Pumunta sa nilalaman

Pransiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Franco)
Republikang Pranses
République française (Pranses)
Watawat ng Pransiya
Watawat
Eskudo ng Pransiya
Eskudo
Salawikain: Liberté, égalité, fraternité
"Kalayaan, Kapantayan, Kapatiran"
Awitin: La Marseillaise
"Ang Marsellesa"
Kinaroroonan ng  Pransiya  (blue or dark green)

– sa Europe  (green & dark grey)
– sa the European Union  (green)

Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Paris
48°51′N 2°21′E / 48.850°N 2.350°E / 48.850; 2.350
Wikang opisyal
at pambansa
Pranses
KatawaganPranses
PamahalaanUnitaryong republikang semi-presidensyal
• Pangulo
Emmanuel Macron
Gabriel Attal
LehislaturaParlamento
• Mataas na Kapulungan
Senado
• Mababang Kapulungan
Pambansang Asembleya
Kasaysayan
25 Disyembre 800
10 Agosto 843
• Kaharian
3 Hulyo 987
24 Mayo 1337
5 Mayo 1789
18 Mayo 1804
4 Setyembre 1870
27 Oktubre 1946
4 Oktubre 1958
Lawak
• Kabuuan
643,801 km2 (248,573 mi kuw) (42nd)
• Katubigan (%)
0.86 (2015)
551,695 km2 (213,011 mi kuw)
• Metropolitan France (Cadastre)
543,940.9 km2 (210,016.8 mi kuw)
Populasyon
• Pagtataya sa January 2023
Neutral increase 68,042,591 (20th)
• Density
105.4627/km2
• Metropolitan France, estimate magmula noong January 2023
Neutral increase 65,834,837
• Densidad
121/km2 (313.4/mi kuw) (89th)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $3.868 trilyon (10th)
• Bawat kapita
Increase $58,765[1] (27th)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $3.049 trillion[1] (7th)
• Bawat kapita
Increase $46,315[1] (23th)
Gini (2022)29.8[2]
mababa
TKP (2021)Increase 0.903[3]
napakataas · 28th
Salapi
Sona ng orasUTC+1 (Central European Time)
• Tag-init (DST)
UTC+2 (Central European Summer TimePadron:Efn-ur)
Note: Various other time zones are observed in overseas France.Padron:Efn-ur
Although France is in the UTC (Z) (Western European Time) zone, UTC+01:00 (Central European Time) was enforced as the standard time since 25 February 1940, upon German occupation in WW2, with a +0:50:39 offset (and +1:50:39 during DST) from Paris LMT (UTC+0:09:21).
Ayos ng petsadd/mm/yyyy (AD)
Gilid ng pagmamanehokanan
Kodigong pantelepono+33Padron:Efn-ur
Internet TLD.frPadron:Efn-ur
Source gives area of metropolitan France as 551,500 km2 (212,900 sq mi) and lists overseas regions separately, whose areas sum to 89,179 km2 (34,432 sq mi). Adding these give the total shown here for the entire French Republic. The World Factbook reports the total as 643,801 km2 (248,573 sq mi).

Ang Pransiya (Pranses: France), opisyal na Republikang Pranses, ay bansa na pangunahing matatagpuan sa Kanlurang Europa. Pinapaligiran ito ng Belhika at Luksemburgo sa hilaga, Alemanya sa hilagang-silangan, Bambang ng Inglatera sa hilagang-kanluran, Suwisa sa silangan, Karagatang Atlantiko sa kanluran, Espanya at Andorra sa timog-kanluran, Italya at Monaco sa timog-silangan, at Dagat Mediteraneo sa timog. Sumasaklaw ito ng lawak na 643,801 km2 at tinatahanan ng mahigit 68.4 milyong mamamayan. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Paris.

Ito ay pinaliligiran sa timog ng Espanya, Andorra, Monaco at Dagat Mediterraneo, sa hilaga at kanluran ng Karagatang Atlantiko, at sa silangan ng Belhika, Luxembourg, Alemanya, Suwisa, at Italya.

Ang pangalang Pransiya ay hinango sa salitang Latin na Francia, na ang ibig sabihin ay "Lupain ng mga Prangko". Maraming mga teorya ang nagsasabi ng pinagmulan ng pangalan ng mga Prangko.

Ang Republikang Pranses ay isang unitaryong semi-pampanguluhan na republika na may matibay na tradisyong demokratiko. Ang konstitusyon ng Ikalimang Republka ay inaprubahan ng isang reperendum noong 28 Setyembre 1958. Ito ang lalong nagpatibay sa autoridad ng tagapagpaganap sa relasyon nito sa tagapagbatas. Ang sangay tagapagpaganap ay may dalawang pinuno: ang Pangulo ng Republika, na Pinuno ng Estado at direktang inihahalal ng mga mamamayan para sa limang-taong panunungkulan (dating pitong taon), at ang Pinuno ng Pamahalaan, na pinamumunuan ng itinalagang Punong Ministro.

Pagkakahating Pampangasiwaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang 22 rehiyon at 96 na departamento ng metropolitanong Pransiya na kinabibilangan ng Corsica (Corse, ibabang kanan). Ang Paris ay pinalaki rin. (Nasa loob gawing kaliwa)

Ang Pransiya ay nahahati sa 27 rehiyong pampangasiwaan, 22 ay nasa metropolitanong Pransiya (21 ay nasa kontinental na bahagi ng metropolitanong Pransiya); ang isa ay ang teritoryong kolektibo ng Corsica, at ang lima ay mga dayuhang rehiyon. Ang mga rehiyon ay nahahati sa 101 mga departamento na may bilang (pangunahing naka-alpabeto). Ang mga bilang ay gamit sa mga kodigong postal at mga bilang ng mga plaka ng sasakyan.

Ang panitikang Pranses ay ang panitikan ng Pransiya o, sa pangkalahatan, ang panitikang nakasulat sa wikang Pranses, partikular na ng mga mamamayan ng Pransiya, kahit na ang manunulat ay hindi nagmula sa Pransiya. Maaari rin itong tumukoy sa panitikan isinulat ng mga taong naninirahan sa Pransiya na nagsasalita ng tradisyunal na mga wika ng Pransiya kahit na hindi wikang Pranses. May mga bansa ding bukod sa Pransiya na nagsasalita ng Pranses. Kabilang sa mga bansang ito ang Belhika, Suwesya, Canada, Senegal, Alherya, Moroko, at iba pa. Ang panitikang ganito, na isinulat ng mga mamamayan ng mga nabanggit na mga bansa ay tinaguriang panitikang Prankopono. Magmula noong 2006, ang mga manunulat ng Pranses ay nagawaran ng mas maraming mga Premyong Nobel sa Panitikan kaysa mga nobelista, mga makata, at mga tagapagsanaysay ng iba bang mga bansa. Ang Pransiya mismo ay nakahanay bilang una sa talaan ng mga Premyong Nobel sa panitikan ayon sa bansa.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang IMFWEO.FR); $2
  2. "Gini coefficient of equivalised disposable income – EU-SILC survey". ec.europa.eu. Eurostat. Nakuha noong 25 Nobyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Human Development Report 2021/2022" (PDF) (sa wikang Ingles). United Nations Development Programme. 8 Setyembre 2022. Nakuha noong 8 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)