Pumunta sa nilalaman

Unang Pahina

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Napiling artikulo

Ang orasan na nagbibilang sa natitirang araw sa.Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008 na matatagpuan noon sa Pambansang Museo ng Tsina.
Ang orasan na nagbibilang sa natitirang araw sa.Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008 na matatagpuan noon sa Pambansang Museo ng Tsina.

Ang Palarong Olimpiko 2008 o Palaro ng Ika-XXIX na Olimpiyada (Tsino: 第二十九届夏季奥林匹克运动会; Pinyin: Dì Èrshíjiǔ Jiè Xiàjì Àolínpǐkè Yùndònghuì) sa panahon ng tag-init ay isang pandaigdigang paligsahang palaro na kinabibilangan ng iba't ibang mga laro, na isasagawa sa Beijing, Republikang Bayan ng Tsina mula Agosto 8 hanggang 24, 2008, at sinundan ng Palarong Paralimpiko 2008 (panahon ng tag-init) mula Setyembre 6 hanggang 17, 2008. Nilahukan ito ng 10,942 atleta na magsisipagtunggali sa 302 kaganapan sa 28 palaro, kung saan isang kaganapan ang naidagdag kung ihahambing sa orihinal na pagtatakda noong Palarong Olimpiko 2004 na ginanap sa Atenas, Gresya. Iginawad sa Beijing ang pagganap ng Palarong Olimpiko makaraan ang botohan ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko (IOC) noong Hulyo 13, 2001. Naglalaman ang opisyal na logo ng mga palaro, na pinamagatang "Sumasayaw na Beijing", ng isang ma-estilong kaligrapikong panitik na jīng (京, nangangahulugang kabisera), bilang pagtukoy sa nagpupunung-abalang lungsod. Ang limang Fuwa ay mga maskot ng Beijing 2008, na kumakatawan ang bawat isa sa isang kulay ng mga Singsing ng Olimpiko at bilang isang sagisag ng kalinangang Tsino. Tinatawag ng sawikaing pang-Olimpiko, ang Isang Daigidig, Isang Pangarap, ang sandaigdigan upang magkaisa sa kaluluwa ng Olimpiko. Maraming ilang Pambansang Lupon ng Olimpiko (NOC) ang kinilala rin ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko.

Alam ba ninyo ...

Napiling larawan

Si Sally Kristen Ride (Mayo 26, 1951 – Hulyo 23, 2012) ay isang Amerikanong astronauta at pisiko. Ipinanganak sa Los Angeles, sumali siya sa NASA noong 1978, at noong 1983 naging unang babaeng Amerikano at pangatlong babae na lumipad sa kalawakan, pagkatapos ng mga kosmonauta na sina Valentina Tereshkova noong 1963 at Svetlana Savitskaya noong 1982. Siya ang pinakabatang Amerikanong astronauta na lumipad sa kalawakan, na nagawa ito sa edad na 32.

May-akda ng larawan: NASA

Sa araw na ito (Enero 4)

Si Julius Caesar
Si Julius Caesar

Enero 4: Araw ng Kalayaan sa Burma; Chōna-hajimeshiki sa Kamakura, Japan

  • 46 BC — Tinalo ni Julius Caesar (nakalarawan) si Titus Labienus sa Labanan sa Ruspina.
  • 1945 — Nabihag ang pinagsamang puwersang Pilipino at Amerikano ng mga sundalong Hapones sa Tulay ng Baroro sa bayan ng Bacnotan, La Union.
  • 1958 — Nahulog ang Sputnik 1 pabalik sa mundo mula sa orbito nito matapos ang tatlong buwang pamamalagi roon.
  • 1975 — Naging unang santo si Elizabeth Ann Seton na pinanganak sa Amerika.
  • 1999 — Nagpaputok ang mga armadong tao sa mga Shiite Muslims na nagsasamba sa isang moske sa Islamabad, na kumikitil sa 16 na katao at nakasugat ng 25.

Mga huling araw: Enero 3Enero 2Enero 1

Patungkol

Ang Wikipedia ay isang proyektong online na ensiklopedya na panlahat, nakasulat sa maraming wika, at pinagtutulungan ang paggawa ng mga artikulo sa prinsipyong wiki. Naglalayon ang proyektong ito na mag-alok ng mga nilalaman na malayang muling magagamit, walang pinapanigan, at napapatunayan, na maaring baguhin at mapabuti ninuman. Nakikilala ang Wikipedia sa pamamagitan ng mga naitatag na prinsipyo. Nakalisensiya ang nilalaman nito sa ilalim ng Creative Commons BY-SA. Maari itong kopyahin at muling gamitin sa ilalim ng parehong lisensiya, na sumasailalim sa paggalang sa mga kondisyon. Ibinbigay ng Wikipedia ang mga nilalaman nito ng walang bayad, walang patalastas, at hindi nagsasamantala sa paggamit ng personal na datos ng mga gumagamit nito.

Mga boluntaryo ang nag-aambag o patnugot ng mga artikulo sa Wikipedia. Nakikipag-ugnayan sila sa isa't isa tungkol sa kanilang mga pagsisikap sa loob ng pamayanang nagtutulungan at walang pinuno.

Sa ngayon, mayroon ang Wikipediang Tagalog na:
48,087
artikulo
123
aktibong tagapag-ambag

Paano makapag-ambag?

Maaring maglathala ng online na nilalaman ang kahit sino basta't sundin nila ang mga pangunahing alintuntuning itinakda ng Pundasyong Wikimedia at ng pamayanan; halimbawa, pagpapatunay ng nilalaman, notabilidad, at pagkamagalang.

Maraming mga pahinang pantulong ang mababasa mo, partikular sa paglikha ng artikulo, pagbago ng artikulo o pagpasok ng litrato. Huwag mag-atubiling magtanong para sa iyong unang mga hakbang, partikular sa isa sa mga proyektong tematiko o sa iba't ibang espasyo para sa mga usapan

Ginagamit ang mga pahinang usapan upang isentralisado ang mga naiisip at kumento para mapabuti ang isang partikular na artikulo o pahina. Mayroon din sentrong portal o puntahan ng pamayanan, ang Kapihan, kung saan puwedeng pag-usapan ang pangkalahatang alalahanin sa pamayanang Wikipediang Tagalog. Pindutin ito upang magtanong o maghayag ng iyong naiisip para mapabuti pa ang Wikipediang Tagalog.

Kaganapan