---|---|---|
| ||
Mga koordinado: 14°33′38″N 121°04′35″E / 14.5605°N 121.0765°E | ||
Bansa | Pilipinas | |
Rehiyon | Pambansang Punong Rehiyon (NCR) | |
Lalawigan | Kalakhang Maynila | |
Distrito | Nag-iisang Distrito ng Pasig | |
Mga barangay | 30 (alamin) | |
Pagkatatag | 2 Hulyo 1573, 21 Enero 1995 | |
Ganap na Lungsod | 21 Enero 1995 | |
Pamahalaan | ||
• Punong Lungsod | Victor Ma. Regis N. Sotto | |
• Pangalawang Punong Lungsod | Robert Vincent Jude Jaworski Jr. | |
• Manghalalal | 457,370 botante (2022) | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 48.46 km2 (18.71 milya kuwadrado) | |
Populasyon (Senso ng 2020) | ||
• Kabuuan | 803,159 | |
• Kapal | 17,000/km2 (43,000/milya kuwadrado) | |
• Kabahayan | 212,895 | |
Ekonomiya | ||
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng lungsod | |
• Antas ng kahirapan | 2.20% (2021)[2] | |
• Kita | ₱13,018,604,605.00 (2020) | |
• Aset | ₱51,687,792,810.05 (2022) | |
• Pananagutan | ₱6,609,238,089.00 (2020) | |
• Paggasta | ₱10,388,802,620.00 (2020) | |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) | |
PSGC | 137403000 | |
Kodigong pantawag | 02 | |
Uri ng klima | Tropikal na monsoon na klima | |
Mga wika | wikang Tagalog | |
Websayt | pasigcity.gov.ph |
Ang Lungsod ng Pasig (Ingles: Pasig City) ay isa sa mga lungsod na bumubuo sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Ito ang dating kabisera ng lalawigan ng Rizal mabuo ang Kalakhang Maynila. Matatagpuan sa silangang hangganan ng Kalakhang Maynila, ang Pasig ay napapaligiran sa kanluran ng Lungsod Quezon at Mandaluyong; sa hilaga ng Marikina; sa timog ng Makati, bayan ng Pateros, at Taguig; at sa silangan ng lungsod ng Antipolo, bayan ng Cainta at Taytay ng lalawigan ng Rizal.
Ang Pasig ay isang lungsod panirahan at pang-industriya subalit unti-unti na itong nagiging isang lumalagong pangkalakalan (commercial) na lugar. Dahil nga dating kabisera ng Rizal, ang dating pamahalaang lalawigan ng Rizal ay makikita rito, sa dulo ng Shaw Boulevard.
Sa loob ng bayan nito ay matatagpuan ang Katedral ng Immaculada Concepcion, isa sa mga pinakalumang simbahan sa kalakhang Maynila. Ang lungsod ng Pasig ay isa sa tatlong munisipalidad na itinalaga ng diyosesis ng Simbahang Katoliko Romano sa Pilipinas (bilang Katoliko Romano diyosesis ng Pasig).
Etimolohiya ng salitang Pasig
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pangalan Pasig ay pinaniniwalaang galing sa salitang Sanskrit na "passis" o buhangin na tumutukoy sa komunidad sa mabuhangin gilid ng ilog. Ang ilang histoyardor naman ay sinasabing galing ang pangalan ng Pasig sa salitang Tagalog na 'mabagsik' na nangangahulugang marahas na pagkilos na maaaring maglarawan ng ilog na kung saan ang agos ay nagdadala nang mga kahoy mula Montalban patungong Manila
Ito ay tinatawag ding "mapaksik" ng mga Intsik sa Binondo, Maynila. Ang "Mapaksik" kalauna'y naging "Pasik" at pagkatapos ay "Pasig". Maari ding galing ito sa "pasigan" na nangangahulugan tabi ng ilog.
Ayon kay Jose Villa Panganiban, dating direktor ng Institusyon ng Pambansang Wika, ang "Pasig" ay lumang Sanskrit na tumutukoy sa "ilog na umaagos mula sa isang katawan ng tubig patungo sa iba," at sa madaling sabi ay naglalarawan sa ilog dahil sa pagdaloy mula sa Lawa ng Laguna patungong Manila Bay.
Ang sagisag ng Lungsod
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ang babae ay kumakatawan sa Mutya ng Pasig, ang idealismo ng pagkaperpekto sa lahat ng aspeto na ehemplo ng katapatan, tapat na kalooban at kagandahan ng Lungsod ng Pasig.
- Ang katawan ng tubig sa magkabilang panig ng babae ay mungkahi ng Ilog Pasig na nagkokonekta sa dalawang anyong tubig, Lawa ng Laguna at Manila Bay pareho inilalarawan sa pamamagitan ng alon. Ang Pasig ay nagmula sa isang salitang Hindu na ang kahulugan ay isang anyong tubig na nagkokonekta ng dalawang anyong tubig.
- Sa ibabang kaliwang bahagi ay ang Katedral ng Inmaculada Concepcion, isa sa mga pinakalumang edipisyo sa lungsod. Ito rin ang kinaluluklukan ng mga Diyosesis ng Pasig.
- Sa ibabang kanang bahagi ay ang nagpapahiwatig ng kasaganaan at pag-unlad ng lungsod.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 11 Hunyo 1901 ang mga lalawigan ng Rizal ay nilikha sa pamamagitan ng Batas bilang 137 ng Komisyon ng Pilipinas. Ang Pasig ay isinama sa lalawigan ng Rizal, at siya ang hinirang bilang kabisera ng bagong lalawigan.
Taong 1975, ang Pasig ay inalis sa lalawigan Rizal at naging bahagi ng Kalakhang Maynila nang ang Komisyon ng Kalakhang Maynila (ang pinagmulan ng Metro Manila Authority at sa katagala'y ang Metropolitan Manila Development Authority) ay nilikha sa ni pangulong Ferdinand Marcos sa pamamagitan ng Presidential decree 824.
Hulyo 1994, ang Pasig ay na-convert sa isang mataas na urbanisadong lungsod sa pamamagitan ng Batas Republika bilang 7829. At noong Disyembre ng taong 1994, nilagdaan ito ni pangulong Fidel V. Ramos bilang isang batas, na sinang-ayunan naman ng mga tao sa ginanap na plebisito noong 21 Enero 1995.
Distrito at mga Barangay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Lungsod ng Pasig ay nahahati sa 30 mga barangay. Ito ay may dalawang mga heograpikal o mga distrito ng lungsod. Ang unang distrito ay binubuo nang timog at kanluran bahagi ng lungsod, habang ang pangalawang distrito ay binubuo ng hilaga at silangang bahagi ng lungsod.
District 1 Barangays
|
District 2 Barangays
|
Ekonomiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa kanluran hangganan ng Pasig, at pinagtatalunang mas makabuluhang silangang bahagi ng Lungsod ng Mandaluyong, ay matatagpuan ang Ortigas Center. Bilang isa sa mga pangunahing distrito ng negosyo sa kalungsuran, iba't-ibang mataas na gusali ng opisina, residential condominiums, gusaling pangkalakalan (commercial), mga paaralan at mga malls ang matatagpuan dito. Ang Unibersidad ng Asya at ng Pasipiko (UA & P), ang isa sa mga pinaka-eksklusibong unibersidad sa bansa, ay matatagpuan dito, pati na rin ang punong tanggapan ng Integrated Bar ng Pilipinas. Nasa hilagang-kanlurang bahagi ng Ortigas Center ang bakuran ng Meralco, tahanan at punong himpilan ng Meralco (Manila Electric Company), ang pinakamalaking kompanya na namamahagi ng dagitab sa Pilipinas. Ang punong himpilan ng Pamilihang Sapi ng Pilipinas, na tahanan ng isa sa sahig kalakalan sa bansa, ay matatagpuan din dito. Ang punong-himpilan ng San Miguel Corporation, may-ari ng pinakamalaking producer ng serbesa sa Pilipinas, ay matatagpuan din dito. Dahil sa mga negosyo at mga pamumuhunan sa Ortigas Center, ang barangay San Antonio ang may pinakamalaking kita para sa isang lokal na yunit ng pamahalaan sa bansa.
Kasama sa mga hindi malilimot sa Ortigas Avenue at E. Rodriguez Jr. Avenue (C-5) ay ang Frontera Verde, isang bagong pribadong pagpapaunlad na lugar na mayroong restoran, pet shop, mall, parke, village, gusaling tanggapan at isang maliit na zoo. Ang El-Pueblo, ang isang may temang kolonyal na pangkalakalan (commercial) na lugar sa Ortigas Center, ay nagbibigay ng mga bagong konsepto ng cafe's, mga restoran at mga bar. Metrowalk (ang dating Payanig), isang pangkalakalan (commercial) na lugar sa kahabaan ng Ortigas Avenue at Meralco Avenue, ay itinayo noong 2005 malapit sa Ortigas Center na kung saan mayroong mga tindahan, warehouses, at mga mga restoran at mga bar.
Ang Medical City, sa isang pribadong pagamutan na matatagpuan malapit sa bakuran ng Meralco sa kahabaan ng Ortigas Avenue, ay nag-aalok ng ilang taong karanasan sa pagpapatakbo at pamamahala na naglilingkod hindi lamang sa mamamayan ng Pasig kundi pati na rin sa ibang mga bayan.
Edukasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Rizal High School, isa sa itinuturing na pinakamalalaking sekundaryang paaralan sa buong mundo ayon sa bilang ng mag-aaral, ay matatagpuan sa Pasig. Dating itinanghal ng Mga Pandaigdigang Tala ng Guinness bilang pinakamalaking paaralan na may may bilang ng mga mag-aaral, ito ay dinaig ng City of Montessori School (CMS) sa Lucknow, India.
Ang Pamantasan ng Lungsod ng Pasig, ang isang unibersidad na pagmamay-ari ng estado ay matatagpuan sa Kapasigan, nag-aalok ng mga kurso sa antas para sa mahihirap ngunit matatalino at karapat-dapat na mga residente ng Pasig. Ito ay itinatag sa ilalim ng paninilbihan ni Vicente C. Eusebio noong 1999.
Ang Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod ng Pasig (PCSHS) ay ang unang Mataas na Paaralang Pang-agham sa Pasig. Ito ay matatagpuan malapit sa Rainforest, ang isang pampublikong resort na itinatanghal ang zoo, park, swimming pool at iba pang mga pasilidad ng pagsasaya.
Ang PhilSports Complex o ang Philippine Institute of Sports Complex (dating ULTRA) ay isang bantog na pambansang sports complex ng Pilipinas. Matatagpuan sa Meralco Avenue, dito makikita ang tanggapan ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee at ang ilang mga National Sports Associations.
Demograpiko
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Pop. | ±% p.a. |
---|---|---|
1903 | 11,278 | — |
1918 | 16,767 | +2.68% |
1939 | 27,541 | +2.39% |
1948 | 35,407 | +2.83% |
1960 | 62,130 | +4.80% |
1970 | 156,492 | +9.67% |
1975 | 209,915 | +6.07% |
1980 | 268,570 | +5.05% |
1990 | 397,679 | +4.00% |
1995 | 471,075 | +3.22% |
2000 | 505,058 | +1.50% |
2007 | 627,445 | +3.04% |
2010 | 669,773 | +2.40% |
2015 | 755,300 | +2.32% |
2020 | 803,159 | +1.22% |
Sanggunian: PSA[3][4][5][6] |
Zip Codes sa Lungsod ng Pasig
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Caniogan 1606
- Green Park 1612
- Kapasigan 1600
- Kapitolyo 1603
- Manggahan 1611
- Maybunga 1607
- Pinagbuhatan 1602
- Rosario 1609
- San Antonio 1605
- San Joaquin 1601
- Santolan 1610
- Santa Lucia 1608
- Ugong 1604
Mga namuno
[baguhin | baguhin ang wikitext]Alkalde
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Mario Lamercia (1750 - 1780)
- Aldrin Gersalia (1780's) (Gobernadorcillo)
- Resurrecion Balmaceda (1850)
- Don Rafael Umali (1852-1853, 1869-1870)
- Don Apolonio Santiago (1873-1884)
- Don Liberato Damian y Umali (1894)
- Hen. Valentin Cruz (1896)
- Don Pantalen Catanto (1897)
- Don Valentin Ruiz (1898)
- Felipe Benicio Gomez (1902–1904)
- Julio Raymundo (1904–1906)
- Jose Feliciano (1906–1909)
- Lupo Miguel (1909–1912)
- Francisco Reyes (1912–1915)
- Alejandro Ramos y Agullon (1915–1918)
- Don Fortunato Concepcion (1918–1921)
- Don Sixto J. Antonio (1924-1935)
- Francisco B. Legaspi (1945-1951)
- Cipriano A. Raymundo (1936-1942, 1942-1945, 1952-1955)
- Emiliano R. Caruncho, Jr. (1956-1986)
- Mario Raymundo (1986-1992)
- Vicente Eusebio (1992-2001)
- Soledad Eusebio (2001-2004)
- Vicente Eusebio (2004-2007) : Si Henry Lanot ang umaangking nanalo sa halalan noong taong 2005, ngunit siya ay pinatay para mabawi ni Vicente Eusebio ang kanyang ranggo.[7]
- Robert Eusebio (2007-2013)
- Maribel Eusebio (2013-2016)
- Robert Eusebio (2016-2019)
- Victor Ma. Regis N. Sotto (2019-kasalukyan)
Bise-Alkalde
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Emiliano Santos (1956 - 1986)
- Lorna Bernardo (1992-2004)
- Rosalio "Yoyong" Martirez (2004-2013)
- Iyo Bernardo Caruncho (2013-2022 3 terms)
- Robert "Dodot" Jaworski Jr. (2022-Kasalukuyan)
Kinatawan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Kinatawan sa Saligang Batas ng 1935 - Don Mariano Melendres
- Ikawalong Kongreso Congress 1987–1992 - Rufino S. Javier
- Ikasiyam na Kongreso 1992–1995 - Rufino S. Javier
- Ikasampung Kongreso 1995–1998 - Rufino S. Javier
- Ika-11 na Kongreso 1998–2001 - Henry P. Lanot
- Ika-12 na Kongreso 2004 (1 day)- Noel Cariño (1)
- Ika-13 na Kongreso 2004–2007 - Robert B. Jaworski, Jr.
- Ika-14 na Kongreso 2007–2013 - Roman T. Romulo
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑
"Province: NCR, SECOND DISTRICT (Not a Province)". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population (2015). "National Capital Region (NCR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population and Housing (2010). "National Capital Region (NCR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Censuses of Population (1903–2007). "National Capital Region (NCR)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: url-status (link) - ↑
"Province of Metro Manila, 2nd (Not a Province)". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Philippine Headline News Online - Ex-Pasig Congressman Slain[patay na link], Manila, 14 Abril 2005