Pumunta sa nilalaman

Tagagamit:Televido

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
com cbk de el eo es fr
haw ia it iu ja jbo la
lfn nah pt sw tl vo zh
Impormasyon ng tagagamit ng Babel
tl-N Katutubo ng Tagalog ang tagagamit na ito.
eo-4 Ĉi tiu uzanto parolas kun preskaŭ denaska scio de Esperanto.
ia-3 Iste usator ha cognoscentias avantiate de interlingua.
la-3 Hic usor/Haec ustrix probe ac Latine conferre potest.
es-3 Esta persona tiene un conocimiento avanzado del español.
fr-3 Cet utilisateur dispose de connaissances avancées en français.
ja-3 この利用者は上級日本語ができます。
pt-3 Este utilizador tem um nível avançado de português.
jbo-3 This user has advanced knowledge of la .lojban..
it-3 Quest'utente può contribuire con un livello avanzato in italiano.
cbk-3 Esta persona tiene un conocimiento avanzado del Chavacano de Zamboanga.
ca-3 Aquest usuari té un coneixement avançat de català.
ru-2 Этот участник владеет русским языком на среднем уровне.
sv-2 Den här användaren har medelgoda kunskaper i svenska.
zh-2 这位用户的中文达到中级水平
yue-2 呢位用戶有中等程度嘅粵語知識。
Maghanap ng mga wika ng mga tagagamit
Impormasyon ng tagagamit ng Babel
haw-2 Hiki i kēia mea ho‘ohana ke hā‘awi me kahi kūlana o waena ma ka ‘ōlelo Hawai‘i.
de-2 Dieser Benutzer beherrscht Deutsch auf fortgeschrittenem Niveau.
id-2 Pengguna ini memiliki pengetahuan menengah bahasa Indonesia.
th-1 ผู้ใช้คนนี้มีความรู้พื้นฐานเกี่ยวกับภาษาไทย
nan-1 Cī ciáh ê̤ṳng-hô tĕ̤k-siā 閩南語 / Bân-lâm-gú gì nèng-lĭk sê chĕ̤-gék.
茲隻用戶讀寫閩南語 / Bân-lâm-gú其能力是初級
ko-1 이 사용자는 한국어조금 할 수 있습니다.
vi-1 Người dùng này biết tiếng Việt với trình độ cơ bản.
el-1 Αυτός ο χρήστης έχει βασικές γνώσεις Ελληνικών.
he-1 משתמש זה יודע עברית ברמה בסיסית.
yua-1 This user has basic knowledge of Yucateco.
nci-1 This user has basic knowledge of Classical Nahuatl.
fi-1 Tämä käyttäjä osaa suomea vähän.
tlh-1 This user has basic knowledge of Klingon.
pi-1 अयं पुग्गलो पालिभासायं मूलकमेन बहुस्सुतधरो॥
ar-1 هذا المستخدم لديه معرفة أساسية بالعربية.
sw-1 Mtumiaji huyu ni mwongeaji wa Kiswahili cha kiwango cha Msingi.
ban-1 Sang anganggé puniki medué kawikanan dasar basa Bali.
Maghanap ng mga wika ng mga tagagamit
🥒 Vikipedio 🍆 la .uikipedi'as. 🍊 Huí-ki-pe̍h-tiá

Sa Lilim ng mga Makopa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ako po si Viktor "Nonong" Emmanuel Medrano Medrano, isang Pilipinong nakatira sa Kanada. Nagtagal ako sa Hapon. Tagalog ang katutubong wika ko. Medyo nakakabasa ako ng ilang wikang Latino bilang ang Kastila, Portuges, Pranses, Italyano, Katalan, at Chavacano. Bukod sa wikang Hapones na intermedyaryo na ako, kaunting natutunan ko ang iba pang mga wikang Asyano bilang ang Mandarin, Kantones, Koreano, Taylandes, Byetnames, at Hokkien, ang wika ng mga ninuno ko. Interesado rin ako sa mga wikang indiheno bilang ang Klasikong Nahuatl, Yukatekong Maya, Guaraní, Haida, Inuktitut, Cree, at Quechua. Malimit akong mag-Ingles, at natutunan ko itong wika mula nang narseri hanggang unibersidad.

Natutuwa ako sa mga wikang guni-guning Lojban, Esperanto, Interlingua, Volapük, Klingon, Toki Pona, at Elefen. Sa mga wikang ito ko napapansin ang ibang espiritwalidad. Ang Lojban at Klingon ay mga wikang siyensiyang piksiyon. Sa makatuwid, binibigyang-diin kong ako ay isang Lojbanista-Esperantista, ang kulay-ube at berde.

Singkretista akong Animista-Budista. Mahilig ako sa astronomiya, potograpiya, biyolohiya, pagkain, anime, wikang guni-guni, at siyensiyang piksiyon. Bahaghari ang naging buhay ko.

Nasasarapan akong uminom ng tsaang mabula. Mahilig akong kumain ng tokwa. Ang mga paborito kong prutas ay ang pakwan, durian, bluberi, makopa, langka, dragong prutas, at ume. Sa lutuing Pilipino, paborito ko ang kaldereta at laing. Sa matamis, gusto ko ang biko, espasol, haluhalo, nata de coco, kaong, Brazo de Mercedes, buko pandan, nilupak, ube halaya, Sans Rival, Leche Flan, budín de pan, at bilu-bilo.

Nararamdaman ko ang espiritwalidad sa kalikasan, parte ng kosmolohiyang mas malawak sa astronomiya. Ang okupasyon ko sa pangarap ay maging astrobiyolohista. Naniniwala ako sa buhay sa labas ng Tiyera. Pangarap kong yumaman ang sangkatauhan sa kolonisasyong ekspansiyon sa ating Sistemang Solar, at pagkatapos ay sa ating galaksiyang Daang Magatas. Pangarap din ni multibilyonaryong Elon Musk na maging "makaespasyong sibilisasyon at multiplanetaryong espesye" ang sangkatauhan.

May repetisyon sa mga hugis ng mga bagay sa Sansinukob. Isip kong sa iba-ibang mundong ang hugis ng mga parang hayop ay parang kabayo, ibon, o tao man. May mga hugis nang parang puno o kabute. May pantasya akong mga parang taong ang balat ay berde o bughaw. Isip kong baka nga mayroon sa malayong-malayo. Isip kong kahit na ang dahilan ay mga panspermia o mga independenteng abiogenesis, may repetisyon ang hugis ng buhay na bagay. Kahit na parang bakterya lamang ang buhay sa ibang mundo, parang mahika na rin, marahil dulo ng aysberg. Sana'y makita ko ang ibang buhay. Nawa'y madiskubre ng mga dalub-agham.

Sa mundong ito, bumisita na ako sa Alemanya, Awstriya, Batikano, Belhika (daan ng tren), Britanya, Ehipto, Espanya, Gresya, Indonesia, Italya, Liechtenstein, Marwekos, Meksiko, Nederlands, Portugal, Pransiya, Singgapur, Suwisa, Taylandiya, Timog Korea, Tsina, at Turkiya. Sa Pilipinas ako pinanganak, at tumira na ako sa Hapon, Estados Unidos, at Kanada. Gusto ko pang marating ang Awstralya, Brasil, Byetnam, Guatemala, Madagaskar, Pinlandiya, Pranses na Guiana, Pranses na Polinesya, Sri Lanka, Suwesya, Tanzania, Timog Aprika, at Uruguay. (Nakita ko na naman ang mga itong bansa sa pananaw nang satelayt.)

Esensiyal na sina J. R. R. Tolkien, Ursula K. Le Guin, Olaf Stapledon, Frank Herbert, Tuesday Lobsang Rampa, Piers Anthony, Isaac Asimov, Tove Jansson, Arthur C. Clarke, Anne McCaffrey, Robert Heinlein, Samuel R. Delany, Ray Bradbury, Doris Lessing, Larry Niven, Edgar Rice Burroughs, Robert Silverberg, James Blish, at Somtow Sucharitkul ang kasali sa mga paborito kong manunulat. Mahilig ako sa piksiyong espekulatibong kabilang ang pantasya at siyensiyang piksiyon. Nadidiskubre ko ang espiritwalidad sa binabasa ko. Marami akong nagugustuhang animeng Hapon, katulad ng Violet Evergarden at Vampire Knight.

Ang mga lahi kong etnikong alam ko ay Pilipino, Kastila, Intsik, Griyego, Portuges, at Hudyo. Ang edukasyon ko ay sa unibersidad na UBC sa Inhinyeriyang Pangkimika at Agham Pangkompyuter na tinapos ko nang Batsilyer noong 1989.

Maligayang pagdating!

Mga Artikulo Ko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Araw ni Zamenhof | Anime | Antropolohiya | Denisovan | Eskimo | Esperanto | Haiku | Interlingua | Laniakea | Neanderthal | Paggawa ng daigdig | Shinto | Taoismo | Wikang artipisyal | Wikang Nahuatl | Wikang Pali | Zen

Mga Usbong Ko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Araw ng mga Mestiso | Bluberi | Pitaya

Mga Larawan Ko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sulat ko

Wikang guni-guni

Wikang guni-guni

Wikang Ingles

Talaan

🗿🍋🌮🏰🐪🪘🪃

PlanetVix
Viktor Medrano's Conlangs
kurowassan sa Neocities
Televido sa Wika
BikuOrenji sa Wika
Televido sa Geofictionist
Viktoro sa Blogger
batatokuko sa LiveJournal
vixvoxvex sa Gravatar
viktoro sa Flickr
Viktor sa Facebook
nonong sa Tatoeba
Viktor sa Academia
Viktor sa ResearchGate
nonongvik sa GitHub
Viktor sa LinkedIn
viktoro sa DeviantArt
batatokuko sa DeviantArt
kyuut7 sa DeviantArt
nohohon177 sa DeviantArt
viktor-lojban sa SoundCloud
Biku7 sa FreeSound
Taotao7 sa FreeSound
televido sa Etsy
mintellectual sa X
viktor sa jbovlaste