Pumunta sa nilalaman

Wikang Gitnang Bikol

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Bikol
Central Bikol
bicolano central
Katutubo saPilipinas
RehiyonBicol
Mga natibong tagapagsalita
(2.5 milyon ang nasipi 1990 census)
Ika-7 pinakasinasalitang katutubong wika sa Pilipinas[1]
Latin;
sinaunang sinusulat sa pamamagitan ng Baybayin
Opisyal na katayuan
Kabikulan
Pinapamahalaan ngKomisyon ng Wikang Filipino
Mga kodigong pangwika
ISO 639-3bcl

Ang Gitnang Bikol na karaniwang tinatawag ding Bikol Naga ay ang pinakasinasalitang wika sa Rehiyon ng Bikol sa timog ng Luzon. Ginagamit ito sa hilaga at kanlurang bahagi ng lalawigan ng Camarines Sur, sa ikalawang distrito pangkinatawan ng Camarines Norte, silangang bahagi ng Albay, hilagang-silangang bahagi ng Sorsogon, sa bayan ng San Pascual sa Masbate, at timog-kanlurang bahagi ng Catanduanes. Nakabatay ang pamantayan nito sa diyalektong sinasalita sa bayan ng Canaman.

Sa Gitnang Bikol, mayroong mga bokabularyo na hindi mahahanap sa ibang wikang Bikol ni sa ibang miyembro ng Gitnang Pilipinong pamilya ng wika tulad ng Tagalog at Sebwano. Kabilang sa mga halimbawa nito ang mga salitang matua at bitis na salitang Kapampangan din na may kahulugang mas matanda at paa/mga paa ayon sa pagkabanggit. Halimbawa rin ang salitang banggi (gabi) na kakaiba mula sa karaniwang salitang Bikol na "gab-i" ngunit mas malapit sa bengi ng Kapampangan. Walang pormal na pagsusuri tungkol sa kaugnayan ng mga wikang Gitnang Luzon sa Gitnang Bikol ngunit ang ikalawa ay may ilang salita na mahahanap sa makalumang anyo ng Tagalog na sinasalita sa mga probinsyang Rizal at Quezon na pinaniniwalaang tahanan ng mga Gitnang Pilipinong wika tulad ng Kapampangan sa Pampanga at Timugang Tarlac, at wikang Sambaliko sa probinsyang Zambales.

Mga diyalekto

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Bikol Sentral ay isang diyalekto sa Coastal Bikol na nakabatay sa Canaman, Camarines Sur at ang pundasyon ng Pamantayang Bikol, kasama ang Bikol - Naga, na nakabatay sa Lungsod ng Naga, ay nauunawaan ng halos lahat ng mananalita ng Bikolano. Sinasalita ito sa una, ikalawa (maliban sa bayan ng Del Gallego kung saan ang mga naninirahan dito ay mananalita ng wikang Tagalog), ikatlo at iba pang mga bayan sa ika-apat na distrito (Tinambac, Siruma, Garchitorena at Presentacion) ng Camarines Sur. Mayroon din mga mananalita sa bayan ng San Pascual sa hilagang bahagi ng Pulong Burias sa lalawigan ng Masbate.

Ang Bikol - Legazpi ay sinasalita sa silangang bahagi ng Albay na nakabatay sa Lungsod ng Legazpi at sa mga ibang parte ng hilagang bahagi ng lalawigan ng Sorsogon.

Ang iba pang mga diyalekto ay kinabibilangan ng Bikol - Daet, na sinasalita sa Daet at sa ikalawang distrito ng Camarines Norte, ang Bikol - Partido, na sinasalita sa ilang bayan ng ika-apat na distrito (Goa, Lagonoy, Ocampo, Sagñay at San Jose) ng Camarines Sur at Bikol - Virac sa Virac, San Andres at sa katimugang bahagi ng Caramoran sa Catanduanes.

Mga paghahambing ng mga iba't-ibang dialektong Bikolano

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Wikang Tagalog / Filipino Pamantayang Bikol (Canaman) Diyalektong Bikol - Naga Diyalektong Bikol - Partido Diyalektong Bikol - Legazpi Diyalektong Bikol - Daet Diyalektong Bikol - Virac Wikang Riŋkonāda (Iriga) Wikang Sorsoganon (Bisakol)
Bakit nga kaya hindi lumipad ang ibon ni Pedro kahit na walang kandado ang kulungan. Tàdaw tà dài luminayog an gamgam ni Pedro dawà na dai nin kandado an hawla? Tâno daw tà dài naglayog an gamgam ni Pedro dawà na mayò nin kandado si hawla? Hadáwê naglayog an gamgam ni Pedro máski na mayò nin kandado su hawla? Natà daw tà dài naglayog an bayong ni Pedro máski na warâ ki kandado su hawla? Bakin daw kayâ dài naglupad ang ibon ni Pedro máski na mayong kandado si hawla? Ngatà daw tà dài nagḽayog an gamgam ni Pedro máski na dàing kandado su hawla? Ta'onō/Ŋātâ raw tâ diri naglayog adtoŋ bayoŋ ni Pedro dāwâ na ədâ ka kandado su awlā? Nakay daw kay diri naglupad an tamsi ni Pedro maski na warâ san kandado su hawla?

Katulad ng mga ibang wikang Pilipino, may mga hiram na salita ang Bikol, karamihan sa Kastila dahil sa 333 taon ng pananakop ng Kastila sa Pilipinos. Kasama rito ang swerte (kapalaran), karne (laman, ulam), imbestigador (tagapagsiyasat), litro, pero (ngunit), at krimen (pagkakasala). Isa pang pinagmulan ng mga hiram na salita ang Sanskrit, na may salita tulad ng hadi (hari), bahala (pananagutan) at karma.

May 16 katinig sa wikang Bikol: /p, b, d, t, k, ɡ, s, h, m, n, ŋ, l, ɾ, j~ʝ, w~ʋ, ʔ/. Hiniram ang walong tunog mula sa mga hiram na salita: /f, v, tʃ, dʒ, ʃ, ʒ, ʎ, ɲ/. Itinala ang tatlong patinig bilang /a, i, u/. Ginagamit ang mga patinig na /e, o/ mula sa Kastila.

  Absolutibo Ergatibo Oblik
Pang-isahang ika-1 tao akó ko sakuyà, sakô
Pang-isahang ika-2 tao iká, ka mo saimo, sìmô
Pang-isahang ika-3 tao siya, niya saiya
Pangmaramihang kabilang ang ika-1 tao kita niyatò, tá satuyà, satô
Pangmaramihang di-kabilang ang ika-2 tao kamí niyamò, mi samuyà, samô
Pangmaramihang ika-2 tao kamó nindó saindó
Pammaramihang ika-3 tao sindá nindá saindá
  • bagá – nagpapahayag ng pagdududa o pag-aatubili
  • bayâ – pagbibigay ng pagkakataon sa isang tao; magalang pagpilit
  • dàa – (Tagalog: daw) pagsipi ng impormasyon mula sa isang pangalawang sanggunian
  • daw – (Tagalog: ba/kaya) katagang patanong
  • garó – (Tagalog: mukhang, parang) pagkakahawig o pagkakatulad
  • gayo – "sakto"
  • daing gáyo – "hindi eksakto, hindi talaga"
  • gayód – (Tagalog: bakâ) "marahil, maaaring magaing"
  • giraray / liwát – muli
  • kutâ (na) – "sana nangyari / hindi nangyari"; "Kung sana lang ..." (kondisyonalidad ng mga nakaraang pangyayari)
  • lamang, lang / saná – lang
  • lugód – umaasa na may mangyayari, o pagpapahayag ng pagsuko
  • man – din, rin (tulad ng ano man 'anuman' at siisay man 'sinuman')
  • mûna / ngûna – Tagalog: muna
  • na – na
  • naman – naman
  • nanggad – talaga, nga (nagdaragdag ng katiyakan)
  • niyakò – "sinabi ko"
  • nganì – nagpapahayag ng kapalaran ("Walang magagawa") o pakiusap sa iba na huwag ipilit
  • ngantìg – nag-uulat ang isang bagay na sinabi sa isang ikatlong tao
  • ngapit – "pagkatapos," "kung sakaling," "sa panahon / habang" (tagal ng panahon)
  • ngayá – paggalang sa paghingi ng impormasyon ("kaya," "tingnan natin")
  • pa – pa
  • palán – pala
  • pò – po; "tabí" sa ibang diyalekto ng Bikol
  • tulos (- túlos) – agad-agad

May tig-dalawang pangalan para sa mga bilang sa Bikol – ang mga pangalan mula sa katutubong Bikol at Kastila. Karaniwang ginagamit ng mga Bikolano ang mga salitang Kastila kapag pinag-uusapan ang oras tulad ng Alas singko (5:00). Gayunpaman, mababasa ang mga katutubong bersyon sa mga pampanitikang aklat. Makakasalubong din ang mga salitang Kastila sa pagpepresyo.

Isang kalahati.
Kabangâ / Mediya
Isa.
Sarô / Uno / Una (ginagamit lang sa oras)
Dalawa.
Duwá / Dos
Tatlo.
Tuló / Tres
Apat.
Apát / Kwatro
Lima.
Limá / Singko
Anim.
Anóm / Sais
Pito.
Pitó / Siyete
Walo.
Waló / Otso
Siyam.
Siyam / Nuwebe
Sampu.
Sampulò / Diyes
Labinlima.
Kaglimá / Kinse
Dalawampu.
Duwampulò / Beynte(Baynte)
Dalawampu't lima.
Duwampulò may lima / Beynte(Baynte) i singko
Tatlumpu.
Tulompulò / Treyntá
Tatlumpu't lima.
Tulompulò may lima / Treynta i singko
Apatnapu.
Apát na pulò / Kuwarenta
Apatnapu't lima.
Apát na pulò may lima / Kuwarenta i singko
Limampu.
Limampulò / Singkuwentá
Limampu't lima.
Limampulò may lima / Singkuwenta i singko
Animnapu.
Anóm na pulò / Sisenta
Animnapu't lima.
Anóm na pulò may lima / Sisenta i singko
Pitumpu.
Pitompulò / Setenta
Pitumpu't lima.
Pitompulò may lima / Setenta i singko
Walumpu.
Walompulò / Otsenta
Walumpu't lima.
Walompulò may lima / Otsenta i singko
Siyamnapu.
Siyam na pulò / Nobenta
Siyamnapu't lima.
Siyam na pulò may lima / Nobenta i singko
Isang daan.
Sanggatós /Siyen, Siyento
Isang libo.
Sangribo / Mil

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Philippine Census, 2000. Table 11. Household Population by Ethnicity, Sex and Region: 2000
  • Lobel, Jason William, Wilmer Joseph S Tria, and Jose Maria Z Carpio. 2000. An satuyang tataramon / A study of the Bikol language. Naga City, Philippines: Lobel & Tria Partnership, Co.: Holy Rosary Minor Seminary.

Mga kawing na panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]