Berkelyo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang berkelyo o berkelyum (Kastila: berkelio, Ingles: berkelium) ay isang sintetiko at trans-uranikong elementong kimikal na may siyam na mga isotopo. Mayroon itong sagisag na Bk, atomikong bilang na 97 at balensiyang 3 o 4. Mayroon din itong bilang ng masang magmula 243 magpahanggang 250, at ang kalahating mga buhay na magmula 3 oras magpahanggang 1,380 mga taon.[1] Natuklasan ito nina Glenn T. Seaborg, Albert Ghiorso, Stanley G. Thompson,[1] at Kenneth Street, Jr. sa Pamantasan ng Kaliporniya, Berkeley noong Disyembre 1949.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L.. "Berkelium, Berkelyum, Berkelyo, may sagisag na Bk". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.


Kimika Ang lathalaing ito na tungkol sa Kimika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.