Pumunta sa nilalaman

Nick Joaquin

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Nick Joaquin
Kapanganakan
Nicomedes Márquez Joaquín

4 Mayo 1917
Kamatayan29 Abril 2004
NasyonalidadPilipino
LaranganPanitikan
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas

Panitikan
1976

Si Nick Joaquin, pinanganak na Nicomedes Márquez Joaquín, ay isang Pilipinong manunulat, mananalaysay ng kasaysayan at mamamahayag at kilala sa pagsusulat ng mga maikling kuwento at nobela sa wikang Inggles pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dahil sa maraming karanasan noong panahon ng digmaan, ang paksa ng kanyang mga tula ay iba-iba ukol sa makatotohanan at buhay na buhay kaya malapit sa karanasan ng mga mambabasa. Kinikilala rin siyang Quijano de Manila bilang pangalang-panulat.

Siya ay ipinalalagay na isang higante sa larangan ng pagsusulat. Ang wika ng kanyang panulat ay malambing at masining.

Isinilang si Joaquin sa Paco, Maynila. Siya ay anak nina Leocadio Joaquín, isang abogado at koronel sa Himagsikang Pilipino, at Salome Marquez. Hindi nagtapos ng mataas na paaralan at naghahanapbuhay nang di karaniwan sa may baybayin ng Maynila sa kung saan man. Tinuruan sa sarili sa pamamagitan ng malawakang pagbabasa sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas at sa aklatan ng kanyang ama kung saan lumawak ang kanyang hilig sa pagsusulat. Unang inilathala ang likha ni Joaquin sa bahaging pampanitikan ng Tribune, isang pahayagang bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa ilalim ni Serafin Lanot, isang manunulat at patnugot.

Larawan ni Nick Joaquin na iginuhit ni BenCab

Pagkatapos ng pagkapanalo sa pangmalawakang-bansang paligsahan ng pagsusulat ng sanaysay sa La Naval de Manila na pinamahala ng Dominikano, iginawad ng Pamantasan ng Santo Tomas si Joaquin ng pandangal na Kolega sa Sining (A. A.) at pagpapaaral sa Kolehiyo ng St. Albert, ang monasteryong Dominikano sa Hong Kong. Gayumpaman, hindi niya itinuloy pagkatapos ng halos isang taon. Pagkauwi niya sa Pilipinas, sumanid siya sa Philippines Free Press, nagsimula bilang manunuri sa pagbabasa. Sa katagalan, nakilala siya ukol sa kanyang mga tula, kuwento at dulaan, ganundin ang kanyang pamamahayag sa ilalim ng kanyang panulat na pangalang Quijano de Manila. Ang kanyang pamamahayag sa pagsusulat ay nakatatak nang pangkatalinuhan at mapang-akit, isang di-nakikilalang uri sa Pilipinas sa panahong iyon, inaangat ang antas ng pagbabalita sa bansa.

Naglingkod si Joaquin bilang kasapi ng Lupon ng mga Tagapuna para sa mga Gumagalaw na Larawan sa ilalim ng Pangulong Diosdado Macapagal at Pangulong Ferdinand E. Marcos. Ayon kay Marra PL. Lanot, isang manunulat, hindi ginagalaw si Joaquin ng kamay na bakal ni Marcos. Ang unang hakbang ni Joaquin bilang Pambansang Alagad ng Sining ay maging panatag sa pagpapalaya ng nakulong na manunulat na si Jose F. Lacaba. Sa isang seremonya sa Bundok Makiling na pinangunahan ng Unang Ginang Imelda Marcos, nagpahayag si Joaquin sa panawagan ng Mariang Makiling, isang alamat na dalaga ng bundok. Nadama niya ang kahalagaan ng kalayaan at ang artista. Bilang bunga, hindi na siya inanyayaahan na magpahayag ng anumang mga mahahalagang kaganapang pangkultura.

Sumakabilang-buhay si Joaquin sa edad na 87 taong gulang dahil sa atake sa puso sa umaga ng 29 Abril 2004 sa kanyang tahanan ng San Juan, Kalakhang Maynila. Sa kapanahunan ng kanyang kamatayan, siya ay patnugot ng magasing Philippine Graphic at tagalathala ng pahayagang Mirror Weekly, isang magasing pangkababaihan. Sumulat din siya ng mga lathalaing Small Beer para sa Philippine Daily Inquirer at Isyu, isang tabloyd na pang-opinyon.

Ang Tatarin', isang pelikula batay sa kanyang maikling kuwentong The Summer Solstice, ay nasa direksiyon ni Amable “Tikoy” Aguiliz at ipinalabas noong 2001. Isinulat para sa dulang pansine ni Ricardo Lee at sumasangguni kay Nick Joaquin para sa kanyang paglalarawan. Ang mga gumanap na mga sikat na Pilipinong aktor na sina Edu Manzano (Paeng Moreta), Dina Bonnevie (Lupe Moreta), Rica Peralejo (Amada) and Raymond B. Bagatsing.

Si Doveglion & Iba pang mga Kameo
Si Joseph Estrada & Iba pang Guhit-banghay
Ang mga Kumpletong Tula at Dulaan ni Jose Rizal na Isinalin ng Nick Joaquin
G. F.E.U., ang Bayaning Kultura na si Nicanor Reyes
Kultura at Kasaysayan

Ang katipunan ng kanyang mga sinulat na tula at kuwento ay makikita sa isang aklat na may pamagat na Prose and Poems. Ito ay nagtataglay ng labing-siyam na tula na nagsisimula sa tulang The Innocense of Solomon at nagtatapos sa tulang Landscape Without Figures.

Hinangaan nang taimtim ni Joaquin si Jose Rizal, ang pambansang bayani ng Pilipinas kaya hinandog niya sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga aklat tulad ng The Storyteller's New Medium - Rizal in Saga, The Complete Poems and Plays of Jose Rizal, at A Question of Heroes: Essays in Criticism on Ten Key Figures of Philippine History. Isinalin rin niya ang tula ng pamamaalam ng pambansang bayani, "Land That I Love, Farewell!"

Ang kanyang mga aklat

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Prose and Poems (Mga Tuluyan at Patula) (1952)
  • The Woman Who had Two Navels (Ang Babae na may Dalawang Pusod) (1961)
  • La Naval de Manila and Other Essays (La Naval de Manila at Iba pang Sanaysay) (1964)
  • A Portrait of the Artist as Filipino (Ang Larawan ng Makata bilang Pilipino) (1966)
  • Tropical Gothic (Gotikong Tropikal) (1972)
  • The Complete Poems and Plays of Jose Rizal (Ang mga Kumpletong Tula at Dulaan ni Jose Rizal) (1976)
  • A Question of Heroes (Isang Kwestyon sa mga Bayani) (1977)
  • Nora Aunor & Other Profiles (Si Nora Aunor & Iba pang Katangian) (1977)
  • Ronnie Poe & Other Silhouettes (Ronnie Poe & Iba pang Aninag ng Bagay) (1977)
  • Reportage on Lovers (Pagbabalita sa Pag-ibig) (1977)
  • Reportage on Crime (Pagbabalita sa Krimen) (1977)
  • Amalia Fuentes & Other Etchings (Si Amalia Fuentes & Iba pang Pag-uukit sa Bakal) (2012)
  • Gloria Diaz & Other Delineations (Si Gloria Diaz & Iba pang Delinasyon) (1977)
  • Doveglion & Other Cameos (Si Doveglion & Iba pang mga Kameo) (1977)
  • Manila: Sin City and Other Chronicles (Maynila: Makasalanang Lungsod at Iba pang Kronika) (1977)
  • Tropical Baroque (Tropikal na Baroque) (1979)
  • Stories for Groovy Kids (Mga Kuwento para sa mga Batang Kasiya-siya) (1979)
  • Language of the Street and Other Essays (Ang Wika ng mga Kalsada at Iba pang mga Sanaysay) (1980)
  • The Ballad of the Five Battles (Ang Kurido ng mga Limang Labanan) (1981)
  • The Aquinos of Tarlac: An Essay on History as Three Generations (Ang mga Aquino sa Tarlak: Isang Sanaysay sa Kasaysayan bilang Tatlong Salinlahi) (1983)
  • Almanac for Manileños (Almanak para sa mga Taga-Maynila)
  • Cave and Shadows (Ang Yungib at mga Anino) (1983)
  • The Quartet of the Tiger Moon: Scenes from the People Power Apocalypse (Ang Apatang Pangkat ng Tigreng Buwan: Mga Tagpo ng Apokalipsis ng Lakas Sambayanan) (1986)
  • Collected Verse (Nilikom na Panulaan) (1987)
  • Culture and History: Occasional Notes on the Process of Philippine Becoming (Kultura at Kasaysayan: Mga Madalang na Tala sa Proseso ng Pagiging Pilipinas) (1988)
  • Manila, My Manila: A History for the Young (Maynila, Aking Maynila: Isang Kasaysayan ukol sa Bata) (1990),
  • The D.M. Guevara Story (Ang Kuwento ni D.M. Guevara) (1993),
  • Mr. F.E.U., the Culture Hero That Was Nicanor Reyes (G. F.E.U., ang Bayaning Kultura na si Nicanor Reyes) (1995).
  • Rizal in Saga (Rizal sa Maalamat na Tuluyan) (1996)


  • Nick Joaquin: Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan, mula sa Panitikan.com
  • Nick Joaquin sa Encyclopædia Britannica Online
  • Hebbar, Reshmi (1998). "Panitikang Pilipino-Amerikano".{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) sa Pamantasang Emory, websayt ng Kagawaran ng Wikang Inggles
  • Nick Joaquin mula sa Answers.com

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]