Pumunta sa nilalaman

Timog-silangang Asya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Timog silangang Asya)
Timog-silangang Asya
Sukat4,500,000 km2 (1,700,000 mi kuw)
Populasyon~ 623,000,000
Densidad135.6/km2 (351/mi kuw)
Mga bansa
GDP (2011)$2.158 trilyon (halaga ng palitan)
GDP bawa kapita (2011)$3,538 (halaga ng palitan)
Mga wika
Mga Sona ng Oras
Mga kabiserang lungsod
Mga malalaking lungsod
Mapa ng Timog-silangang Asya

Ang Timog-silangang Asya ay isang subrehiyon ng kontinenteng Asya, na binubuo ng mga bansang heograpikal nasa timog ng Tsina, silangan ng Indiya, kanluran ng Bagong Guinea at hilaga ng Australya. Ang klima sa rehiyong ito ay karaniwang tropikal, mainit at mahalumigmig sa loob ng isang buong taon.

Ang Timog Silangang Asya ay binubuo ng dalawang rehiyong heograpikal: Ang kalupaang Asyano, at ang mga arkong pulo at mga kapuluan sa silangan at timog silangan. Ang mga bansang nasa kalupaang Asyano ay kinabibilangan ng Cambodia, Laos, Myanmar, Thailand, at ang Vietnam; ang populasyon ay pangunahing binubuo ng mga Tibeto-Burmano, mga Thai, at mga Austroasiatiko; ang pinakamalaking relihiyon ay Budismo, na sinundan ng Islam, at Kristiyanismo. Ang mga bansang nasa karagatan ay binubuo ng Brunei, Silangang Timor, Indonesia, Malaysia, Pilipinas, at ang Singapore. Ang ibang paglalarawan sa rehiyon ay sinasama ang Taiwan sa hilaga. Ang mga Austronesiano ang dominante sa rehiyon; ang pangunahing relihiyon ay Islam, na sinundan ng Kristiyanismo.

Ang paghahati sa "Timog-silangang Asya" ay nag-iiba-iba, subalit karamihan sa mga ito ay kinabibilangan ng mga bansang ito:

Ang lahat ng nasa itaass ay kasapi ng ASEAN, maliban na lamang sa Silangang Timor (na kilala rin bilang Timor Leste), na isang kandidatong estado para sa ASEAN. Ang bahagi, na kasama ang ilang bahagi ng Timog Asya, ay kilala bilang Silangang Indies o sa payak na Indies hanggang noong ika-20 dantaon. Ang Pulo ng Christmas at ang mga pulo ng Cocos (Keeling) ay kasama bilang bahagi ng Timog Silangang Asya pati na ng Silangang Asya ngunit sila ay pinamamahalaan ng Australya. Ang Taiwan kinokonsidera na bahagi ng TImog Silangang Asya pati na ng Silangang Asya subalit hindi ito kasapi ng ASEAN. Ang mga usaping pangsoberenya ay buhay sa mga pulo sa Dagat Timog Tsina. Ang Papua ay pampolitika na bahagi ng Timog Silangang Asya sa pamamagitan ng Indonesia, ngunit heograpikal itong kinokonsidera bilang bahagi ng Oceania.

Ang Timog Silangang Asya ay heograpikal na nahahati sa dalawang rehiyon, na tinatawag na Kalupaang Timog Silangang Asya (o ang Indotsina) at ang Karagatang Timog Silangang Asya (o ang Kapuluang Malay) (o sa wikang Indones ay Nusantara).

Ang Silangang bahagi ng Indonesia at Silangang Timor (silangan ng Linyang Wallace) ay kinokonsidera bilang heograpikal na bahagi ng Oceania.

Ang mga pulo ng Andaman at Nicobar ng India ay heograpikal na kinokonsidera bilang bahagi ng Timog Silangang Asya. Ang Hilagang Silangang India ay kultural na Timog Silangang Asya at minsang kinokonsidera bilang Timog Asyano at Timog Silangang Asyano. Ang Pulo ng Hainan at ang ilang mga rehiyong Tsino gaya ng Yunnan, Guizhou at Guangxi ay kinokonsidera bilang Silangang Asya at Timog Silangang Asya. Ang Taiwan, na tapat sa Tropiko ng Kanser ay nasa hangganan ng Dagat Timog Tsina, kaya kadalasang sinasama sa Timog silangang Asya at pati rin sa Silangang Asya.

Lokasyon ng Timog Silangang Asya.[1]
Isang baybayin sa Ko Samui Thailand
Ang Bulkang Mayon sa Pilipinas na tumutunghan sa a lupang pastulan.

Si Solheim at ang iba pa ay nagpapakita ng katibayan ng isang sanga sangang kalakalan "Nusantao" (Nusantara) sa karagatan na mula Vietnam hanggang sa kabuuan ng mga kapuluan o arkipelago noon pang 5000 BCE hanggang 1 CE.[2] Ang mga tao ng Timog Silangang Asya, lalo na ang mga mula sa lahing Austronesyano, ay ilang libong taon nang mga mandaragat, at ang ilan pa ay naaabot ang pulo ng Madagascar. Ang kanilang mga sasakyan, gaya ng vinta, ay nakapakalahaga sa karagatan. Ang paglalakbay ni Fernando Magallanes ay nagtala kung gaano mas mahusay ang mga sasakyan ng mga ito, kung ihahambing sa mga sasakyang pandagat ng mga Europeo.[3]

Ang pagdaan sa Karagatang Indiyano ang nakatulong sa pagkolonisa ng Madagascar ng mga taong Austronesyano, at kasabayan din nang pag-unlad ng kalakalan sa pagitang ng Kanlurang Asya at Timog Silangang Asya. Ang ginto mula Sumatra ay sinasabing umabot hanggang sa Roma.

Orihinal na mga animista ang mga tao. Ito ay lumaong napalitan ng Brahmanikong Hinduismo. Ito naman ay sinundan ng Theravada Budismo, noong 525. Noong 1400, pumasok sa rehiyon ang impluwensiyang Islamiko. Ito ang tumulak sa mga Hindu ng Indonesia na umatras sa Bali.

Sa Kalupaang Timog Silangang Asya, napanatili ng Myanmar, Cambodia, at Thailand ang paniniwalang Theravada ng Budismo, na dinala doon buhat sa Sri Lanka. Ang uri ng Budismong ito ay humalo sa impluwensiyang Hindu ng kulturang Khmer.

Arkitektura na istilong Srivijaya. Surat Thani Thailand

Kakaunti lamang ang nalalaman sa mga paniniwalang panrelihiyon sa Timog Silangang Asya bago dumating ang mga mangangalakal na mga Indiyano at mga impluwensiyang relihiyosa mula noong ikalawang dantaon BCE. Bago mag-13 dantaon, ang Budismo at Hinduismo ay ang pangunahing relihiyon sa Timog Silangang Asya.

Ang Kahariang Hindu ng Jawa Dwipa sa Java at Sumatra ay nabuo noong tinatayang 200 BCE. Ang kasaysayan ng daigdig ng taong Malay ay nagsimula sa pagdating ng mga impluwensiyang Indiyano, na tinatayang naganap noong ika-3 dantaon BC ang nakalipas. Ang mga mangangalakal na Indiyano ay dumating sa arkipelago dahil sa parehong yamang gubat at yaman ng karagatan nito at upang makipagkalakalan sa mga mangangalakal mula sa Tsina, na mas maaagang natuklasan ang daigdig ng mga Malay. Ang parehong Budismo at Hinduismo ay maayos na naitatag sa Tangway ng Malay noong simula ng ika-1 dantaon CE, at mula roon ay lumaganap sa buong kapuluan.

Ang Cambodia ay ang unang naimpluwensiyahan ng Hinduismo noong unang bahagi ng kaharian ng Funan. Ang Hinduismo ay isa sa mga opisyal na relihiyon ng Emperyo ng Khmer. Ang Cambodia ay ang tahanan ng isa sa dalawang templong alay sa Brahma sa daigdig. Ang Angkor Wat ay tanyag ding templong Hindu sa Cambodia.

Ang Emperyong Majapahit ay isang Indiyanong Kaharian na matatagupuan sa silangang Java mula noong 1693 hanggang 1500. Ang pinakadakilang pinuno nito ay si Hayam Wuruk, na namuno mula 1350 hanggang 1389 na nagmarka ng karurukan ng emperyo nang sakupin nito ang iba pang mga kaharian sa katimugan ng Tangway ng Malay, Borneo, Sumatra, Bali at ang Pilipinas. Ang kabuuan din ng Pilipinas ay nagbibigay din ng pagkilala sa sa emperyo

Ang mga Cholas ay nagpamalas sa mga aktibidad sa karagatan, sa parehong aspeto ng sandatahan at pangangalakal. Ang kanilang pagsalakay sa Kedah at sa Srivijaya, at ang kanilang patuloy na ugnayang pangkalakalan (commercial) sa Emperyong Tsino, ay ang nagbigay daan sa kanila upang maimpluwensiyahan ang katutubong kultura. Karamihan sa mga natitirang halimbawa ng mga impluwensiyang kultural na Hindu na makikita ngayon sa kalakhang Timog Silangang Asya ay dulot ng mga paglalakbay ng mga Chola.[4]

Kalakalan at Kolonisasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga mangangalakal na Tsino ay matagal nang nakikipagkalakalan sa rehiyon ayon na rin sa katibayan ng tala ng paglalakbay ni Magallanes na ang Brunei ay mas marami pang pagmamay-aring kanyon kung ihahambing sa mga sasakyang pandagat ng mga Europeo kaya't lumalabas na pinalakas sila ng mga Tsino.[3]

Isang alamat na Malayo ang nagsasabi na isang Tsinong emperador na Ming ang nagpadala ng prinsesa, si Han Li Po sa Malacca, na may kasamang 500 mga abay, upang pakasalan si Sultan Mansur Shah pagkatapos mamangha sa katalinuhan ng Sultan. Ang balon ni Han Li po (tinayo noong 1459) ay ngayon isa nang atraksiyong panturista, pati ang Bukit Cina, kung saan ang kanyang mga abay ay nanirahan.

Ang istratehiyang kahalagahan ng Kipot ng Malacca, na kontrolado ng Sultanato ng Malacca noong ika-15 dantaon at noong unang bahagi ng ika-16 na dantaon.

Ang rehiyon ay isa sa pinakaproduktibo sa paggawa ng mga microprocessor. Ang mga imbak ng langis ay mayroon din sa rehiyon.

Labingpitong kompanyang pangtelekomunikasyon ang kumontrata upang buuin ang bagon kableng submarino upang ikonekta ang Timog Silangang Asya sa Estados Unidos.[5] Ito ay upang maiwasan ang pagkaabala na tulad ng nangyaring pagkaputol ng kable mula Taiwan patungong E.U. sa isang lindol.

Isang Pie tsart na nagpapakita sa pagkakahati ng populasyon sa mga bansa sa Timog Silangang Asya at sa mga pulo ng Indonesia

.

Ang Timog Silangang Asya ay may sukat na umaabot sa 4,000,000 km² (1.6 milyon milya parisukat). Noong 2004, mahigit sa 593 milyong katao ang nakatira sa rehiyon, Isa sa lima nito (125 milyon) ay nakatira sa pulo ng Java sa Indonesia, ang pinakamataong malaking pulo sa buong mundo.

Ang pagkakahati ng mga relihiyon at tao ay malawak sa Timog Silangang Asya at nag-iiba bawat bansa. Ang ilang 30 milyong mga migranteng Tsino ay nakatira din sa Timog Silangang Asya, na madami sa Pulo ng Christmas, Malaysia, Pilipinas, Singapore, Indonesia at Thailand, at bilang mga Hoa, sa Vietnam.

Ang mga bansa sa Timog Silangang Asya ay naniniwala sa maraming iba't ibang mga relihiyon. Ang mga bansang nasa kalupaang Asya. gaya ng Thailand. Cambodia, Laos, Myanmar. at Vietnam ay pangunahing naniniwala sa Budismo. Ang Singapore ay pangunahin din Budista. Ang mga paniniwalang namana at Confucianismo ay malawak din pinananaligan sa Vietnam at Singapore. Sa Kapuluaang Malay, ang mga taong nakatira sa Malaysia, kanlurang Indonesia at Brunei ay pangunahing naniniwala sa Islam. Ang Kristiyanismo ay ang pangunahing relihiyon sa Pilipinas, silangang Indonesia at Silangang Timor. Ang Pilipinas ang pinakamalaking Katolikong populasyon na sinundan naman ng vietnam sa malayong agwat. Ang Silangang Timor ay isa ring predominanteng Katoliko dahil sa matagal na pananakop dito ng mga Portuges.

Mapa ng Timog-silangang Asya na nagpapakita ng pinakamataong mga lungsod. Nakamadiin o nakamakapal ang mga kabiserang lungsod.
Jakarta
Jakarta
Bangkok
Bangkok
Lungsod ng Hồ Chí Minh
Lungsod ng Hồ Chí Minh
Hà Nội
Hà Nội
Singapore
Singapore
Yangon
Yangon
Surabaya
Surabaya
Lungsod Quezon
Lungsod Quezon
Timog-silangang Asya
Timog-silangang Asya
Medan
Medan
Timog-silangang Asya
Hải Phòng
Hải Phòng
Timog-silangang Asya
Maynila
Maynila
Lungsod ng Dabaw
Lungsod ng Dabaw
Timog-silangang Asya
Timog-silangang Asya
Palembang
Palembang
Kuala Lumpur
Kuala Lumpur
Timog-silangang Asya
Makassar
Makassar
Phnom Penh
Phnom Penh
Cần Thơ
Cần Thơ
Mandalay
Mandalay
Batam
Batam
Pekanbaru
Pekanbaru
Bogor
Bogor
Timog-silangang Asya
Đà Nẵng
Đà Nẵng
Bandar Lampung
Bandar Lampung
Lungsod ng Cebu
Lungsod ng Cebu
Padang
Padang
Lungsod ng Zamboanga
Lungsod ng Zamboanga
Denpasar
Denpasar
Malang
Malang
Samarinda
Samarinda
Timog-silangang Asya
Timog-silangang Asya
Timog-silangang Asya
Penang
Penang
Tasikmalaya
Tasikmalaya
Cagayan de Oro
Cagayan de Oro
Banjarmasin
Banjarmasin
Timog-silangang Asya
Timog-silangang Asya
Ipoh
Ipoh
Balikpapan
Balikpapan
Timog-silangang Asya
Timog-silangang Asya
Timog-silangang Asya
Timog-silangang Asya
General Santos
General Santos
Timog-silangang Asya
Timog-silangang Asya
Timog-silangang Asya
Bacolod
Bacolod
Timog-silangang Asya
Nay Pyi Taw
Nay Pyi Taw
Vientiane
Vientiane
Haikou
Haikou
Nha Trang
Nha Trang
Chiang Mai
Chiang Mai
Kota Kinabalu
Kota Kinabalu
Kuching
Kuching
Vinh
Vinh
Timog-silangang Asya
Buôn Ma Thuột
Buôn Ma Thuột
Timog-silangang Asya
Thanh Hóa
Thanh Hóa
Vũng Tàu
Vũng Tàu
Pinakamataong mga lungsod sa Timog-silangang Asya (may higit sa 500,000 katao)

Ang subrehiyon ay may 11 mga bansa at ito ay mahahati sa mga bansa sa pangunahing-lupain at mga kapuluan. Kabilang sa mga bansa sa pangunahing-lupain ang:

Pangalang ng rehiyon[6] at
teritoryo, kasama ang watawat
Lawak
(km²)
Populasyon
(taya ng 2014)
Densidad ng populasyon
(bawat km²)
Kabesera
Timog-silangang Asya:[7]
Brunei Brunei 5,770 423,205 60.8 Bandar Seri Begawan
Cambodia Cambodia 181,040 15,408,270 70.6 Phnom Penh
East Timor East Timor (Timor-Leste)[8] 15,007 1,152,439 63.5 Dili
Indonesia Indonesia[9] 1,419,588 252,812,245 159.9 Jakarta
Laos Laos 236,800 6,894,098 24.4 Vientiane
Malaysia Malaysia 329,750 30,187,896 68.7 Kuala Lumpur
Myanmar Myanmar (Burma) 678,500 53,718,958 62.3 Naypyidaw[10]
Pilipinas Pilipinas 300,000 100,096,496 310.8 Maynila
Singapore Singapore 704 5,517,102 6,369.0 Singapore
Thailand Thailand 514,000 67,222,972 121.3 Bangkok
Vietnam Vietnam 331,690 92,547,959 246.1 Hanoi
Topograpiya ng Timog-silangang Asya; para sa mas detalyadong mapang-pdf silipin http://www.cia.gov/cia/publications/factbook/reference_maps/pdf/southeast_asia.pdf Naka-arkibo 2006-06-02 sa Wayback Machine.

Ang bansang Malaysia ay may dalawang parte na nahahati ng Dagat ng Timog Tsina. Peninsular Malaysia ay nasa pangunahing-lupain samantalang ang Silangang Malaysia ay nasa Borneo, isa sa pinaka-malaking isla sa rehiyon. Ang bansang Malaysia ay kinikilalang bansang kapuluan.

Ang Timog-silangang Asya ay may sukat na 1.6 milyon milya kwadrado (4,000,000 km²). Noong 2004, higit sa 550 milyong tao ang nakatira sa rehiyon, 110 milyon nito sa isla ng Java ng Indonesia.

Mga sangguniaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Ang mapang ito ay pangunahing tumutukoy sa mga bansang kasapi sa ASEAN, kaya hindi namarkahan ang mga pulo ng Andaman at Nicobar, na heograpikal na bahagi din ng Timog Silangang Asya.
  2. Solheim, Journal of East Asian Archaeology, 2000, 2:1-2, pp. 273-284(12)
  3. 3.0 3.1 Laurence Bergreen, Over the Edge of the World: Magellan's Terrifying Circumnavigation of the Globe, HarperCollins Publishers, 2003, hardcover 480 pages, ISBN 0-06-621173-5
  4. Ang mga dakilang templo sa Prambanan sa Indonesia ay nagpapamalas ng ilang pagkakahalintulad sa mga arkitekturang Timog India. See Nilakanta Sastri, K.A. The CōĻas, 1935 pp 709
  5. Sean Yoong (27 Abril 2007). "17 Firms to Build $500M Undersea Cable". International Business Times. Nakuha noong 2007-07-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6.   Rehiyong kontinental ayon sa pag-uuri ng UN (mapa), hindi kabilang ang 12. Depende sa depinisyon, ang ibang teritoryo sa ibaba (notes 6, 11–13, 15, 17–19, 21–23) ay maaring en:sa Asya at isa sa mga sumusunod: Europa, Aprika, o Oceania.
  7. Hindi kabilang ang Christmas Island at Cocos (Keeling) Islands (panlabas na teritoryo ng Australia na nasa Karagatang Indian sa timog-kanluran ng Indonesia).
  8.   Ang East Timor ay kalimitang itinuturing na isang bansang transkontinental sa Timog-silangang Asya at Oceania.
  9.   Ang Indonesia ay itinuturing na bansang transkontinental sa Timog-silangang Asya at Oceania; hindi kasama sa pigura ang Irian Jaya at Maluku Islands, na karaniwang itinuturing na nasa Oceania (Melanesia/Australasia).
  10.   Ang kabeserang administratibo ng Myanmar ay opisyal na inilipat mula Naypyidaw sa isang militarised greenfield na nasa kanluran ng Pyinmana noong 6 Nobyembre 2005.