Pumunta sa nilalaman

Wikang Tagalog

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa ISO 639:tl)
Tagalog
Wikang Tagalog
ᜏᜒᜃᜅ᜔ ᜆᜄᜎᜓᜄ᜔
Ang salitang "Tagalog" kung isulat sa Baybayin
[ta ga lu]
Katutubo saMga bansang may mahigit sa 1,000,000 mananalita:

Pilipinas at Estados Unidos

Mga bansang may mahigit sa 100,000 mananalita:
Saudi Arabia, Australia, Hapon, Qatar, Kuwait, España, Italia, Canada, Malaysia, United Arab Emirates, Singapura, at China (lalo na sa Hong Kong)
RehiyonGitna at timog Luzon, Pilipinas, Timog-Silangang Asya
Mga natibong tagapagsalita
28 milyon (2007)
Pamantayang anyo
Mga diyalekto
  • Bataeño
  • Batangueño
  • Bulaqueño
  • Manileño
  • Marinduqueño
  • Mindoreño
  • Nueva Ecijano
  • Tagalog ng Tanay at Paete (Rizal at Laguna)
  • Tayabasin (Quezon)
  • Caviteño
  • Soccsksargen (Mindanao)
Latin (uring nagagamit sa Tagalog)
Baybayin (nag-iibayo)
Opisyal na katayuan
Pilipinas (sa anyo ng Filipino)
Estados Unidos (laan sa iilan)
Pinapamahalaan ngKomisyon sa Wikang Filipino, patungkol sa Tagalog ng Maynila
Mga kodigong pangwika
ISO 639-1tl
ISO 639-2tgl
ISO 639-3tgl
Mga bahagi ng Pilipinas kung saan pangunahing sinasalita ang Tagalog.
Pananda sa mga bansa ayon sa bilang ng mga nakakapag-Tagalog:
  500,000 mahigit
  100,000-500,000
  kaunti sa 100,000

Ang wikang Tagalog[1] (Baybayin:ᜏᜒᜃᜅ᜔ ᜆᜄᜎᜓᜄ᜔), o ang Tagalog, ay isa sa mga pinakaginagamit na wika ng Pilipinas. Ito ang nangingibabaw na katutubong wika sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon o ang CALABARZON, sa lalawigan ng Marinduque at sa pulo ng Mindoro, sa Bulacan, sa Nueva Ecija, sa Paracale sa lalawigan ng Camarines Norte, at sa Kalakhang Maynila.

Ginagamit din ang Tagalog sa Hilagang Kapuluang Mariana kung saan ang mga Pilipino ang may pinakamaraming bilang ayon sa lahi at wika. Ito ang batayan na "ayon sa totoong kagawian", at hindi "ayon sa batas" ng pambansang wika ng Pilipinas na Filipino (tinawag na "Pilipino" mula taóng 1961 hanggang 1987).[1]

Madalas na ginagamit ang Tagalog bilang pantalastasang wika sa buong bansa at sa mga samahan ng mga Pilipino sa labas ng Pilipinas. Gayon pa man, kung magamit man nang madalas ang Tagalog sa talastasan ng kaalaman, lalo na sa labas ng mga kinikilalang paaralan, ay lalong ginagamit ang Inglés sa pagsulat ng batas, sa talastasan ng pamahalaan, at sa kalakalan pang-ibang bansa man o sa loob ng Pilipinas. Minsan ay tinatawag na mananagalog o mananalita ang mga mahusay managalog.[1]

Ang wikang Tagalog ay may pagkakatulad sa ibang mga wika sa Pilipinas katulad ng mga wika sa Bikol, Ilokano, mga wika sa Kabisayaan, at Kapampangan. May mga pagkakatulad din ito sa ibang mga mga wikang Austronesyo katulad ng Wikang Indones, wika ng Hawaii at Malgatse.

Kasaysayan ng pinagdaanan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang salitang Tagalog ay hinango sa salitang taga-ilog, gáling sa unlaping tagá- na nangangahulugang "katutubo ng" na idinagdag sa harap ng salitang ilog o "Naloy" (Tagal), kaya't may ibig sabihing "mga taong nagbuhat sa matandang Kabihasnan o sa Daluyan ng Tubig. Walang mga halimbawang kasulatan ng orihinal na Tagalog bago dumating ang mga Kastila. Sinasabi ng ilan na marahil sinunog ng mga unang paring Kastila ang mga ito, dahil sinasabi ring masademonyo ang mga halimbawang ito. Kakaunti lámang ang kaalaman tungkol sa kasaysayan ng wikang ito, ngunit sa haka-haka ng mga dalubhasa sa pananalita, katulad nina Dr. David Zorc at Dr. Robert Blust, nagmula ang mga ninuno ng mga Tagalog sa hilagang-silangang Mindanao o sa silangang Kabisayaan, kasama ng mga kamag-anak nitong wika ng mga taga-Gitnang Pilipinas.[2][3]

Ang Doctrina Cristiana (Doktrinang Kristiyano) ang pinakaunang aklat na naisulat sa Tagalog, na inakdaan noong 1593. Nakasulat ito sa Kastila at dalawang uri sa Tagalog: nakasulat ang una Baybayin habang ang sa mga titik ng Latin naman ang isa. Pinaniniwalaang hinango rin ang Tagalog mula sa salitang taga-irog dahil kilalá ang pangkat ng mga kayumangging ito sa pag-irog sa sinisintang kabiyak at sa pagiging tapat din sa pakikipag-ugnayan sa pinili niyang makakasáma sa búhay. Batay ito sa isang nakaraang kaganapan, noong may higit pang katinuan at takot sa Diyos ang mga tao. May kaugnayan ang salitang ito sa isang kasabihang Tagalog na "mahirap mamangka sa dalawang ilog (o irog). Wala pang nailathalang aklat na nagsasabi kung gaano katanda ang wikang Tagalog, subalit may dokumento o kasulatang nakalimbag sa tanso na nagpapatunay na ang isang matandang uri ng wikang pinagmulan ng wikang Tagalog ay umiiral at ginagamit na mahigit sa isang libong taon nang nakalipas. Ito ang Inskripsiyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna ng taong 900 A.D., isang bagay na patuloy pang inuusisa at pinag-aaralan ng mga nagdalubhasa sa wika. Ipinapalagay na sangay na kauri ng wikang Tagalog ang iba pang mga katutubong wika sa Pilipinas, at patuloy pa ring ginagamit ang mga ito sa bawat rehiyon at mga lalawigan ng bansa. Nang dumagsa ang mga Kastila sa kapuluan ng bansang ito, nasumpungan nila na may kabihasnan na dito: na may wika, panulat na baybayin, at mga payak na lipunang may pinunong tinatawag na datu ng bawat pangkat o barangay. Sa pagtuturo ng mga dayuhan ng kanilang kaalaman mula sa Europa, nahubog ang kaisipan at kalinangan Pilipino sa kaisipang dayuhan, na nagpatuloy hanggang sa pagdagsa sa bansa ng mga Amerikano at mga Hapones sa paglipas ng mga panahon. Sa kabila ng impluwensiyang ito, nakilala ang wikang Tagalog bílang isang pambansang wika na nakalalamang sa ibang mga diyalekto, at naging higit din sa mga wikang Ingles at Kastila.

Ang Baybayin ng Wikang Tagalog.

Sa kahabaan ng 333 taong pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, mayroong mga nasulat na mga pambalarila at mga talahuluganan ang Kastilang kaparian katulad ng Vocabulario de la lengua tagala ni Pedro de San Buenaventura (Pila, Laguna, 1613), Vocabulario de la lengua tagala (1835) at Arte de la lengua tagala y manual tagalog para la administración de los Santos Sacramentos (1850). Itinuturing ang makatang si Francisco Baltazar (1788–1862) bílang pinakamahusay na manunulat na Tagalog. Ang Florante at Laura ang kaniyang pinakabantog na akda, na naisulat noong ika-19 daantaon.

Noong 1937, napili ng Surian ng Wikang Pambansa ang Tagalog bilang batayan ng pambansang wika ng Pilipinas. Noong 1939, tinawag ni Pangulong Manuel L. Quezon ang Tagalog bilang ang Wikang Pambansa. Noong 1959, muli itong pinangalanang Pilipino ni Jose Romero, ang Kalihim ng Edukasyon noon, upang mabigyan ang Tagalog ng isa pambansang tatak at diwa, sa halip na pangpangkat-etniko lámang. Subalit hindi nagresulta ang pagpapalit ng pangalan ng Tagalog sa pagtanggap, sa diwang nakadarama, ng mga hindi Tagalog, partikular na ang mga Sebwano, na hindi sumang-ayon sa pagkakapili ng Tagalog bílang wikang pambansa.[4]

Noong 1971, muling binalikan an paksang pangwikang ito, at may isang kinalabasang kasunduan — isang gawing "unibersalista" sa pagkakaroon ng wikang pambansa, na tatawaging Filipino, sa halip na Pilipino. Nang ibalangkasa ang bagong konstitusyon ng 1987, tinawag na Filipino ang wikang pambansa.[4] Nilahad ng konstitusyon na habang umuunlad at nagbabago ang wikang Filipino, lalo pa itong pauunlarin at pagyayamanin batay sa búhay na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.

Gamit sa talastasan ng may magkakaibang pinanggalingan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ginagamit ang Tagalog bilang lingguwa prangka o pinipiling wika ng pagkakatulad at pantalastasan sa Pilipinas, subali't Inglés ang ginagamit sa pagtalastas ng kaalaman sa karamihan ng mga larangan, pati na rin sa bugkos ng pamahalaan. Isa ang wikang Tagalog sa una at may mataas na uri ng wika sa kapuluang Pilipinas. Isa sa patunay ng kagulangan o katandaan nito ang lathalaing Kasulatang Limbag sa Tanso-laguna o LCI (900 A.D.), na bagama't may pagkakaiba ang anyo sa kasalukuyang Tagalog, may patunay na ito nga ang inang wika ng makabagong Tagalog sa Pilipinas. Nagpayabong at nagpayaman sa wikang Tagalog ang lawig ng panahon ng pakikipag-ugnayan ng kabihasnang tagalog sa iba't ibang lahi ng mga taong nakarating sa kapuluan ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang wikang Tagalog ang siyang kinikilalang pangkaraniwang wika, at ang pambansang wika ng Republika ng Pilipinas. Kasunod nito ang mga wika ng bawat rehiyon ng bansa, katulad ng Hiligaynon, Sebwano, Bikolano, Ilokano, Kapampangan, Pangasinan, at iba pa. Sa kabila ng maraming anyo ng salitang Pilipino o iba't ibang diyalekto, pangunahing wika pa rin ang Tagalog. Naitakda sa Saligang Batas na ang Pamantayang Katawagan sa Pambansang Wika ng Pilipinas ay Filipino na nakabatay sa lumang anyo nito na Tagalog. Siya rin ang bagong Tagalog o Pilipino sa kasalukuyan.

Uri ayon sa pinagmulan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isang wika sa Gitnang Pilipinas ang Tagalog na nasa loob ng mag-anak ng mga wikang Austronesyo. Dahil Malayo-Polinesyo, kamag-anak ito ng iba pang mga wikang Austronesyong tulad ng Indones, Malay, Fiji, Maori (ng New Zealand), Hawayano, Malagasi (ng Madagascar), Samoano, Tahitiano, Chamorro (ng Guam at ng Hilagang Kapuluang Mariana), Tetum (ng Silangang Timor), at Paiwan (ng Taiwan). Kalapit na kamag-anak nito ng mga wikang sinasalita sa mga rehiyon ng Bikol at Kabisayaan, katulad ng Bikol, Hiligaynon, Waray-Waray, at Sebwano. Nagkaroon ng mahahalagang mga ambag sa Tagalog ang mga wikang Kastila, Hapones, Arabe, Sanskrit, Matandang Malay.

Kakalatan at kalapatang heograpiko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sumasakop ang "tahanang lupain" ng wikang Tagalog, o ang Katagalugan, lumabis-kumulang sa kalawakan ng gitna magpahanggang katimugang bahagi ng pulo ng Luzon - tinutukoy ang sa Aurora, Bataan, Batangas, Bulacan, Camarines Norte, Cavite, Laguna, Kalakhang Maynila, Nueva Ecija, Quezon, at Rizal. Winiwika rin ang Tagalog ng mga naninirahan sa mga kapuluan ng Lubang, Marinduque, at sa hilaga at silangang bahagi ng Mindoro at sa buong Palawan. Tinatayang sinasalita ito ng may 64.3 milyong mga Pilipino, mga 96.4% ng bilang ng tao ng populasyong pangkabahayan.[5] 21.5 milyon, o 28.15% ng kabuoan ng populasyon ng Pilipinas,[6] kung saan isa itong katutubong wika.

Matatagpuan ang mga nagsasalita ng Tagalog sa iba pang mga bahagi ng Pilipinas, maging sa lahat ng mga bahagi ng mundo, bagaman nakalaan lamang ang paggamit nito sa pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga pangkat etnikong Pilipino. Ito ang ikaanim na pinakawiniwikang wika sa Estados Unidos na may higit sa isang milyong mga tagapagsalita.[7] Sa Canada, winiwika ito ng 235,615 mga katao.[8]

Opisyal na katayuan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Itinalaga ang Tagalog bilang wikang opisyal sa unang saligang batas ng Pilipinas, ang Konstitusyon ng Biak-na-Bato (Artikulo VIII: Opisyal na Wika) ng 1897.[9] Noong 1935, itinalaga ng saligang batas ng Pilipinas ang Ingles at Kastila bilang mga opisyal na wika, subalit iniatas ang pagpapaunlad at pagaangkin ng isang karaniwang wikang pambansang batay sa isa sa mga buhay na mga katutubong wika.[10] Pagkaraan ng pag-aaral at talakayan, pinili ng Surian ng Wikang Pambansa (isang komiteng binubuo ng pitong mga kasaping kumakatawan sa iba't ibang mga rehiyon ng Pilipinas) ang Tagalog bilang batayan ng pagpapaunlad at pagaangkin ng isang wikang pambansa ng Pilipinas.[4][11] Noong 30 Disyembre 1937, inihayag ni Pangulong Manuel L. Quezon ang pagkakapili ng wikang Tagalog bilang gagamiting batayan ng pagpapaunlad at pagaangkin ng isang Wikang Pambansa ng Pilipinas.[11] Noong 1939, lumaong tinawag na Pilipino ang minumungkahing wikang pambansa.[4]

Itinalaga ng saligang batas ng 1973 ng Pilipinas ang mga Pilipinong nakabatay sa Tagalog, kasama ng Ingles, bílang isang wikang opisyal at nag-atas ng pagpapaunlad at pormal na paggamit ng isang karaniwang wikang pambansang tatawaging Filipino.[12] Itinakda ng konstitusyon ng 1987 ng Pilipinas ang Filipino bílang wikang Pambansa, na nag-aatas na sa pagsulong nito, higit pa itong pauunlarin at pagyayamanin batay sa mga búhay na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika.[13]

Bilang Filipino, itinuro ang Tagalog sa mga paaralan sa kabuuan ng Pilipinas. Sinsabing ito lamang ang isa mula sa 170 mga wikang Pilipinong opisyal na ginagamit sa mga paaralan at mga negosyo, bagaman isinasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 7 ng pang-1987 na Saligang Batas ng Pilipinas, sa isang bahagi, na:

Ayon sa probisyon ng batas at kung mamarapatin ng Kongresong kailangan ito, magsasagawa ang Pamahalaan ng mga hakbang upang panimulan at panatilihin ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang isang wikang pangpagtuturo sa sistemang edukasyonal.[13][14]

Ang mga wikang panrehiyon ay mga katulong na wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing mga katulong na midya ng pagtuturo doon.[13][15]

Nakaimpluwensiya rin ang iba pang mga wika sa Pilipinas, pangunahin na ang sa pamamagitan ng mga paglakbay-lipat ng mga mamamayan ng mga mananalita ng ganitong ibang mga wika mula sa mga lalawigan patungong Kalakhang Maynila.

Mga wikang lalawiganin ng mga Katagalugan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang lalawiganing Tagalog ay rehiyonal na pamamaraan ng salita na madalas naririnig lamang sa partikular na rehiyon, lalawigan, bayan o pamayanan sa mga Katagalugan. Ito ay mga wikang diyalekto. Ang mga lalawiganing Tagalog ay maaaring mag-iba nang malaki sa pagbigkas, bokabularyo, at gramatika batay sa partikular na rehiyon o lalawigan. Ang mga diyalektong ito ay maaring magpanatili ng mas luma o katutubong bokabularyo at istrukturang gramatika kumpara sa batayang Tagalog.

Ang anyo ng Tagalog na sinasalita at sinusulat sa Kalakhang Maynila, ang Pambansang Punong Rehiyon, ang ginamit bilang batayan para sa wikang Filipino. Kaya naman ito ay hindi isang lalawiganin o rehiyonal na diyalekto dahil sa hindi limitadong saklaw nito. Masasabing ito ay mga karaniwan o batayang mga salitaan na nagagamit ng nakakaraming mananalita at nauunawaan ng bansa. Ang Kamaynilaan ay masasabing tagpuan ng mga mananalita ng iba't ibang wika sa Pilipinas. Ang Tagalog ng Maynila ay madalas na itinuturing na pamantayan na diyalekto ng Tagalog dahil sa impluwensya ng media, edukasyon, at pamahalaang nakasentro sa kabisera. Mailalarawan ang wikang ito sa pamamagitan ng halo-halong mga impluwensya mula sa iba pang mga wika, partikular na Espanyol at Ingles, dahil sa makasaysayang mga kadahilanan. Nagkakaroon ng mas modernong bokabularyo ang Tagalog ng Maynila at nakapagsasama ng mga salitang hiram mula sa ibang mga wika o diyalekto.

Saklaw: Kalakhang Maynila, bahagi ng Kabite, kalapit na mga bayan ng Laguna, sa kanluran ng Pagsanjan, at mga lunduyang panlungsod (sentrong urbano) ng bansa.

Ang Tagalog ng Bataan at Zambales ay maitutulad sa Tagalog ng Maynila, bagama't madalas na nahahaluan ng Kapampangan at Pangasinan, pati na rin ang Ilokano, sa gawing kalapit ng Zambales sa Pampanga, Tarlac at Pangasinan. Maitutulad din ang Tagalog ng Bataan at Zambales sa Tagalog ng Cavite, dahil sa galing Cavite ang mga Tagalog na lumipat at tumira sa Bataan at Zambales.

Saklaw: Bataan (maliban na ang hangganang hilagang-silangan malapit sa Pampanga), timugang bahagi ng Zambales at Lungsod ng Olongapo.

Wikang Bulakenyo (Bulacan Tagalog)

Ang Bulakenyo Tagalog ay isa sa baul ng kayamanan ng Wikang Tagalog sapagkat tinataglay pa nito ang ilang mga lumang salitang nilipasan na ng panahon sa Kalakhang Maynila gaya na lamang ng mga salitang kampit (kutsilyo), iwi (kalinga), pisaw (maliit na palakol), anluwage (karpintero), balisungsong (embudo), supil (hairband), matamis (asukal) at iba pa.

Talaan ng mga piling mga wika o salita sa Tagalog ng Bulacan:

Ang punto o accent naman ng Bulakenyo Tagalog ay kilala sa pagiging mahimig at melodiko nito. Bukod pa rito, mabilis ngunit klaro kung magsalita ang mga Bulakenyo dahil sa kahusayan nila sa pangungusap na may kaugnayan sa pamamaraan nila sa pananalumpati at pagtula. Sinasabing malaki ang naging impluwensiya ng Wikang Kapampangan sa Bulakenyo Tagalog.

Ang ilang pangunahing pagkakaiba ng bokabularyo at pagtatag nito sa Tagalog ng Kalakhang Maynila ay ang mga sumusunod:

1. Paggamit ng salitang eka, ito ay pinaikling salin ng "wika" , ang pangunahing kahulugan nito sa Kalakhang Maynila ay "sabi" ngunit kalaunan ay naging ganap nang ekspresyon sa pang-araw-araw na pangungusap.

2. Paggamit ng unlaping ka-, ginagamit upang bigyan ang isang salita ng kahulugang pang-uri, ito ay maihahambing sa empasis na "ang-" ng Kalakhang Maynila; ginagamit ang ganoong diskarte ng pananalita sa Southern Tagalog. Halimbawa, kaganda, sa halip na "ang ganda" ; o kasarap, sa halip na "ang sarap".

3. Kahalintulad sa Batangas Tagalog ginagamit din ang mga salitang ire/ere sa halip na "ito" at dine sa halip na "dito". Bukod dito ay ginagamit rin ang salitang kata, ito ay maihahambing sa salitang "tayo" ngunit ito ay limitado lamang sa dalawang nag-uusap.

Saklaw: lalawigan ng Bulacan, Nueva Ecija at ilang bahagi ng Tarlac.
Wikang Batangenyo (Batangas Tagalog)

Talaan ng mga piling mga wika o salita sa Tagalog ng Bulacan:

Ang Tagalog ng Batangas ay nailalarawan sa pamamagitan ng isang malakas na tuldik at isang bokabularyo at balarila na malapit na nauugnay sa makalumang Tagalog.[16] Maykabilisan ang pagbigkas nito dalá ng punto sa mga pangungusap nito na nagiging dahilan ng kaibahan ng himig nito sa wikain sa Maynila. Ang ilang pangunahin at kilalang pagkakaiba nito sa wikain ng Maynila ay ang paggamit ng salitang ire sa halip na ito, dine sa halip na dito at ga sa halip na ba. Gayon din ang mga salitang "parine", "parito", dumito at iba pa.

Saklaw: Batangas at ilang bahagi ng Laguna

Rizal at Laguna

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Wikang Tanay-Paete (Tanay-Paete Tagalog)

Talaan ng mga piling mga wika o salita sa Tagalog ng Tanay-Paete:

Wikang Lagunense (Lagunense Tagalog)

Talaan ng mga piling mga wika sa Tagalog ng Laguna:

Paunawa na "bawal magtapon ng basura" sa tabing-daan sa lalawigan ng Laguna.

Ang Tagalog ng Tanay-Paete ay pagbigkas na nahubog mula sa pinagsamang salita ng Tagalog at katutubong agta ng nasabing rehiyon. Ang punto o tono nito ay alon alon na sinusundan ng mga katagang "hane" at kapag tumutukoy ng pagiging kilala o tanyag ng isang tao o pangyayari ay may unlapi na "bang" sa unahan ng salita.May kaluwagan ang pananalita ng tanay-paete kung ihahambing sa may diin na pangungusap ng mga katagalugan sa timog. Hanggang sa kasalukuyan ang pananalitang ito ay bahagyang mapupuna pa rin sa bahagi sa Pasig hanggang sa palibot na mga bayan ng Binangonan, Taytay, Angono at karugtong pang mga bayan nito na nasa lalawigan ng Rizal.

Saklaw: Lahat ng mga bayan sa silangan ng Pagsanjan, Laguna, at lalawigan ng Rizal.

Wikang Marinduque (Marinduque Tagalog)

Naiiba ang Tagalog ng Lalawigang Marinduque (na tinatawag ding Marindukenyo) sa iba pang Tagalog dahil sa pagkakabukod ng isla ng Marinduque sa Luzon. Mapapansin sa wikang sinasalita sa silangang bahagi nito ang impluwensiya ng mga nanahan na Bisaya at Bikolano sa lugar

Ang Marindukenyo ay inilalarawan bilang "ugat na pinagmulan ng makabagong porma ng wika." (Cecilio Lopez, 1923), na sinasabing kakikitahan ng mga sinaunang katangian ng wikang Tagalog. Sa kasalukuyan, sinasalita ng mga taga-Marinduque ang Tagalog sa paraan nang pagsasalita ng mga matatandang Tagalog.[17][18]

Batayang Tagalog Diyalektong Marinduque Ingles
Susulat sina Maria at Fulgencia kay Juan. Másúlat da Maria at Fulgencia kay Juan. "Maria and Fulgencia will write to Juan."
Mag-aaral siya sa Maynila. Gaaral siya sa Maynila. "He will study in Manila."
Magluto ka! Pagluto ka! "Cook!"
Kainin mo iyan. Kaina mo yaan. "Eat that."
Tinatawag tayo ni Tatay. Inatawag nganì kitá ni Tatay. "Father is calling us."
Tutulungan ba kayó ni Hilarion? Atulungan ga kamo ni Hilarion? "Will Hilarion help you (pl.)?"
Saklaw: Marinduque.

Lubang/Mindoro

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Wikang Mindoreño (Lubang Tagalog)

Talaan ng mga piling mga wika sa Tagalog ng Lubang/Mindoro:

Isang anyo ng Tagalog ng Batangas na dinala ng mga nagsidayong mga taong Batangas sa nasabing pulo.

Saklaw: pulo ng Mindoro, kapuluang Lubang, Nasugbu, Batangas
Wikang Tayabas (Tayabas Tagalog)

Tinatawag na wikang Tayabas-Tagalog (Tayabas Tagalog) ang mga salitaang ginagamit para sa buong Lalawigan ng Quezon. Ang Tayabas ay tumutukoy sa lumang pangalan ng lalawigan.[19][20] Ang naturang wikain ay may ilang naiibang katangiang halaw sa wikang Bikolano. Ilan ding mga salita ang hindi nauunawaan ng ibang mga nagsasalita ng Tagalog. Batay sa mga naunang pagsusuring lingguwistika ni Dr. E. Arsenio Manuel sa lalawigan, mayroong 3,336 na saligang salita at katagang ginamit sa Tayabas Tagalog na hindi nakatala sa monumental na gawain ni Pedro Serrano Laktaw; Diccionario Tagalog-Hispano (1914) na partikular sa Tagalog ng Bulakan-Manila.[21][22] Karamihan sa mga salitang Tayabasin na ito ay makikita sa Vocabulario De Lengua Tagala, ang unang Espanyol-Tagalog na diksyunaryo na isinulat ni Padre Pedro de San Buenaventura noong 1613. Nangangahulugan ito na ang mga salitang napanatili sa Tagalog ng Tayabas ay ginagamit na bago pa man nasakop ng mga Kastila ang Pilipinas.[23]

Talaan ng mga piling mga wika sa Tagalog ng Tayabas (Quezon):

Isa sa namumukod tanging katangian ng Tayabasin ay ang likas na di-pagdaragdag ng panlaping -eño/-enyo sa pagtukoy sa likas na kinagisnang bayan, linang o lokalidad ng isang tao. Pangkaraniwang ginagamit sa wikain ang panlaping -in o -hin upang tukuyin ang katutubong lokalidad ng isang tao tulad ng Lukbanin, Pagbilawin, Tagkawayanin, Maynilain atbp.

Ang Tagalog ng Tayabas ay kinakikitaan din ng naiibang pagbigkas o punto lalo na sa mga pandiwa gaya ng abyadi (abyad), saraduhi (isara), buksi (buksan), halui (haluin), palipari (paliparin), bantayi (bantayan) at iba pa.

Sa gitnang baybay-tabi ng lalawigan na malapit sa Batangas ay may kahambingan ng Batangas Tagalog at sa baybay-timog na bahagi nito ay may hawa ng Bikol (malapit sa Camarines Norte) at may Bisaya rin naman sa gawing katimugang baybay-bahagi ng tangway nito na tinawag na "Bondok Peninsula". Tila nahahati rin ang Tagalog ng Tayabas sa dalawang anyo: ang anyong kanluran na mas nalalapit sa Batangenyo at ang anyong silangan na mas nalalapit sa Marindukenyo.

Wikang Caviteño (Cavite Tagalog)

Ang pagiging malápit ng Cavite sa Kamaynilaan at Batangas ang naging dahilan ng lahukang Tagalog nito na tunog Batangas, Maynila, at Bulakan. Maraming salita at mga ekspresyon o dagliang pangungusap ang nagbigay kaibahan sa Tagalog ng Cavite kapag ihinambing sa Tagalog ng Kamaynilaan. Bagama't may pagkakaiba ang mga ito, ang pang-unawa sa pakikipagtalastasan ay sumusunod pa rin sa patakaran ng salita ng wikang Tagalog.

Talaan ng mga piling mga wika sa Tagalog ng Kabite:

Isa sa mga pinakamatandang lalawigan sa Pilipinas ang Cavite, at dáting kilalá sa katawagang lalawigan ng Tangway, isang pangalang ginamit simula sa panahon ng mga Kastila hanggang sa palibot ng taóng 1950. Nagmula ang pangalang Cavite sa pangalan ng matandang bayan nito na kilalang Kawit. Naging Cavite ito sa baybay sa Kastila at ang pagdugsong ng puntong eh sa cavit, kaya naging Cavite sa kalaunan.

Narito ang ilang mga pangungusap na di karaniwan sa Kamaynilaan:

1. Sa biglang pagtaas ng tubig dahil sa malakas na ulan ay napaigtad ako sa kinatatayuan ko!
2. Napagawi ako sa ilat na iyan, mangilanngilan din naman ang ista gaya ng igat, may ulang at katam din naman.
3. Sal-itan nga kitang maghalo nireng tilbok sa kawa!
4. Saksa ang gulay sa baraka, kitang mamaraka nang abutin natin ang tulpukan!
5. Lagyan mo nga nang panangga yaang batang iyan nang hindi laging nauuya!
6. Nagdala nga ng bug-ong wala namang kutsara! Magsakol na lang kitang kainin itong dala mong pagkain!
7. Oy, binata! Pagkasiwal mo! Piliin mo nga yaang makakaharap mo baka sintugin yang makabangga mo!
8. Astang taga-Maynila ka na ah! Kaya lang maitim ka pa rin!
9. Nabagu na ang dating daan! Di ko na ito gamay, mahihirapan akong matukoy ang hinahanap ko!
10. Sa iyong mga ikinikilos, talastas ko na ang iniisip mo!
11. Dumausdos ang sinasakyan namin kanina sa daan! Pagkatarik ba naman,ahoy!
12: Nagwagi na sa sabong ay nag agaw pa ng manok, singkara na!
Saklaw: Ilaya at kanlurang bahagi ng Cavite, maging ang kadugsong nitong mga bayan ng Batanggas tulad ng Nasugbu, Lian, Laurel, Talisay, Lemery at iba pang kalapit na mga bayan nito.

Mga tunog sa pagbigkas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May 21 ponema ang Tagalog: 16 katinig at limang patinig.[24] Payak ang balangkas ng isang pantig, na nilalaman ng hindi bababa sa isang katinig, at isang patinig,[25] maliban sa mga hiniram na salita tulad ng "trak" o "tsokolate".

Bago dumating ang mga Espanyol, mayroong tatlong ponemang patinig ang Tagalog: /a/, /i/, and /u/. Ipinalawig ito sa limang patinig nang isinama ang mga patinig ng Espanyol. Ito ang:

May apat na pangunahing diptonggo sa Tagalog: ang /aɪ/, /oɪ/, /aʊ/ at /iʊ/.[25]

Nasa baba ang isang talaan ng mga katinig sa Tagalog. Walang hangin ang lahat ng mga katinig na pasara (stop consonant). Makikita naman sa lahat ng posisyon ang panlalamunang pailong (velar nasal), kasama ang unang bahagi ng isang salita.

Talaan ng mga ponemang katinig ng Tagalog
Panlabi Pangngipin/
Panggilagid
Lagpas-gilagid/
Pangngalangala
Panlalamunan Impit (Glotal)
Pailong m n ɲ ŋ
Pasara p b t d k ɡ ʔ
Pasutsot s ʃ h
Pakatal ɾ
Pagilid/Malapatinig l j w

Ponemiko ang diin sa Tagalog. Nagkakaroon ng pangunahing diin sa huling pantig o penultimong pantig (pangalawa sa huli) ng isang salita. Kasama ng pangunahin o pangalawang diin ang pagpapahaba ng bigkas sa mga patning maliban na kung nasa dulo ng salita ang diin nito. Mahalaga ang papel ng diin sa Tagalog: pinalilinaw nito ang mga salitang magkapareho ang baybay, ngunit magkaiba ang bigkas, tulad ng "tayo" (ako at ibang tao na magkakasama) at "tayô" (tumindig), na karaniwang sinusulat nang walang kudlit.

  • /a/ ay pinataasan nang kaunti para maging [ɐ] sa mga posisyong walang diin at kung minsan ay sa mga posisyong may diin (‘inang bayan’ [in'ɐŋ 'bɐjən])
  • /i/ na walang diin is karaniwang binibigkas na [ɪ] tulad sa wikang Ingles "bit"
  • /i/ sa dulong pantig ay puwedeng bigkasin bilang [i ~ e ~ ɛ] dahil ang [e ~ ɛ] ay allophone ng [ɪ ~ i] sa dulong pantig.
  • /ɛ/ na walang diin at /o/ ay puwede ring bigkasin bilang [i ~ ɪ ~ e] at [u ~ ʊ ~ ɔ] maliban sa mga dulong pantig. [o~ ʊ ~ ɔ] at [u ~ ʊ] ay mga allophones rin.
  • /u/ na walang diin ay karaniwang [ʊ] tulad sa wikang Ingles "book"
  • Ang diptonggong /aɪ/ and the sequence /aʔi/ have a tendency to become [eɪ ~ ɛː].
  • Ang diptonggong /aʊ/ and the sequence /aʔu/ have a tendency to become [oʊ ~ ɔː].
  • /k/ sa pagitan ng dalwang patinig ay puwede maging [x] katulad sa Español "José", na kung saan sa simulang posisyon ay puwede maging [kx].
  • Intervocalic /g/ and /k/ tend to become [ɰ] (see preceding).
  • /ɾ/ at /d/ ay maaaring mapagpapalit na /ɾ/ at /d/ na dating allophones in Tagalog.
  • Ang impit sa dulo ng isang salita ay kadalasang nawawala kung ito'y nasa gitna ng pangungusap, lalo na sa Kamaynilaan. Ang patinig na sinusundan nito ay karaniwang pinahahaba. Ngunit, sa ibang diyalekto ay napapanatili ito..
  • /o/ ay maaari maging [ɔ] sa mga pantig na may diin.
  • /niy/, /siy/, /tiy/, and /diy/ may be pronounced as [nj]/[nij], [sj]/[sij], [tj]/[tij] and [dj]/[dij], respectively, especially in but not limited to rural areas.
  • /ts/ may be pronounced as [ts], especially in but not limited to rural areas.
  • /e/ or /i/ before s-consonant clusters have a tendency to become silent.


Gamit sa talastasan sa pananampalataya

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang Sampung Utos ng Diyos sa Tagalog.

Nananatiling isa ang panitikang pampananampalataya sa pinakamasiglang tagapag-ambag sa panitikang Tagalog.

Noong 1970, isinalinwika ng Philippine Bible Society ang Bibliya patungong Tagalog, ang unang pagsasalinwika sa anumang mga wika sa Pilipinas. Bago pa man ang Ikalawang Konsehong Batikano, may naipapamudmod nang mga pampintakasing mga lathalain na nasa Tagalog. Sa kasalukuyan, may tatlong kumakalat na mga salinwikang Tagalog ng Banal na Bibliya— ang Magandang Balita Biblia (isang kapantayang salinwika ng Good News Bible), na isang bersiyong ekumenikal; ang Ang Biblia, na isa mas bersiyong Protestante; at ang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan, isa sa mga may animnapung kapantayang mga salinwika New World Translation of the Holy Scriptures na nilathala ng mga Saksi ni Jehovah. Inilabas ang huli noong taong 2000, ngunit dating naglabas ang mga Saksi ni Jehova ng isang haybrid na salinwika: ang Ang Biblia na ginamit para sa Matandang Tipan, habang ginamit naman ang Bagong Sinlibutang Salin para sa Bagong Tipan.

Nang pahintulutan ng Ikalawang Konsehong Batikano, (partikular na ang Sacrosanctum Concilium) ang pagsasalinwika ng mga pandaigdigang mga dasal patungo sa mga wikang bernakular, ang Catholic Bishops' Conference of the Philippines ang isa sa mga unang nagsalinwika ng Romanong Misal patungong Tagalog. Sa katunayan, nalathala ang Romanong Misal sa Tagalog noong mga kaagahan ng 1982, habang hindi pa nalalathala sa Ingles hanggang 1985.

Naglilimbag na ang mga Saksi ni Jehova ng panitikang Tagalog mga nasa maagang bahagi ng 1941 [26] at tinatayang nilalathala naman ang Ang Bantayan[27] (ang pangunahing magasin ng mga Saksi ni Jehova; The Watchtower sa Ingles) mula pa noong mga 1960. Kasalukuyang karaniwang pinapakawalan ang mga bagong labas kaalinsabay ng ibang mga wika, kabilang ang Tagalog. May ilan ring mga lathalain ang opisyal na websayt ng mga Saksi ni Jehovah sa Tagalog na makukuha mula sa Internet.[28][29]

Isang ganap na matatag na wika ang Tagalog, at may napakakakaunting mga pagbabago ang ginawa sa mga Katolikong salinwika ng Bibliya. Gayundin, dahil bata pa ang Protestantismo sa Pilipinas, mas ekumenikal ang gawi sa mga panalanging liturhikal.

Paghahambing ng mga salita nito sa ibang wikang Austronesio

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nasa baba ang isang tsart ng Tagalog at dalawampung iba pang wikang Austronesyanno na naghahambing sa labintatlong mga salita.

Ingles one two three four person house dog coconut day new we (inclusive) what fire
Tagalog isa dalawa tatlo apat tao bahay aso niyog araw bago tayo ano apoy
Tombulu (Minahasa) esa zua (rua) telu epat tou walé asu po'po' endo weru kai, kita apa api
Wikang Gitnang Bikol saro duwa tulo apat tawo harong ayam niyog aldaw ba-go kita ano kalayo
Rinconada Bikol əsad darwā tolō əpat tawō baləy ayam noyog aldəw bāgo kitā onō kalayō
Waray usa duha tulo upat tawo balay ayam/ido lubi adlaw bag-o kita anu kalayo
Cebuano usa/isa duha tulo upat tawo balay iro lubi adlaw bag-o kita unsa kalayo
Hiligaynon isa duha tatlo apat tawo balay ido lubi adlaw bag-o kita ano kalayo
Aklanon isaea, sambilog, uno daywa, dos tatlo, tres ap-at, kwatro tawo baeay ayam niyog adlaw bag-o kita ano kaeayo
Kinaray-a sara darwa tatlo apat tawo balay ayam niyog adlaw bag-o kita ano kalayo
Tausug hambuuk duwa tu upat tau bay iru' niyug adlaw ba-gu kitaniyu unu kayu
Maranao isa dowa t'lo phat taw walay aso neyog gawi'e bago tano tonaa apoy
Kapampangan metung adwa atlu apat tau bale asu ngungut aldo bayu ikatamu nanu api
Pangasinan sakey dua, duara talo, talora apat, apatira too abong aso niyog ageo balo sikatayo anto pool
Iloko maysa dua tallo uppat tao balay aso niog aldaw baro datayo ania apoy
Ivatan asa dadowa tatdo apat tao vahay chito niyoy araw va-yo yaten ango apoy
Ibanag tadday dua tallu appa' tolay balay kitu niuk aggaw bagu sittam anni afi
Yogad tata addu tallu appat tolay binalay atu iyyog agaw bagu sikitam gani afuy
Gaddang antet addwa tallo appat tolay balay atu ayog aw bawu ikkanetam sanenay afuy
Tboli sotu lewu tlu fat tau gunu ohu lefo kdaw lomi tekuy tedu ofih
Wikang Malaysia satu dua tiga empat orang rumah anjing kelapa/ nyior hari baru/ baharu kita apa api
Wikang Indonesia satu dua tiga empat orang rumah/balai anjing kelapa/nyiur hari baru kita apa/anu api
Wikang Jawa siji loro telu papat uwong omah asu klapa/kambil hari anyar/enggal kita apa/anu geni
Wikang Aceh sa duwa lhèë peuët ureuëng rumoh/balèë asèë u uroë barô (geu)tanyoë peuë apuy
Wikang Lampung sai khua telu pak jelema lamban asu nyiwi khani baru kham api apui
Wikang Bugi sedi dua tellu eppa tau bola asu kaluku esso baru idi' aga api
Wikang Batak sada dua tolu opat halak jabu biang harambiri ari baru hita aha api
Wikang Minangkabau ciek duo tigo ampek urang rumah anjiang karambia ari baru kito apo api
Tetum ida rua tolu haat ema uma asu nuu loron foun ita saida ahi
Maori tahi rua toru wha tangata whare kuri kokonati ra hou taua aha ahi
Tuvaluan tasi lua tolu toko fale kuri moku aso fou tāua ā afi
Hawaiian kahi lua kolu kanaka hale 'īlio niu ao hou kākou aha ahi
Wikang Banjar asa duwa talu ampat urang rūmah hadupan kǎlapa hǎri hanyar kita apa api
Malagasy isa roa telo efatra olona trano alika voanio andro vaovao isika inona afo
Dusun iso duo tolu apat tulun walai tasu piasau tadau wagu tokou onu/nu tapui
Iban satu dua tiga empat orang rumah asu nyur ari baru kitai nama api

Mga pangunahing lalawigan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Hilangang Katagalogan (Northern Tagalog)

(Salitang Malalim na Tagalog at nahaluuan ng "Ilokano, Rehiyon ng Ilocos", at (Kapampangan).

Gitnang Katagalogan (Central Tagalog)

(Salitang Mababaw na Tagalog (Filipino), na mayroong halong Taglish).

Timog Katagalogan (Southern Tagalog)

(Salitang mayroong ka-luma, Malalalim at Puntong Tagalog, sinamahan nang wikang "Batangenyo", "Calambeño" at "Caviteño").

Timog Katagalugan (Southern Tagalog)

(Salita na mayroong Punto-ng Tagalog, mga wikang Palawenyo, Mangyan (Mindoro), Marinduqueño, Romblomanin at Batangenyo").

Tagalog-Bikol (Southeastern Tagalog)

(Salitang mayroong Tagalog na Nasasakupan nang Wikang Bikolano).

  1. 1.0 1.1 1.2 English, Leo James (1977). "Tagalog, Pilipino, mananagalog, Tagalista". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Zorc, David. 1977. The Bisayan Dialects of the Philippines: Subgrouping and Reconstruction. Pacific Linguistics C.44. Canberra: The Australian National University
  3. Blust, Robert. 1991. The Greater Central Philippines hypothesis. Oceanic Linguistics 30:73–129
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 Andrew Gonzalez (1998). "The Language Planning Situation in the Philippines" (PDF). Journal of Multilingual and Multicultural Development. 19 (5, 6): p. 487–488. Nakuha noong 2007-03-24. {{cite journal}}: |pages= has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Results from the 2000 Census of Population and Housing: Educational Characteristics of the Filipinos, National Statistics Office, 18 Marso 2005, inarkibo mula sa orihinal noong 2008-01-27, nakuha noong 2008-01-21{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Results from the 2000 Census of Population and Housing: Population expected to reach 100 million Filipinos in 14 years, National Statistics Office, 16 Oktubre 2002, inarkibo mula sa orihinal noong 2008-01-28, nakuha noong 2008-01-21{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Census:Languages of the United States" (PDF). United States. Nakuha noong 2007-05-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Statistics Canada 2006
  9. 1897 Constitution of Biak-na-Bato, Article VIII, Filipiniana.net, inarkibo mula sa orihinal noong 2007-11-03, nakuha noong 2008-01-16 {{citation}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  10. 1935 Philippine Constitution, Article XIV, Section 3, Chanrobles Law Library, nakuha noong 2007-12-20 {{citation}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  11. 11.0 11.1 Manuel L. Quezon III, Quezon’s speech proclaiming Tagalog the basis of the National Language, quezon.ph, nakuha noong 2007-12-20 {{citation}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  12. 1973 Philippine Constitution, Article XV, Sections 2-3, Chanrobles Law Library, nakuha noong 2007-12-20 {{citation}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  13. 13.0 13.1 13.2 1987 Philippine Constitution, Article XIV, Sections 6-9, Chanrobles Law Library, inarkibo mula sa orihinal noong 2007-11-10, nakuha noong 2007-12-20 {{citation}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  14. Isinalin mula sa Ingles na: "Subject to provisions of law and as the Congress may deem appropriate, the Government shall take steps to initiate and sustain the use of Filipino as a medium of official communication and as language of instruction in the educational system."
  15. "The regional languages are the auxiliary official languages in the regions and shall serve as auxiliary media of instruction therein."
  16. Portugal, Roszanet I. (2019-01-01). "PAGSUSURI AT REAKSYON SA DAYALEKTO NG BATANGUEÑO". {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. News, Marinduque (2020-09-01). "Ika-19 Bantayog-Wika sa Pilipinas, pinasinayaan sa Marinduque". Marinduque News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-06-20. {{cite web}}: |last= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Obligacion, Eli J. (2020-08-30). "Marinduque Rising: Sa Pagpapasinaya ng Bantayog-Wika para sa Tagalog Marindukenyo". Marinduque Rising. Nakuha noong 2024-06-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Tayabas Tagalog". OpinYon News (sa wikang Ingles). 2023-01-12. Nakuha noong 2024-06-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Philippine Social Sciences and Humanities Review (sa wikang Ingles). College of Liberal Arts, University of the Philippines. 1982.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Manuel, E. Arsenio (1971). A Lexicographic Study of Tayabas Tagalog of Quezon Province (sa wikang Ingles). Diliman Review.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "Tayabas Tagalog". OpinYon News (sa wikang Ingles). 2023-01-12. Nakuha noong 2023-02-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "Celebrating Heritage". OpinYon News (sa wikang Ingles). 2023-05-18. Nakuha noong 2024-06-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Rolando D. Navarro, Jr. (2007), Recognition of Tagalog Alphabets Using The Hidden Markov Model (PDF), nscb.gov.ph, inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2008-10-02, nakuha noong 2008-09-26{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. 25.0 25.1 Tagalog: Understanding the Language, lerc.educ.ubc.ca, inarkibo mula sa orihinal noong 2008-09-19, nakuha noong 2008-09-26{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. 2003 Yearbook of Jehovah's Witnesses p.155.
  27. Sa Tagalog, Ang Bantayan ang opisyal na salin ng pamagat na The Watchtower na nasa Ingles, Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova, nakalimbag na isyu para sa Hulyo 2008 (Tomo 129, Blg. 13).
  28. Watch Tower Naka-arkibo 2006-12-30 sa Wayback Machine., Official Website of Jehova's Witnesses, Watch Tower Bible at Tract Society of Pennsylvania, WatchTower.org, 2006
  29. Watch Tower Naka-arkibo 2008-10-15 sa Wayback Machine., Opisyal na Web Site ng mga Saksi ni Jehova, Watch Tower Bible at Tract Society of Pennsylvania, WatchTower.org, 2006

Mga kasulatan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ibang mapag-aaralan sa labas ng Wikipedia

[baguhin | baguhin ang wikitext]