Pumunta sa nilalaman

Wikang Kapampangan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Wikang Pampangeniyo)
Kapampangan, Capampáñgan
Kapangpángan written in Kulitan, the language's indigenous writing system
Katutubo saPilipinas
RehiyonGitnang Luzon
Mga natibong tagapagsalita
2.4 milyon
Latin (Abakada o Kahalawang Espanyol);
Nakasulat noon sa Kulitan
Opisyal na katayuan
Wikang pangrehiyon sa Pilipinas
Pinapamahalaan ngKomisyon sa Wikang Filipino
(Commission on the Filipino Language)
Mga kodigong pangwika
ISO 639-2pam
ISO 639-3pam
Mga lugar kung saan ginagamit ang wikang Kapampangan

Ang Kapampangan o Capampáñgan ay isa sa mga walong pangunahing wika ng Pilipinas. Ito ang pangunahing wika ginagamit sa buong lalawigan ng Pampanga at Timugang Tarlac, sa timugang bahagi ng kalagitnaang kapatagan ng Luzon, karamihan nito ay sumasailalim sa pangkat-etnikong Kapampangan. Sinasalita rin ang Kapampangan sa hilagang-silangang Bataan, pati na rin sa mga munisipalidad ng Bulacan, Nueva Ecija, at Zambales na pumapaligid sa Pampanga. Nakakapag-intindi at nakakapagsalita rin ng Kapampangan ang mga iilang Aeta sa timugang bahagi ng Gitnang Luzon. Ang naturang wika ay tinatawag ding Pampango, Capampan͠gan/Capampañgan, Pampangueño, at bilang panggalang, Amanung Sisuan (wikang ipinasuso).[1]

Ang Kapampangan ay isa sa mga wika ng Gitnang Luzon ng mga wikang Austronesyo. Kabilang sa mga malalapit na wika ng Kapampangan ay ang mga wikang Sambal sa Zambales at ang Wikang Bolinao sa sinasalita sa mga bayan ng Bolinao at Anda sa Pangasinan. Magkapareho ang mga wikang ito sa repleksong /j/ ng proto-Austronesyong katinig *R.[kailangan ng sanggunian]

Ang salitang "Kapampangan" ay nagmula sa salitang-ugat na pampang na ang ibig sabihin ay tabing ilog (pareho sa wikang Tagalog). Sa kasaysayan, ginamit ang wika sa Bayan ng Tondo, na pinamumunuan ng mga Lakan.

Isinulat ang mga iilang diksyunaryo at balarilang aklat tungkol sa Kapampangan noong panahong kolonyal ng mga Kastila. Nagsulat si Diego Bergaño ng dalawang aklat noong ika-18 siglo tungkol sa: Arte de la lengua Pampanga[2] (unang inilathala noong 1729) at Vocabulario de la lengua Pampanga (unang inilathala noong 1732). Nagbunga ang Kapampangan ng dalawang dakilang tao sa panitikan noong ika-19 na siglo; kilala si Anselmo Fajardo para sa Gonzalo de Córdova at Comedia Heróica de la Conquista de Granada, at isinulat ni mandudulang Juan Crisóstomo Soto ang Alang Dios noong 1901. Isinulat ang "Crissotan" ni Amado Yuzon, ang kapanahon ni Soto noong dekada 1950 at kandidato ng Gantimpalang Nobel para sa kapayapaan at panitikan,[kailangan ng sanggunian] upang mapanatiling-buhay ang kanyang kontribusyon sa panitikan ng Kapampangan.

Sa kasalukuyan, ang paggamit sa Kapampangan, kahit na sa mga lugar na kung saan tradisyunal na ginagamit ang wika ay unti-unti nang nababawasan.[3]

Distribusyong heograpiko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Kapampangan ay pangunahing ginagamit sa mga lalawigan ng Pampanga, at sa mga bayang nasa katimugan ng Tarlac (Bamban, Capas, Concepcion, San Jose, Gerona, La Paz, at Lungsod ng Tarlac). Ginagamit din ang naturang wika sa mga piling lugar sa mga lalawigan ng Bataan (Abucay, Dinalupihan, Hermosa, at Samal), Nueva Ecija (Cabiao, San Isidro, Lungsod ng Gapan at Lungsod ng Cabanatuan), Bulacan (Baliuag, San Miguel, San Ildefonso, Hagonoy, Plaridel, Pulilan at Calumpit), at Zambales (Lungsod ng Olongapo at Subic). Sa Mindanao, may makabuluhang minoryang komunidad na nagsasalita ng Kapampangan sa Cagayan de Oro, Lungsod ng Dabaw, Timog Cotabato, lalo na sa Heneral Santos at mga bayan ng Polomolok and Tupi. Ayon sa senso ng Pilipinas 2000, 2,312,870 tao (mula sa kabuuang populasyon ng 76,332,470) ang nagsasalita ng Kapampangan bilang kanilang katutubong wika.

Ang Pamantayang Kapampangan ay may 21 ponema: 15 katinig at 5 patinig; ang iilang kanlurang wika ay may anim na patinig. Madali ang istraktura ng pantig; ang bawat pantig ay naglalaman ng isang katinig at isang patinig o higit pa.

May limang ponemang patinig ang Kapampangan:

Kabilang din ang /ə/ sa mga iilang wika.

Mayroong apat na pangunahing diptonggo: /aɪ/, /oɪ/, /aʊ/, and /iʊ/. Sa karamihan ng mga diyalekto (kabilang ang pamantayang Kapampangan), binabawasan ang /aɪ/ at /aʊ/ at nagiging /ɛ/ at /o/ ayon sa pagkabanggit.Mayroong mga alopono ang mga monoptonggo sa mga posisyon na walang-diin at pantig-pangwakas:

  • Ang /a/ ay itinataas nang kaunti sa mga posisyong walang-diin, maliban sa mga huling pantig.
  • Ang /i u/ na walang-diin ay karaniwang binibigkas bilang [ɪ ʊ], tulad sa "bit" and "book" sa Ingles, ayon sa pagkabanggit (maliban sa mga huling pantig).
  • Sa mga huling pantig, ang /i/ ay maaaring bigkasin bilang [ɛ, i], at binibigkas ang /u/ bilang [o, u].
    • Ang deni/reni ("mga ito") ay maaaring bigkasin bilang [ˈdɛnɛ]/[ˈɾɛnɛ] o [ˈdɛni]/[ˈɾɛni]; seli ("binili") ay maaaring bigkasin bilang [ˈsɛlɛ] r [ˈsɛli]; ang kekami ("sa amin") ay maaaring bigkasin bilang [kɛkɐˈmɛ] o [kɛkɐˈmi]; ang suerti ay maaaring bigkasin bilang [ˈswɛɾtɛ] o [ˈswɛɾti], ang sisilim ("dapit-hapon") ay maaaring bigkasin bilang [sɪˈsilɛm] o [sɪˈsilim].
    • Ang kanu ("sinabi niya, sinabi nila, nasabi na, diumano’y") ay maaaring bigkasin bilang [kaˈno] o [kaˈnu]; ang libru ("libro") ay maaaring bigkasin bilang [libˈɾo] o [libˈɾu]; ang ninu ("sino") ay maaaring bigkasin bilang [ˈnino] o [ˈninu]; ang kaku ("sa akin") ay maaaring bigkasin bilang [ˈkako] o [ˈkaku], at ang kamaru ("kuliglig") ay maaaring bigkasin bilang [kamɐˈɾo] o [kamɐˈɾu].
  • Ang /e, o/ na walang-diin ay kadalasang binibigkas bilang [ɪ, ʊ], ayon sa pagkabanggit (maliban sa mga huling pantig).

Sa talahanayan ng mga katinig-Kapampangan, aspirado ang lahat ng mga plosibo. Nagkakaroon ng agma sa lahat ng posisyon, kasama ang simula ng isang salita. Hindi katulad sa mga ibang wika ng Pilipinas, walang ponemang /h/ ang Kapampangan.

Panlabi Pangngipin/

Panggilagid

Lagpas-gilagid/

Pangngalangala

Panlalamunan Impit
Pailong m n ŋ
Plosibo tahimik p t k ʔ
matunog b d g
Pasutsot s ʃ
Pakatal r
Pagilid l j w
  • May kaugaling maglenita ang /k/ sa [x] sa gitna ng mga patinig.
  • Ang [d] at [ɾ] ay alopono sa Kapampangan, at minsan mapagpapalit sa isa't isa; Nukarin la ring libru? ay maaaring Nukarin la ding libru? ("Saan ang mga libro?").
  • Kadalasang nawawala ang impit sa huling bahagi ng salita na sa gitna ng isang pangungusap.

Malaponema ang diin sa Kapampangan. Nagaganap ang pangunahing diin sa huling o pangalawa-sa-huling pantig ng isang salita. Sumasama ang paghahaba ng pantig sa primaryang o sekondaryong diin, maliban kung binibigayng-diin ang huling bahagi ng salita. Maaaring magkaroon ng paglilipat ng diin, lumilipat sa kanan o kaliwa para ibukod ang nominal at berbal na paggamit (tulad sa mga sumusunod na halimbawa):[4]

  • dápat ("dapat") → dapát ("gawain, negosyo")
  • dapúg ("magtipon, magsunog ng basura") → dápug ("tambak ng basura")

Maaari ring magkaroon ng paglilipat ng diin kung natatamo ang isang salita mula sa isa pang salita sa pamamagitan ng pagkakaugnay; muli, maaaring lumipat ang diin patungo sa kanan o sa kaliwa:[4]

  • ábeabáyan ("kumpanya")
  • lásolasáwan ("tunawin")

Pagbabago sa tunog

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Kapampangan, ang proto-Pilipinong patinig-schwa na ay pinagsama sa /a/ sa karamihan ng mga diyalekto ng Kapampangan; nakapreserba ito sa iilang mga kanlurang wika. Ang proto-Pilipinong *tanəm ay tanam (tanim) sa Kapampangan, kumpara sa tanim ng Tagalog, tanom ng Sebwano at tanem (libingan) ng Ilokano

Pinagsama ang proto-Pilipinong *R sa /j/. Ang salitang Kapampangan para sa "bago" ay bayu; ito ay baro sa Ilokano, at baru sa Indones.

Salitang hiram

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Humiram ang Kapampangan ng maraming salita mula sa wikang Tsino (lalo na sa Kantones at Hokkien), tulad ng:

  • ápû 阿婆 "lola (maternal)"
  • impû 外婆 "lola (paternal)"
  • ingkung 外公 "lolo (paternal)"
  • atchi 阿姐 "ate (panganay)"
  • koya 哥仔 "kuya (panganay)"
  • susi 鎖匙 "susi"
  • pansit 便食 "pansit" (literal na "agarang pagkain")
  • buisit 無衣食 "buwisit" o "malas" (literal na "nang walang damit at pagkain")

Dahil sa impluwensya ng Budismo at Hinduismo, nakakuha rin ang Kapampangan ng mga salita mula sa Sanskrito. Kabilang sa mga halimbawa ang:

  • alaya, "tahanan", mula sa Sanskritong आलय alaya
  • kalma, "kapalaran", mula sa Sanskritong कर्म karma
  • damla, "banal na batas", mula sa Sanskritong धर्म dharma
  • mantala, "pangkulam", mula sa Sanskritong मन्त्र mantra
  • upaya, "kapangyarihan", mula sa Sanskritong उपाय upaya
  • siuala, "boses", mula sa Sanskritong स्वर svara
  • lupa, "mukha", mula sa Sanskritong रुपा rupa
  • sabla, "bawat", mula sa Sanskritong सर्व sarva
  • lawu, "laho", mula sa Sanskritong राहु rahu
  • galura, "higanteng agila o phoenix" (apelyido), mula sa Sanskritong गरुड garuda
  • laksina, "timog" (apelyido), mula sa Sanskritong दक्षिण dakshin
  • laksamana, "almirante" (apelyido), mula sa Sanskritong लक्ष्मण lakshmana

Mayroon ding mararaming salitang hiram ang wika mula sa Kastila, tulad ng suerti (mula suerte, "swerte"), kurus (mula sa cruz, "krus"), karni (mula sa carne, "karne"), korsunada (from corazonada, "crush") at kasapego (from casa fuego, "kumbad").

Pamamaraan ng pagsulat at ortograpiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kulitan writing
Amánung Sísuan (magalang na katawagang ang katumbas ay "kinalakihang wika"; ang kahulugan ayon sa bawa't salita ay "wikang ipinasuso") kung isulat sa Kulitan, isang napaglumaang pamamaraan ng pagsulat ng Kapampangan

Tulad ng mga ibang wika ng Pilipinas, gumagamit ang Kapampangan ng alpabetong Latin. Bago ang kolonisasyong Kastila ng Pilipinas, ipinangsulat nito ang sulat-Kulitan. Karaniwang sinusulat ang Kapampangan sa isa sa tatlong sistema ng pagsulat: sulat Baculud, sulat Wawa at isang pinaghalu-halong uri ng dalawa, Amung Samson.[5]

Ang unang sistema (sulat Baculud, kilala rin bilang tutung Capampangan o tutung Kapampangan sa sistemang sulat Wawa) ay nakabatay sa ortograpiyang Kastila, kung saan kasangkot ang paggamit ng mga letrang ⟨c⟩ at ⟨q⟩ para sa ponemang /k/ (depende sa tunog ng patinig na sumusunod sa ponema). Ginamit ang ⟨c⟩ bago ang /a/, /o/ at /u/ (ca, co and cu), at ginamit ang ⟨q⟩ kasama ang ⟨u⟩ bago ang /e/ at /i/ (que, qui). Una sa lahat, iniuugnay ang ortograpiyang batay sa Kastila sa panitikan mula sa mga may-akda mula sa Bacolor at ang tekstong ginagamit sa Pasion ng Kapampangan.[5]

Ang ikalawang sistema, ang Sulat Wawa, ay isang "isinakatutubong" anyo na may higit na pagkakagusto sa ⟨k⟩ sa halip ng ⟨c⟩ at ⟨q⟩ sa representasyon ng ponemang /k/. Ginamit ang ortograpiyang ito na nakabatay sa Abakada ng mga manunulat mula sa Guagua at magkaribal na manunulat mula sa kalapit na bayan ng Bacolor.[5]

Binabalak ng ikatlong sistema, ang hibridong ortograpiyang Amung Samson, na iresolba ang salungatan ng mga nagpanukala ng sulat Baculud at sulat Wawa. Nilkha itong sistema ng dating Katolikong pari Venancio Samson noong dekada 1970 upang isalinwika ang Bibliya sa Kapampangan. Naresolba nito ang mga salungatan sa paggamit ng ⟨q⟩ at ⟨c⟩ (sa sulat Baculud) at ⟨k⟩ (sa sulat Wawa) sa paggamit ng ⟨k⟩ bago ang ⟨e⟩ at ⟨i⟩ (sa halip ng [qu]⟩ at sa paggamit ng ⟨c⟩ bago ang ⟨a⟩, ⟨o⟩, at ⟨u⟩ (instead of ⟨k⟩). Itinanggal din ng sistema ang ⟨ll⟩ at ⟨ñ⟩ (mula sa Kastila), at pinalitan ng ⟨ly⟩ at ⟨ny⟩.[5]

Pinagdedebatehan ang ortograpiya ng mga manunulat ng Kapampangan, at nag-iiba-iba ang mga ortograpikong estilo ayon sa manunulat. Naging mas popular ang sulat Wawa dahil sa impluwensya ng wikang Filipino (ang pambansang wika) na nakabase sa Taglaog at ang kanyang ortograpiya. Ginagamit ang sulat Wawa ng Akademyang Kapampangan at ng makata na si Jose Gallardo.[5]

Kasaysayan ng ortograpiya at alitan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mula noong ika-10 siglo PK hanggang 1571, bago ang Kastilang pananakop ng Lúsung Guo na nagresulta sa paglikha ng Lalawigan ng Pampanga, ginamit ng mga Kapampangan ang isang sistema ng pagsulat na kilala bilang Kulitan o Sulat Kapampangan. Pinag-aralan ng mga Agustinong misyonero ang wikang Kapampangan at ang kanyang sistema ng pagsulat.[6]

Kahit na noong dakong huli ng 1699, higit sa isang siglo pagkatapos ng pananakop ng Kastila, ipinagpatuloy ng mga Kastila ang pag-aaral ng wikang Kapampangan at ang kanyang sistema ng pagsusulat. Ipinakilala ng mga Kastila ang pina-Romanong ortograpiya, kilala bilang Ortograpiya ng Bacolor, Súlat Bacúlud o Tutûng Kapampángan ("totoong Kapampangan") dahil sa mga bilang ng mga sinulat gamit itong ortograpiya. Kabilang sa ortograpiya ang mga letrang q, c, f, ñ at ll.[5]

Sa katapusan ng pananakop ng Kastila, pinalitan ang c at q ng k sa Abakada (kilala rin bilang Súlat Wáwâ o sulat Guagua). Ginusto ng mga makabayang manunulat ng Kapampangan mula sa Wáwâ (Guagua) na maglika ng pagkakakilanlan na iba mula sa tradisyong pampanitikan ng Bacúlud. Nabigyan sila ng inspirasyon mula kay José Rizal na nagpanukala ng pina-Romanong Tagalog sa pamamagitan ng pagpalit sa c at q ng k. Nakibagay ang dalawang manunulat ng Kapampangan mula sa Wáwâ, Aurelio Tolentino at Monico Mercado (sa kanyang pagsasalinwika ng "Mi último adiós" ni Rizal) sa panukala ni Rizal sa kanilang sulat Kapampangan.[5] Noong Disyembre 31, 1937, ipinroklama ni Pilipinong Pangulong Manuel L. Quezon ang wika batay sa Tagalog bilang ang pambansang wika ng mankumunidad. Iminungkahi ni Zoilo Hilario ang pagsasapamantayan ng ortograpiyang Kapampangan. Bilang miyembro ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP), sinikap ni Hilario na tumulad sa Abakada na ginagamit sa Tagalog bilang sistema ng ortograpiya ng Kapampangan. Inilagay ng legal na pagpapairal ng Tagalog bilang ang pambansang wika ng Pilipinas ang lahat ng mga iba pang wika ng Pilipinas (kabilang ang Kapampangan) sa nakababang posisyon. Inalingawngaw ng mga manunulat ng Kapampangan ang salungatan ng mga "purista" at "kontra-purista" na nagpasapit ng salot sa eksenang pampanitikan ng Tagalog.[5]

Noong 1970 (bago ang kanyang pagsasalinwika ng Bibliya sa Kapampangan), ipinahayag ni Venancio Samson ang alitan sa ortograpiyang Kapampangan sa Philippine Bible Society at nagpasa ng panukala na naglalayong pagtugmain ang lumang at bagong pagbaybay sa sulat Kapampangan sa pamamagitan ng kinikilala bilang ang magkahalong ortograpiya ni Ámung Samson. Tinanggap kaagad ang sintesis ni Samson ng Katolikong Arkodiyosesis ng Pampanga na gumamit nito sa karamihan ng kanilang paglalathala sa Kapampangan noong unang bahagi ng dekada 1970.[5]

Noong 1997, sinabi ng Batiáuan Foundation na ang pangunahing hadlang sa pagpapasikat ng Kapampangan ay ang matinding salungatan tungkol sa ortograpiya. Itinuring ng mga Kapampangan na totoong banta ang hula na malakip ang mga Kapampangan sa mga Katagalugan, dahil pinapalitan ang mga katutubong salita sa pasalitang Kapampangan ng mga salitang Tagalog. Binago nila ang Abakada sa sulat Kapampangan sa pagtanggal ng letrang w at sa pagmandato ng pinayak na markang patuldik. Ayon sa Akademyang Kapampangan, pinapahirapan ng bersyong Batiáuan ang pagsulat sa Kapampangan at nakalilito ito sa mga kaanib ng kanilang iminumungkahing ortograpiya. Iginigiit ng Batiáuan na kailangang-kailangan ang mga markang patuldik sa pasulating Kapampangan, dahil mararami ang mga salitang may parehong baybay na nag-iiba sa pagbigkas. Sa pananaw na ito, pinapadali ng mga markang patuldik ang pagkaintindi kaysa sa pinapagulo ang wika.[5]

Mga dasal, salita at pangungusap

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga bersyong Biyetnames at Kapampangan ng Ama Namin sa isang pader
Ang Simbahan ng Pater Noster sa Herusalem, kung saan may bersyong Kapampangan ng Ama Namin sa kanan
  • Tanda ng krus: Uli ning tanda ning Santa Cruz, karing masamá kekami, ikabus Mu kami, Ginu ming Dios. King lagyu ning +Ibpa, ampon ning Anak, ampon ning Espiritu Santo. Amen.
  • Sumasampalataya Ako: Sasalpantaya ku king Dios, Ibpang mayupayang tutu, linalang king banwa't yatu. At kang Hesukristong Anak nang Bugtung a Ginu tamu. Pengagli Ya king upaya ning Banal a Espiritu, mibayit Ya kang Santa Mariang Birhen. Linasa Ya lalam nang upaya nang Poncio Pilato. Mipaku ya king krus, mete Ya't mikutkut. Tinipa Ya karing mete. King katlung aldo, sinubli yang mebie. Pepaitas Ya banua, makalukluk wanan ning Dios Ibpang mayupayang tutu. Ibat karin, magbalik Ya naman keti ban mukum karing mabie ampon mengamate. Sasalpantaya ku king Banal a Espiritu, ang Santa Iglesia Katolika, ang pamisamak ding Santos, ang pangapatauadda ring kasalanan, king pangasubli rang mie ring mete, at king bie alang angga. Amen.
  • Ama Namin: Ibpa mi, a atiu banua. Misamban ya ing lagyu Mu. Datang kekami ing kayarian Mu. Mipamintuan ing lub Mu, keti sulip anti banua. Ing kakanan mi king aldo-aldo ibie Mu kekami king aldo ngeni. Ampon ipatawad Mo kekami ring sala mi Keka, anti ing pamamatauad mi karing mikasala kekami. E Mu ke ipaisaul ang tuksu, nune ikabus Mu kami karing sablang marok. Amen.
  • Aba Ginoong Maria: Bapu, Maria! Mitmu ka king grasya. Ing Ginung Dios atyu keka. Nuan ka karing sablang babayi, at nuan ya pa naman ing bunga ning atian mu, i(y) Jesús. Santa Maria, Indu ning Dios. Ipanalangin mu keng makasalanan, ngeni, ampon king oras ning kamatayan mi. Amen.
  • Luwalhati sa Ama: Ligaya king Ibpa, at ang Anak, at ang Espiritu Santo. Antimo ing sadya nang ligaya ibat king kamumulan, ngeni't kapilan man, mangga man king alang angga. Amen.
  • Aba Po, Santa Mariang Hari: Bapu Reyna, Indung Mamakalulu, bie ampon yumu, manga panaligan mi, Bapu Reyna, ikang ausan mi, ikeng pepalakuan a anak nang Eva; ikang pangisnawan ming malalam, daralung ke manga tatangis keni king karinan ning luwa. Ngamu na Reyna, Patulunan mi, balicdan mu kami karing mata mung mapamakalulu, ampon nung mapupus, pangalako mu queti sulip, pakit me kekami i(y) Hesus, a bungang masampat ning atian mu. O malugud! O mapamakalulu! O Santa Maria Birhen a mayumu! Ipanalangin mu kami, O Santang Indu ning Dios. Ba’keng sukat makinabang karing pengaku nang Hesukristong Ginu tamu.

Mga bilang:

  • Isa - isa (ginagamit kapag binibigkas ang mga bilang; ginagamit ang metung para sa pagbilang)
  • Dalawa - addua
  • Tatlo - atlu
  • Apat - apat
  • Lima - lima
  • Anim - anam
  • Pito - pitu
  • Walo - walu
  • Siyam - s'yam
  • Sampu - apulu

Mga pangungusap:

  • John ang pangalan ko. - Juan ya ing lagyu ku.
  • Nandito ako! - Atyu ku keni! (Ati ku keni!)
  • Saan ka? - Nukarin ka (kanyan)?
  • Mahal kita. - Kaluguran daka.
  • Anong gusto mo? - Nanu ya ing buri mu?
  • Uuwi ako. - Muli ku.
  • Ayaw nilang kumain. - Ali la bisang mangan.
  • Bumili siya ng bigas. - Sinali yang nasi.
  • Gusto niya iyon. - Buri ne ita.
  • Maaari ba akong lumabas? - Malyari ku waring lumwal?
  • Hindi ko makatulog. - Ali ku mipapatudtud.
  • Takot kami. - Tatakut kami.
  • Namatay ang alagang hayop ko kahapon. - Mete ya ing sese ku napun.
  • Ilang taon ka na? - Pilan na kang banua?
  • Paano mo ginawa iyon? - Makananu meng gewa ita?
  • Paano ka nakarating dito? – Katnamu ka miparas keni?
  • Gaano kalaki? - Makananu ya karagul? (Nu anti ya karagul?)
  • Kailan ka babalik? - Kapilan ka mibalik?

Mga salita:

  • Ako - yaku, i(y) aku
  • Ikaw - ika
  • Kayo - ikayu
  • Ikaw at ako - ikata
  • We - ikami
  • Tayo - itamu, ikatamu
  • Lahat tayo - itamu ngan, ikatamu ngan
  • Lahat kayo - ikayu nga, iko ngan
  • Pag-ibig - lugud
  • Galit - muwa
  • Maganda - malagu
  • Gwapo - masanting (panlalaki at [kadalasan], mga bagay)
  • Kagandahan - lagu
  • Ulo - buntuk
  • Buhok - buak
  • Mata - mata
  • Ilong - arung
  • Tainga - balugbug
  • Labi - labi, asbuk, balungus
  • Ngipin - ipan
  • Leeg - batal
  • Noo - kanuan
  • Likod - gulut
  • Kamay - gamat
  • Daliri - taliri
  • Puwit - buldit
  • Dibdib - salu
  • Tiyan - atyan
  • Balikat - pago
  • Binti - puwad
  • Pusod - pusad
  • Araw - aldo
  • Buwan - bulan
  • Bituin - batuin
  • Langit - banua
  • Ulap - ulap
  • Daigdig - yatu
  • Umaga - abak
  • Tanghali - ugtu, ugtung aldo
  • Hapon - gatpanapun
  • Takipsilim - sisilim
  • Gabi - bengi
  • Almusal - almusal
  • Tanghalian - abakan
  • Hapunan - apunan

Hatinggabi - kapitangang bengi

  • Liwayway - ganing aldo
  • Landas, daan - dalan
  • Tulay - tete
  • Hangin - angin
  • Lupa - gabun
  • Tubig - danum
  • Apoy - api
  • Pagkain - pamangan
  • Ulam, putahe - ulam, asan
  • Bagoong - baguk
  • Pinaasim na isda - buru
  • Mga tira - lataklatak
  • Aso - asu
  • Pusa - pusa
  • Daga - dagis
  • Langgam - panas, salusad
  • Ahas - ubingan, bingan
  • Lamok - amuk
  • Langaw - lango
  • Anay - ane
  • Paruparo - paru-paru
  • Tutubi - tulang
  • Tipaklong - tipaklung
  • Kuliglig - kamaru
  • Butiki - lupisak
  • Bubuyog - bubuyug
  • Ipis - ipas
  • Gagamba - babagwa
  • Ibon - ayup
  • Buwaya - dapu
  • Kabayo - kabayu
  • Baboy, bulugan - babi
  • Manok - manuk
  • Pato - bibi
  • Isda - asan
  • Kalabaw - damulag
  • Baka - baka
  • Hipon - paro
  • Alimango, alimasag - ema
  • Ulo ng isda - bulig
  • Hito - itu
  • Bangus - bangus
  • Tilapia - talapia
  • Halaman - tanaman
  • Bulaklak - sampaga
  • Dahon - bulung
  • Ugat - uyat
  • Gulay - gule
  • Prutas - prutas
  • Bahay - bale
  • Paaralan - iskuwela
  • Simbahan - pisamban
  • Kapilya - bisitas
  • Ospital - uspital
  • Libingan - campo santo, kabisantu
  • Ulan - uran
  • Kulog - duldul
  • Kidlat - kildap
  • Lindol - ayun
  • Bagyo - bagyu
  • Buhawi - ipu-ipu, buawi
  • Baha - albug
  • Bayan - balen
  • Asawa - asawa, abe
  • Anak - anak
  • Magulang - pengari
  • Kapatid - kapatad
  • Tito - bapa
  • Tita - dara
  • Pinsan - pisan
  • Biyenan - katuangan
  • Manugang - manuyang
  • Hipag o bayaw - bayo, bilas
  • Apo - apu
  • Ninong o ninang - tegawan
  • Inaanak - nanak
  • Kaibigan - kaluguran
  • Kalaban - kapate

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Ulrich Ammon; Norbert Dittmar; Klaus J. Mattheier (2006). Sociolinguistics: an international handbook of the science of language and society. Bol. Volume 3. Walter de Gruyter. p. 2018. ISBN 978-3-11-018418-1. {{cite book}}: |volume= has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Bergaño
  3. In many gatherings Kapampangans seem more confident and articulate in exchanging views and ideas among their own K[abalen] ‘countrymen’ ... in Tagalog than they would in their own [mother tongue]. For instance, many Catholic priests are now delivering their homilies in the Tagalog language during a Kapampangan liturgy while high school student meetings are conducted in the Tagalog language even if all the participants are Kapampangans. http://www.silinternational.org/asia/philippines/ical/papers/pangilinan-Dispute%20on%20Orthography.pdf Naka-arkibo 2006-08-21 sa Wayback Machine.
  4. 4.0 4.1 Forman, Michael, 1971, pp.28-29
  5. 5.00 5.01 5.02 5.03 5.04 5.05 5.06 5.07 5.08 5.09 Pangilinan, M. R. M. (2006, January). Kapampángan or Capampáñgan: settling the dispute on the Kapampángan Romanized orthography. In Paper at Tenth International Conference on Austronesian Linguistics, Puerto Princesa City, Palawan (pp. 17-20).
  6. Pangilinan, Michael (2012). An introduction to Kulitan, the indigenous Kapampangan script. Center for Kapampangan Studies, Philippines.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Wikipedia
Wikipedia